Hindi mapakali si Janine habang pumapasok siya araw-araw. Ipinapanalangin niya na lang na sana'y hindi niya makasalubong si Mr. Romano dahil hiyang-hiya na siya sa mga nangyayari. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Patrick dahil hindi raw ito pumapasok sa opisina. Sigurado siyang namomroblema ito kung ano ang isasagot sa mga magulang dahil kapalpakan ni Jane ang dahilan kung bakit walang makukuhang claims sa insurance ang nasunog na mga kargamento. Dumating ang Sabado, maaga siyang nagpunta sa address na ibinigay ni Jane. Isa iyong ospital sa Ternate, Cavite na tatlong oras niyang byinahe dahil wala naman siyang sariling kotse. Nagulat siyang talaga nang makita ang itsura ni Jane. Hindi na ito ang dating sopistikadang babae na palaging naka-makeup at may kulay ang buhok. Ni hindi

