Ready na ba kayong kiligin?
Rogelio Pov
Pagkalibing ng ama ni Camille ay lumabas ulit ako ng bansa para naman harapin ang obligasyong ipinasa sa akin ng aming abuelo.
Throwback...
"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni mama.
"Opo Ma." malungkot kong saad.
"But iho, remember he is your lolo." singit naman ni papa.
"All I want is her happiness Ma, Pa. Masyado ng maraming masasakit na pangyayari sa buhay niya. Ayaw kong mas tuluyan siyang lumayo sa akin." sagot ko naman.
"You really love her." Tanging sagot na lamang nila.
Yes, I love Ashlee more than my life. Gusto ng aming abuelo na sa mga Gokongwei at Tan lang iikot ang yaman nila kaya ipinahanap niya sa akin ang nawawalang apo niya. And she is a Gokongwei, kaya kahit kasal na siya nagawan ng paraan ni lolo na ipawalang bisa iyon nong panahong kasalukuyan palang siyang nagluluksa. All she knows ay magpinsan kami, but the fact is I am just one of a product of a science, a surrogate child. I am not a real Tan. We trained her to manage their businesses, we teach her everything that concerns Gokongwei's empire. I never thought na darating ang araw na pwede ko ng abutin ang matagal kong pinapangarap. Ang mapakasalan siya. Pero mali, mali na ipagpilitan ko ang sarili ko dahil alam kong mahal niya pa rin ang kanyang asawa. And now here I am again, watching her secretly. Loving her wholeheartedly, protect her and cared for her. I don't need to tell her na hindi na siya kasal sa taong kinababaliwan niya dahil nakikita ko namang masaya siya. I ask grandpa to give me enough time para mapabuti ang kumpanya kapalit non ang kalayaan ni Ashlee. He agreed, at kontento na ako doon. Sana lang tama ako, at sana pahalagahan na siya ng kanyang asawa.
"Sir ayos ka lang?" my Filipina secretary asks.
"Yeah, Pagod lang ako." sagot ko.
"Anyway sir here is your schedule for this week." isa-isa niya itong binasa...
Nakikinig lamang ako.
"And also sir Master Gokongwei needs you in his office." Lumabas din ito agad. Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago ko tinungo ang office ni lolo. Kumatok muna ako bago ko ito binuksan.
"Good afternoon grandpa." I greeted them. He is with my grandfather. And the way they look at me makes me shiver.
"Here you are, take a seat." inokupa ko ang bakanteng upuan.
"You need to go back to the Philippines and bring back Ashlee. You need to get married as soon as possible." Napatingin ako sa kanila pero kaseryosohan lang ang nakikita ko sa kanilang mga mata.
"Do I need to do that?" tanong ko.
"Yes!" sabay nilang sagot."But grandpa, she doesn't love me. And she is now happy. Why her?" tanong ko pa.
"Don't you like her?" tanong din ng aking lolo. Hindi ako nakaimik.
"I and your grandpa will discuss your wedding, we are doing this for your future." Magmemerge ang Tan at Gokongwei empire kaya ganun nalang ang mga ito kaatat na ipakasal kaming dalawa... Gusto ko mang tumutol ay wala na rin akong magawa. No one dared to break their rules and beliefs... But if it's necessary, I am ready to stand for Ashlee's happiness.
"I already give you enough time." Sagot naman ng lolo niya.
"Bring her back here, that's an order." wala na akong magawa kundi tumango nalang. Laglag ang balikat na lumabas akong opisina. Paano ko sasabihin ito kay Ashlee? Wala sa sariling naglakad ako papuntang parking.
Camille Pov
Ilang buwan na simula namatay si Tatay. Ilang buwan na ding hindi nagpapakita si Rogelio. Pagkatapos ng isang linggo simula nailibing si tatay ay bigla na naman siyang nawala. Nakakainis lang dahil hindi man lang ito nag-effort magparamdam.
"Camille, ako na dito, pwede ka nang umuwi ikaw daw ang gustong makasama ng kaibigan mo."Sabi ni Hammer. At last nagkasundo na din talaga sila and now they are waiting for their first baby. Ashlee is 2 month preggy, yon nga lang ay kailangan niyang magdoble ingat at hindi siya pwedeng maistress dahil maselan ang kanyang pagdadalantao.
" Copy sir," sumaludo pa ako sa kanya. She is now happy habang ako ay naghihintay ng himala kung kelan mapansin ng taong matagal ko ng pinapangarap.
----------------
Sunod-sunod na malalakas na katok ang gumulantang sa pamamahinga ko. Day off ko ngayon at kakauwi ko lang dahil sinumpong na naman ang aking kaibigan. Hindi ko alam kung bakit ako ang gustong-gusto niyang kasama eh alam naman niyang may mga trabaho pa ako sa kanilang resort.. Pupungay-pungay pa akong lumapit sa pintuan para pagbuksan ang kung sino mang ponsyo pilatong istorbo.
"H-hi..." dire-diretsong pumasok ang lasing na lasing na si Rogelio.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"D-dito na M-muna na a-ako ha." pautal-utal niyang sabi.
"San ka ba nakipag-inuman? At kelan ka pa dumating?" kumuha ako ng tubig na maligamgam. Ibinigay ko ito sa kanya
"Two w-weeks ago." sagot niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Two weeks ago? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" nakapamewang kong tanong.
"Acted like a girlfriend ha?" Namula naman ako sa sinabi nito. OO nga ano bakit ba kasi napakamatanong ko.
"Hi-hindi naman, natural magtatanong ako, eh kaibigan mo kaya kami. Ni hindi ka man lang nag-abalang mag-inform sa amin na nandito ka lang pala? Alam mo bang buntis si Ashlee at ako ang kawawa kakahanap ng mga pinaglilihiann niya? O may inaasawa ka na at doon ka na umuuwi?" natampal ko tuloy ang sarili kong bunganga. Napatitig siya sa akin, na dahilan para mailang ako.
"Go away," ano daw? ako ba ang pinapaalis niya?
"Hoy Rogelio, ako ba ay pinapaalis mo dito sa pamamahay ko?"
"I said go away, makikitulog lang muna ako." nahiga na ito sa kama ko. Yes kama ko dahil doon siya dumiretso pagkapasok niya na akala mo sarili niyang pamamahay ito.
"Hoy, ako ba talaga eh iniinis mo? Bahay ko ito at kung may dapat umalis ikaw yun hindi ako." Naniningkit na ang mata ko sa inis.
"Ang ingay mo." sabi lang niya.
"Hoy wag kang matulog diyan. Saan ako matutulog kung dito ka din matutulog sa kama ko. Doon ka sa sofa." hinihila ko na ito pero ayaw pa rin niyang kumilos.
"Just sleep beside me, and I just want to remind you. This is not your house, It's mine so shut up and sleep." Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Pati ba naman itong bahay ng may bahay aangkinin mo? Oo alam ko mayaman ka pero pwede bang lumayas ka na dito." Saad ko pa.
"I bought this house three days ago kaya manahimik ka na kung ayaw mong aako ang kakaladkad saiyo palabas." Ang sama talaga ng lalaking ito.. Naglabas ako ng panibagong kumot saka ko kinuha ang extrang unan sa tabi niya.
"Fine, wag kang mag-alala maghahanap ako ng malilipatan ko bukas na bukas din. Nakakahiya naman kasi saiyo Mr. Ordinario. Nabili mi na pala itong tinitirhan ko." dakdak ako ng dakdak pero hindi na ito kumikibo. Sinilip ko ang mukha nito. Pinakatitigan kong maigi.
" Hoy Ordinario, tulog ka na ba?" tanong ko. Pero katulad kanina ay wala lang itong kibo. Sinundot ko ang ilong niya pero di pa rin siya kumilos.
"Hoy, kapag di ka sumagot hahalikan kita." nangingiti ko pang sabi kaso tulog na siguro talaga siya. Nangalumbaba ako sa harap mismo ng mukha niya habang ako ay nakaupo sa sahig.
"Alam mo matagal na kitang gusto, pero na kay Ashlee lang ang atensyon mo." Nakatitig akoi sa labi nito. Alam ko naman na hindi niya ako maririnig dahil lasing naman siya at tulog pa. Hinaplos ko ng dahan-dahan ang kaniyang labi.
"Hanggang ganito nalang siguro ako, pero kahit ganyan ka, gustong-gusto pa rin kita. Kahit minsan ang sakit-sakit na atleast nakaksama pa rin kita katulad nalang ngayon." Para na akong tanga na nakikipag-usap sa taong sarap na sarap sa pagtulog.
"Gel ano kayang pakiramdam na mahalikan mo ng totoo?" Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya.
"Gel isa lang ha,?" idinampi ko ang labi ko sa labi niya. Nakapikit pa ako para mas feel nong naramdaman kong kumilos din ang labi nito. Nablangko ang utak ko. Akala ko ba tulog siya? Pero bakit siya gumanti? Oh my God, hinalikan din niya ako. Iyon nalang ang sigaw ng isip ko.