Chapter 17

1323 Words
Camille Pov Pauwi na ako sa aking apartment nong may napansin akong sasakyang bubuntot-buntot sa akin. Noong una ay tataka ako kung bakit ako sinusundan pero nong ibinaba niya ang bintana ay nakilala ko din ito. Hindi naman kasi ang sasakyang ginamit niyang naghatid sa akin kanina ang gamit niyang sasakyan ngayon. "Hop in, ihahatid na kita." Ewan ko kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya na hindi ko siya kayang tanggihan. Pero syempre magpapakipot muna ako. "Hindi na kailangan dahil malapit lang naman ang tirahan ko." "No,I insist." pagpupumilit niya. Maglalakad nalang sana talaga ako nung biglang kumulog kasunod ang pagbagsak ng ulan. "Hey, I told you ihahatid na kita." magpapakipot pa ba ako eh di nabasa na ako nito. "Basa ka na." natawa ako sa tinuran nito dahil hindi naman ako basa. Napatakan ako ng ulan pero nakasakay naman ako agad. "Why are you laughing?" sabi pa niya. "Ang OA mo kasi. Napatakan lang konti ng ulan basa na agad?" "What if hindi kita nakita?" Hindi nakita? Eh di ba kanina ka pa nga nakabuntot? Inismiran ko ito. "What's that for?" tanong na naman niya. "Eh kanina ka pa kaya nakabuntot sa akin." wika ko. "Nataon lang naman na napadaan ako dito eh nakita kita." napailing nalang ako. "Eh? Di nga?" naaaliw kong sambit. "Okay, I admit. Gusto sana kitang ayain sa bahay ko. Doon ka na din magdinner. Ihahatid din kita after." tinaasan ko siya ng kilay. Para naman itong napahiya. "Kung okay lang saiyo." dugtong pa niya. Actually wala naman talaga akong balak tumambay sa bahay kaya di na rin siguro masama kung makikikain nalang ako, tutal mag-isa ko lang din naman. "Okay pero maaga din akong uuwi. May trabaho pa kasi ako bukas." Sumilay ang mga ngiti sa labi nito. "Salamat, gusto ka din kasi makita ni Yaya." sabi pa niya. "Yaya mo? Bakit naman?" tanong ko. "I dunno." maigsing sagot niya. Tumahimik nalang ako hanggang sa makapasok ang sasakyan niya sa kanyang bakuran. Ngayon ko lang napagmasdan ito ng maigi. Para pala siyang nakatira sa palasyo. May flower garden, fountain and may statue pa ni mama Mary. Meron din pond na may mga koi fish at swimming pool naman sa malapit ng gazebo. "Do you want to explore my house?" umiling ako, kasi nakita ko naman na ang iba. Nakakahiya na din kung feeling turista pa ako. "Hindi na, pasok nalang tayo." Iginaya niya ako papasok. Heto na naman ako sa loob. Pangalawang beses na akong nakapasok dito ngunit di pa rin ako nasanay sa mga nakikita kong karangyaan sa loob. Ang mga naglalakihang paintings na akala mo nasa loob ka ng museum. Naglakad-lakad ako sa pinakasala habang iniisa-isang busisiin ang mga nakasabit na displays. May napansin akong painting na katulad nung nasa art room niya na mag-ina at sa tabi nito isang batang babae ding naglalaro ng sand castle. Pero bakit pamilyar sa akin ang dalawang batang babae at damit nung nakakarga sa kaniya. Hindi ko alam na nakasunod din pala ito sa akin. "She is my saviour." Nagulat pa ako dahil bigla nalang itong nagsalita. Sinundan ko ang itinuturo niya. "Batang babae? Saviour mo? Galing ah." pero para talaga siyang pamilyar sa akin. Hindi makita ang mukha niya dahil nakayuko ito. Ganun din ang isang painting na karga nung babae. "Yes, she is my saviour. My life belongs to her." naubo ako. Paano namang "my life belongs to her" gusto kong itanong ngunit nakita ko ang kaseryosohan niya kaya habang nakatitig sa mukha ko kaya tumahimik nalang ako. "Nasan na siya?" Tinignan niya ako. "I already found her but I don't know if she still remembered the risk she did before just to save me." nakatitig ito sa mata ko habang sinasabi niya iyon na parang may gusto siyang ipaalala. "Eh di ipaalala mo. At bakit mo pala nasabing you found her." tanong ko na naman. "It's because my parents took me in the US after the accident." tumango-tango ako. "Naamnesia ba siya na di ka niya maalala?" "I dunno, pero nakita ko na siya." "Good to know, sana nga magkita na kayo at makilala ka niya." sagot ko. "Nagkita na kami, but she doesn't know anything. Maybe you're right. Baka nga nagkaamnesia siya." sabi pa niya. "Anong pangalan niya, baka naman kakilala ko." umiling lang ito. "Someday, kapag nalaman ko na kung anong nangyari sa kanya that day." hindi na ako nagpumilit. Tinawag na din kami ng isang katulong. Hindi pa man kami natatapos kumain ay may tumawag na sa kanya. Nag-excuse lang ito saka lumabas ng dining. Isa-isa namang nagsilapitan sa upuan ko ang apat niyang katulong maliban nalang sa yaya nito. "Mam, anong meron kayo ni senyorito?" "Mam alam mo bang ikaw palang ang kauna-unahang babaeng dinala niya dito." "Mam anong natipuhan saiyo ni senyorito." Nasamid ako sa sunod-sunod nilang tanong. "Magsikain na kayo. Huwag niyo ngang iniistorbo si Camille." paninita naman nung yaya niya. "Last nalang po manang., Mam, kelan ang kasal niyo." Mas lalo akong napaubo-ubo. Agad akong inabutan ni yaya ng tubig. "Pagpasensyahan mo na sila iha, ngayon lang kasi talaga nagdala si Raf dito ng babae. Talagang tinupad niya iyong pangako niya na ikaw lang ang dadalhin niya dito." nagtaka ako. Magtatanong sana ako dito nung biglang pumasok si Raf. "What happened?" nag-aalalang tanong niya. "Wa-wala. Nasamid lang ako." napatitig ako sa magaganda niyang mata. ---------- Rogelio Pov Nandito ako sa harap ng apartment ni Camille pero wala siya. Anong oras na pero di parin ito umuuwi. Nais ko muna sana siyang kausapin bago ako bumalik sa China. Hindi ko alam na nabuntis ko siya noon. Isang gabi lang iyon pero nagbunga agad. And thanks God dahil ligtas na ang anak ko. Ang bunga ng isang pagkakamali. Now that I have a son, gusto kong ako naman ang mag-alaga sa kanya. Gusto kong ipaalam ito sa aming lolo. Baka sakaling tigilan na din niya ang pagbubuyo sa akin kay Ashlee. Mabilis na dumaan ang araw at buwan, tuluyan na ngang gumaling si Hash. At alam na din nito ang totoo. Sa di inaasahang pangyayari naikasal ako sa ina ng anak ko. Ang babaeng ni minsan di ko pinangarap maging asawa Dahil habang nagpaplano kami kung paano mababali ang desisyon nila lolo na maikasal kami ni Ashlee ay nagpaplano din pala ito para sa aming apat. Ashlee and Hammer, Me and Camille. Sa ayaw at sa gusto namin kami ang nahulog sa sarili naming laro. No, ako lang pala dahil set up din nilang tatlo ang maikasal kaming dalawa. Naging madali nga lang ang lahat dahil na din sa grandfather namin. And I hate it... May condition ito sa amin, kapalit ng manang matatanggap namin ni Ashlee pero hindi mahalaga sa akin iyon. Kalayaan ang gusto ko hindi ang maitali sa kasal na ni sa panaginip ay di ko ginusto. Camille is not bad. Maganda siya, lalo na ang hubog ng katawan nakatago nga lang ito sa boyish niyang ayos. Mahal ko din siya pero hindi sa paraang gustuhin ko siyang pakasalan kundi bilang kaibigan. Sinisi ko ang sarili ko kung bakit ako nagpadala sa tukso noon. I don't know what happened to me back then... Si Ashlee kahit maghubad siya sa harap ko non never tumayo ang p*********i ko, but her balat palang niyang madikit sa akin ay nag-iiba na ang reaction ko. God what am I thinking? At sumasabay din ang katawan ko habang binabalikan ang gabing iyon. Now that I am married, I will do my best para sila lolo na din ang sumuko. I will not divorce her kung hindi niya hihilingin. Ginusto niya to kaya makikipaglaro ako. Never ako naging suwail na anak, but this time I can't promise. Pagsisisihan niyang minahal niya ako... My heart belongs to Ashlee, her alone. I don't need her to marry me, coz I am happy and contented that she is happy. And I don't want the wealth that they promised us. I want my freedom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD