Chapter 4

1516 Words
Camille Pov Wala pa akong balak umuwi ngunit dahil sa nangyari ay mas nanaisin ko nalang na balewalain ang nangyayari sa bahay. Pagdating ko ay naabutan kong nakaupo si nanay, ang asawa niya at si Charmaine sa maliit naming sala. Ang iba ko namang kapatid ay busy sa paggawa ng mga homework nila. Kung titingnang maigi, hindi maipagkakailang matikas pa rin ang asawa niya at maappeal sa edad na kuwarentay singko. Lalagpasan ko lang sana sila pero biglang nagsalita ang aking ina. "Anong plano mo sa malandi mong kapatid?" tanong nito. "Ano bang plano niya sa buhay niya?" tanong ko din. "Ikaw nanay ano din bang plano niyo?" baling ko pa sa kanilang dalawa. Hindi sila sumagot. "Ikaw Charmaine, sino ang nakabuntis saiyo?" yumuko siya. Yumuko din ang asawa ni inay. "Ate…" nagsimula na naman itong umiyak. Buntis ito kaya hanggat maari ayaw ko siyang pagalitan. "Tinatanong kita, huwag mo akong maate-ate diyan." Pero mas lumakas ang iyak nito. "Totoo bang may asawa na ang lalaking iyon?" tanong ko ulit. Tumango siya habang humihikbi. "Kung gayon tawagin mo siya dito para makausap namin at para malaman din niya ang kalagayan mo." Saad ko sa kanya. Wala pa ring imik si nanay. Tumingin si Charmaine sa kasama namin. "Ikaw po tito, anong plano mo sa nanay namin? Kung hindi mo pala kayang samahan siya hanggang sa huling hininga nito. Bakit mo pa siya pinaasa. Alam mo naman ang pinagdaanan niya." Sermon ko dito. "Camille patawarin niyo ako. Pero kailangan ko talagang iwan ang nanay niyo." Naningkit ang mata ko sa sinabi nito. "Pagkatapos ka namin tagnggapin at ituring na tunay na ama, ganyan ang sasabihin mo ngayon? Tama nga ang nanay, katulad ka din pala ng tatay namin." "Patawarin niyo sana ako pero kailangan kong gawin ito." Lumuhod ito sa harap namin. Mas lumakas naman ang iyak ng aking kapatid. Wala paring kibo si nanay. Tulala lang itong nakatingin sa lalaki. "Hindi mo na po kailangang lumuhod. Kung hindi ka kayang palayasin ni nanay. Ako ang magpaplayas saiyo. Makakaalis ka na. Bilang tanda ng respeto ko saiyo, nakikiusap po ako. Sana ito na ang huling magpapakita ka sa amin. Salamat sa lahat ng naitulong mo." Pero nanatili lang itong nakaluhod. "Dadalhin ko si Charmaine." Napatingin kami pareho ni nanay sa kanya. "Dadalhin mo ang kapatid ko?" "Hindi mo pwedeng dalhin ang anak ko." Magkasabay na wika namin ni nanay. "Oo, dahil ako ang ama ng ipinagbubuntis niya." Mahinang sagot nito pero malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko. Parang bombang sumabog sa akin ang sinabi niya. "Ikaw?" napatayo ang inay habang hilam na nang luha ang kaniyang mga mata. "Ikaw ang babaeng nakita ko sa bahay ng tito mo?" turo niya sa kapatid ko. "Ang bababoy niyo… Anak kita pero tinalo mo ako?" inalalayan ko ang inay. "Sabihin mo nga sa akin Charmaine, tinakot ka ba niya?" tanong ko dito. Gustong-gusto kong manampal ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. "Hi-hindi po ate…" nahihiyang sagot nito. "Kung gayon, paano mo nagawa ito sa sarili nating nanay?" madiing wika ko. "Sorry ate, sorry po nanay…" hingi niya ng paumanhin… "Napakasama niyo, umalis kayo sa pamamahay ko." sigaw ng aming ina. "Kung may aalis man sa bahay na ito. Hindi ang kapatid ko nanay. Kundi ang walang hiyang lalaki na iyan." Duro ko sa lalaki. Napansin ko ang tatlo kong kapatid na nakasilip na din pala sa may pinto. "Sasama ako sa kanya ate." Sabi pa nito. "Hindi, hindi ka sasama sa kanya. Dahil kung nagawa niya sa inay na lokohin siya. Magagawa din niya iyon saiyo. Sa ayaw at sa gusto mo, mananatili ka dito sa pamamahay na ito kung ayaw mong ipadampot ko sa pulis ang lalaking iyan. Hindi ka na nag-isip. Alam mong kinakasama ng nanay pinatos mo pa. Bakit Charmaine?" tanong ko sa kaniya. "At kayong tatlo, magsitulog na kayo!" mabilis namang sumunod ang mga kapatid ko, "Nay, ako na dito. Magpahinga ka na ." iyak pa rin nang iyak ang nanay. Nag-aalala ako sa kanya. Baka mamaya makaisip ito ng hindi tama ay may gawin pa siya sa sarili niya. Inalalayan ko ang nanay papasok sa aming kwarto ni Charmaine. "Ikaw huwag kang aalis diyan sa kinauupuan mo. Mag-usap pa tayo. At ikaw naman na lalaki, makakaalis ka na sa pamamahay na ito. Wala kang lugar dito. At huwag ka ng bumalik." Tinalikuran ko na ito. Nilingon pa ito ni nanay. "Nay, ipahinga mo po muna dito ah. Sa labas lang muna ako." Tumango lang ito. Nakita kong nakatingin sa akin ang kapatid kong lalaki na sumunod kay Charmaine. Binilinan ko siya na tingnan-tingnan si nanay. "Carlo, doon ka muna sa tabi ni nanay. Tawagin niyo agad ako kapag may problema." Sa ganitong pagkakataong ay kailangan kong maging matatag para kay nanay. Dumanas na kami ng matinding kabiguan nong sumama si tatay sa ibang babae kaya this time kakayanin namin. Lalo na't may munting anghel sa sinapupunan nang aking kapatid. Mahirap tanggapin sa ngayon pero kailangan. Mas mabuti na ito kaysa naman ipalaglag niya ang nasa sinapupunan niya. Ayaw kong maging kriminal ang kapatid ko. Pero kailangan din niyang matuto sa ginawa niya. "Ate…" wika niya pagkakita sa akin. "Ngayon sabihin mo sa akin. Pinilit ka ba niya?" tanong ko. "Hindi po ate." Sagot naman nito. "Bakit? Alam mo naman na karelasyon siya ni nanay. Hindi mo man lang ba naisip ang posibleng mangyari dahil sa ginawa niyo?" saad ko. "Sorry po ate. Hindi ko naman akalaing mabubuntis ako." Rason pa nito. "Hindi mo akalain? Kung hindi ka pa niya nabuntis, balak niyo bang lokohin ang nanay habambuhay ha Charmaine." Yumuko ito. "Nakita mo ang hirap na pinagdaanan natin nong iniwan tayo ng tatay. Tapos ito pa ang igaganti mo?" "Handa naman po siyang panindigan ako." Sagot pa niya. Napatampal ako sa upuan. "Handa siya? At paano ang nanay? Sarili niyo nalang ba ang iniisip niyo?" galit ko nang wika. "Isipin mo ngang maigi Charmaine. Naging asawa ng nanay nabuntis ka. Hindi ka man lang ba nakonsensya? Ganyan ka na ba ngayon? Makasarili?" sunod-sunod na tanong ko. "Kung ayaw niyo naman sa amin eh pwede naman kami umalis dito." Kung pwede ko lang sampalin ulit ito, ginawa ko na. "Ikaw pa ang mapagmataas ngayon? Ikaw na itong nakagawa ng mali, ikaw pa ang matapang? Tignan ko lang Charmaine kung hindi mo pagsisihan ang mga naging desisyon mo sa buhay. At sana kung dumating man ang araw na makapag-isip ka na ay hindi pa huli ang lahat." Mahaba kong litanya. " Sasama na ako sa kanya." Walang lingon-likod itong nagmartsa palabas ng pinto. "Charmaine, bumalik ka dito. Tandaan mo, kapag nagkaproblema ka. Dito at dito din ang bagsak mo." Tuluyan na nga itong umalis. "Hayaan mo na siya Camille. Sana lang hindi siya magsisi sa ginawa niya…" boses ni nanay ang umagaw sa aking atensyon. "Nanay…" iyon lang ang nasambit ko. Nakita ko ang sakit at paghihirap ng kalooban nito. "Babalik din siya nay. At huwag niyo na isipin ang lalaking iyon. Nandito pa kami… Hindi ka namin iiwan. " niyakap ko ito. "Patawad Camille kung wala na akong ibang ginawa kundi ang bigyan ka ng sakit sa ulo." Ngumiti ako sa kanya. "Nay naiintindihan naman kita. Pero sana huwag mong isarado ang puso mo kay Charmaine." Wika ko, "Hindi anak. Sa ngayon galit pa ako pero lilipas din ito." Wika niya. Pilit man itong ngumiti ay alam kong hindi talaga siya okay. "Mahal na mahal ka namin nanay. " nagyakapan kaming dalawa bago ko siya hinatid ulit sa kwarto ang nanay. Makalipas ang ilang minuto ay tinawag ako nang aking kapatid. "Ate, Ate, ang nanay." napatayo ako pagkarinig ko sa sigaw ng aming bunso. Patakbo akong pumasok sa aming kwarto. Nakita ko ang nanay na walang malay. "Nay... anong nangyari?" tanong ko sa mga ito. "Hindi po namin alam ate, nakarinig nalang kami ng kalabog sa kabilang kwarto kaya pumasok kami pero naabutan na namin si nanay na nakahandusay. Niyugyog ko ito. "Carlo tumawag ka ng ambulansya, bilisan mo." tarantang sigaw ko sa kapatid ko. "Opo ate." nagtatakbo itong lumabas papunta sa barangay hall. may nakita akong pakete ng gamot sa ibabaw nang kama. "Jusko naman nay, bakit niyo ginawa ito." ininom niya lahat ang dalawang pakete nang gamot niyang panghigh blood. Ilang minuto lang ang dumaan ay narinig ko na ang tunog ng ambulansya. Agad na dinala namin ang inay sa hospital. Naoverdose ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buntis ang kapatid ko. Ang nakabuntis ay ang karelasyon ni nanay. Ngayon ang nanay ay nandito sa hospital. Saan na naman kaya ako kukuha ng pambayad ko? Ano nalang ang gagawin ko. paano na ang pag=aaral naming magkakapatid. Ang kinikita ko sa pagpapart time-part time ay sapat lang sa mga gastusin namin sa pang-araw-araw. Tapos ang magaling kong kapatid, hindi man lang magawang sagutin ang tawag ko. "Jusko, ano nang gagawin ko ngayon? Saan pa ako kukuha nang lakas para harapin lahat ng pagsubok na ito? Ano na ang mangyayari sa amin? Tulungan mo po sanang labanan ni nanay ang lungkot at sakit na ibinigay sa kanya ng lalaking iyon. " taimtim kong usal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD