The light was so intense that it crept toward me, so I attempted to shield myself from it. I fortified myself to fight it off. More intense illumination is welcome along my path, attempting to construct a barrier that prevents it from even peeping over my walls is futile. I can't avoid it, constructing the barriers is a necessity.
The students' Christmas party was so genuine. They have this hot pot food in a provincial way. Mga puto mga kakanin, may mango pizza pa sila, berry jam, and grape jam.
Gifts of gourmet meals strike me as excessive. What struck me most about their manner of life was how simple it was, yet very distinct from any other.
May nagbigay pa nga sa akin ng banig at tsinelas na gawa sa dahon ng buli.
"Wow sir, ang dami niyong regalong natanggap ah?" komento kong nakangiti habang sinisipat ko ang mga regalong inaayos niya sa kanyang lagayan.
Nais kong matawa nang ilibot ang paningin sa mga gurong kasama ko, marahil ay inaasahan na nila ang mga regalong matatanggap kapag christmas part dahil lahat sila ay may dalang mga bag, paper bags, at tote bags.
"Oo nga e. Hanggang susunod na taon na ata 'tong supply." Tumatawang sagot naman ni Sir Camaya.
Kasunod niya ay si Sir Makoy at Ma'am Locob. Sila iyong mga single na teacher na galing pang Guimaras at Ilo-Ilo. Ako lang talaga itong galing Maynila.
Tapos na ang party ng mga bata, nakikita ko kung paano silang nag-enjoy sa mga palaro na ginawa nila sa labas.
Bawat section at grade level ay may palaro. Mayroon ring palaro ang mga teachers sa stage, kasama ang buong levels.
Ala una na kami nang tuluyang nakapagpahinga.
"Ikaw din ma'am ang dami mo ring nakuha ah?" komento ni ma'am Kate isang English teacher, maganda ito, alam ko ay treinta na ito at hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon.
"Nakakatuwa nga po e, ngayon lang po ako nakatanggap nang ganitong regalo," sagot ko naman, in all honesty. I received a lot of gifts before, and it was a lot more than this, but those are expensive. I appreciate these unique, cheap, but thoughtful things.
Ang Christmas party naman naming mga teachers ay gagawin sa sixteen, nauna lang ang party ng mga estudyante.
"Ay ma'am gusto niyo po ba nito? Ang dami ko ng kasing ganito sa bahay." Abot ni Sir Camaya sa isang banga, natuwa ako roon dahil magkakaroon na ng disenyo ang apartment ko.
Nagkakasayahan din kami kasama iyong mabait na matandang babaeng principal at may kaunting kainan. Alas tres na noong matapos kami.
Mahaba at medyo malawak ang escuelahan dahil na din kalat at nakapaikot ang mga rooms sa field nito.
Magkasama na rin kasi ang mga kinder, elementary, High school maliit na sementong bakod lang ang nahihiwalay sa mga baitang.
Si Mayor Dimtirius Jalandon din ang nagpatayo nito, ang ama ni Axis. Mabait at maraming nagawa ang mayor kaya mahal na mahal ito ng mga tao, iyon ang napapansin ko.
Parte ng Guimaras at Belleza Maria, kaya kung anong asenso mayroon ang Guimaras at ganoon din ito.
Ang wala lang sa isla na ito ay kolehiyo.
"I'm sorry, I can't."
Pabalik na ako sa clinic nang may narinig akong boses sa gilid ng stage at napakapamilyar ng boses. I would never forget the bright voice that answered my weird question that night. It impresses me, honestly.
"But you can try," sagot naman ng babaeng boses.
Pagsilip ko'y kausap niya iyong grade ten na magada't isa sa sikat sa eskwelahan.
Umiling si Axis bilang pagtanggi sa narinig kong pag-amin.
"We can try, you know, p-play or fling?" suhestiyon ng babae.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maisip na ganito na ba talaga kabulgar ang mga kabataan ngayon, hanggang ganito na ba karami ang alam nila na sa batang edad ay kaya nilang makipag-fling? O masyado lang akong nakulong sa kahon na ang alam lamang ay ang kaalaman na itinuro ng aking magulang?
Tumawa si Axis sa suhestiyon ng batang babae, habang nakaabot pa rin ang regalong hawak ng babae sa kanya.
"I don't play girls," sagot ni Axis, "And flings should be for those..." natigil ito, "those who can stand up for that word, could you stand up for it? We're too young for that, Sapphy," pagpatuloy niya.
Nagulat ako sa sinagot niya at unti-unting sumilay ang ngisi ko at hinayaan na lang sila roon. I felt at ease when I heard his answer, so I should let them talk for a little while.
I kept smiling. I was so pleased with him. That's sound advice for a young man who has grown accustomed to wealth and fame. Thankfully, he is not a heart player.
At mas napatunayan ko iyon sa sumunod na taon. Dahil marami na akong nakikilalang mga estudyante at nakakabiruan ko. After that night, I decided to never talk to or even glance at him again. The wall must be sturdy.
Iyon lang ang naiisip kong gawin upang hindi ko masira ang mga paniniwala at prinsipyo ko.
I am Marionelia Shian De Losbojar Denieste, and I will never be swayed by someone like him.
Never.
Isa sa mga pahapyaw na nalaman ko ay hindi nakikipagrelasyon si Axis. Dinaig pa siya noong ibang binatang mukhang sipunin pa, iyong parang may gatas pa sa bibig at feeling guwapong-guwapo dahil nagpapaka-playboy.
Marahil ay wala rito ang type niya, baka taga-Guimaras o taga Ilo-Ilo o Maynila.
Kahit pa sabihing mayroong magaganda at mararangyang mga babaeng nagkakagusto sa kanya, hindi niya basta-bastang ginagawang laro ang relasyon, and he is too young for relationships, they are all too young for that.
Ang hindi lang talaga maganda sa kanya ay ang pagiging estudyante niya.
Maayos naman ang mga grado niya sa ibang subject.
Ang balita ko pa nga ay isa siya sa nangunguna sa klase nila kung hindi lang 78 ang grades na binigay ko sa kanya, sa music, art, PE, at health. Umayos na ang grades niya last year bago ang fiesta eh, bumalik na naman siya sa pagkakaloko bago matapos ang school year at nitong school year.
First quarter ay 77 siya, tumataas lang ng isa iyon bawat quarter, ngunit nitong quarter ay bumaba at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng grades upang maging 75 ang grades niya ngayong quarter.
Iyon ang pinakamataas kong maibibigay dahil hindi naman siya nagpapasa ng mga individual projects na kahit pa nga'y napakadaling quiz wala pa siyang maisagot.
"I'll give you fair grades if you participate in the Foundation day pageant," I said, keeping the sigh of defeat from the promise I broke. I broke the promise to never glance at him, but here I am.
Bakit nga ba magtatagumpay iyong plano na iyon kung estudyante ko pa rin siyang ngayong grade 9 na siya.
Ipinatawag ko siya kay Samwell nang nagkaroon ng break.
Pinipilit kasi siyang pasalihin ng adviser niya sa Mr. and Ms. Intramural pero ayaw niya kaya baka kung pagtaas ng grado niya sa subject ko ang gagamitin ko baka pumayag ito at para ito na talaga ang manguna sa klase.
"I'm on the basketball team," sagot nito at humalukipkip. "Why would I enter that kind of shallow contest?"
Wow lang! He called the pageant shallow?
Mukhang siya pa ang teacher kung makapagsandal sa upuan at makapag de kwatro. Kung malala siya dati ay mas malala siya ngayon, inisiip ko kung may mas ilala pa ba siya nito?
Humugot ako ng hininga. Sa oras na ito, hindi ko na dapat na pansinin ang mga ganito niyang asta para hindi uminit ang ulo ko. Dapat ay nasanay na ako dahil isang school year din siya ganito.
"Pwede ka pa rin namang sumali kahit maglalaro ka ng basketball, magkaibang araw naman 'yon eh," sabi ko sa mahinahon na paraan para lang makumbinsi ito.
"Bakit, ikaw ba ang magti-train sa amin kung kukunin mo ako?" tanong niya, parang mas ako pa ang may nangangailangan nito kesa sa kanya.
"Hindi, pero isa ako sa mag-oorganize ng intrams," sagot kong muli.
"Ayoko Miss," tanggi niya agad, "tsaka mapapagod ako non, are you that kind of teacher that's willing to compromise her student's welfare?" dagdag nito kaya't hindi na nakatakas ang pag-irap ko.
He's at it again. Hinanda ko na ang tenga ko at baka sabihin niya na naman mediocre ako.
Bumuntong-hininga na lang ako.
"What will I get again when I join this cheap pageant, Miss?"
Okay, relax yourself. Masanay ka na sa batang 'to. Masanay ka na please, mas malala ang inasta niya noon sayo noong laitin ka bilang baguhang teacher.
Kinse anyos lang yan para ka na ring bata kung papatulan mo pa, masanay ka na at February na ngayon matatapos na ang school year.
"Grades, dahil hindi ka pa rin nagtitino sa klase ko, bibigyan kita ng plus points kapag sasali ka."
"So you summoned me here because you need me," sabi nito sa mas mayabang na pamamaraan.
Napakunot ang noo ko sa pagtango-tango niya, nakakapang-init talaga ng ulo kahit anong kalma ko.
Para siyang hari. Baka siya una kong masasapak sa buong buhay ko. He would be honored if I laid my violence on him because it would be my first, but thinking about his scars, I stopped thinking about it.
"Hindi ko grades ang tataas Jalandon, sayo. Magpasalamat ka at nai-consider kita. Napakadali ng subject ko at ibabagsak mo lang?" tanong kong napapailing pa.
"I have my name, why don't you call me by my name. You called me by name last year, bakit nawala?"
Napanganga akong napapangiwi, mukhang nawawala na naman kami sa topic namin. At bakit kailangan niyang damdamin kung paani ko siya tatawagin, eh iyon naman talafa ang ginagawa ko sa mga studyante ko?
"I'll be the only teacher who's going to fail you while all the teachers have given you good grades," sabi ko, binalewala ang ano mang syentemento niya sa pagtawag ko sa kanya.
Sinasadya niya ba? Para ano? Magmukha akong masama? Kailan ba siya magbabago? Imbes na magbago lumalala pa tuloy. Pinatikim lang ako saglit ng pagbabago niya, pagbalik niya napakalala.
"Pwede ka namang maging masipag tulad sa ibang subject bakit sa subject ko kinatatamaran mo? Kaya nga nakikipag-barter ako sayo. You join the pageant and I'll give you points, that's it," pagpatuloy ko, naiwawagayway ko pa ang kamay ko maintindihan niya lang ang punto ko.
Mas lumala pa ang pagkakatamad niya ngayon.
Kahit anong gawin ko hindi talaga aabot sa 75 ang grades niya kung susumahin ko itong huling quarter dahil wala siyang ginagawa. Pumapasok lang siya sa klase pero kahit sa quizzes wala siyang ginagawa.
"No, I won't, fail me, I dare you," hamon niya.
At talagang ipinatong niya ang mga kamay niya sa mesa ko para lang yukuin at hamunin ako.
Napakagagong bata, kapag tumagal pa siya rito makakasapak talaga ako ng estudyante. Wala akong pakialam kung mas matangkad at mas malaki siya kesa sakin.
Bumuntong-hininga ako.
"Fine," pagsuko ko, "you can leave now," sabi ko at nagsimula na sa trabaho.
Tumayo ito ngunit hindi humakbang palabas, nakatitig lang saki, tinapatan ko rin ang titig niya ngunit nang makita kong hindi siya magiiwas ng tingin ngayon ay inabala ko na lang ang sarili ko sa laptop at nagpatugtog doon.
Si Astrud Orivalo ang atleta ng dancesport ang kinuhang representative ng grade ten at sana si Axis Dmitrius Jalandon ang kapareha nito pero dahil ayaw niya kinuha ko iyong isa pang pilyo sa huling section na si Gendron.
Maayos naman ang performance ni Gendron sa subject ko medyo magulo lang sa klase.
Gendron is just a few inches shorter than Jalandon, maganda rin ang tindig nito.
Kaya rin pursigido akong kumuha ng estudyante para sa intrams ay dahil sa aming mga MAPEH teachers teachers ibinigay ang pag-organisa nitong intramurals. Kapag baguhan din talaga sa pampublikong eskwelahan ay madalas binibigyan ng maraming trabaho.
Nasa 'photography' topic na kami sa grade ten, kaya ang isa sa art project nila ay ang pagkuha ng litrato gamit ang phone nila.
Ako na ang pumili ng miyembro ng grupo dahil hindi naman lahat may phone at may printer sa bahay.
Ilalagay ko ang kuha nila sa 'art invasion' na gaganapin sa marso.
I don't want the students to get bored. I want them to learn and enjoy themselves at the same time. Kaya para sa music at art ay photography at commercial video ang project nila, sa PE and health naman ay ang pagsali at pagtulong sa intramurals.
"Ma'am ang ganda po ng kuha niyo rito." Ipinakita sa akin ng babaeng estudyante iyong DSLR ni Bronn na may mga candid shots ko.
"Wow! Ang galing mo Bronn can I have a copy of it?" pabiro kong sabi.
Pero ang totoo seryoso ako. Magpapalit ako ng profile picture para makita ng ex ko, well, speaking of ex, mukhang hindi ko na siya gaanong naiisip ngayon, sa sobrang abala ko ay nakakalimutan ko na siya.
Tapos na ang klase at lunch break na pero may tumawag at humabol pa sa akin kaya wala akong nagawa noong may gustong magpakuha ng litrato kasama ko at hindi matapos-tapos ang kuhanan hanggang sa ako na ang sumuko.
"Ma'am last na po kayong dalawa lang ni Bronn," sabi noong isang estudyante. Napapakamot na ako sa kilay ko dahil may pahabol pa.
Gusto ko na magpahinga.
"Ma'am, kayo naman po ni Sir Camaya," pahabol ng isa. Game naman si Sir nang madaanan kami sa basketball court hanngang sa dumami pa ang gustong kumuha ng litrato, may pa-group shot pa.
Tapos dumating pa si Sir Makoy at ma'am Locob kaya medyo napatagal pa lalo, mabuti at may dala akong baon ngayon. Sasabay na lang akong kakain sa ibang teachers sa faculty nila.
Pagpasok ko pa lang ay napakunot na ang noo ko nang makita si Axis sa clinic.
"Naka-lock to ah, pa'no ka nakapasok?" tanong kong nakataas ng kilay.
Itinaas niya ang susi na nakasabit sa daliri niya ang keychain bilang sagot sa aking tanong, wala sa loob na napahugot ako sa bulsa ng uniporme ko.
"Napabayaan niyo Miss, busy ka kasi e." Nagtaas siya ng kilay.
"Oh, may sakit ka na naman ba?" sabi ko habang abala sa paglapag at ayos ng mga gamit ko.
Inilapag ko ang mga bag ko sa mesa. Sa tingin ko ay pati lunch break hindi ako makakapagpahinga kasi susugod na naman iyong ibang estudyante diyan na kunwari may sakit, makatakas lang sa klase.
Isa iyon sa dahilan niya noon, masakit daw ang ulo niya kaya sa one-hour break ko, imbes na makaidlip ako ay nandito siya kasama ko at nagrereklamong sobrang sakit daw talaga ng ulo niya.
"Why are you so rude to me while you can be sweet towards your other students, studyante mo rin naman ako ah?" pagrereklamo nito.
Hinintay niya akong mailagay ang lunch ko sa microwave bago niya sinabi ang hinanakit niya.
Natatawa at napapailing sa sinabi niya.
"Para saan na naman ba yang sentimiento mo, bata?" tanong kong napakamot sa aking kilay.
"Bata?" patanong niyang sabi habang nagpang-abot ang mga kilay.
Ilang minuto akong naghintay na tumunog ang microwave, kinuha ang at umupo sa upuan para ilabas ang dala kong pagkain, hindi na kailanman nagdagdag ng sasabihin upang matigil na ang usapan na ito.
Kailangan kong panindigan ang pangako ko sa sarili ko.
"Don't call me kid, you look more like a little girl than me," sabi nito at napairap na lang ako.
Para saan na naman ba itong tantrums ng batang ito?
"Pero sa inaakto mo ngayon pinapatunayan mo lang na mas bata ka sa akin," bato ko sa kanya dahil hindi ko na natiis na hindi siya sagutin.
Natigil ito at saglit na itinikom nang mariin ang mga labi. Kaya tinaasan ko siya ng kilay na parang sinasabing 'panalo ako dahil pinapatunayan mo ngang 'bata' ka.'
"Oh? Kumain ka na nga gutom lang yan," sabi ko dahil pakiramdam ko panalo na ako sa argyumentong ito dahil hindi na ito nagsalita pa,
Kung hindi madaan sa pagiging seryoso daanin natin sa biro, alam ko namang may itinatago rin akong 'joker' personality.
"Why aren't you taking me seriously?" tanong niya kalaunan, hindi nawawala ng kunot ng noo.
Ang lapit niya na sa kin mula sa pagkakayuko niya habang mag mga palad ang nakalapat sa aking mesa, tiningala ko siya at pinantayan ang pagkakakunot ng kanyang noo.
Napapailing ako at itinulak ang sarili kong upuan para makatayo at kukuha ng kutsara sa mini sink ng clinic.
Muling nagtagis ang panga niya, habang nakaamba sa pintuan ng mini-kitchen kung saan nakalagay ang ibng aparatu ng clinic.
"What is it Jalandon, really, you are blowing hissy on my busy day!" Napataas ang aking boses, hindi man iyon sigaw pero mas mataas iyon sa normal kong boses.
Napapailing ako at dadaan na sana sa gilid niya pero iniharang niya ang braso niya.
Dahil nga matangkad ay napatingala pa ako para bigyan siya ng tinging nawiwirduhan.
"Hindi ako bata," sabi niya sa mahina ngunit nangagalaiting niyang boses.
Natawa ako ako hindi dahil sa sinabi niya kung hindi sa kabang bumangon sa akin dibdib nang halos isang pulgada ng lang ang lapit namin, hindi ako sanay na ganito siya kalapit at ganito pa kagalit.
Kung kanina lang ay inis ay ipinapakita niya, ngayong ay mukhang galit na galit na talaga ito.
"Eh anong tawag sa mga ginagawa mo ngayon, Jalandon? Papansin lang?" Inirapan ko siya, hindi ako aatras sa galit na ipinapakita niya, ako ang guro kaya sa akin dapat siya matakot.
"Because you don't notice me, dammit!" sabi nito, hindi rin iyon sigaw, it was more like a low, growling, frustrated voice.
Naeskandalo ako sa galit niyang mga mata. Those beautiful hazel green gems were on fire right now.
"Why can't I just be treated like the way you treat them? I'm also your student, not a s**t!" dagdag pa nito.
Hindi naman siya gaanong sumigaw pero nakakagulat lang na sabihin niya sa akin ang mura na yon.
"Teacher mo ako Jalandon, mas matanda ako sayo, matuto kang gumalang," sagot ko at hindi ko na napigilan ipakita sa kanyang galit na rin ako.
"Hindi ka naman mukhang mas matanda kaysa sakin, at ginagalang kita."
"Huh! No, you don't! Becuase if you do, why are you here cornering me like a bully? You Childish!" Pumutok na nga ang aking galit at hindi na naisip pa ang lumabas sa aking bibig.
Paano nagagawa ng batang ito na ilabas ang galit ko nang ganito katindi? Hindi ko naranasan kailanman ang magsalita kapag galit, kasi alam kong kapag galit ang isang tao ay hindi na namamalayan ang lumalabas sa bibig nito. Kaya kapag umiinit na ang usapan at tumatahimik ako, pero ngayon hindi ko nagawa.
I failed myself.
Inilapit niya ang mukha sa kin parang ito na ata ang tamang pagkakataong sampalin siya, but I kept on seeing his scars, and I always fogged myself from thinking of hurting him.
"Why are you treating me differently?" tanong niya.
Natawa ako, iyon lang namana ng kaya kong gawin, ang idaan sa tawa ang kaba.
"Nakalimutan mo ata? Hindi ba at sabi mo ay itrato kitang iba sa mga estudyante? Ito na 'yon kaya pwede ba 'wag mo akong paandaran ng ganyan kasi sa inaasal mo pinapatunayan mo lang na napakabata mo pa talaga, isip-bata ka." Napailing akong inalis ang braso niya.
Mabilis ko siyang tinalikutan upang bumalik sa pagkain kahit na parang nawalan na ako ng gana, at kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagkarinig ko ng ingay sa gawi niya.
Umugong ang pader, napakalas ng kalabog na iyon.
Paglingon ko ay tatlong beses niyang sinuntok ang pader.
Ang puting pader ay nagkulay pula dahil sa dumugong kamao niya.