Chapter 9- Fireworks

2710 Words
"Ma'am, ito po 'yong sinasabi ko sayong pinsan ko, si Morpeth at tsaka ito naman po si tito Markie." Pagpapakilala sa akin ni Galen sa mga lalaking lumapit sa amin. "Hi, nice to meet you," sabi ko at nag-abot ng kamay. "Naku, napakapormal niyo naman po, ma'am," komento noong Markie ngunit tinanggap naman ang aking kamay at ganoon din si Morpeth, mukhang masungit tignan ang huli. "Ma'm, si tito Francis naman po tsaka si Tito Cornelius," sabi naman ni Samwell bilang pagpapakilala sa mga tiyo niya na mukhang kaedaran ko nga lang. Ganoon din ang ginawa ko, nakipag-kamayan sa bagong nakilala. Nagkayayaan na ang iba na pumunta sa mga palaro sa port. Alas cinco na at nais ko nang umuwi ngunit nagigiliw naman ako sa aking mga kasama, mga guro, mga atleta sa swimming team at sepak takraw. Kasama rin namin ang ibang mga kamag-anak ng mga estudyante, hindi na ako magkandaugaga kung sino ang kakausapin at sino ang unang sasagutin sa tuwing marami silang tinatanong sa akin. "Axis! Halika rito!" sigaw ni Samwell, sa kung saan ito pinagkukumpulan ng ibang estudyante. Axis nodded slowly and went astray to where the new swimming athletes were instead of walking to our group. He tapped Arlo's shoulder, inviting him to go somewhere. When Galen spotted him on the opposite side of the alley, watching the band procession, he called and Axis, and the latter immediately joined us. He never said a word and maintained a cool distance. It's hardly revolutionary, but there is a distinct sense of change. Neither he nor I can be identified as the source of the transformation. Was I being overly cautious following yesterday's incident? Have I progressed to the point on this incline where I find myself approving of him? "Ma'am, manonood din po ba kayo ng fireworks mamaya?" tanong ni Ensel, one of my new athletes. He was actually the best swimmer in the tryout, he's a grade 9 transfer student, and he is kind of popular too. "Yes," I answered with a wry smile. "It's gonna be like a new year's fireworks display, I assure you," sabi nito at ngumisi pa, kaya ang tipid kong ngiti ay lumawak. "Hey, Axis," sabi ni Ensel di kalaunan at nakatingin sa bandang likod ko kaya't mabilis din akong lumingon sa aking likuran upang makumpirma kung sino ang tinitignan niya sa aking likuran kahit alam ko na kung sino. Tumango lang ito kay Ensel at mabilis na inilipat ang mata sa akin. He never made the effort to move his body, he just side-eyed me like I annoyed him. Because of his height, he is now standing behind me, towering over me like a bodyguard. I stared at him silently and said nothing. Having him here next to me is a little too close for comfort. And I just can't put my finger on it! So I avoided him as much as possible throughout the evening leading up to the fireworks display. I made an effort to seem excessively goofy in response to jokes that went over my head. Nakakatawa naman ang ibang biro ng mga pinsan at mga tiyuhin nina Samwell at Galen. Nang alas nuebe na ay nagsisikan na kami sa port dahil nagsimula na ang fireworks display. Katabi ko si Morpeth nasisiksik kami sa isa't-isa, sa kanang parte ko naman ay si Ashi, isang grade 9 student ngunit hinihila nang hinila noong ibang babaeng estudyante si Axis sa harapan namin, nagpapatianod naman siya na parang walang kalakas-lakas umangal. Sa huli ay napunta siya sa tabi ko dahil wala nang natirang space at masikip na upang pumunta pa siya sa harapan. He stared at the colorful pyrotechnics for a few seconds before lowering his eyes to meet mine. The bright, pulsating lights of the explosions overhead lit his features. And his appearance was like that of a diamond with colorful prisms. Bakit ganoon? Magkadikit ang mga braso namin ni Morpeth, nagkiskis ang likod ng aming palad ngunit wala akong ibang nararamdaman, masyado pa ngang abala ang isip ko na isipin pa ang tungkol doon. Abala ang isip ko kakaisip sa isang katabi ko. Talagang iba ang pakiramdam na bahagyang nakikiskis ng likod ng kamao ni Axis ang likod ng aking kamao, naiilang ako, kinakabahan, at natatakot. Fear has gripped me. Worrying that my values and ideals might be blown away somewhere I couldn't control was terrifying. I hope this doesn't come to pass. Tumikhim si Axis at tipid na ngumiti. "You're really different, you're so hard to..." Bumuntong-hininga ito. Sa ingay ng mga tao at ng fireworks ay hindi ko na nasundan ang iba niyang sinabi. Binalik ko ang mata ko sa langit. Ang kadiliman ay nabulabog sa magandang kulay ng liwanag na gawa ng paputok. Kung isang tao ang kadiliman ng gabi at ang fireworks, matutuwa ba ang kadiliman ng gabi kapag ginulo siya ng fireworks o magagalit siya? I wonder who will answer my question? Is it a question without a sense, I am not sure if it's a shallow one or a deep question, if I asked him, what will be his answer? "Don't look at me as if I'm your favorite student, miss," bulong nito sa aking tenga. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi halos makahinga sa ginawa niya, yumuko siya upang maibulong ang mga salitang iyon. Natulala ako sa ginawa niya, hindi sa sinabi niya. Ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga, hindi man nito inilapit ang labi at hindi man siya dumukit sa akin ng lubusan ay bigla akong nakaramdam ng paninindig ng balahibo. Para saan itong nararamdaman ko? Dahil sigurado akong hindi ito inis, hindi ito pandidiri, hindi takot. Kaba? Bakit ako kakabahan? "Axis," I said in a whisper. "Hmm?" he answered. It means he heard me. My silence after a few seconds prompted him to say, "It was the first time you called me by my name, miss," and I can still feel the sneer he unleashed. Tumango-tango ako dahil napagtanto ko ring hindi ko siya tinawag sa apelyido niya, samantalang iyon naman talaga ang tinatawag ko sa kanya. Naglabas ako ng mahinang buga ng hangin habang nanatili ang tingin sa aking harapan, likod ng mga tao sa harap namina ng nakikita ko, hindi ko kayang tumingala o gumalaw dahil pakiramdam ko kapag gumalaw ako ay mayroong mawawasak sa mga prinsipyo at paniniwala kong pinakainiingatan. "Axis... take nighttime and fireworks as metaphors for humanity. How would the quiet of night seem if it were suddenly shattered by the brilliant flashes and booming booms of fireworks?" After suffering in silence with vexing ideas, I broke the spell by asking. His afterthought response was, "That's a good question, miss," he uttered after a few seconds, leaving me to wonder if he'd understood me. "Imagine being rescued from loneliness by the breathtaking lights created by the fireworks. I think the night would be extremely cheerful," he said, "It would make the night quite content." His voice was low and soothing. Mas lalong dumami ang mga tanong na gusto kong itanong sa kanya. "Paano mo nasabi na ang kadiliman ay kalungkutan, na ang kadiliman ay nangangailangan ng tulong? What if it was just sleeping peacefully," I countered his answer. "Well, miss, sometimes excessive silence is lonely," aniya. Hindi ako nagsalita ng ilang segundo dahil sumang-ayon ako sa sinabi niya. "Because the night is only the sky's concealed anguish and character. What if nighttime darkness isn't human but rather only a characteristic, miss? If the sky were human, it might have two distinct personalities. The daytime and the nighttime, the bright and the dark." Again in a hushed voice, he explained that, "the night represents pain, loneliness, and hopelessness, while the day represents the opposite," he added. For some reason, his tone has become calming and satisfying as he answers and explains these profound ideas. Bulong man iyon ngunit naiintindihan ko ang paliwanag niya. Paano nga ba kung baguhin ko ang naiisip ko, paano kung ang langit ang siyang tao at mayroon itong dalawang katauhan? Isang gabi habang siya'y lugmok at malungkot, mayroong dumating at nagbigay ng makulay na liwanag sa kanyang malamig at malungkot niyang gabi? Will the sky be happy, then? I beamed with real happiness since I thought both my query and his response were rather astute. This fills me with joy. And there was complete silence among us as we watched the sky light up with fireworks. "Ma'm, sabay na po kayo sa amin, madadaanan po namin ang bahay niyo," yaya sa'kin ni Ensel. Tapos na ang fireworks display at muli kaming nagkumpulan at nagkasiyahan, nagkayayaan ang iba na kumain ngunit tumanggi na ako dahil alas diyes na. "Sasabay rin po kami kay Ensel, ma'am," sabi naman ni Galen. "Okay, sige, tara?" sabi ko at hinila si Arlo, inakbayan ko ito dahil nga siya ang pinakamaliit at pinakabata, ito lang din ang walang kasamang kamag-anak sa lahat. Tahimik lang din ito, napakamahiyain kaya't siya itong madalas kong yayain at hindi ko siya winawala sa mga mata ko. Tumikhim si Axis at hinila palayo si Arlo sa akin at siya na ang umakbay rito, kaya ang nangyari ay si Axis ang katabi kong maglakad habang akbay niya si Arlo sa kanang braso niya. "Niyayaya ka nina Ashi kanina, Axis. Di ka sasama sa kanila?" tanong ni Ensel rito at sumabay na ring maglakad sa amin. Papunta kami sa sakayan, medyo marami kaming uuwi kaya't marahil mga apat na tricycle ang mau-ukopa naming lahat. "Nah, it's too late," sagot naman nito na siyang tinawanan ni Ensel. "You're such a sweetie, youngest son, don't you agree?" sabi ni Ensel nang nakangisi. "Ang baby boy ni Tita Axana, ang bait-bait!" Tumatawang dagdag niya na parang binababy talk si Axis. At dahil sa ginawa niya ay pinaningkitan siya ni Axis. Ni hindi ko nga alam na magkakilala pala sila na umabot sa puntong mang-aasar siya kay Axis. And Axis looks like a boy who's not fond of teasing. "You made no difference, you're also a nice lad that pretends to be a really nice guy in the family," sagot ni Axis nang nakangisi. "Pretending? Sorry, but that's not true, but if that's what you're accusing me of, are you simply trying to be a good boy?" tanong ni Ensel, nabaliktad tuloy ang isa. "Kind of, and how about you?" mahina ngunit nanghahamong tanong ni Axis. "No, and you really do? Look who's pretentious now?" Ngumingising bato naman ni Ensel. Natigil kami sa paglalakad dahil nilapitan ni Ensel si Axis, both of them are tall, Axis is a bit taller despite Ensel being a year older than him. "Hoy mga bata, itigil niyo nga yan? Di talaga kayo magkasundo ah?" sabi ng babaeng pumagitna sa dalawa. Ngayon ko lang napansin na lahat ng kasama namin natahimik nang magpalitan ng salita ang dalawa. "Pag sabihan mo 'yang pinsan mo Gabrielle, he's too nosy," sabi ni Axis sa babaeng umawat sa kanila. "You are too, Axis, sinasagot mo rin naman kasi ako," tumatawang sabi ni Ensel. "Because your squeaking is annoying the s**t out of me, Enoch, nak-nak! Who's there? Enoch," pangangasar ni Axis na may kasama pang pagkatok sa hangin, hindi niya pa rin inaalis ang pagkakaakbay kay Arlo. Ayaw kong ilabas ang tawa ko, kaya pasimple at tahimik akong ngumingiti, parang mga bata, mga bata pa nga naman sila. Nakakatawa lang mangasar si Axis, sariling sikap, seriously 'nak-nak' tapos siya rin ang nagtanong ng 'Who's there'? "Enoch who?" sagot naman ni Arlo. Napataas ang kilay ko, sa dinami-rami ng inaasahan kong magsasabi non, hindi ko naisip na si Arlo pa ang bubuhay sa corny na joke ni Axis. "Enoch ka ng ina mo," sabi ni Axis at lumingon kay Arlo, nanghihingi ata ng back-up. "Enoch ka ng ina mo!" Pakantang ginawa nilang dalawa ni Arlo. Hindi ako sure kung anong kanta iyon at mukhang gawa-gawa lang nila. Silang dalawa lang ang nagtawanan ng malakas, samantalang ang iba ay nagtago lang ng ngisi, parang ayaw nilang makita ni Enoch na natatawa sila, kahit ako ay natatawa kahit na hindi naman nakakatawa ang biro niya, tunog mura pa nga iyon eh. Si Ensel naman ay tumatawa ng sarkastiko. "Stop mocking his name, will you?" pambabalang naman ni Gabrielle. "I know it's a prophet's name, but he's no prophet," sagot muli ni Axis. "Tama na nga yan, Axis, gabi na, bukas na kayo maglaro," sabat ko dahil baka lalo pang humaba ang usapan. Masasamang titig at mga patutsada nalang ang ginawa ni Enoch, ang huling sinabi nito ay hindi ko na narinig ngunit iyon din ang dahilan kung bakit busangot si Axis hanggang sa sumakay kami ng tricycle. Tumabi siya sa akin at ibinigay niya ang unahang upuan para kay Arlo at Samwell. "Di talaga kayo magkasundo ni Ensel no?" komento ni Samwell nang umandar na ang tricycle. Napalingon ako kay Axis, hindi ko alam na magpinsan pala sila, kaya siguro ganoon na lang sila kung mag-usap. Napataas ang kilay ni Axis. "Sometimes," tipid niyang sagot. "Magpinsan pala kayo ni Ensel?" sabat ko naman, bigla akong na-curious. "Hindi niyo po alam? Montecarlo po si Ensel, ma'am," ani Samwell. Eh, ano naman kung Montecarlo siya? "My middle name is Montecarlo, don't you know?" malagom na tanong ni Axis na parang biglang nagtunog naiinis, o baka dahil kanina pa siya naiinis. "Why do I have to know your middle name?" Nakataas ang kilay na sagot ko. Sino ka ba? Anak ng mayor? Oh yeah, he is. Ngumisi siyang nanunuya. "At sa dami ng studyante tingin mo pati middle name maaalala ko pa?" dagdag ko. "Do you know Arlo or Samwell's middle name?" tanong nito habang naniningkit ang mata. Napangiwi ako. "No," simpleng sagot ko, kahit nga apleyido ni Arlo hindi ko maalala. "As if... they're your favorites, including Galen and Jorah." Napanguso pa ito habang sinasabi iyon. "I can't even remember... Arlo's surname, honestly–" sagot ko na pinutol ng malakas na tawa ni Axis. Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi iyon na imbes sa aking isipin na lang, basta na lang dumulas iyon. "That's harsh of you, miss. He's one of your favorite athletes, right?" sabi nito at tinapik ang balikat nang nananahimik na si Arlo na katapat niya. "Too bad, Arlo, but it's alright, I'll never forget your surname," pang-aalu niya kunyari. "That doesn't mean that I can't remember his surname, he's not my favorite," sagot ko naman na siyang nagpawala sa tawa ni Axis at bigla akong sinamaan ng titig. Napatikhim si Arlo. "Arlo Lancielle Montecarlo po ma'am, kung sakaling makalimutan niyo, magpapakilala po ulit ako," sabi nito sa akin at bumaling sa amin na may mahiyaing ngiti. "Oh, shut up," sabi naman ni Axis kay Arlo at kinurot ang pisngi nito na siyang nagpasigaw kay Arlo, sobrang pinsil niya ito at napansin ko pa ang biglang pamumula roon. "What's that for?" tanong kong nairita bigla sa ginawa niya kay Arlo. "Nothing, ang cute niya kasi," sagot nitong mas kapansin-pansin na ang inis niya. "So, magpinsan kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa ni Arlo. Tumango naman si Axis at sumagot si Arlo ng 'opo'. Magpinsan sila pero sa asta at pananamit ni Arlo parang magkapareho sila ng pamumuhay nina Jorah at Galen. I mean, he doesn't wear branded and expensive clothes like Ensel and Axis, he doesn't even have a phone, and Arlo told me he is poor. Hindi naman siguro porke magpinsan sila dapat mayaman na rin ang isa. But if Axis was nearby, I found that Arlo became more gregarious and playful, and Axis, in turn, became more naughty. Sabay kaming bumaba ni Axis sa tricycle, hinintay namin na makalayo ang mga tricycle bago kami naglakad papunta sa aming uuwian. Ako sa aking apartment, si Axis ay dadaan sa daanan sa gilid ng apartment upang pumunta sa villa nila. Mahaba ang dadaanan nito dahil medyo mahaba-haba ang pathway papunta sa villa nila. Mahaba kasi ang plantasyon nila, natatanaw ko ang mahabang daanan na iyon mula sa aking bintana. "Pasok na po kayo, miss," sabi nito. 'Po', first time kong marinig sa kanya iyon. Napataas ang aking kilay nang tipig itong ngumiti, muli kong naalala ang sagot niya sa aking tanong. "Good night, miss," "Good night... A-axis," I answered, avoiding his gaze. Is it possible that I fumbled a good night greeting?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD