Kabanata 19

1533 Words

Akala ko talaga walang mangyayari sa amin dahil ang seryoso pa niya no’ng sabihin na maglalaba kami. Pero ang ending, ako ang nilabhan sa ibang paraan, bwisit! “Uy, n-nangangalay na ako. Angat na. Ang bigat mo kaya.” Reklamo ko dahil mukhang na-e-enjoy niya ang pagkakapatong sa akin. “B-Baka mabutas ‘yong banyera.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Hindi ba kapag banyera, matibay? Bakit mabubutas?” Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin kong salubong ang kilay niya. “Kung ikaw kaya ang daganan, ano sa tingin mo? Hindi ka mangangalay? Sige palit tayo.” Pagmamaldita ko sa kanya. He shook his head. “Sometimes, I just don’t understand you.” Napasunod ako ng tingin sa kanya nang tumayo siya. Inabot ko sa kanya ang kamay ko para sana magpatulong tumayo kaso ikutan ba naman ako ng mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD