Chapter 8

1140 Words
Camille POV Isang taon na, isang taon na simula nong namatay ang inay ni Ashlee. Isang taon na din silang hindi nagpaparamdam ni Rogelio. Minsan tinatanong ko na ang sarili ko kung ano ba ako sa buhay nila o kung sino nga ba ako sa kanila. Madami na ang nabago, parang hindi ko na din kilala ang kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung humihinga pa ba siya. Napromote na din ako bilang secretary nang kaniyang asawa. Galit ako sa boss ko dahil sa nangyari sa kanila pero hindi naman pwedeng maapektuhan ang trabaho ko kaya kahit gustong-gusto ko na itong sumbatan ay hindi ko magawa. Never din niyang inungkat ang tungkol sa kanilang dalawa. Wala din naman akong nakikitang maski sinong karelasyon niya. Siguro hindi pa siya nakakamove-on kay mam Yanna. "Ms. Gisa, are you ready?" tanong sa akin ni Hammer. "Yes sir." masiglang sagot ko. "Okay, I don't know the personality of this new owner of Gokongwei empire so we need to impress her because they are the previous owner of this resort and one of our biggest stock holder." paalala niya. "No problem, sir. I will do my obligation as your secretary." masigla kong sagot. "Okay, we will go now." nagsimula na itong maglakad palabas nang opisina niya. Napatigil ito. "Ahm, Ms. Gisa. Can you pleae wait for me at the car. I will just go to my suit." paalam niya. Tumango ako. Sa totoo lang mabait naman siya. Napatunayan ko yan sa loob nang panahon na naging sektetarya niya ako. Iyon nga lang bulag siya pagdating sa kaibigan ko na labis kong pinanghihinayangan. Nauna na nga ako sa kaniyang sasakyan. Habang inaantay ko siya ay nagscroll-scroll muna ako sa f*******: account ko. Naalala kong magsearch tungkol sa Gokongwei's empire. Unkown talaga ang identity nang susunod na tagapagmana. Masyado namang pamisteryoso. Tsk "Let's go." boses nang boss ko ang pumukaw sa akin. "Okay sir." tinahak na namin ang daan papunta sa destinasyong paggaganapan nang event. Isa ang boss ko sa pinakamahalagang guests kaya hindi kami pwedeng ma-late. Pagdating namin sa tapat nang building ay nalula ako sa laki... "Wow hindi pala talaga simpleng tao ang mga Gokongwei sir." sabi ko sa kaniya. "Yes, because they are one of the most wealthiest family in whole Asia. Malaking kawalan sa company natin kapag sila ang nawala." sabi niya. Inaayos nito ang necktie niya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Ngayon ko lang napansin isinuot niya ito. Napaisip tuloy ako. "What are you thinking Ms. Gisa?" tanong niya. "Ah, wala sir. Ngayon ko lang kasi napansin na suot mo yan." turo ko sa necktie niya. Ito ang regalo ni Ashlee sa kaniya noong araw ng first anniversary nila. "Ah, yeah. Sayang naman kung hindi ko isuot." sagot niya. May pag-asa pa kayang magkabalikan sila? Kumusta na kaya ang kaibigan ko? Bigla akong nalungkot. "Let's go..." aya niya sa akin. Sumunod na din ako dito. May pangilan-ngilan na ding bisita. Pagkapasok namin sa venue ay medyo lumayo na ako sa kaniya. Nagmasid-masid nalang ako. Secretary niya ako pero hindi naman kasi siya iyong tipo nang boss na kailangang sundan kahit saan siya magpunta kaya okay lang sa kaniyang lumayo ako. Nag-iwan nalang ako nang message sa kaniya. Makalipas ang mahigit trenta minutos ay nagsalita na ang emcee para i-welcome ang bagong tagapagmana biglang tumahimik ang paligid. Isang babae ang pumasok sa entrance door. Dyosa to be exact. Napatulala