Chapter 7

1203 Words
Camille's Pov Ilang linggo na ang lumipas pero wala parin akong balita tungkol kay Ashlee.Wala na din ang mga ito sa dating bahay nila. Wala akong alam na kaibigan nitong iba dito kaya imposibleng nandito pa sila sa lugar namin. Sinubukan ko na itong tawagan ngunit hindi na din active ang number nito. Alam ko at naniniwala akong magpaparamdam din sa siya sa akin. Sa ngayon hayaan ko na muna siya. Ipinagpatuloy ko ang buhay ko sa resort. Dito ako iniwan nang kaibigan ko kaya dito din ako mag-aantay sa kaniya. Pansamantala akong nagpapahinga nong magring ang cellphone ko. Unknown number? Sinagot ko ito. "Cams, si Rogelio ito." mabilis na tumibok ang aking puso. Tinignan ko pa ulit ang screen. Hindi ako makapaniwalang siya nga ang tumawag sa akin. "Rogelio Ordinario?" tanong ko. "Oo ako nga, Camille Gisa." napangiwi ako sa pagbanggit niya nang apilyedo ko. "Nasaan ka? Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?Alam mo bang nawawala si Ashlee?" sunod-sunod na tanong ko. "Isa-isa lang Camille. Magkita tayo, isesend ko ang address o di naman kaya ay ipapasundo kita diyan sa boarding house mo." nagtaka ako sa sinabi nito. Alam niya kung nasaan ako? "Alam mo kung saan ako nakatira?" tanong ko sa kaniya. Pero wala na ito sa kabilang linya. "Bastos kang peke ka." nakatingin ako sa screen habang bumubulong. "Pasalamat ka, hindi kita pinikot non." napangiti nalang ako sa sarili ko. Ilang minuto muna akong nakahiga nong naalala kong magkikita nga pala kami. Mabilis pa sa hangin na tinakbo ko ang banyo. Nakita ko ang reflection ko sa salamin. "Ano ba yan! bakit ba kasi ako nagpashort hair. Ayan tuloy nagmukha na talaga akong tomboy." dismayadong wika ko sa sarili... Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang mag-ayos. Naglagay ako nang konting make-up sa sarili ngunit natawa lang ako dahil ang sagwang tignan. Ikaw ba naman ang magmake-up tapos ang gupit mo ay panlalaki. Tatanggalin ko na sana ito nong may kumatok. "Camille," boses iyon ni Rogelio. Natataranta kong binura ang make-up habang patakbo kong nilapitan ang pintuan. "Pa-pasok ka Gel." tinignan niya ako mula ulo paa hanggang ulo. Bigla siyang humagalpak nang tawa. "Camille, sinong kaaway mo. Bakit ganyan ang ayos mo. At ano ang nilagay mo sa mukha mo." hawak-hawak niya ang kaniyanh tiyan habang nagsasalita. "Bakit ba? Ano bang mali sa mukha ko?" naiiritang tanong ko. "Hahaha, Camille ang pangit mo." diretsong saad niya. Sumimangot ako. "Kung pumunta ka lang dito para asarin ako. Tutal hindi ka pa naman nakakapasok, ay pwede ka na umalis. " Isasarado ko na sana ang pinto pero agad niya itong pinigilan. " Hahaha sorry na." saad niya saka dire-diretsong naupo sa sofa. Halata ang pagpipigil niya nang tawa. "Titigil ka ba o tatadyakan na kita." naiinis na talaga ako sa kaniya. "Camille iyong totoo may salamin ka ba dito sa bahay mo? Ang pangit mo kasi talaga." Sabi pa ulit niya. Agad akong napalingon sa salamin na nakasabit sa dingding. "Waaaaahhhh..." Pati ako napasigaw sa itsura ko. "Ano maganda ba?" pang-iinis pa niya. Jusme nakakahiya, iyong lipstik ko nagkalat. "Oo na ikaw na ang magaling magmake-up." nagdadabog kong tinungo ang banyo sa aking kuwarto para maghilamos. Hindi ko namalayang sumunod din pala ito sa akin. "Cams, namiss kita." nagulat ako nong magsalita ito. "Bakit ka pa sumunod?" tanong ko. "Sorry kanina, hindi ko lang kasi akalaing ganon ang itsura mong madadatnan ko." paliwanag niya. "Okay lang." maikling sagot ko. "Camille, she need us." hindi man niya sabihin kung sino ang tinutukoy nito ay alam ko na agad. "Dahil ba sa nangyari sa kanila ni Hammer? Paano mo nalaman gayong wala ka naman?" tanong ko. "I know everything about you and her." nagtaka ako sa sinabi niya. "Nanay is gone." nanigas ako sa kinatatayuan ko. "A-anong sabi mo?" tanong ko dahil hindi magandang biro iyong kung totoo man. "Ashlee needs us. She is in a delimma." Nag-unahang pumatak ang aking mga luha. Isipin ko palang ang sakit na pinagdaraanan niya ngayon ay di ko na alam kung paano niya ito pilit nilalabanan. "Cams nagpunta ako dito para sana may dumamay kay Ashlee. Pero bakit parang ikaw pa ang dapat kong damayan ngayon?" Lalo akong umiyak. "Gel, dalhin mo ako sa kanya. Kailangan ako nang kaibigan ko." Hindi ko inaasahan ang pagyakap niya sa akin pero sa sitwasyong ito wala doo ang focus ko. Mabilis naming nilisan ang aking apartment. Hindi na din ako nakapagfile nang leave sa trabaho. Mas mahalaga si Ashlee, kaming mga kaibigan nalang niya ang meron siya. "Camille sana lawakan mo ang pang-unawa mo sa kanya. She's change." sabi niya. "Gel saan ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang? At paano mo alam lahat nang mga nangyayari sa amin ni Camille. Sino ka nga ba talaga?" sunod-sunod kong tanong na hindi naman niya sinagot. Pagkaparada niya palang sa tapat nang bahay nila Ash ay patakbo ko nang pinasok ang bakuran nila. Kinatok ko ito pero walang sumasagot. Sinubukan ko buksan ang pintuan. Hindi ito nakalock. "Pasok ka nalang Cams." sabi ni Rogelio. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Madilim ito, walang palatandaang may tao sa loob. Dire-diretso ako sa kwarto niya. Nagimbal ako sa nakita kong itsura nito. Nangayayat na ito, mugto ang mata at walang kabuhay-buhay. Nakahiga lamang siya habang yakap-yakap ang isang parang vase. "Ash," naluluhang tawag ko. Wala man lang siyang maski anong reaction. "Ash, I'm sorry." Siya pa ba ang kaibigan ko? Pinagmasdan ko ang mukha niya. "Ash, maligo ka na. Iuuwi kita sa boarding." pero para lang akong nakikipag-usap sa hangin. "Huwag ka namang ganyan oh. Hindi ka nag-iisa, nandito kaming mga kaibigan mo." niyugyog ko siya pero katulad pa rin kanina wala siyang kakilos-kilos. "Ash kapag ganiyan ka, baka sumunod ka kay nanay. Ayaw niyang nakikita kang ganiyan. Pakiusap ayusin mo ang sarili mo." Unti-unti itong kumilos. Tinignan niya lang ako. "Kapag hindi ka pa kikilos, dadalhin na kita sa mental." naggagalit-galitang wika ko. Kaso wala paring epekto sa kaniya. Niyakap ko siya. Naramdaman ko na nabasa ang balikat ko. Tanda na umiiyak ito. Hinagod ko ang likod niya. "I'm sorry, hindi ko alam. Sorry kung hindi kita nadamayan sa oras na kailangan mo ako." umiiyak kong wika. "Gusto ko munang mapag-isa." Iyon lang ang sagot niya. "Ash..." tanging sagot ko. "Please, Camille." wala na akong magawa kundi ang iwan siya muli. "Hindi ka naman magpapakamatay di ba?" nagawa ko pang tanong sa kanya bago ako lumabas nang kaniyang kwarto. Naabutan ko si Rogelio na nagluluto. "Kamusta siya?" tanong nito na ikinakunot nang noo ko. Naintindihan naman niya ito. "Ayaw niya akong makita." yun lang ang sagot nito. "Bakit?" tanong ko pa. Nagkibit balikat lamang ito. Isa-isa kong binuksan ang mga nakatakip sa ibabaw nang lamesa. Bigla akong naawa sa kanya. "Nilulutuhan mo siya pero hindi man lang ba niya ginagalaw?" komento ko. "Ayaw niyang kumain, Kung bata lang sana siya baka pilitin ko pa siyang pakainin pero ayaw niyang tulungan ang sarili niya." sumbong nito. "Ako nalang kakain, sayang effort mo." sagot ko. Pinanood lang ako nito. "Camille salamat." Lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. Pagkatapos niyang magluto ay tinulungan ko na siyang magligpit. Parang wala kaming kasama sa loob nang bahay. Sinilip kong muli si Ashlee, bago kami umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD