"Ma'am Janine, ipinapatawag ho kayo ni Sir Patrick sa opisina niya." Kaagad siyang tumango kay Lindsay. Alas dos na ng hapon at nakahanda na ang listahan niya ng mga kliyenteng gusto niyang puntahan. Pagpasok niya sa opisina ni Patrick ay naroon ulit si Darius Romano. Hindi na siya makaatras. At alam niyang dadating din naman ang panahon na haharap siya sa matandang Romano para idepensa kung bakit hindi kailangang magsara ng shipping company. "G-good afternoon, Mr. Romano..." pormal niyang bati sa matanda. Noon ay magiliw ang kaibigang ito ng Papa niya sa kanilang dalawa ni Jane. Ngayon ay halos ayaw siyang tingnan. "I am here to listen to your arguments," wika ng matanda na bumaling kay Patrick. "I only have..." Tumingin muna ito sa orasan. "Fifteen minutes." "Tulad ho ng sinabi ko, s

