bc

Maybe this Time

book_age18+
675
FOLLOW
6.9K
READ
billionaire
love-triangle
drama
bxg
city
office/work place
selfish
like
intro-logo
Blurb

Relationship is not always perfect,

Love isn't perfect we are not in fairytale where relationship has always a happy ever after.

Love is overcoming obstacles, facing challenges and fighting together but what will you do if you are tired fighting?

What will happen when everything has changed?

chap-preview
Free preview
One
“Love,” tawag ko, “where are you?” I miss him so much one week na kaming hindi nag kikita dahil busy sya sa taping. It’s been four years nang maging kami at stay strong pa rin ang relationship namin. . . I think. “I told you Mika I’m busy right now and I can’t go back to manila on friday,” sabi nya sakin at halata sa boses nito na naiinis na sya sa tanong ko. Sino ang hindi maiinis pang ilang tanong ko na ba sa kanya ito pero masama ba na mag tanong nami-miss ko lang naman sya. “okay take care I miss you,” malungkot kong sabi. Gusto kong umiyak pero ayokong malaman nyang umiiyak ako dahil lang nami-miss ko sya. May trabaho sya at may trabaho rin ako at dapat naiintindihan ko iyon pero alam kong mas busy sya sakin. Minsan na nga lang kami magkita patago pa. simula kasi nang maging artista sya pinag bawalan na kami ng management nya na magkita sa public lalo na bigla syang pumatok. " Yes nandito naman si Maui take care too sorry I’m just tired." “I understand, sige na mag pahinga ka na," sabi ko bago ko binaba ang tawag. Sana pala hindi na lang ako pumayag na ipag patuloy nya ang pagiging artista nya dapat naging model na lang ulit sya. Ano na kaya nangyayare sa amin kung di ako pumayag masaya kaya kami? Hindi ba kami patago magkita kung ganon? Umayos na lang ako ng higa at nagtalukbong ng kumot at ito nanaman ang luha ko parang waterfalls dahil sunod-sunod ang pag patak. Masyado nang negative pumapasok sa isip ko dapat ngang matulog na ako pero hindi ako maka tulog anong gagawin ko? Nakailang ikot na ako sa kama pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya inis akong bumangon at kinuha yung cellphone sa bedside table ko. I dialed Hannah’s number at ilang ring bago nya ito sinagot. “Hey.” "bakit?" Tanong nya, "Wait are you crying again?" tanong nya ulit sakin. “hindi ah okay lang ako ganito naman talaga ako diba?” tanong ko pa "hindi ka ganyan Mika at alam mo iyon parang hindi na nga kita kilala eh," sabi nya sakin. Ganon ba? “ano ka ba Hannah ano ba yang pinagsasabi mo,” sabi ko sa kanya at tumawa pa para makumbinsi sya. "lagi ka na lang umiiyak Mika hindi mo ba napapansin iyon?" Napapansin ko kaya nga sobrang sakit eh. “ayos lang ako ano ba, normal lang ito nami-miss ko lang naman sya.” "gusto kong puntahan ka ngayon Mika pero hindi ko maiwanan si Yuri wala pa naman si George dito sa bahay." Napangiti ako nang banggitin nya ang pamilya nya. One year na kami ni Mark ng magpakasal sya sa long time boyfriend nya. “okay lang talaga ako, Hannah. don’t worry gusto ko lang may makausap dahil hindi pa ako inaantok,” sabi ko sa kanya. May narinig pa ako iyak ng bata, Umiyak na siguro ang anak nya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya at binaba na iyong tawag. ayokong abalahin sya dahil alam kong busy sya sa sariling pamilya. buti pa sya masaya eh ako? Masaya naman Ako masaya dahil kahit ganito kami ni Mark hindi pa rin nya ako iniiwan at hindi ko alam anong gagawin ko pag iniwan nya ako. Hindi ko iyon na-i-imagine dahil kahit kelan hindi pumasok sa isip ko na mag hihiwalay kami. Kahit masakit kakapit ako para sa amin. Tama para sa amin lalaban ako iintindihin ko lahat. marami na kaming pinagdaanan ngayon pa ba ako susuko. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero nagising ako dahil sa isang tawag. Wala naman akong inaasahan na ganitong kaagang tawag kaya nagtataka akong tinignan ang cellphone ko. Miko is calling. . . “Why,” inaantok kong sabi. "Busy ka?" Tanong nya, "Teka kagigising mo lang? anong oras na ah." “pwede ba isa-isa lang Miko wala akong meeting ngayong week at medyo maluwag sched ko bakit ba?” "may sinabi sakin si Lolo may party sa Friday." “oo nabanggit nya nga sakin 'yan nung tumawag sya sakin nung isang araw.” "pinapaalala ko lang sa iyo na isama mo si Mark," sabi nya. “hindi ko sure busy sya sa work nya.” "pano yan hinahanap pa naman kayo ni lolo teka maayos pa ba kayo? Nitong nakaraan napapansin kong hindi mo sya kasama tuwing party." “busy nga kasi si Mark, sige na maliligo pa ako,” sabi ko at binabaan na sya ng tawag. Paano na ito Hindi ko alam napapansin na pala ni Miko paano ko sasabihin sa kanila ang sitwasyon namin ni Mark? nakatunganga ako sa opisina ko matapos kong mapirmahan lahat ng kailangan kong pirmahan. hindi ko namalayan na madilim na pala sa labas. Tinignan ko yung phone ko baka may nag text pero ganon na lang ang pagkabigo ko nang makita kong walang text galing sa kanya. but of course i text him baka busy lang sya kaya hindi sya makapag text sakin. To: My love love how's your day? I'm still here in the office pero uuwi na rin ako. after i send my message tumayo na ako at pumunta sa pantry para mag timpla ng kape. kahit pagod ako parang ayokong umuwi baka pag umuwi ako hindi lang ako maka tulog baka umiyak lang ako. iniiwasan ko ng umiyak dahil ayokong mag alala ang mga taong nasa paligid ko. bumalik na kagad ako sa loob ng opisina ko ng maka kuha ako ng kape at binasa ko na lang lahat ng report na kailangan kong basahin. ganon na lang ang gulat ko ng mag vibrate ang phone ko pero ganon na lang ulit ang pagka dismaya ko ng hindi si Mark ang nag text sa akin. From: Miko lolo is here and we are waiting for you. where are you? akala ko ba sa susunod na araw pa sila darating pero bakit ngayon nandito na sila? nag madali akong mag ligpit ng gamit at kagad bumaba para umalis sa office. bakit hindi sinabi sakin ni Miko na maaga silang uuwi ngayon nag mamadali tuloy ako. dali dali kong pinaandar yung sasakyan ko ng mahinto ako sa stop light kinuha ko yung phone ko sa bag at tinext ko si Miko. hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi wala naman ng traffic pag ganitong oras sana lang tuloy tuloy ang usad dahil baka magalit sakin si lolo. Alam kong hindi uuwi si lolo ng ganitong kaaga kung wala syang importanteng gagawin dito. "What the! not now please!" inis kong sabi dahil biglang tumirik ang sasakyan ko sa daan. napatampal ako sa noo ko ng maalala ko na hindi pala ako dumaan sa gas station kaninang umaga bakit ba nakalimutan ko iyon buti na lang wala ako sa highway. lumabas ako ng sasakyan ko baka sakaling may makita akong dumaan na taxi ng ganitong oras. Pero kahit isa wala akong makitang dumadaan na taxi. Why now? kinuha ko ang cellphone ko para kontakin si Miko pero ganon na lang kabilis nawala ang inis ko ng makita ko ang text nya. From: My love I'm sorry I'm busy and I can't reply to your text but I'm okay let's meet soon. napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang lakas ng t***k ng puso ko. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang nag ka halo halo na lahat ng emosyon ko. napatalon ako sa gulat ng biglang may bumusina na sasakyan sa gilid ko kaya tinignan ko ito. hindi ko masyadong makita ang driver dahil medyo madilim ang kinakatayuan ko. laking gulat ko ng lumabas yung driver ng sasakyan at si Zamiel ang nakita ko. Teka, Anong ginagawa nya dito? "you need help?" tanong nya. hindi kagad ako nakasagot sa kanya dahil sa gulat it's been years nung huli kaming magkita and now he's here in front of me. "ahm. . . ano kasi. . tumirik yung sasayan ko," nahihiya kong sabi really? malas ba talaga ako ngayon? sa lahat nang pagkakataon na pwede kaming magkita ulit bakit sa ganito pang sitwasyon. he looks good, he looks fine mukha syang masaya sa buhay. wala na akong naging balita sa kanya simula nung maging kami ni Mark at hindi ko alam kung saan sya pumunta. "why overheat ba?" tanong nya at pumunta sa harap ng sasakyan ko para tignan ito. "ano hindi. . nalimutan ko kasi mag pa gas kaninang umaga," sabi ko. napakamot na lang ako sa ulo ko ng tumingin sya sakin he's still have this aura. "Pauwi ka na ba?" tanong nya "oo sana kaso tumirik yung sasakyan ko maghahanap sana ako ng taxi para maka uwi eh," paliwanag ko. "ihahatid na lang kita," suggest nya na agad naman akong umiling. "hindi na mag ta-taxi na lang ako baka na iistorbo kita," sabi ko sa kanya. kahit gusto ko na lang umo-o sa offer nya pero pinigilan ko ang sarili ko i feel guilty after what i did before ngayon sasakay ako sa sasakyan nya. no way! "hating gabi na Mika at delikado na mag taxi," sabi nya sakin. "i know." hindi ko na alam ang isasagot sa kanya feeling ko hindi nya ako hahayaang mag taxi. napatitig ako sa kanya nang mag lakad sya papunta sa sasakyan nya at binuksan ang pinto. "get in," sabi nya. still bossy. napabuntong hininga na lang ako at naglakad papunta sa sasakyan ko para kunin ang gamit ko. hinintay nya akong maka ayos bago nya isara ang pintuan at nag tungo na sa driver seat. "bakit ka nga pala ginabi? " tanong nya. "marami lang ginawa sa office," sagot ko at tumango naman sya. napatingin na lang ako sa labas dahil hindi ko na talaga alam ang isasagot ko pag nag tanong pa sya. "where's Mark bakit hindi ka nya hinatid?" tanong nya. may alam ba sya why do i feel like he knows something. napatingin na lang ako sa kamay ko na nakapatong sa hita ko. "he's busy alam mong ganon ang buhay artista," sabi ko na lang. I hope he will stop asking about my relationship with Mark. hindi ko kayang pag usapan namin si Mark dahil naalala ko lang ang sinabi ko sa kanya noon. I still feel guilty hindi ko alam kung paano ko nasabi sa kanya ang mga iyon nadala rin siguro ako ng matinding galit. naramdaman nya ata na ayokong makipag usap dahil hindi na sya nag tanong ulit. na guilty naman ako dahil sya na nga itong nag offer na ihatid ako at ito ako uma-attitude. "how's your life?" tanong ko. hindi ko alam kung bakit iyon kagad ang natanong ko siguro dahil curious talaga ako. tumingin sya saglit sakin bago ulit tumingin sa kalsada. "good, I've been busy this past few years. ako na kasi ang humahawak sa kompanya namin," sabi nya. "CEO life huh," sabi ko. "yeah but it's a boring life puro papel at laptop ang kaharap ko araw araw." I can relate to him kasi ganon din ako simula nung hindi kami nakakalabas ni Mark. I don't know if I can ask him about his love life pero siguro hanggang doon na lang iyon at baka kung ano pa isipin nya. tumingin sya sakin ng hindi na ako nag salita. ganon kami hanggang sa makarating kami sa bahay at nagulat pa nga ako dahil kabisado nya. hindi ko maalala kung naihatid nya na ba ako noon dito. "maraming salamat, Zamiel." "welcome," tipid nyang sagot hindi na ako nag tagal pa at lumabas na sa sasakyan nya. "ingat ka," sabi ko pa. "thanks." hinintay ko munang maka alis sya bago pumasok sa loob. hindi parin ako maka paniwala na nagkita kami ngayon. pagka pasok ko sa mansion nakita ko si Miko na may panunuring matang nakatingin sakin. "what?" taka kong tanong sa kanya. "what was that?" tanong nya. ano nanaman ba iniisip nitong kambal ko. "nothing where's lolo." "kaya ba ginabi ka?" tanong nya ulit "stop it, Miko. wala lang yun okay kung ano man ang tumtakbo sa isip mo tigilan mo na 'yan," sabi ko sa kanya. I’m tired and I can’t argue with him. feeling ko naubos ang lakas ko sa pagiisip kanina sa office. "umakyat na si lolo bukas na lang daw. mag pahinga ka na," sabi nya sakin kaya tumango na lang ako at umakyat. "but if there's something between you and Zamiel please brake up with Mark don't hurt him Mika," sabi nya sakin na nag patigil sakin. what he's saying. don't hurt him? hindi mo alam na ako ang nasasaktan twin. lumingon ako para tignan sya pero nakita ko syang papasok sa kusina at hindi na inantay ang sasabihin ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Master and I

read
136.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

Twin's Tricks

read
560.3K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.8K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook