Natakot ako.
Natakot ako nang makitang galit na galit siya habang sinusuntok ang pader, at sa takot ko ay hindi ko siya magawang lapitan at awatin. This is the side of every human that scares me, violence. Nakakaisip man ako ng mga bayolenteng gagawin kapag naiinis niya ako hindi ko naman maituloy na gawin kahit pa sa aking isipan.
Nang lingunin niya ako ay naglaho ang galit niya siguro ay nakita niya kung paanong natakot ang teacher niya sa kanya, sa tulad niyang bata.
Iniwan niya ako roon at malakas na isinara ang pintuan. Pagkalabas na pagkalabas niya ay biglang nanlambot ang tuhod ko. Napahawak na lang ako sa cabinet na lagayan ng mga gamot.
Kung paanong nakisabay ang pagkabigla ko sa ginawa ni Axis ay ang panahon na rin ang gumawa upang makapagpahinga ako. Ang sakit ng aking ulo pagkauwi ko ng bahay dahil naambunan ako kahapon, kaya kinagabihan ay nilagnat ako, maaga pa lang ay nagpaalam na ako na hindi makakapasok dahil hindi pa rin humuhupa ang init ng katawan ko kahit nakainom na akong ng gamot.
Siguro ay gagaling na ako kung ipagpahinga ko ito.
Kahapon ay ambon lang pero ngayong alas tres na ng hapon ay lumalakas na ang ulan. Sa dilim ng langit ay aakalaing alas sais na.
Tumunog ang aking smartphone. Nagtaka ako dahil kakatapos ko lang kausapin ang magulang at kapatid ko upang kamustahin ako, baka may nakalimutang bilin.
Pagtingin ko ay numero lamang iyon, ilang segundo ko munang tinitigan baka ibababa rin, at nang hindi tumigil ay sinagot ko na lang.
"I'm outside your apartment," bungad agad ng tumawag.
Hindi man lang akong pinag-hello?
"Sino 'to?" Tumataas ang aking kilay habang tinatanong iyon, kahit pakiramdam ko ay alam ko na kung kaninong boses iyon kahit tunog putol-putol at sa kabila ng ingay ng ulan, nahuhulaan ko na.
"Axis," simpleng sagot nito, ngunit hindi sa nakasanayan kong boses niya ay mahina ito ngayon.
Halatang may kasalanan.
Napadungaw agad ako sa aking bintana.
Nandoon nga siya sa labas katabi ang puno ng mga Agoho na nagsisilbing bakod ng bahay. Naka-uniporme pa ito at basang-basa na dahil wala siyang payong.
"Umuwi ka na," sabi ko at natagpuan niya ang gawi ko, malayo man ay kita ko pa rin ang matamang mga titig niya.
"I won't... please, let me in," mahinang usal niya, nakikiusap.
Napakunot ang noo ko. Gusto kong magkomento na 'Wow! Kahapon lang nakakatakot ang anger issue mo, tapos ngayon ang bait-bait mo, di oobra yang pagiging mabait mo ngayon!'
Kaya imbes na sabihin iyon ay nanahimik na lang ako.
"Please," muli niyang sabi dahil hindi ako nagsalita halos lumipas na ang isang minuto.
Pag pinapasok ko siya ano na lang ang sasabihin ng makakita sa kanya? Kilala siya rito at kilala akong teacher dito, hindi magandang tingnan iyon.
Medyo malapit lang din ang bahay ni Sir Salvadico rito. Napakalaking tsansa na makita ako na nagpapasok ng isang estudyante rito, anong idadahilan ko? Dahil basa ito? Bakit hindi ko na lang bigyan ng payong at jacket at pauwiin sa kanila dahil nasa likuran lang naman ang vista nito.
"Umuwi ka na, magkakasakit ka niyan," saad ko at bumuntong-hininga.
Ayaw ko namang maging masama at bigyan lang siya ng tuluyan cold treatment. May natitirang concern pa naman ako sa kanya.
"I can't," sagot niya naman, nagsimula itong yumuko, marahil nag-iisip sa ilulusot baka sakaling makalusot.
Ang sakit na nga ng ulo ko mas lalo niya pang pinapasakit.
"Huwag ka nang magmatigas, Jalandon," nawawalan ng pasensiyang saad ko.
Umalis ako sa pagkakadungaw sa bintana at kumuha ng payos upang iaabot na lang sa kanya.
"Hindi kita papapasukin dito kaya umuwi ka na," sagot ko habang bumababa ng hagdan at nagsuot ng raincoat dahil ipapahiram ko ang payong ko sa kanya.
"Please, Miss. I won't be violent. I will not do it again," tugon niya, in his pleading and convincing look.
Hindi ako sumagot at binuksan ang gate upang iaabot sa kanya ang payong.
"Okay. Pero umuwi ka na," sabi ko at nais iparating na tapos na usapan.
Wala siyang balak na lumapit sa gate at kunin ang payo kaya binuksan ko iyon at inilapag sa lupa.
"I will stay here," deteminadong saad niya.
Napapasuklay na lang ako sa aking buhok ko, ang tigas ng ulo, paano kung may makakita sa amin, nag-iisip ba siya?
Anong iisipin ng iba? Hindi rin ako ang adviser niya o kahit coach, buti kong babaeng estudyante ito. Baka pwedeng i-consider.
Pero sampung minuto na ay hindi pa siya umaalis roon, nakaakyat na ako at nakapagbihis na.
Bumuntong-hininga ako nang dinungaw ko siyang muli. Kaya sa huli wala rin akong nagawa, hindi natiis at pinuntahan din ito, suot muli ang aking raincoat, kinuha ko ang payong na nasa lupa at inabot sa kanya ang tuwalya.
"Ano pang hinihintay mo? May lagnat ako Jalandon, lalala ang sakit ko sayo pag di ka kumilos diyan," naiirita kong sabi.
Mabilis kaagad ang lakad niya at mas nauna pa sa akin.
Nasa ikalawang palapag ang aking tinutuluyan, bawat palapag may limang kwarto.
Kung paakyatin ko siya ay hindi naman kami makikita dahil nasa gilid ang hagdanan at nasa pinakagilid sa kaliwa lang din naman ang kwarto ko.
Pero paano kung may makakita?
"Next time, don't do it again. Anong iisipin ng ibang tao? Pinapasok ko ang lalaking estudyante ko sa apartment ko?" sabi ko habang nagkakalkal ng jacket na maluwag na kakasya sa kanya sa maliit kong cabinet.
Basang-basa ang uniporme niya. Paglabas ko ng aking kuwarto ay nakahubad na ang uniporme niya, nagtaas ako ng kilay.
No, I am not affected! Hell no! That's my student. He is a boy. I am his teacher, never, my gosh!
Those thin young muscles will not affect me. Napakabata pa niya upang bigyan ko ng pansin ang ano mang nakikita sa kanya.
Ngunit sa huli ay napatitig ako nang mapansin ang mga peklat sa likuran niya, marami iyon, parang ang iba ay hiwa pa, may mahaba at maiiksing peklat, mayroong bago.
Napakunot ang noo ko.
"Where did you get those scars, Jalandon?" I asked in an earnest way, bigla akong nag-alala kung paanong natanggap ng batang katawan niya ang mga ganoong peklat.
Mabilis ang pagharap niya sa akin at kinuha ang tuwalyang bigay ko at ipinatong niya sa kanyang balikat iyon.
"Accident," he replied, trying to sound cool.
"Anong klaseng aksidente bakit parang mga latay?" Mabilis kong hinakbang ang aking mga paa palapit sa kanya at walang ano-ano ay inalis ang tuwalya at pilit na sinisipat ang katawan niya.
"Stop it, miss! It's nothing," he argued while avoiding my inspection on his body. Mabilis niyang hinablot ang hawak kong hoodie at mariin akong hinawalan sa aking mga braso.
"I got into a car accident when I was young," he sighed. And with those looks and words, he wanted to end this argument.
I swallowed hard, thinking that he wanted to abstain from showing his body, and stopped me from asking more about his cars, he doesn't want to talk about it.
Car accident? Bakit nasa likuran lang lahat ng peklat, bakit mukhang latay pa iyon? May gang group ba or fraternity sa school na hindi alam ng mga guro?
Matagal kaming nagkakatitigan, nagsususkatan ng tingin kung sino ang unang susuko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mga braso ko, hudyat iyon na ako ang sumuko kaya mabilsi niya isinuot ang hoodie sa harapan ko.
"Mag-tea ka muna," sabi ko nang iniwan ko siya upang makapagbihis, pilit na kinakalma ang pagkakabigla ko sa mga peklat na nakita sa kanya.
"O baka gusto mo ng kape?"
Nasa may kusina ako sumigaw.
"Tea, please," sagot nito sa malagom na boses.
Itong mga tsaa na ito ay galing sa magulang ko, tsaa at kape kasi ang negosyo ng pamilya namin na sinusupply mula sa mga Merovene sa San Carlos at Murcia.
Pumasok siya ng kusina, nakapagbihis na at medyo basa pa rin ang slacks niya. Ginulo niya ang buhok niyang basa.
Napatingin ako sa sugat sa kamao nito na mukhang hindi man lang ginamot. Nawala bigla ang takot kong naramdaman sa kanya kahapon, napalitan iyon ng kaba at takot para sa kalagayan niya.
Iniiling ko ang ulo ko at kumuha ng medical box at umupo sa tabi niya nang makaupo ito sa harap ng maliit kong mesa.
The boy is fibbing because he doesn't want to let anyone in on the horrific truth about his personal life, which includes numerous deep cuts and scars on his back, and to think all those scars were in the same location. May kaunting peklat siyang napansin ko sa braso at na palapulsuhan niya noon, ngunit wala nang iba.
Lahat ng peklat ay nagipon-ipon sa likuran niya, parang sinasadyang ilagay lang soon.
Hinarap ko siya at tahimik na kinuha ang kanyang kamao.
Inilayo niya iyon sa akin.
"I'm sorry..." parang batang humihingi ng tawad ang ipinukol niya sa akin ngayon. Hello Marionelia Shian Denieste bata pa kaya siya.
"I will not do it again. I'm sorry." Umiiling pa niyang sabi.
"Yeah. I believe you," sabi ko. Kapag ba iintindihin ko siya, at susubukan kong tignan ang ibang side niya, pagkakatiwalaan niya ba ako sa mga sikreto niya?
Nagaalala ako sa kanya, paano kong sa likod nitong mga peklat ay panganib para sa kanya?
Matapos ang ointment ay pinaikutan ko ng underwrap at nilagyan ng tape ang kamao niya.
"No, you do not believe me," mahinang usal niya.
"I do," giit kong nag-angat ng tingin. "Umiinom ka ba ng ganyang brand na tsaa? Iyan lang kasi ang mayroon ako e."
"It's fine Miss, and I know this brand. I've been drinking this when I visited Bacolod."
Tapos ko nang gamutin ang mga sugat niya at umupo ako sa harapan niya.
Hinarap niya ako ngayon na parang maamong tupa. Mas gusto ko siya pag ganito hindi iyong titignan ako ng parang nakakainsulto, mas gwapo siya kapag ganito.
"Do you believe me?" tanong niya ulit.
"Oo nga," sabi kong natawa na lang ako sa kabila ng sakit ng ulo ko. Para talaga siyang bata, binatilyo na ang tangkad pero para pa rin siyang bata. Bata pa naman siya, and adolescence is the most rebellious part of growing up, which might explain the scars on his back.
With tired beauty in his eyes, he asked, "Then would you believe me when I say I really, really like you?"
Natulala ako. Sa gulat ko ay hindi ko mailayo ang paningin ko sa kanya kasi gusto kong malaman kung ano ang laman talaga ng kanyang sinasabi.
Isa lang naman ang ibig sabihin ng sinabi niyang gusto niya ako.
Gusto niya ako dahil guro niya ako, gusto niya ako bilang guro niya, ganoon lang iyon.
Awkward akong tumawa, nothing is wrong for being liked by a student, hindi lang naman siya ang nagsabi niyan.
"Hindi ganyan umasta ang isang batang gusto ang guro niya, dapat mas magalang ka," sabi ko at tinatanguan ang sariling salita ko.
"Because I like you in a different way, not as a teacher and it upsets me when you were treating me as your stu—"
"Kasi nga estudyante kita." Nangunot ang noo ko, pinutol ang sinabi niya at baka mapunta pa sa ibang usapin. Mananatili kami sa usapin gusto niya akong guro.
Ayusin mo yang sinasabi mong bata ka! Nakakaeskandalong malaman kung mas higit pa roon ang gusto mong sabihin.
"I can't stand the idea that you're my teacher. As a woman, you appeal to me," he declared firmly.
Mahabaging diyos!