Chapter 8: Winter

2107 Words
"Ang tagal niyo namang bumaba!" reklamo ng isang babaeng estudyanteng kasama namin. Pamilyar lang ang mga mukha nila dahil hindi ko naman sila estudyante, pero maayos naman silang makipag-usap sa akin. Walang kubo sa lugar na ito ngunit may mga batong pwedeng paglagyan ng mga gamit at pagkain. Isang bato lang ang nakikita ko, isang seawater erosion limestone, hindi katulad doon sa malapit na dalampasigan sa aking tinitirhan. May mga pillars cliff, limestone cliffs, at malalaking globigerina limestone. Katulad noong unang sumama ako sa mga kaibigan nila Axis, nanatili rin siya kung saan ang mga gamit. Nagpaalam ako na ako na ang magbabantay at may gagawin ako sa aking laptop. Sinimulan ko nang ipatong sa flat na bato ang aking laptop bilang aking mesa. Dahil wala akong dalang damit kaya iyong flat sandals na lang ang gagawin kung upuan. "Here," sabi nito at inilatag niya ang kanyang 'mamahaling' jacket. Napangiwi ako, tatanggi na sana ako ngunit nauna na siyang umupo, binigyan niya naman ako ng malaking space. Maliit na parte nga lang ang inupuan nito sa pinakagilid ng jacket. Hindi na ako nagreak at umupo na lang din, ang dalawang binti ko ay nasa kanang gilid ko nakatupi, upang hindi naman siya mataaman ng mga paa ko. Siya naman ay abala na sa pagkakalikot ng kanyang smartphone. "Sayang naman ang pagpunta mo rito at magpo-phone ka lang," komento ko, habang sinusubakang buksan ang data ng phone ko upang ikonekta sa laptop dahil magpapatugtog sana ako. Gusto kong may instrumental na tumutugtog habang may ginagawa ako. Wala namang naka-download na music sa aking latop kaya't siguro mauuwi na naman ako sa simple at mahinang huni ng musika. "It's fine, I'm still enjoying myself here," sagot nito sa mahinang boses. Nilingon ko siya ngunit nakatalikod ito sa akin kaya't binalik ko na lang ang tingin sa aking laptop. Ngunit sa hindi malamang dahilan, muli kong ibinalik ang tingin sa kanya. Napansin kong bagong gupit ito, naka-temple fade siya ngayon kaya kitang-kita ko ang maputing batok niya dahil nakayuko ito. I just saw that he is wearing a loose white shirt, which is why I noticed a peeking scar on the right side of his shoulder, an inch just below his nape. His brown, wavy hair was tucked away appropriately. Napakunot ang noo ko. It was a first degree burn mark, still reddish and new. Gusto kong ibaba ang round neck shirt niya upang makita kung gaano kahaba iyon. Ngunit naramdaman ko ang paggalaw niya pagilid upang itukod ang siko niya sa batong ginawa kong mesa. Sa taranta ay kunyari nagsisimula na ako sa aking ginagawa at humuhuni ng musika. Nakakagat ko ang aking mga labi habang patuloy sa paghuni ng kanta at panaka-naka akong sumusulyap. Hindi rin naman siya tumingin sa banda ko, kaya't ginalaw ko ang aking mga mata upang maghanap pa ng ibang marka sa balat niya. Ngunit mukhang sinadya niyang magsuot ng loose shirt, kaya ang sleeves nito ay halos natakpan ang siko nito. Dahil nasa gilid ko na siya at hawak ang phone niya ay napansin ko ang dalawang band-aid sa baba ng kanyang palapulsuhan. Mas lalong nangunot ang noo ko. "Here," sabi nito at may isinuot na earphones sa aking tenga. Nagulat ako kaya't naiwas ko ang aking ulo. "Music, miss," sabi nito patukoy sa isusuot niyang earphones. "So, you can work well," dagdag niya. Napatikhim ako. "Paano mo nasabing makakatrabaho ako ng maayos pag may music, maingay kaya 'yon," palusot ko para lang hindi siya ang makapaglagay ng airpods sa tenga ko. "Whenever you do something at the clinic, you always have soft music playing in the background," sagot nito. Napangiti ako. Impressive observation. That's nice. Mula sa tumakas na ngiti ay agad kong binawi, ba't ako natuwa sa napakaliit na bagay na 'yon diba? Petty! Right, right, petty. "Okay," sagot kong nakanguso at kinuha ang airpods, ngunit inilayo niya iyon sa akin at siya na ang nagsuot. Napaiwas akong muli ngunit tinaasan niya ako ng kilay kaya't hinyaan ko na lang siya, ako na ang naglagay ng buhok ko sa akin tenga. Saglit itong napatigil, kaya't nilingon ko siya habang nakataas ang kilay. Lumunok ito at inilagay na ang airpods sa aking tenga. Gaano ba katagal ang segundo at pati ang paglagay ng airpods sa aking tenga ay tumatagal? Nawala bigla ang iisipin ko pa sana nang marinig ang musika. It was Vivaldi's four seasons, and winter is playing right now. Habang malupit na tumutugtog ang mga instrumento ay hindi ko mapigilang ang paggalaw ng aking ulo na parang ako ang nagtutugtog ng violin, napangiti akong tumingin sa kanya. Tipid siyang ngumiti habang nakadungaw rin sa akin. Vivaldi's Winter describes wintry scenes like falling snow, chilling wind gusts, slipping on the ice, and even the sound of our teeth chattering due to the intense cold. Vivaldi is really a genius. Alam niya kung paano magbigay ng isang literal na pakiramdam sa makikinig ng kanyang musika, pakiramdam na kahit hindi ko pa nararanasan ay nararamdaman ko. Katulad na lang noong isang pumanaw na henyong musikero rin sa bansang ito, Senthinio Alargo, his works were also my favorites. "Why did you skip the three seasons and listen to winter?" I asked with curiosity. "I have been listening to this last night, this is the part where I fall asleep, so I listened to it again," he answered. "Do you like it?" I asked, and I smiled a little. Surprisingly, my smile is sincere. "Yes," sagot nito, mataman ang titig niya sa akin, napansin ko ang paglibot ng mata niya sa buong mukha ko, bumaba ito sa mga labi ko at ibinalik sa aking mga mata. "I really liked it," The first Movement of Vivaldi's Winter is said to present the harshness of winter with biting cold and shivering effects. However, when the music went to the second movement, they said it conveyed the comfort and warmth of being indoors during the winter, but all I could feel was the longing and sadness of losing the potential of owning a notable thing I can't name. Lumingon ako sa kanya, nakatitig na rin pala siya sa akin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, may nais lang akong patunayan kapag tinitigan ko siya ng matagal, ilang segundo ang lumipas ng aming titigan ay ako ang umiwas at naglabas ng marahas na buntong-hininga. The only reason I feel uneasy with him is because I want to know more about him. How can I feel anything for a kid if doing so will ruin my professional life? Muli kong ibinalik ang titig ko sa kanya. The weird thing is, why does he keep on staring at me? Is he thinking some unkind things about me and to mortify me? How can this kid possess such attractive eyes just to look at people villainously? Sa pagkakataong ito ay ito ang unang nag-iwas ng tingin at ibinalik ang tingin sa kanyang phone. I took a quick glance at his screen, he is slowly scrolling through some tattoo ideas. "You're planning to imprint your skin with those?" tanong ko, hindi ko napigilan ang pagiging kuryuso ko dahil ang saglit lang sana na tinging gagawin ko ay nagtagal, sa bawat pindot niya ng mga pictures ng mga tattoo at zino-zoom out nita ito. Mabilis nitong in-off ang kanyang phone. "I just fancy the idea, but I don't have any plans," sabi nito at sinuklay niya ang maayos niya naman na buhok. Dahil sa ginawa niyang iyon ay tumaas ang sleeve ng kanyang t-shirt, napansin ko ang parte ng kanyang braso sa may bandang lateral head muscle ang isang pulgadang peklat. "Bakit wala kang plano kahit na gusto mo?" tanong ko, pilit na naghahanap ang paningin ko ng iba pang peklat sa mga braso niya. Nagtaas ito ng kilay at nag-iwas ng tingin. "I'm still a minor," sagot nito, "wait, if it were you, would you convince me to mark my skin?" tanong nito at muling tumitig sa akin. Isa ako sa mga taong hindi fan ng mga tattoo at ang isiping ayos lang sa akin na magpatattoo ang isang menor de edad ay hindi kaaya-aya, para sa akin, hindi maganda iyon. "I'm just asking, Jalandon, and yes, you're still minor, you wait until you're of legal age and consider that thought again, or ask someone about your thoughts of imprinting your skin, let's say your brothers or parents," sagot ko sa pinakaligtas na paaran para lang maisip niyang mas maayos na pag-isipan ang pagdedesisyon sa mga bagay na permanente nang mananatili sa kanyang balat. "Or you?" tanong nito, "will you be there when I'm at my legal age?" mataman ang pagtitig niya sa akin habang sinasabi iyon. Napataas ang aking kilay. 'Will I be there? Will I stay here in Belleza Maria?' My answer is, no. Magsasalita pa sana ako ngunit narinig namin ang sigaw ng mga kasama na niyayang maligo si Jalandon. He refused, even if some of the students pulled him close to the shore. They say Belleza Maria is the seventh heaven, and I have to agree, the joy it brought me while I toiled and delighted in my work is unparalleled. I constantly have 'first time' experiences here, and all of a sudden I'm feeling emotions I thought I'd buried deep within myself, to my deepest core, but are now rising. Tulad na lamang ng araw na ito. Unang araw sa kapiyestahan ng isla ay nagulantang na agad ako kung paano pinaglaanan ng oras at preparasyon ng mga tao ito. Bawat kabahayan ay mayroong handaan, may mga palaro, sugalan, at mga paligsahan na gaganapin sa port, ang ibang mga palaro ay gaganapin sa malawak na espasyo ng parke sa harap ng eskwelahan. Pati ang eskwelahan ay mayroong mumunting palaro, at mayroong mga pagkain na pwedeng pagsalu-saluhan sa bawat section. One of the 'first times' happened again in Belleza Maria. "Ma'am doon tayo oh!" Turo ni Galen sa isang Ferris Wheel. Napailing-iling ako dahil hindi ko na kayang tapatan ang energy nila. "Naku, kayo na lang muna, dito na ako," palusot ko. Sa huli ay hinayaan ko silang mag-enjoy at nakita ako noong ibang teachers kaya sumama ako sa kanila na subukan ang mga kakanin. Maaga muli ang dismissal ngayon, pagkatapos ng lunchtime ay kumain lamang kaming mga guro at estudyante pagkatapos ay binigyan na ng kalayaang umuwi, iyon naman ay maagang inanunsyo ng eskwelahan at ipinaalam sa mga magulang ang maagang dismissal pag piyesta. Mayroong peryahan kaya't ito ang una naming pinuntahan, mamayang alas quatro ay mayroong fiesta band at mga majorette. Narinig ko ang usapan nilang mayroong crush daw doon si Samwell, kaya inasar ito, nakisali rin ako. Isa sa mga bagong atleta sa swimming ay mayroong phone kaya tinawagan ako dahil nais daw nilang sumama sa akin na manood ng parada. Kaya muli kong nakasama sila Samwell sa parada. Masyado silang excited dahil halos lahat ng crush nila ay kasama sa mga majorette at flag twirlers. "Ayan na Samwell!" Niyugyog ni Galen si Samwell nang malapit na ang marching band sa amin. Here comes the grand marching band, wearing their blue and white uniforms, blue hats with white plumes, white and blue jackets, and white bibbers. After minutes of the long file of band members was the lead majorette, wearing her glittery sequined blue leotard and a blue sequined tutu with a white underskirt tutu. "Ay! Hindi naman si Felicite yan!" komento Jorah. "Oo nga, sino yan?" tanong ni Arlo. "Bakit nag-iba ang lead majorette? Sayang naman," komento ng isa sa mga atleta. "Ayos lang naman, maganda rin naman ang pinalit," singit ng isa. "Sino ba yan? Pamilyar eh," tanong ni Galen sa mga kasama. "Si Noelle," sagot ko. Isa siya sa grade 8 student ko, mahiyain kasi ito kaya siguro hindi nila kilala at tsaka nasa last section ito. Looking at her, she seemed like a whole new person. At ang taong nakatayo sa kabilang tapat namin na nanonood din ng parada ay parang ibang tao rin. He looked the same, he just seemed like a different person, wearing a brown loose corduroy long sleeve, white shirt peeking underneath it, and black relaxed trousers. And even if he's wearing a cap, I know it's Axis Dmitrius Jalandon. Sa kabila ng nagkukumpulang tao, nangingibabaw siya, parang bang taong nagliliwanag. Na sa kabila ng liwanag ng araw ay mas nananaig ang pagniningas niya. His gaze was painfully frigid, but in some strange way, it was also comforting. The look in his eyes was like that of a maker making snowflakes, and as the chilling snow was making its way down my body. The coldness is so intense that it completely overwhelms the warmth. It's like winter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD