Chapter 6: Chocolate

2048 Words
After the holidays in November, school is back, and I have to complete a lot of things. Aside from the master's classes I took, I need to polish and finalize some grades this quarter. I'm sitting in my chair as I stare outside the clinic. The clinic's wall was made of tinted glass. I think it was made with a purpose, so If there was an emergency, someone from inside could clearly see what was happening outside. The clinic was just beside the main gate, there was a track field around a football field, and at the very end opposite this clinic is the swimming pool area and some small fields for sepak takraw and badminton. So, every time there's an injured athlete's commotion and whatnot, the clinic personnel can help them immediately. No wonder this school is usually the host of the national games, but not always. Getting to this island is an inconvenience for some regions of Luzon and Mindanao. Some Filipino Sea Games champion athletes are from this school or from Bacolod. This place nurtures athletes. Napataas ang kilay ko nang mamataan ko ang naglalakad na estudyante sa pathway at alam ko na agad kung sino ito. Lunchbreak na at madalas pag ganoon ay yayayain ako ng ibang co-teachers ko. Sa araw na ito ay inaya ako nila Sir Makoy ngunit marami akong dapat natapusin kaya't lumiban muna ako sa pagsama sa kanila. Alam kong kahit may araw ay malamig pa rin ang simoy ng hangin kaya hindi ko masisisi kung pinatungan niya ang kanyang puting uniform ng oversized denim jacket at may suot na cap na may designer brand na naka-print at naninigaw ng karangyaan. I never had any interest in examining his attire, but now that he is too obvious to overlook, I simply can't help myself. When I look at his black shoes, I can tell that they are designer wingtip shoes and that they cost one thousand dollars each. Even though I am not the type of person to spend a lot of money on beautiful clothing, my parents make sure that we always have access to it. And now that I am working independently, I haven't bought any new clothes since I arrived here, so I'm simply wearing the expensive clothes that I bought with my parents' money. I haven't bought any new clothes since I came here. Napabuntong-hininga na lang ako habang papalapit siya at agad akong nakarinig ng katok ng pinto at pagbukas nito. "Yes?" tanong ko na agad. Ngumisi ito at inilagay ang kaliwang kamay sa kanyang bulsa at inabot kaagad sa akin ang paper bag na may tatak pa ng pangalan ng isang restaurant. Alam kong restaurant ito sa bayan dahil nakita ko ito noong namimili ako roon. "I bought lunch for all the faculty teachers here." Inilagay niya ang paper bag sa aking mesa. Tinitigan ko iyon. Isang korean food resto iyon at naaamoy ko na ang chicken sa loob, bigla akong nagutom. "Thank you, kain ka na rin." Mabilis kong sabi at itinabi ang mga papel sa aking harapan upang kainin ang binigay nito. "Hmm," ungol nito at agad kinamot ang gilid ng ilong nito, mabilis itong tumingin sa sahig na para bang may gustong sabihin. "Do you like chocolates?" Mabilis niyang tanong at agad na kinunot ang noo. Nag-iwas siya ng tingin nang tinignan ko siya nang may pangungnot din ng noo. "Don't worry, I gave a few to the teachers, I just thought you wouldn't like it, so I asked you." Muli itong tumikhim at inilagay muli ang kaliwang kamay sa bulsa niya. "Nasaan?" tanong ko at nang matapos na ang usapang ito baka hindi ako makakain agad at ganoon din siya. "Wait..." sabi nito at mabilis na muling lumabas sa pintuan. Napasikmat ako nang hindi siya tuluyang lumabas at may kinuha lang sa gilid ng pintuan. Tinanggal niya ang suot niyang cap at agad niya rin pinatong ang malaking paper bag. Napatayo at sinilip ko kung ano ang laman non. Napataas ang kilay ko dahil ayaw kong ipakita ang gulat ko nang makita ang mga boxes ng chocolates sa loob. Sinilip ko pa ang nasa ilalim at nakita kong tatlo ang mga chocolate box na iyon. Ang pinakailalim na box ay ang pinakamalaki. "Mukhang mahal to ah," sabi ko ang makita ang brand ng mga ito, mga nasa libo rin kasi ang Godiva brand ng chocolate at nakita ko rin ang Guylian chocolate brands. "Mom went somewhere and bought these, and she told me that we should split them. Since I have already distributed some of these to the other teachers in the faculty, it would be unreasonable of me to withhold some from you, right?" Those endearing brown eyes of his are fixed on me. If he isn't rude to me, I would definitely appreciate all his perfect features. "Some? This is a lot, Jalandon. Don't you study quantifiers?" Napataas ang aking kilay nang sabihin iyon, matapos akong makabawi sa pamumuri sa itsura niya. "Why do you always have rebuttals, miss?" Nakataas na kilay niyang tanong. Napasikmat akko sa sinabi niya. "Don't you like it?" tanong niya ng mahina, parang nahihiya pa siya. Napataas ang aking kilay dahil ngayon lang siya tumiklop habang kaharap ako. He's always rude. Napabuntong-hininga ako. "I like it. Nakakahiya kasi ang dami mong binigay," sabi ko, "but, thank you for this." Ngumiti ako ng tipid. Saka ko lang nakita ang pagaliwalas ng mukha niya. "Ahm... uh—I need to go. Enjoy your lunch, Miss," sabi nito at mabilis na lumabas ng clinic. Sinundan ko siya habang naglalakad sa pathway pabalik sa kaliwang parte ng mga classrooms. Nakita ko ang mamahaling brand na naka-slant ang pagkaka-imprinta sa suot niyang denim jacket. The youngster seemed to already be a multimillionaire just by being alive. Ngayong araw ang kasama ko ang isa kong co-teacher sa MAPEH department, si ma'am Cassie, tatlong taon ang agwat nito sa akin. Katulad ko ay maydala rin itong paper bag hindi nga lang singlaki ng bitbit ko. "And dami mo naman atang dala ngayon, ma'am," tanong ni Ma'am Cassie habang sinisipat niya ang loob na siya naman ikinahiya ko kaya't pasimple kong inayos ang paper bag at imbes na bitbitin ay niyakap ko na lang. "Ah, yong iba rito mga papel, tatapusin ko na lang sa bahay, sayang 'yung malaking paper bag." Pinilit kong ngumisi habang nagpapalusot ako. Bakit ba kailangan kong magpalusot? Ang hirap kasing idepensa na ako nakatanggap ng pinakamalaking paperbag, pinakamaraming boxes ng chocolate samantalang ang ibang teacher ay nakakuha ng maliliit na paperbag na may laman na mga Toblerone, Belgian, at mas murang brand na chocolate kesa sa akin. Whatever Jalandon's reason for giving me too much, it must be because he has been too rude to me since the first day he transferred here. Dahil mayaman at baka ma-pride kaya imbes na mag-sorry ay sussuhulan na lang ako ng mga tsokalateng mamahalin. The fact that he is still a jerk does not change the fact that I will not accept bribes from him. "Ano palang mayroon at nagpakain at nagbigay ng mga chocolates si Jalandon?" tanong ko upang mawala ang panaka-naka niyang tingin sa paper bag na yakap ko. "Birthday kasi Kahapon ni Mayor Dmitir, pag ganoon palaging may pinapadalang pagkain sa mga faculty iyon, ganoon non kamahal ang school na to at mga teachers na nandirito," sabi nito na may ngiti sa labi. Kaya rin marahil walang gaanong klase kahapon at nagpapalaro lang ang ibang teachers bilang selebrasyon. May nakita pa nga akong mga estudyanteng nag-rerecord ng 'thank you' at 'happy birthday, Mayor'. Politics. "Oh? Axis? Ba't nakasakay ka sa tricycle?" Natatawang tanong ni Ma'am Cassie. "I've been doing this for two months, ma'am," sagot nito kay ma'am Cassie bago ako binalingan. "Let's go miss, your house is just in front of ours, sabay ka na," saad niya sa akin. Nagpapalit-palit ang tingin ni Ma'am Cassie sa akin at sa kanya. Ngumisi ako ng hilaw at niyaya na rin siya sa loob ng tricycle. Binati naman ako nina Samwell na siya namang sinagot ko ng ngiti. Lumabas naman si Jalandon sa tricyle at unang pinaupo si Ma'am Cassie sa harap, iminuwestra niya ang upuan sa likuran upang doon ako umupos, hindi na ako umangal at umupo na lang. Ang hindi ko inasahan ay tumabi siya sa akin kaya't si Galen ang tumabi kay Ma'am Cassie. Napansin ko sa harapan na salamin na nais akong kausapin ni Ma'am Cassie dahil gusto niyang lumingon sa likod ang kaso ay hindi niya na itinuloy dahil tahimik akong nakatingin sa labas. I'm five-six, and Jalandon is probably around five-eleven... taller than some of the senior students. He isn't muscular, just lean and a bit skinny, the way some tall teenagers usually are. Even so, I can see him struggling to fit into the vehicle. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya gamit ang salamin kaya't nang magtagpo ang tingin namin ay huli na para mag-iwas ako kaya't tinitigan ko rin siya. Siya na ang humiwalay ng tingin nang biglang umuga ang tricycle at napabunggo siya sa akin, nagdampi ang aming mga braso, siko, at hita. Tumikhim siya at nagkamot ng ilong habang nakatingin na ngayon sa labas. Tinignan ko ang postura niya, nakatukod ang mga siko nito sa mga hita niya, napataas ang kilay ko nang dumapo ang tingin ko sa braso niya. Dahil nga medyo may kaputian ito ay napansin ko ang pananayo ng balahibo roon. Wala sa loob kong dinampian ko ng aking hintuturo upang mapatunayan pang lalo na nagkaka-goosebumps. Mabilis nitong iniwas ang braso sa at tumingin sa akin. "What?" tanong niya at nakataas ang kilay. "Are you in your number 1 or number 2 situation?" tanong ko. Pertaining to peeing or pooping, since I can't ask it directly because it's too vulgar. Mas lalong nag-abot ang makakapal niyang kilay. "What do you mean?" Muli niyang sinipat ang balat na hinawakan ko. "Nevermind," sagot ko at saka nagkibit ng balikat. "Don't use your slang words on me, miss," sabi nito at nag-iwas ng tingin. Nagkibit ako ng balikat at tahimik na kami sa buong biyahe. And now, as I stare at the box of chocolates he gave me, I'm almost afraid to touch it, it might cost more than my entire month's wage. I'm torn between accepting it and giving it back. My family may live comfortably, but I've never bought anything even close to this. It always felt like vanity. I couldn't even remember eating a 'Le Chocolate Box' with thirty pieces of chocolate with jewelry in it. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa chocolate box at harap ng laptop ko. Napa-search ako nang wala sa oras upang tingnan ang presyo niyon. I can't resist trying one because I'm curious about how this expensive chocolate tastes. I've had a similar product in the past, but not this specific brand. Kinabukasan ay dinala ko pabalik ang chocolate box, dahil nga sing haba nito ang dalawang pinagdugtong na textbook, at para na rin hindi gaanong mapansin kaya't isinilid ko ito sa isang eco bag ng isang shopping mart. "I can't accept that, Jalandon, I don't accept bribes or what. I can't accept such expensive gifts from anyone," sabi ko habang inaabot sa kanya ang eco bag. Alam kong pupunta siyang clinic kapag lunch at dadalhan ako ng pagkain. "And stop doing that. Stop bringing me lunch or anything. I don't like it," diretso kong saad at hindi na binigyan siyang makapagsalita. Mukhang hindi naman siya makakapagsalita dahil mataman lang niya akong tinitigan matapos walain ang pagkagulat niya nang ibalik ko sa kanya ang bigay niyang chocolate. "That's a gift for every teacher's here," sabi nito nang makabawi sa gulat. "Alam ko kung ano ang mga ibinigay mo sa teachers, Jalandon. If you're giving me this to say sorry. It's better to say and show how sorry you are," sabi ko at namewang. "Why would I be sorry?" Nagtatakang tanong niya. "On how you insulted me last time?" Pataray kong tanong. Tumawa ito. "I'm sorry, miss, but this isn't a gift of apology. I don't do gifts and apologies. Period. You are to retain that, and if you do not want it, you are to throw it away." Mabilis niya akong tinalikuran ang hindi na hinayaan pang makapagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD