Camille Pov
Wala sa sariling nagpalakad-lakad ako sa loob ng hospital. Nagbabakasakaling makaisip ako ng paraan kung paano ko mababayaran ang hospital bill ni nanay. Dalawang tao nalang ang pwede kong malapitan. Si Rogelio at Ashlee.
Dali-dali kong binalikan ang aking cellphone sa loob. Kakapalan ko nalang ang aking mukha. Una kong tinawagan si Rogelio pero number busy ito... Hinanap ko ang numero ni Ashlee at siya naman ang tinawagan ko. Hindi din ito sumasagot. Sinubukan ko ulit silang tawagan pero tulad nong una ay wala pa ding sumagot sa kanila. Padausdos akong umupo sa gilid. Sapo-sapo ko ang mukha ko nong may tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito.
"Cams, bestfriend ko." nasa harapan ko ngayon si Ashlee. Umiiyak niya akong niyakap.
"Ang nanay, Ash." sumbong ko dito.
" Shhhssh, iiyak mo lang. Mamaya wala na yan. Gagaling din ang nanay." wika niya. Kung kanina ay napakatapang ko. Ngayon wala na akong gustong gawin kundi iiyak lahat ng bigat sa dibdib ko. Hinayaan lang din ako nito hanggang sa mahimasmasan ako.
"Oh panyo." inabot niya sa akin ang kaniyang panyo.
"Ang pangit mo na, tignan mo nga yang mata mo oh." sermon nito.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Nagpunta ako sa bahay niyo. Kasi nagkwento si Rogelio na nagkita daw kayo kanina." tumango ako.
"Bakit di mo ako sinabihan Cams. May problema ka pala, sinasarili mo. " sermon nito.
"Ayaw kasi kitang istorbohin Ash, nahihiya na din kasi ako saiyo." Sagot ko.
"Kumusta na ba ang nanay?" iniba nito ang topic.
"Okay naman na siya, pero kailangan niyang mamalagi dito nang ilang araw para maobserbahan siya." may dinukot ito sa loob ng bag niya.
"Oh ito, gamitin mo muna. " may inabot siya sa akinh sobre.
" Ash nakakahiya man, pero hindi ko na ito tatanggihan. Salamat nang marami Ash." niyakap ako ulit nito.
"Basta meron Cams, di ba ganyan tayo. Kung ano ang akin, ay iyo rin. At kung ano ang iyo, ay akin rin." sabi niya.
Ilang araw pa bago nadischarge si nanay. Hingi ito ng hingi nang sorry. Ang magaling ko namang kapatid ay hindi na nagpakita.
"Ate may pogi pong lalaki sa labas. Ikaw po ang hinahanap." anunsiyo ni Carlo.
"Poging lalaki? Sino daw?" tanong ko pa.
"Hindi ko po alam. Ang sabi po niya kaibigan mo daw po." lumabas ako nang bahay para tignan kung sino ang poging lalaki na sinasabi nito. Pagkalabas ko ay nakita ko si Rogelio na nakasandal sa sasakyan niya... Nakayuko ito kaya di niya napansing nasa labas na pala ako. Pinagmasdan ko siya. Gwapo nga naman talaga tong taong ito. Pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpapanggap kay Ashlee.
"Gel..." tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon.
"Cams, kamusta." lumapit ito sa akin saka ako niyakap. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. Ito ang unang beses na niyakap niya ako nang may pag-aalala.
"G-gel, sandali." sabi ko dito. Itinulak ko siya konti.
"Ah, sorry, kamusta ka na?Ang nanay mo kamusta na?" magkasunod na tanong niya.
" Okay, naman kami." tiningnan niya ako.
" Sorry Cams ngayon lang ako nakadalaw. May inasikaso kasi ako." tinanguan ko lang siya.
"Tara sa loob, pinagtitinginan na tayo dito." napalingon din ito sa paligid... Naglakad na ako papasok. Sumunod din naman siya agad.
"Susunod daw dito si Ash mamaya. May sakit din kasi si nanay. " napatigil ako.
"Kelan pa?" tanong ko.
"Mga isang linggo na." saad niya. Nabahala ako sa sinabi nito. May sakit pala ang nanay niya pero hindi ko man lang alam. Sa kaniya pa ako lumapit gayong mas kailangan pala niya ang pera.
"Cams okay ka lang?" tinapik ni Rogelio ang pisngi ko.
"Okay lang ako Gel. Nag-alala lang ako kay Ash. Hiniram ko kasi iyong pera niya eh may sakit din pala si nanay." malungkot kong wika.
"Huwag ka na munang mag-isip diyan, ang mahalaga ligtas na ang nanay mo. Ang pera napapalitan." pambalubag loob niyang sabi.
"Anong panggastos nila kung binigay naman niya sa akin?" hirit ko pa.
"Madiskarte si Ash, kaya huwag ka na mag-alala sa kanya. At isa pa, nandito naman tayo." tama, nandito naman kami. Kung tutuusin mas magaan ang buhay namin sa kanila noong buo pa kami. Pero noong iniwan na kami ni tatay, nawala na din ang lahat nang ikinabubuhay namin. Kaya ngayon, dadamayan ko din si Ashlee lalo na't ang nanay nalang niya ang natitirang pamilya niya.
"Gel, pupuntahan mo ba siya ngayon?" tanong ko.
"Oo, dadaanan ko siya mamaya. Ay heto nga pala, namili ako nang mga pagkain para sa inyo." ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang plastic bag. Kinuha ko ito at inilagay sa lamesa. Pinag-grocery na niya kami. Binilan din niya ng mga prutas si nanay.
"Salamat Gel, makakabawi din ako saiyo balang-araw." tanging nausal ko.
Nagkwentuhan muna kami saglit. Kinausap din niya ang aking ina bago kami pumunta sa bahay nila Ashlee. Naabutan namin itong nag-iigib nang tubig. Mabilis ko itong nilapitan. Ganoon din si Rogelio. Nag-agawan pa kami sa timba na bitbit niya.
"Ako na ang magdadala niyan Ash. Naku masisira ang beauty mo." malanding saad nito. Gusto kong tumawa pero agad akong inirapan ni Rogelio. Hinayaan ko nalang siyang magbitbit nong dala ni Ashlee.
Pagkapasok namin sa loob nang bahay nila ay agad akong nagtungo sa kwarto ng nanay niya. Tulog ito. Dahan-dahan ko ding isinara ang pinto. Kasalukuyan namang nasa kusina ang dalawa. Magkatulong silang nagluluto. Pinagmasdan ko ang bawat galaw ni Rogelio. Hindi maipagkakailang gustong-gusto niya ang aking kaibigan. May parte ng pagkatao ko ang tumutol. Nagpasya akong lumapit sa kanila.
"Anong niluluto niyo lovers?" tanong ko sa kanila.
"Hoy, anong lovers ka diyan." mabilis na saad ni Ashlee.
"Bakit hindi ba tayo pwedeng maging lovers ha Ash?" sabi naman agad ni Rogelio.
"Hindi..." sagot nito.
"Ouch, parang sinabi mo na ding ang pangit ko." kunwaring naiiyak na sabi niya.
"Naku, kung hindi ko lang alam na BAKLA ka Gel iisipin ko talagang binabakuran mo si Ash eh." totoong biro ko naman. Tinitigan ako nito na parang sinasabing manahimik ako. Kinuha niya ang basong may lamang tubig na para sana kay Ashlee.
"Sabi ko nga Cams eh, pero kapag tunay na lalaki yan. Baka ako pa ang mang-rape sa kaniya." biglang sabat ng aking kaibigan. Nasamid naman si Rogelio sa ininom niyang tubig. Agad ko itong inalo.
"Grabe lang ha. nakakagulat ba iyong sinabi ko?" sabi pa rin nito.
"Ash kapag ba lalaki talaga ako magugustuhan mo kaya ako?" sumeryoso na ang isa. Ako naman ang tumahimik. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng selos na hindi naman dapat.
"Lumabas ka na nga Gel, kami na dito." tanging sabi ni Ash.
"No! sagutin mo muna ako, kapag ba lalaki talaga ako may chance kayang magustuhan mo din ako?" pag-uulit niyang tanong.
"Eh kung gahasain ka namin ngayon?" biro ko din.
"Diyan na nga kayo." pagdadabog niya.
"Anong nangyari don?" naguguluhan ding tanong ng kaibigan ko.
"Huwag mo siyang pansinin, Ash." Tinulungan ko nalang siyang magluto. Si Rogelio ay nagkasya nalang sa panonood sa kaniyang cellphone.
"Gel kain na tayo." malambing na tawag sa kaniya ni Ash.
"Hmpt, ewan ko saiyo." nagtatampo namang sagot ng isa. Para talaga silang magsyota.
"Lika na, tampo-tampo ka pa diyan eh." pangungulit pa rin nito.
"Kiss mo muna ako." iniumang niya ang kaniyang nguso dito. Lumapit ako, at ako ang humalik sa kanya. Dampi lang iyon pero lips to lips.
"Camiiiillllleee, nakakadiri ka talaga. " nagsisigaw niyang reklamo. Tumawa naman nang tumawa si Ashlee.
"Bakit siya pwede ka halikan bakit ako hindi." nagtatakbong wika ko. Nagpaikot-ikot kami sa maliit na sala.
"Kapag nahuli kita, ibabalibag talaga kita o di naman kaya igigisa kita CAMILLE GISAAAAA." lalo lang natawa si Ashlee.
"Eh ikaw napakaarte mo, ORDINARIO ka rin lang namang tao." ganti ko sa kanya
"Ang iingay niyo. Ano na naman bang ginawa niyo.?" natahimik kaming lahat nang lumabas ang inay ni Ashlee. Kanya-kanyang takbo kami ni Gel para magbigay respeto dito.
"Hello nanay, kamusta na po pakiramdam niyo? Oh ako nauna." sabi niya agad sa dulo. Saka nagmano dito. Natawa naman ang matanda.
"Tsk, para iyon lang eh. Hello nanay, nasabi po ni Ashlee na may sakit daw po kayo. Kamusta na po ang pakiramdam niyo?" humalik ako sa impis niyang pisngi.
"Mga batang to. Oh siya, umupo muna kayo. Ayos lang ako, huwag na kayo mag-alala." sagot niya sa amin. Lumapit si Ash.
"Kain na po muna tayo inay, nagluto po kami ng hapunan natin." Inalalayan niya ito sa lamesa.
Sumunod na din kami. Ang simpleng salu-salo ay napuno ng tawanan. Mabait ang inay nito kaya hindi kami naiilang. Itinuring niya kaming parang mga anak. Napakapalad ni Ashlee. Wala man siyang ama ay nagkaroon naman siya nang mabuting ina. Napansin kong nakatulala si Rogelio habang nakatingin kay Ashlee. Siniko ko ito.
"Baka lumuwa yang mata mo." biro ko sa kaniya. Tinadyakan niya lang ang paa ko. Nginitian ko lang siya. Ewan ko ba kung bakit hindi maramdaman ng kaibigan ko ang totoong hangarin ni Rogelio or talagang manhid lang siya.