Chapter 9

1733 Words
Camille POV Sunod-sunod na tawag ang gumising sa akin. Ayaw ko pa sanang bumangon dahil sabado naman pero ayaw tumigil ng kung sino mang istorbo. Hindi ko na din tinignan ang oras. Nakapikit kong kinapa ang aking cellphone sa katabi kong lamesita saka sinagot. "H-hello" inaantok kong bungad. "Cams..." sagot lang nang nasa kabilang linya. "Sino to?" tanong ko, "Open the door please..." napabalikwas ako nang bangon. Mabilis kong tinignan ang kung sino mang caller. "mylabs" jusko alas dos palang pala nang madaling araw. Ano na naman kayang problema ng taong to? "It's cold, can you open the door now?" agad akong tumayo. Para pagbuksan siya nang pinto. Pinatay ko na din ang tawag. "Dis oras na po nang gabi Mr. Ordinario!" bungad ko sa kanya na nakapamewang. " Hindi mo bagay magmaldita, papasukin mo na ako, kanina pa ako dito sa labas. At wag mong iladlad sa akin yang dibdib mong parang monay. Hindi ako maaakit." mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang dibdib ko. Nakasando nga lang pala ako at short pero wala akong suot na bra. "Bastos, sino ba kasing may sabing sumugod ka dito ng ganitong oras." dire-diretso lang itong pumasok sa loob na parang pag-aari niya. "Hoy, ano bang ginagawa mo dito? Alam mo ba kung anong oras na?" nakasunod lang ako sa kanya. "I know, it's 2:12 in the morning." tinatamad na sagot niya. "Oh, alam mo naman pala, kaya makakaalis ka na. Gusto ko pang matulog baka sakaling sa panaginip ko magahasa ko na ung lalaking pinapangarap ko." taboy ko dito. Tinignan lang niya ako. "Can you please let me stay here for a while? Wala lang akong mapuntahang iba." Nabanaag ko ang lungkot sa kaniyang boses. "May problema ka ba?" tanong ko. "Nothing, matulog ka na, dito lang ako." Sabi naman nito. "Palit lang ako nang damit. Wala naman akong pasok bukas, sasamahan nalang kita." nag-init muna ako nang tubig sa electric kettle bago ako pumasok sa kwarto ko. Ilang buwan na din nung muling nagbalik si Ashlee. Nagkaayos din naman sila ng kaniyang asawa, na akala namin ay mapupunta nalang talaga sa wala lahat nang isinakripisyo niya noon. At ngayon ay maayos na silang nagsasama. And about Rogelio alam kong may problema ito kaya ito ako, dadamayan ko siya kung anuman ang bumabagabag sa kaniya. Pagkatapos kong magpalit nang damit ay agad din akong lumabas. Naabutan ko siyang nagtitimpla na nang kape. tsk, feeling nito bahay niya ah. "What do you prefer to drink black or white? I think you shouldn't drink coffee at night so I will make milk for you." Nagtanong pa siya niyan ah kung siya rin lang naman pala ang sasagot. "Feel at home tayo ah." Sabi ko dito. "Yeah, at least coffee lang pinakielaman ko." makahulugang sabi niya. Kinuha ko nalang ang gatas na tinimpla niya para sa akin. Hinila nito ang upuan saka umupo. Ganun din ang ginawa ko. "Kanina ko pa napapansin, may problema ka ba?" saad ko. Nagbuntong hininga lamang siya. "Ikaw din, kapag di mo nilabas yan magkakaron ka nang sakit sa puso." sabi ko pa. Pero nakatitig lamang ito sa kape niya. "Bahala ka nga, sige titigan mo nalang yang kape mo baka sakaling matulungan ka niyan." pangungulit ko. "Hoy, hindi ka ba talaga magsasalita?" tingnan lang ako nito ulit. Dahil sa inis ko hinila ko ang kape sa harap niya na dahilan nang pagkakapaso ko. "Ouch," daing ko. "Kung hindi ka rin naman loka-loka. Alam mong mainit yan hinila mo." Mabilis siyang kumuha nang ice. "Akin na, tanga-tanga lang eh." sabi pa niya. Mahapdi ang kamay kong nabanlian nang mainit na kape ngunit mas ramdam ko ang bolta-boltaheng gumapang nong hinawakan niya ang braso ko. "Ano bang nakain mo na hinila mo? Tignan mo oh namumula na, paano pag nalapnos yan? Alam mo bang isa ang balat sa tinitignan nang mga lalaki sa babae?" panenermon nito. Napapangiti lang ako. "Babae kinakausap kita, bakit ka ba nangingiti?" salubong ang kilay na tanong niya. "Ang cute mo kasing manermon. Ano kayang pakiramdam na maging boyfriend ka?" tanong ko sa kanya. Agad naman niyang binitawan ang kamay kong hawak-hawak niya. "Ikaw Camille Gisa, tigil-tigilan mo ako diyan sa kalandian mo ah. Hindi kita papatulan kahit na anong gawin mo." sabi pa niya. Sinimangutan ko naman ito. "Lumayas ka na nga, bwisit ka talaga. Isa lang iyong sinabi ko, andami mo nang satsat. Umuwi ka na... nakakainis ka. Tignan lang natin, baka kainin mo din yang sinabi mo balang-araw." sabi ko sa kaniya. Nagdadabog akong tumayo saka siya iniwan sa kusina. "Saan ka pupunta?" dinig ko pang tanong niya. "Natural sa kwarto ko, alangan namang sayo." pilosopong sagot ko. "Dito na muna ako ah." saad nito. "Ilock mo yang pinto ko kapag naisipan mo nang lumayas sa pamamahay ko." sabi ko saka siya tuluyang iniwan. Paggising ko kinabukasan ay wala nang Rogelio akong namulatan. May nakita akong pagkain sa ibabaw ng lamesa. "Tsk, atleast nag-effort ang mokong." May nakasulat na note. "Hoy Ms.Gisa bago ka kumain magmumog ka muna. Huwag puro lamon lang, nagiging baboy ka na." Sus... nagmumog nga ako, binuksan ko ang mga nakatakip na plato. May mga emoticons-emoticons pa siyang nalalaman. Smiley egg, heart-shape na hotdog and bread, and sa tabi nito may nakasulat na "OINK" baboy???? pinaghanda nga ako nang pagkain may halo namang pang-aasar... humanda kang lalaki ka kapag nagkita tàyo. Akala mo makakalusot ka sa akin ah. Ipapakain ko saiyo yang mga pangungutya mo... Para akong baliw na nagsasalita mag-isa saka ngingiti habang iniimagine na ang mangyayari sa aming pagkikita. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang aking mga kalat. Naglinis-linis nalang din ako konti. Hindi naman kasi madumi ang bahay dahil wala naman ako araw-araw at ako lang naman mag-isa... Naisipan kong mamili ng groceries ko. Wala na din akong stocks. Walking distance lang naman ang hypermarket kaya nilakad ko nalang ito. Nasa kalagitnaan ako ng pamimili nong tumunog ang aking cellphone. "Cams where are you?" boses nang naiiritang lalaki. "Nakikipagdate bakit?" Pagkasabi ko non ay bigla nalang nawala ito sa linya. "Bastos kang Ordinario ka. Kung di lang kita mahal jujumbagin na kita." Ipinagpatuloy ko na ang aking pamimili. Noong sa palagay ko ay kompleto na ang mga kailangan ko sa bahay ay nagdesisyon na din akong magbayad na para makapagpahinga at matulog ngunit palabas palang ako nang hypermarket ay may nabangga akong mama. Matanda to be exact. Payat, malalalim ang mata, at parang palaboy-laboy. Humingi lang ito ng dispensa. Mabilis na dumaloy ang luha sa aking mga mata. "Tatay?" sambit ko dito. Napatigil siya at muli akong tinignan. Lalapitan ko na sana ito nong mabilis siyang naglakad palayo. Hinabol ko siya. Pakiramdam ko ay hinang-hina siya dahil mabagal na din itong kumilos. "Tay, sandali." Tumigil ito sa bahaging walang masyadong tao. "Ca-camille..." pagkasambit nito nang pangalan ko ay mabilis ko siyang niyakap. "Ikaw nga Tay. Bakit ngayon ka lang nagpakita. At bakit ganyan ang itsura niyo?" awa ang naramdaman ko imbis na magalit ako. Napakalayo na niya sa dati niyang itsura. "Patawarin niyo sana ako Camille." Umiiyak siyang humihingi nang tawad. Mahigit sampong taon na din simula nong iwan niya kami. Ngayon malalaki na kaming lahat, napagtapos ko na din ang dalawa kong kapatid. Si nanay okay naman na, ayaw ko mang aminin pero miss na miss ko na si tatay. Kahit may pagkakamali siyang nagawa ay di parin maitatago ang katotohanang siya ang tatay namin. Pinagmasdan ko siya. Nakabuo ako nang desisyon. Alam ko madaming magagalit sa akin pero hindi ako papayag na mawalay ulit siya sa amin. At kung ano man ang nangyari na naging ganito ang buhay niya ay wala akong pakialam. Tatay ko siya at dapat kami ang nandiyan para sa kaniya. "Tay iuuwi kita." aya ko sa kanya. "Camille, kamusta na kayo?" hindi makatinging tanong niya. "Okay lang kami tay, ikaw kamusta ka na? Anong nangyari sa inyo? Nasaan na ang pamilya mo?" pero yumuko lang siya. "Aalis na ako nak, mag-iingat kayo lagi at sana mapatawad niyo ako." nagmamadali na itong lumakad palayo pero maagap ko siyang pinigilan. "Hindi ka aalis Tay, sasama ka sa akin. Kung ano man ang nangyari noon, kalimutan nalang po natin." lumuluha kong sambit. "Hindi anak, malaki ang kasalanan ko sa inyo." lumuluha na din ito. "Pero----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad na siyang tumalikod. "Tay," tawag ko dito pero hindi na niya ako pinakinggan. Pinagmasdan ko nalang ang likod nito. "Magkikita pa tayong muli tay," bulong ko sa sarili ko. Hindi pa man ako nakakahakbang ay may mga narinig akong sigawan... "Iyong mama nasagasaan..." Mabilis akong napalingon sa pinanggagalingan ng mga sigaw. Wala sa sariling tinakbo ko ito. Nakaramdam ako ng kaba. "sana hindi ang tatay iyon..." Taimtim konh dasal. Nakiusyoso ako sa mga tao, nagbabakasakali na mali ang naisip ko pero ang taong pinagkakaguluhan ng mga tao ay walang iba kundi siya... Parang tumigil ang ikot ng aking mundo... "Ang tatay ko..." "Ang tatay ko..." sigaw ko... nanghihina akong lumapit sa katawan nito... agad kong kinapa ang pulso niya. Nabuhayan ako ng loob nong naramdaman kong may buhay pa ito... "Tulong, Tulungan niyo ako..." "Tulong, Tay wag mo kami ulit iiwan... Tay lumaban ka please..." pakiusap ko dito... pero ngumiti lang ito sa akin. "Tay nakikiusap ako saiyo, lumaban ka... tulungan niyo ako. Dalhin natin sa hospital ang tatay ko..." umiiyak kong sigaw... "Pa-kisa-bi sa na-nay mo a-at ma-manga ka-pa-t-tid mo pa-pata-wad." utal-utal nitong sabi. Tumango ako ng sunod-sunod. Inangat nito ang kamay niya para haplusin ang mukha ko kaya hinawakan ko ito saka inilapat. "Opo tay, opo... pinapatawad ka na namin tay. Kaya wag mo kaming iiwan ulit." humahagulgol konh saad. "Sa-sala-m-m-mat..." isang ngiti ang pinakawalan nito bago pumikit... "Tay wag kang pipikit... tulong..." pero wala na, dahil kusa na itong bumitaw... "Taaaaaaayyyyy..." sigaw ko. Niyakap ko ito ng mahigpit. Naramdaman kong may humihila sa akin... "Ang tatay ko..." "Wala na ang tatay ko..." niyugyog ko ito pero talagang wala na. "Camille, tama na..." may kumakausap sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. "Cams, tahan na..." nilingon ko ito. "G-gel, iniwan na niya kami ng tuluyan..." humahagulgol kong wika... Niyakap ako nito. Pilit ako nitong pinapatayo. Nakita kong may kumuha sa katawan ng itay. "Tama na Cams, kung nasaan man siya alam ko masaya siya dahil nakahingi pa ito ng tawad sa inyo... Wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya, basta ang alam ko ay wala na ang itay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD