Chapter 18

1352 Words
Camille Pov "Hash anak, tawagin mo na ang Daddy mo para makakain na tayo." pitong buwan na din ang nakalipas nung maikasal kami ni Rogelio. Ginusto ko namang maikasal sa kanya dahil mahal ko siya pero ang laki na ng ipinagbago niya. Abot ko na siya, asawa ko na siya pero lalo naman itong lumayo sa akin. Magkasama kami sa iisang bahay ngunit hindi naman kami nagsasama bilang mag-asawa. Kausapin man niya ako pero madalang pa sa patak ng ulan. "Yes po mama." sagot ng aking anak. Oo, nasa amin na si Hash. Pero mas madalas nasa bahay parin siya ni Ashlee. Hindi naman ako nagrereklamo dahil sila naman ang nakagisnan niyang magulang. Ayos lang sa akin yun. Ang importante pinatawad na ako ng anak ko at kinikilala na niya akong mama niya. "Mama, mauna na daw po tayong kumain." tumango nalang ako saka lumingon sa opisina ni Rogelio sa loob ng aming bahay. "Elena, sabayan mo na kami kumain." tawag ko sa kasambahay na kinuha ng grandfather ni Rogelio. "Sige po mam." Sagot naman nito agad. Pamilya ang turing ko sa kanya kaya naman naging malapit din kami sa isa't-isa. "Di ba sinabihan na kita na Camille nalang o ate ang itawag mo sa akin?" nahihiya itong tumingin. "Nakakailang po kasi mam, este Ate Camille. Amo ko kayo." sabi niya. "Dito sa pamamahay na ito, hindi uso kung anong estado ng buhay meron ka. Galing din ako sa hirap kaya wag mong ituring na iba ang sarili mo." tinapik ko ang balikat nito. Ngumiti naman ito sa akin. "Okay let's eat. Stop those drama, okay." saway ni Hash. "Yes sir," sabay pa naming sagot kaya naman napatawa kaming tatlo. Hindi man namin madalas makasabay ang aking asawa ay nagiging masaya naman ang hapag-kainan dahil sa dalawa kong kasama. Ganon lang lagi ang takbo ng araw namin. Nagtatrabaho pa din naman ako sa hotel dahil ayaw kong maging pabigat at lalong ayaw kong umasa sa ibibigay na allowance sa akin ni Gel. Okay na din kami ni Ashlee. ------------ "Let's talk," bungad sa akin ni Rogelio isang araw. "Tungkol saan?" nagtataka ding tanong ko. "Look, Camille I saw all your efforts but I don't love you. And I will never ever love you." nasaktan ako sa sinabi niya pero ngumiti pa rin ako. "Alam ko naman iyon. Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko ulit. Pilit kong pinapatatag ang loob ko. Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako. "Camille, I want you to sign this." inilabas niya ang laman ng folder na hawak niya. Hindi ko ito napansin kanina. Kinuha ko ito at binasa. Laking gulat ko pagkakita ko dito dahil isa pala itong divorce agreement. Napatingin ako sa kanya. "Bakit Rogelio?" yun lang ang tanging lumabas na salita sa labi ko. "Camille, I want you to find a man who can love you back. Ibibigay ko ang lahat ng hihilingin mo. Pumayag ka lang na magdivorce tayo pagkatapos ng isang taon ng kasal natin. Tulad ng dati ngumiti na naman ako bago sumagot. "Okay kung yan ang gusto mo. Pero ayos lang ba saiyo na mawala lahat ng mamanahin mo.?" tanong ko. "I don't care kung wala akong mamanahin. Ayaw ko lang matali sa isang kasal na hindi ko kailanman ginusto. Ayaw kong sayangin ang panahon natin sa wala." masakit, masakit na masakit pero wala akong magagawa. Kaya tinanggap ko na lahat Tanggap ko na walang pag-asa na mapansin din ako ng isang Rogelio Ordinario Tan. "Kung may kailangan ka sabihin mo lang, lahat ng hihilingin mo ibibigay ko saiyo." niyakap ko siya na ikinabigla niya. "Sana maging masaya ka at mahanap mo ang babaeng papalit sa pangalan ni Ashlee. Papalayain kita hindi dahil pagod na ako kundi para lang maging masaya ka. Tandaan mo na minahal kita at mamahalin pa rin kita. Pwede pa naman tayong maging friend di ba?" doon na ako napaiyak. From boyish nagpahaba ako ng buhok, I change my style simula ikinasal kami pero hindi mo talaga matatalo ang tadhana. Kahit pilitin mo pang maging saiyo ang isang tao kung talagang hindi siya ang nakalaan para saiyo ay talo ka pa rin. And from that day I realized that I am just a big joke to everyone. Kailan ba ako nanalo sa lahat ng laban? Nagkasundo kami ni Rogelio na mananatili ako sa bahay na regalo sa amin ng kaniyang lolo hanggang matapos ang isang taon bago ako lumipad papuntang US. Umasa ako, at patuloy parin akong aasa na isang araw mapapansin din niya ako pero natapos na lahat-lahat ang isang taon ay hindi kailan man nagbago ang isip niya. ------------ United States "Camille, are you ready?" tanong sa akin ni Ralf. "Kailangan ba talaga sa bahay niyo ako titira?" tanong ko dito. "Wala namang problema iyon kina mommy. Gustong-gusto ka pa nga nilang nandoon eh." "Sigurado ka ah, baka naman magulat nalang ako isang araw singilin ako sa renta ng bahay niyo." saad ko. "Silly," ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa. "Thank you Raf." napatigil ito saka ako tinitigan. "I should be the one to say thank you." sabi naman niya. Nawiwirduhan ako simula nakilala ko siya. May mga bagay siyang sinasabi na di ko maintindihan. Parang kilala na niya ako noon pa pero di ko naman siya kilala kaya hinahayaan ko nalang. Sa mahigit isang taon na naging magkaibigan kami panay lang kabutihan ang ginawa niya para sa akin. Pinatayuan niya ng bahay ang pamilya ko at eto dinala niya ako dito sa US para daw makapagbagong buhay at makalimot. "Here we are. That's our house. Welcome to my world Camille." niyakap niya ako ng mahigpit. Nahihiya naman akong kumalas sa kanya. "Hehe, tama na ang pagwelcome sa akin. Wag mo na akong yakapin. Nakakahiya..." napatawa na naman siya sa akin. "You are still the same,just like before." sabi niya saka ako hinila. Nagdoorbell ito saka nagsalita sa tapat ng intercom. "Mom, Dad we are here." unti-unting bumukas ang pinto. Ngayon pa ako nakaramdam ng hiya. Gosh baka isipin nila nagtanan kami. "Relax,they will not eat you." pinisil niya ang palad ko. Ngayon ko lang din napansin na kanina pa pala kami magkahawak-kamay. Hihilain ko na sana ito pero mas hinigpitan niya ang hawak niya. "Welcome home son." niyakap siya nito. Hinalikan niya sa noo ang kaniyang ina at yumakap din ito sa lalaking kamukha niya. "Mom, Dad, it's her." ano kayang it's her? "Wow, you really take her with you..." sabi ng mommy niya. "Welcome to our house Camille." ngumiti ako. Hindi na ako nagtaka kung bakit kilala nila ako agad. Baka naikwento na ako sa kanya ni Raf. "Hello mam, sir" sabi ko. Kumunot ang noo ng ginang. "Just call me tita, okay. Halika dito..." hinila na niya ako palayo kay Raf. Nginitihan naman ako ng isa. Mahilig talaga silang manghila. "Ang laki-laki mo na, ang liit mo palang nong una kitang nakita." napalingon ako dito. "Nakita niyo na po ako noong maliit ako?" tanong ko. "Oo naman, madalas ka sa kabilang lote noon maglaro. " "Kilala niyo po ako talaga?" tanong ko na naman. "Hindi naman kilalang-kilala pero nakikita na kita noon." tumango nalang ako. Pumasok kami sa isang kwarto. "Ito ang magiging kwarto mo. Ipinahanda ko na." nasamid ako. "Po? Alam niyo pong pupunta ako dito?" tanong ko na naman. "Hindi pero alam kong makakarating ka dito kaya ipinahanda ko na." advance din pala ito mag-isip. Pero paano? Bakit? Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto. At katulad sa mansion ni Raf sa pinas may mga paintings ding nakasabit na kaparehas na kaparehas ng mga ito. Kinuha ko ang frame ng batang babae na naglalaro ng sand castle. Ewan ko kung bakit parang kilala ko ito. "Ang cute-cute mo diyan no?" tanong sa akin ng ginang. "Ako? Ito?" turo ko. Kumunot ang noo niya. "Oo ikaw yan, hindi mo ba naalala?" sasagot na sana ako nung bumukas ang pinto. Madami akong katanungan pero hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Kilala kaya nila ako noon pa? Kaya ba tinutulungan ako ni Raf? Pero paano? At anong connection ko sa buhay nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD