Natulala na ako nang tuluyan. Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa ako na ang nag-iwas.
"Nakakatawa ka," komento ko at napalunok habang umiiling at agad na tumayo.
"I did everything I could so that you would pay attention to me. Yesterday, I was angry because... I'm sorry, whatever the reason was, it doesn't change the fact that what I did was wrong, and I won't do it again." He seemed confused and apologetic as he replied, "I'm just maybe... no, I've gone beyond, I apologize, Miss."
"Because of your youth, Jalandon, you tend to act impulsively at times." I attempted to preach a bit while still looking sympathetic: "I remember feeling the same way when I was your age, that's why I understand that sometimes your emotions rule over you, and emotions are sometimes uncontrollable. And if you're feeling agitated, take a deep breath and try to relax, I promise it really works."
Hinarap ko siyang nakahalukipip, matapang ako ngayon dahil nakatayo ako at nakaupo siya. Pakiramdam ko ay may lakas na ako ngayong nakikita kong matangkad na ako sa kanya nang kaunti.
"You're speaking as if you're the same age as my mother, seven years isn't that big of a difference, come on!" sabi nitong gusto pa talagang makipag-argumento imbes na pumunta rito parang humingi ng tawad.
I stood my ground and stated, "You're seven years younger than me, so that makes you a kid, and it makes me an adult, period." Wala kami sa school premises, siguro naman pwede akong sumagot-sagot at mantaray. Because it is my home and I have the right to be intimidating here.
"I am not!" sabi nitong nawawalan na ng pasensiya. "Fine, I do act futile in some way, but I really, really like you. At walang kinalaman ang nararamdaman ko sa pagiging kinse anyos ko," sabi nito.
His aloof, grumpy attitude was gone, this Axis that shares his feelings is not the boy I knew.
Anong 'in some way? Everyday kaya! I reacted to the words he said and ignored the other words he said about liking me, however, I don't feel it. IWhy is he being so unkind to me if he likes me?
"Nasabi mo na yan kanina pa, at huwag mo nang uulitin pa, salamat," pagtatapos ko sa usapan.
"Gusto kong ligawan ka," patuloy niya pa.
Bigla akong nahintakutan sa sinabi niya ngunit dinaan ko na lang sa tawa. Napasapo pa ako sa aking tiyan nang sabihin niya 'yon.
"You said you believed me." Tumayo na siya, mukha nang frustrated.
Ngayon ay napatikhim ako dahil mukhang ipinapakita niya sa akin kung sino ang mas angat sa amin.
"I do, kaya nga nag-thank you ako e. I can't do anything about it. It's just an admiration from a kid to his teacher, lilipas din yan, Jalandon," saad ko at binigyan siya ng awkward na ngiti, gusto ko sanang magmukhang sincere sa pag-ngiti ang kasi napapangiwi talaga ang labi ko.
"I said I like you not as a teacher but as a woman, and I want you to be my girlfriend and I will court you if I'm eighteen,"
Kakaiba ang lakas ng loob niya, parang kahit sa pagsabi ng mga ganitong salita parang ako pa 'yong nahihiya ah?
"You are a kid, you moved fast—"
"No, you caught my attention the moment I saw you. I followed you here because, even after five months, I still can't forget about you. Months later, Miss, and I still adore you." Pag-amin niya habang nangungunot ang noo sa pagpapaliwanag niya.
Okay? This kid's confession seems so onerous to me.
It's troublesome but new in a bizarre way that I couldn't think about anymore for a moment.
Paano ko ngayon matatawanan ang sitwasyong ito kung ganito siya ka-seryoso tumingin sakin?
"You try to think about our situation more, Jalandon." Umayos ako ng tayo.
"My name is Axis, you can call me by my name," putol niya sa akin.
"Okay, Axis," sabi ko at bumuntong-hininga.
"That's more like it," aniya na ngumisi na.
"Pwede patapusin mo muna ako magsalita?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Iminuwestra niya ang palad niya para bigyan ako ng panahon na magsalita.
"See, you are simply a sixteen-year-old child confessing to a teacher who is twenty-three years old. I am a teacher, and you are a student. We can never be together, and I never approach kids. I don't mean to hurt your feelings, but I don't like you. Because you are a child, I don't consider you to be a potential lover. Forsake!" I used a horrific tone.
"Wow, you can be savage, huh? Kaya nga sabi ko kaya kong maghintay hanggang sa mag-eighteen ako, twenty-one o kahit thirty pa yan," pangbabalang niya naman sa sinabi ko.
Natawa ako dahil sa sinabi niya, imposibleng aabot pa suya ng dekada para maghintay, for sure, mas mauuna pa siyang maikasal sa akin.
"You can't say words you don't mean, napaka-imposible na aabot ka pang thirty, that's exaggeration, Axis. And you don't have to say those words just to prove your point," sabi ko sa seryosong mukha.
"What if I can wait for you until I'm thirty? What are you going to do? Marry me?" panghahamon niya.
Parang gusto ko na ulit matawa, nakakatawa kasi ang sitwasyong ito.
"Sure," panghahamon ko rin, kasi alam ko namang napaka-imposibleng mangyari non.
At para matapos ang usapang ito, isipin ko pa lang na menor edad siya parang may naririnig akong kalansing ng selda, nakakatakot.
Ngumisi ito. "Is that a deal, miss? Don't promise just to get rid of this talk."
"Then wait until you are thirty, but you can't do that 'courting' on me until then." Ngumisi ako ng napakalawak, pilit na pinapakitang sincere ako kahit hindi naman talaga, diyos ko!
Ngumisi rin siya, hindi ko lang mawari kung dahil ba natutuwa siya o dahil alam niya na sa sarili niya na imposibleng dumating ang araw na iyon.
"I promise, you should promise," saad niya kalaunan.
"How?" Tumaas ang aking kilay ng itanong iyon.
Nakatitig lang siya sa akin at tumayo at pumuntang sala, pagbalik niya ay may dalang bag. Naglabas siya ng notebook at pen, inabot niya sa akin matapos siyang magsulat doon.
"I need your signature," sabi nito habang inaabot ang pen matapos ilapag sa harap ko ang notebook.
Natawa ako, hindi ko napigilang gawin iyon kahit ang seryoso ng mukha niya, parang biro lang kasi ang lahat ng ito.
February 14, 2013.
Date ang nakasulat habang may underline sa taas nito para sa pirma ko. Pumirma ako habang hindi nawawala ang ngiti sa labi ko, nakakatawa, isang malaking biro ito. Nabawi niya ang ginawa niya kahapon, napasaya niya ako ngayon.
Isang batang lalaking disi sais anyos umaming gusto ang kanyang guro?
At balak pang manligaw? At kayang maghintay hanggang treinta anyos siya? That's fourteen years from now.
Kung ibabahagi ko 'to sa mga ate ko ay matatawa ang mga 'yon at kapag sinabi ko 'to sa Mama ko maeeskanadalo 'yon.
Baka pauuwiin pa ako.
'Dios mio Marionelia, mas maiging ikaw ay umuwi dito!'
Naririnig ko ang boses ni mama sa utak ko, galit na galit.
It was a tiring week because we are preparing for next week's school foundation week.
The MAPEH department was busy managing the sports and the games, we're organizing a five day program.
Para akong lantang gulay habang naghihilot ng ulo.
Tapos itong nurse namin na matanda palaging wala mukhang balak na talagang mag-resign at hindi man lang niya naisip na kahit pumasok muna nitong linggo dahil pagod na pagod ako.
"It is good for the health,"
Hindi ko namalayang nakapasok si Axis at may inilapag na glass tumbler na may laman na medyo maitim na inumin. "It's grape juice."
"Thanks," sabi ko at binuksan ko iyon at ininuman. "H'm, masarap ah."
Nagtaas lang siya ng kilay at nginitian ako, ngiting napakatipid.
Matapos ang pag-amin niya na tinawanan ko hanggang huli at hanggang sa tumila na ang ulan. At mukhang malinaw na sa aking hindi niya iyon seseryosohin. Bago nga lang umuwi ay may ibinigay siya sa aking tatlong rosas, dahil nga raw 'Valentines Day' ng araw na iyon.
Hindi ko na lang din inisip at binigyan panahon pa iyon. Ayoko ng dagdag stress.
Kaya kung nagiging mabait na siyang estudyante ngayon. Kung palagi siyang ang nagboboluntaryong magdala ng mga gamit ko pabalik ng clinic, hindi niya pa rin iyon seseryosohin.
Kahit nagdadala siya ng pagkain at inumin tuwing lunch at kahit sa pagtulong sa mga ginagawang preparasyon namin ngayong intrams, iniisip ko pa ring hindi niya itutuloy iyon.
"Bumalik ka na sa klase mo." Naghihilot pa rin ako ng sentido ko.
"I can massage your temples, you know." Nagkibit siya ng balikat. "Wala na kaming klase puro practice lang ng sayaw."
Naeskandalo ako sa alok niya, naiisip ko pa lang na hinihilot niya ako ay napapangiwi na ako, ano ako? Parang iyong mga matatandang teacher na hinihilot ng estudyante niya? Maayos sana kung babae e lalaki siya.
"Axis, what are you doing?" hindi ko na napigilang magtanong.
"Nagpapakabait po, miss," sabi nito na may pilyong ngiti.
Natawa na naman ako para kasi talagang comedia ang nangyayari sa amin. "I didn't know my name sounded better when you say it," dagdag niya pa.
Inirapan ko siya at napapailing, hindi ko na lang pinatulan.
Pero bakit hindi man lang ako napangiwi sa huli niyang sinabi bakit parang natuwa pa ako na para bang isang compliment iyon, anong nangyayari sa akin?
"Nothing's gonna change," mahinang sabi ko.
Iyon na lang ang sinabi ko para iligtas ang sarili ko.
"You already are, you are calling me by name. It means your treatment changes now. How much more if I do it until I am eighteen or until thirty, right?" sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Diyos ko!
"Walang magbabago... bata ka pa rin," bato ko naman sa kanya.
Nawala ang ngiti niya, nang seryosohin ko siya.
"I am taller than you," saad niyang hindi talaga susuko.
"So? Does it make you older than my age?" Nakataas ang aking kilay nang sabihin iyon.
"You look younger than me," anito.
Napatawa niya na naman ako. Kung titingnang mabuti bata pa rin siya no? Feeling din ng batang 'to.
"So? It will not change the fact that you are seven years younger than me. period."
Nawala na talaga nang tuluyan ang sigla niya. Nagtatagis ang mga bagang niyang tumalikod at tahimik na lumabas.
Good boy.
When I bring up our age difference in an argument with him, he always walks out. That's the most effective approach to avoid his dogged pursuit of his puppy-like fascination with his teacher.
Diyos ko! Ang bata-bata niya pa.
Sa mga palara sa foundation week ng escuelahan ay nanalo ang grade eleven sa street dance, sa elementary division naman ay ang grade four ang nanalo. Ang street dance ang naging opening ng program namin.
Sa mga sports ay nangunguna ang grade ten sa tally at mas maraming nahakot na special awards ang grade nine sa Mr. And Ms. Intramurals. Gaganapin naman ang coronation sa huling araw ng intramurals.
Pinaglaban naman ang grade eleven at grade twelve sa isang cheerdance competition at nanalo ang grade twelve. Sa softball at basketball lang din nangunguna ang grade nine.
Sa finals ay grade nine ang nanalo pero heto at napuno ang clinic ko sa mga sira ulong batang nagsuntukan.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko habang ginagamot ang pisngi ng estudyante kong grade twelve na may gasgas. Apat silang nagkapasa at may gasgas.
"Baliw kasi 'yong si Axis. eh Ang init-init ng ulo nagbibiruan lang kami e," sagot noong isang may pasa sa mata.
"Ano ba kasing biro mga bata kayo... pag inulit niyo 'to, makikick-out kayo, gusto niyo 'yon?" pagpapaalala ko habang ginagamot iyong may duguang labi at kamao.
"Si Axis po pagsabihan niyo rin, e nag-uusap lang naman kami ng mga kasama namin tapos bigla siyang nanugod."
"Kaya nga po ma'am, porket Jalandon, ganoon na umasta," dagdag ng isa.
Napapakamot na lang ako sa kilay ko matapos ko silang magamot.
"E bakit niya nga ginawa 'yon, ano bang sinabi niyo?" ulit ko ng aking tanong.
"Wala ma'am, sadyang mainit lang ulo no'n," sabat naman ng isa.
"Nanalo na nga sila, iinit pa ulo niya?" sabat ng isa.
Nagugulantang ako sa mga inaakto ng mga bata rito sa probinsya buong akala ko talaga ay sila iyong tipo ng mga estudyanteng lahat mababait, masyado naman pala akong nag-set ng mataas na standards.
"Kaya nga, palibhasa Jalandon," bulong noong isa na sinang-ayunan ng kaklase.
"Hindi talaga kasalanan ni Caspian 'yon ma'am, bigla lang nanugod si Axis e." Pagtatanggol pa ng isang grade twelve.
Si Caspian iyong senior at Captain ng Basketball Team at nasa guidance office ang dalawa kinakausap pa. Ang pasimuno raw ng gulo ay si Axis, sinugod si Caspian.
"Hindi naman siguro susugod 'yon kung—" Naputol ang aking sinabi.
"What are you doing here? Get out!" Pagpasok pa lang ni Axis sa clinic ay nagpapakahambog na naman siya.
"Axis!" Aba porque gawang Jalandon 'tong escuelahan may karapatan na siyang magpaalis ng estudyante na dinaig pa ang mayor?
"Nagamot na sila diba? Kaya alis na!" sigaw muli ni Axis, nagbabaga ang galit sa mga mata nito.
Ang siraulong batang ito may mas isasama pa pala ang ugali.
"Tumigil ka nga." Hinila ko ang braso niya at ipinaupo. "Diyos ko, namumula ang mata mo."