ako sa aking nakita. Siya? Bakit siya? Paano? Anong ginagawa niya dito? "Let us now welcome the new owner of Gokongwei empire. No other than, Ms. Alexia Ashlee Montero-Gokongwei." Paano siya naging Gokongwei? Napatingin ako kay, sir Hammer. Katulad ko ay tulala din siya. At mas natulala ako nang may humalik sa kaniyang lalaki. Walang iba kundi si Rogelio. All this time magkasama pala sila. Pero bakit hindi man lang nila ako sinabihan? Sila na ba? Pero hindi Gokongwei ang last name niya. Ang isiping sila na nang kaibigan ko ay para na akong sinasakal. Oo, inaamin ko. Ganito lang ako manamit. Ganito lang ako mag-ayos pero babae ako. At matagal ko nang gusto si Rogelio. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa. Nakayapos lang lagi sa kaniya si Rogelio. Isa lang ang gusto ko. Magkaliwanagan kaming tatlo. Kaibigan din naman nila ako pero bakit ganon? And si Ashlee, nakalimutan na ba niyang nag-eexist pa ako sa mundo? Nakita kong humiwalay siya kay Rogelio. Susundan ko na sana ito nong biglang lumitaw sa Sir Hammer sa kung saan. Kaya hinayaan ko na lang din sila. Si Rogelio nalang ang kakausapin ko. "Ahem," Agaw ko sa kaniyang atenttion. Lumingon ito sa akin. "Camille?" Inirapan ko siya. "Kilala mo pa pala ako?" nang-uuyam kong tanong. "Oo naman, makakalimutan ba naman namin ang isang Camille Gisa?" saad niya "Mag-usap tayo. Madami kang dapat ipaliwanag sa akin. Kayo ni Ashlee to be exact." wika ko sa kanya. "Okay," nagpaalam ito sa mga kausap niya. Hindi ko na naantay na makarating kami sa table namin. "Ang sama niyo. Parang di niyo ako kaibigan ah." nagtatampong sabi ko. "Sorry, Camille. Pero magpapaliwanag kami ni Ashlee saiyo. Hindi lang ngayon ang tamang oras." sagot niya. "Saan kayo galing na bigla nalang kayong nawala? At kailan pa naging Gokongwei si Ashlee?" Tanong ko ulit. "Cams madaming nangyari, pero maiintindihan mo din lahat." Sagot pa niya. "Paano nga, nag-asawa na ba ulit si Ashlee? Ano pinakasalan na ba niya si Mr. Gokongwei? Kumapit na ba siya sa patalim?Ganiyan na ba siya kadesperada para makalimutan si Hammer?" bumunghalit ito nang tawa. "Anong pinagsasabi mo? Sa lahat ng tanong mo, lahat ay NO ang sagot." Wika niya habang tumatawa. "Eh ano nga? Paano siya naging Gokongwei sa loob lang nang isang taon?" naiirita ko nang tanong. "Okay, I will make it short." sabi niya na natatawa pa rin. "She is the long lost daughter of Mr. And Mrs. Gokongwei." Lumaki ang mata ko. "Si... Si Ashlee anak ni Mr. Gokongwei?Ang isa sa pinakamayaman sa buong Asia? A-Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ito. na parang aliw na aliw. "Kayo? Anong meron kayo?" natawa na naman siya. "Hoy, pekeng bakla huwag mo akong pinagtatawanan. Alam na ba niya na lalaki ka talaga?" gusto ko na itong batukan. "She is my cousin, and yes, she knows." kung kanina nashock ako sa rebelasyong anak siya nang Gokongwei. Ngayon mas nagulat ako sa sinabi niya. Punong-puno nang sorpresa ang araw na ito. "But no one knows that we are cousins. Specially that bastard." tukoy niya sa boss ko. Tumango nalang ako. Nagpaalam na din naman siya. Iniwan nalang niya ang address ni Ashlee at phone number nito. Masaya ako para sa kaibigan ko, And at the same time dahil na din sa nalaman ko na magpinsan sila. Of course, I still have a chance para mangarap sa kaniya. Pikutin ko kaya siya? Natawa ako sa naisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD