KABANATA 37 NAPANSIN ko ang biglang halos hindi maitago na pagporma ng ngisi sa mga labi ni Senyorito Raphael, na para bang bigla niyang naunawaan ang pinanggagalingan ng inakto ko kanina. Halos matampal ko ang noo ko. Ang init-init na ngayon ng parehong mga pisngi ko at pakiramdam ko hindi na naman maitago ang pagpula ng mga ito dulot ng hiya. Akala ko kasi nagpapractice kami! Hindi ba?! “Raph!” Tuluyang nakalapit ang bagong dating na tao sa ‘min saka ito dumiretso kay Senyorito Raphael, ang huli naman ay tumayo at sinalubong din ang isa ng friendly hug. “Ang bango bango mo talaga kahit kailan, ano ‘yang pabango mo, bumili ka ba ng bago?” Malakas ang boses at nakangiti na sambit ng bagong dating. Babae siya, medyo pamilyar ang hitsura hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko siya

