KABANATA 3

572 Words
KABANATA 3 KINABUKASAN ay maaga pa lang nagtungo na ako sa mansyon ng mga Aragon para sa trabaho ko bilang kasambahay roon. Napansin ko ang lahat sa kanila na nagkukumpulan sa isang tabi habang naglilinis ng malaking painting sa pader. Nagchichismisan na naman. Patay-malisyang lumapit ako sa kanila para magtungo sa katabi nilang coffee table at nagpunas doon. “Kapag kayo nahuli ni Senyora, goodluck na lang talaga.” Parinig ko habang nasa ginagawa ang atensyon. “Paniguradong ibabalik kayo ng mga bibig na ‘yan sa paggawa ng mga basket sa palengke.” Nagmamadaling lumapit sa ‘kin ang mga kaibigan ko. “Hindi mo alam kung gaano ka-grabe ang mga narinig namin kahapon, Angeline!” Pangunguna ni Marceline sa akin. “Oo nga, talaga palang... demonyo ang ugali ng Senyorito Raphael—“ “Teresa Marie!” Pinandilatan ko sila ng mga mata saka natatakot na tumingin sa paligid. Mukhang wala namang nakarinig, lalo na sila Senyora. “Bakit? Alam naming lahat! Narinig namin kung paano niya kausapin ang Senyor, parang gusto niya ng mamatay ang Senyor. ‘Di hamak na mas mabait talaga si Senyorito Presley!” “Huwag kang magkakamaling ikalat ‘yan sa labas ng mansyon, malalagot tayo!” Pumalatak silang dalawa at ngumuso. “Siyempre naman, pero hindi lang tayo sigurado sa mga ‘to...” tukoy nila sa mga tinignan na kasamahan namin sa paligid, kapwa kasambahay na hindi rin matigil sa kabubulong. Marahil tungkol din doon sa narinig daw nila. Kung ano man ‘yon bahala na sila. “Tandaan niyong dalawa na walang masyadong inaasahan ang mga magulang ninyo kung hindi mga sinasahod niyo rito sa mansyon, nako. Mabuti sana kung pagpapalayas lang ang gawin sa inyo ng Senyora kapag narinig niya ang mga tsismisan niyo riyan." Pananakot ko kay Marceline at Teresa Marie. Mga kaibigan ko sila simula noong bata pa lang ako rito sa bayan ng La Hermosa. Si Marceline, Teresa kasama rin ang tatlo pang kaibigan ko na sa farm ko naman nakakasama, sila Jappa, Isagani, at Gaia. "Walang mahuhuli kung walang magpapahuli!" Nakangising bulong ni Teresa. "Tama! Uy, Angeline, sabay tayong magpunta sa Hermosa Night ha! Nakatanggap din kami ng invitation ni Teresa!" Ani Marceline, iniiba ang usapan. Inilingan ko silang dalawa at nilayuan na lang. Perpektong-perpekto pa naman ang reputasyon ng mga Aragon sa buong La Hermosa. Mukhang dito sila sasablay sa mga Senyorito nilang ubod nga sa kagwapuhan pero hindi tayo sure sa ugali. Buong hapon akong nagpokus lang sa mga nakatoka sa ‘kin na gawain sa rooftop at mga balkonahe ng mansyon. Nang matapos sa mga gawain ay napagdesisyunan kong kuhanin ang bestida kong puti para sana ipasabay sa paglalaba ni Manang Doring sa ibaba pero habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng mansyon at bitbit ang bestida... “Miss! Excuse! ‘Wag ka riyan!” “Senyorito?” Nagulat ako sa sumigaw at agad na napatingala sa narinig na ingay, nakita ko ang mahabang lubid na may nakalambitin na balde saka si Senyorito Presley na patakbong lumapit sa ‘kin mula sa pagkakatago sa gilid na corner. Mabilis ang pangyayari, nagulat na lang ako na bumuhos na sa ‘ming dalawa ang maamoy na pinturang berde at itim bago pa niya ako mahatak palayo roon. Pero ang ikina-panic ko? ‘Yung bestidang hawak ko, mula sa kulay puti ay naging berde sa mantya! Patay ako kay Nanay, sigurado ‘yan, bukas na ang Hermosa Night!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD