Chapter 29

1460 Words

"Ate Janine, nariyan ho si Sir Patrick!" "Ano?! Dalhin mo si Jace sa kwarto mo!" utos niya kay Duday na mabilis namang kinarga ang anak niya. Alas sais pa lang ng umaga at magbibihis pa lang dapat siya nang bigla silang nagkagulatan. Tinotoo ni Patrick na pupunta ito para isabay siya sa pagpasok. Niligpit niya ang lahat ng damit ni Jace sa kwarto na puwedeng makita ni Patrick. Wala naman itong karapatan na pumasok sa silid niya, pero dahil arogante ito at masyadong mataas ang tingin sa sarili, hindi malabong basta basta na lang ito susulpot. Pupungas pungas tuloy anag anak niya na hinahanap siya. Samantalang si Patricia ang sarap pa rin ng tulog. Narinig niya ang pagsara ng kotse na ibig sabihin ay papasok na si Patrick sa bahay ng Mama niya. Maya maya ay ang boses naman ng Mama niya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD