Dumating si Dennis nang sumunod na Linggo. Nagkayayaan silang mamasyal sa isang private resort para maipasyal na rin si Jace. Pauwi na rin si Rhea Lyn sa bahay ng mga magulang nito sa Ilocos bago ito bumalik sa Canada. Kahit paano ay nawala sandali ang mga problemang kinakaharap ni Janine sa mga Romano. Naibigay niya na ang fifty thousand na kailangan ni Jane. Sa susunod na buwan naman niya ulit poproblemahin ang one hundred thousand para patuloy na matustusan ang pagpapagamot kay Jadie. Ang sabi ni Jane ay nagpapadala naman daw si Eli ng panggastos nila sa araw-araw, bagama't sa ina ng lalaki ipinapadala dahil hindi nag-uusap ang dalawang dating magkarelasyon. Napagod na raw si Eli na maghintay kung kailan makakalaya si Jane sa kasal na hindi nito dapat sinuong noong una pa lang. "Sa

