Kakaibigang liwanag ang sumalubong sa akin ngayong araw na ito. Marahil ay hindi lamang sa nasasabik ako sa mga gagawin at mangyayari sa susunod na linggo kung hindi ay patapos na ako sa mga dapat kong tapusin na trabaho.
Maaga rin akong nakatulog kaya't habang naghihintay ako ng tricycle na masasakyan sa labas ng aking tinitirhan ay maaliwalas ang aking pakiramdam.
"Hi, miss, you wanna hop in?" bungad kaagad ni Jalandon.
Hindi ko napansin na may sasakyang huminto sa akin harapan na isang Ford Bronco Sport, hindi naman lubak-lubak ang daanan papuntang eskwelahan ngunit ang sasakyan nito'y disenyo para sa malubak na daanan.
Tatanggi na sana ako ngunit binati ako ng kaniyang driver kaya't wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob ng sasakyan.
"Later would be a good time for sunset seeing, miss, would you like to come? We've got a few foods to share too," sabi nito sa maligayang tono.
Nawala na siguro ang inis niya nang ibalik ko ang binigay niyang chocolate na may alahas sa akin. Wala akong balak na suotin iyon, maaaring sa ibang araw ay ibabalik ko rin iyon, ayon sa mood ng batang ito.
Ang galing talaga, para akong babysitter niya, ako dapat ang mag-adjust kung kailan nasa mood siya.
"And?"tanong ko. Ayaw ko muna siyang tanggihan kahit sigurado akong wala akong balak na sumama sa kanya.
"Well, that's all," anito sa paraang wala nang ibang idudugtong.
"Alright." Tumango-tango ako.
"But tomorrow we'll be going to the port, it's Belleza Maria's Fiesta," sagot nito sa kalmado at malamig na paraan marahil ay napansin niya ang aking mga turan kaya't nilebel niya iyon.
"I can't," sagot ko agad.
"Because?" tanong niya naman.
"I am busy," sagot kong muli nang hindi siya tinitignan. Nanatili ang mga mata ko sa labas ng sasakyan.
"Oh," reak niya na sinabayan pa ng isang tango.
"And if I would, I think I'll be going with the kids," dugtong ko.
"Who are those kids?" tanong niya. Napansin ko ang paglingon niya ngunit hindi ako nagbigay ng panahon upang titigan siya.
Ayaw kong mapansin ng driver na ganito ako makitungo sa alaga nito.
"My athletes," saad ko.
Iyon na ang huling usapan namin, hindi niya na ako tinanong, narinig ko na lang ang pagsang-ayon niya at napansin ko ring tumatango-tango rin siya.
Ayaw kong bigyan siya ng kahulugang porket sibil akong makitungo sa kanya ay ayos na sa aking ganyan siya makitungo sa akin. Hangga't maaari, gusto kong ipakita sa kanya na napakalaking bagay na makakuha ng respeto mula sa isang taong nirerespeto mo rin.
Kung hindi niya maibigay sa akin iyon, ay hindi ko siya bibigyan ng mga dahilan upang ipagpatuloy niya ang ganoong ugali sa akin.
'Pasensiya na ma'am sa mga inasal ko.'
Ganoon ba kahirap sabihin ang mga katagang iyon? If he doesn't apologize then he doesn't deserve my care as his teacher.
And...
How can this student who's younger than me be so cold, dominating, and invigorating all at the same time? Why am I feeling so much heat and glitz from a frosting conversation? It's weird to feel unsteady when all I've felt about him ever since was annoyance. Why do I feel that little pinpricks of light are being sent into my skin? It's like a fire is raging inside of me.
And they're now spreading through my veins, making a rush and nip of tingles and a slight little pain?
Pagbaba ko ng sasakyan matapos ma-park ang kanyang sasakyan ay napansin ko ang tingin ng iba, hindi ko sana bibigyan ng pansin iyon nang may narinig ako habang naglalakad ako sa pathway papuntang clinic.
"Alam mo ba? Lumabas 'yong Mapeh teacher sa sasakyan ni Axis?" sabi noong isa.
Napakabilis kumalat ng tsismis, marami na kasi ang estudyante malapit sa gym dahil may flag ceremony tuwing Lunes. Dahil nga ay maraming estudyante, kaya't hindi rin siguro napansin ng iba ang pagdaan ko.
"Weh? Eh diba, kahit sinong teacher wala pang nakasakay sa sasakyan niya?" tanong ng isa na siyang nagpataas ng kilay ko.
"Oo nga, sabi pa nga, ayaw na ayaw ni Axis na magpasakay sa sasakyan niya eh," dagdag ng isa.
"Nadadaanan kasi ang bahay ni ma'am mula sa vista baka sinabay lang talaga," sabat naman noong isa, na siyang lihim kong tinanguan.
"Naku! Si sir Arnold at ma'am Janice madadaanan din ang bahay galing vista no!"
Napabuntong -hininga ako dahil hindi ko na narinig pa ang idinagdag ng iba pa. Ayaw ko namang bigyan ng kahulugan ang simples pagsabay sa akin ni Jalandon, dahil alam kong nag-iiba talaga ang bersyon ng usap-usapan.
Ang isang maliit na bagay na hindi dapat bigyan ng pansin kapag nailipat-lipat sa iba't-ibang bibig ay nagbabago ang bersyon, nagiging eksaherada ang mga kwento hanggang sa nagiging malubha ito.
Because if someone is tattling about someone's life behind their back will always and only babble in bad light
"Ma'am sama po kayo sa tabing dagat mamaya?" tanong ni Samwell.
Napabuntong-hininga ako. Nais kong magpahinga ng maaga ngayon, pero binibigyan pa ako ng responsibilidad ng mga batang ito, ano bang gagawin ko roon kapag kasama ang mga estudyante ko. Guro nila ako, kaya malamang ako tagabantay—they'll be my responsibility, and I am tired today.
"Nagpaalam ba kayo sa mga magulang niyo?" tanong ko.
"Opo, ma'am," sagot naman ni Jorah.
Sa huli ay wala rin akong nagawa nang pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ay nakita ko na ang dalawang tricycle na lulan ng mga estudyanteng mukhang kasama sa gala ng mga atleta ko ngayon.
Dahil nga tapos na ang mga hell week kaya't magaan na lang ang gawain ngmga estudyante, ang mga guro na lamang ang may mabibigat na gawain.
Alas dos pa lamang ay pinauwi na ang ibang estudyante, dahil simula na rin ng preperasyon sa isang linggong piyesta ng Belleza Maria, simula bukas.
Napakalalim ng paghugot at pagbuga ko ng hininga. Napapailing ako habang isa-isa na akong niyaya nila Jorah.
"Dito ka na, Axis, nag-reserve na ako ng upuan sayo eh!" sabi noong isang babaeng estudyante na may mahaba at kulot na buhok.
"No, I'll sit here, i've reserved this sit for me," sagot naman nito na ang tinutukoy ay ang upuan sa likuran katabi ko.
"I thought you're not going?" tanong nito, ngunit sa masungit na paraan.
"Well, I thought you have a different plan," sagot ko, idadagdag ko na sana na baka hindi siya kasama sa plano nila Samwell dahil hindi naman mga rich kid ang kasama nila baka out of place lang siya.
"We're friends, so we have the same plan," he answered. He is crouching while both of his elbows are on his knees.
Nakakatawang tignan na mukha talaga siyang nahihirapan, kaya't hindi ko maintindihan kung bakit hindi nalans siya sa sasakyan niya sumakay bakit kailangan niyang ipilit.
But then, it's fantastic that he's networking and that he's raising his skates to befriend average students like my athletes. average in the sense that they were grasping at straws, especially financial security.
"So, why did you go with us? Judging you this morning you don't look like you're planning to go or is it because I was the one who asked?" tanong nitong nakasimangot.
Napangisi ako sa busangot niyang mukha hindi dahil natutuwa ako pero dahil nainis ko siya. I don't know, I shouldn't be doing this, but I felt like I'm battling him to an invisible match and the cost is to annoy him, his arrogance vexed me, so I should do the same to him. It's childish, Marionelia! Stop it!
Pero wala naman akong ibang magagawa eh. Hindi naman ako pwedeng magsalita ng masama o gumawa ng masama, kaya iyong mga pasimpleng pang-iinis lang okay na sa akin.
"I kick the can down the road because my students are my responsibility," sabi kong napapairap. I don't want to look like I am forced to but I just can't stop.
Narinig ko ang pagatawa niya, napansin ko rin sila Samwell at Jorah na nag-uusap ay napatingin sa amin mula sa salamin sa harap dahil sa pagtawa ni Jalandon.
"You sound like my brother," saad nito habang nakabakas pa rin ang ngisi niya.
"Oh, you have a brother?" sabi kong nasorpresa, I wonder, kaugali mo rin kaya ang kapatid mo? At katulad ng aking nakasanayan ay sa isip ko na lang din tinanong iyon.
"Yes, why?" Nagtaas ito ng kilay.
"How many brothers do you have?" I inquired while ignoring what he had to say. I am interested in learning how many brothers he has since the thought of how disorderly their home may be if all of them share the same mentality as he does makes me uncomfortable.
Or will it be the other way around, considering that the majority of the time he is stoic and irritable? Therefore, the brothers would come to the conclusion that they would no longer be bothering one another because they were familiar with the sensation of being insulted due to the fact that they had also been in the position of the insulter.
"Bakit nga?" naiinis niyang tanong.
Napanguso ako. Walang katapusang tanong na mukhang hindi naman masasagot.
"Nothing, just curious," sagot ko habang nagkibit ng balikat.
"I've got two older brothers," sagot niya, inalis niya ang tingin sa akin matapos akong tignan ng masama.
Malakit talaga problema nito sa akin.
"Nandito ba sila sa Belleza Maria?" tanong ko at sinilip ang mga mata niyang iniiwas sa akin. Problema nito? Samantalang kanina lang kung makatitg sa akin akala mo iniinsulto na namana ako.
"Guimaras," sagot niya.
Tumango-tango ako.
"Bakit nga!" Marahas siyang lumingon sa akin at mayroong inis talaga sa mga mata niya at lala ng pagkunot ng noo niya.
"Wala, natanong lang, ano ka ba?" tinarayan ko siya. Bawal magtanong? Confidential ba sila? They're in the spotlight for sure because his father is the city mayor.
"Jeez..." he hissed.
But after that, he went quiet as a mouse.
Siyam na estudyante ang kasama ko, pang-sampu ako. Pagbaba namin ng tricycle ay hindi agad makikita ang dalampasigan, iba ang lugar na dinaanan namin ngayon kesa sa nakasanayan kong dalampasigan malapit sa tintirhan ko.
Paakyat ang tricycle kanina, kaya't inaasahan ko nang nasa mataas kaming parte, kaya't nang masuong namin ang mahahabang d**o at puno ay parang nasa burol kami, dahil nasa mataas kaming parte kaya nakita ko kaagad ang mangasul-ngasul na dagat.
The sea and the sky are mirror images of each other. Even though they are completely different, I couldn't help but grin when I discovered some surprising similarities.
They share the same azure color, expansive width, and lethal depth.
One possesses white sand as white as the cloud.
The only distinction is that if you dive into the ocean deep enough, the sea will eventually take you.
The sky was pretty, but if you go beyond it, it was a never-ending abyss and darkness.
The water, however, has the potential to swallow us.
The nighttime is terrifying when you stop and think about it. The inky depths of the ocean have the potential to swallow us whole, just as the endless blackness of space above might quickly ruin our bodies.
While both the ocean and the sky have beautiful qualities, they can pose serious threats.
Like people, we have both attractive and dangerous qualities.
Napatili ako nang muntik na akong madapa dahil hindi ko napansin ang batong nakaharap sa nilalakaran ko.
Mabuti na lang at may humawak sa akin.
"Jeez, what are you thinking that you seem pretty occupied, miss? Could you please look where you're walking?" sabi nito.
This boy has been occupying my peaceful mind.
Nawala na sa aking pansin ang pagpulupot ng kanang braso niya sa aking bewang hanggang tiyan dahil sa panenermon niya.
Tiningala ko siya habang inaayos ang natapilok kong sandals. "Wow! Natapilok lang ako naging nanay ka na?" tanong kong nakataas ang mga kilay.
Kumunot ang noo niya sa aking sinabi. "What do you mean?" humina ang boses niya.
Napapikit ako nang maramdaman ang hininga niya nang tumama ang mabango niyang hininga sa aking mukha. I can hear the low squeaking sound from his nose as if he ran a mile.
Napatitig ako sa kanya. Now that he's too close and the daylight radiates on his green hazel eyes, the spheres are dazzling and fascinating. I roamed my eyes more to his long eyelashes, thick eyebrows, went down again to those beautiful gems carved in his eye socket, down to his long, pointy nose down to–
I had halfway stopped exploring his face before I could even go down to his lips.
Tumikhim ako.
Ganoon din siya, parang sabay pa ata kaming tumikhim, siya nga lang itong nag-iwas ng tingin sa akin, habang ako inirapan siya.
"Okay na ako, salamat," sabi ko at mabilis na nauna na maglakad. Gaano ba katagal ang segundong iyon at nagawa kong libutin ang mga mata ko sa buong mukha niya, ganoon ba katagal ang segundo ngayon?
Nahuli kai at naiwan kami dahil tanging mga tawanan na lang ang narinig namin sa baba, mabuti na lang at walang nakakita sa amin sa ganoong posisiyon dahil dumami na ang puno at pababa ng burol, kaya't hindi kami nakita.
Marionelia! What did you do?
Wala!
Ano 'yong kanina, hah?
Anong ginawa mo?
Sanay na akong kausap ang sarili ko, gawain ko na ito noon pa man. Pero parang bigla akong napagod ngayon, kasi kailangan ko pang kumbinsihin ang isa kong sarili na wala lang iyong ginawa ko.
Parang ngayon pa ata hindi magkasundo ang utak ko.