bc

IT WAS YOU ALL ALONG

book_age18+
50
FOLLOW
1K
READ
family
HE
lighthearted
mystery
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Ikaw, JJ. Ikaw ang bubuntis sa akin." Saad ko kay JJ na halatang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Sira ka talaga, Alec. Magtigil ka nga dyan. Takot man ako sa commitment pero hindi naman ako yung tipo ng lalake na tatakbuhan ang responsibilidad ko kung sakaling may mabuntis akong babae." Ani ni JJ na seryosong nakatingin sa akin.

“Pag nabuntis ako, I would just disappear without a word." Saad ko.

"So it means na pag nawala ka, buntis ka na. Na ni ha, ni ho wala kang sasabihin sa akin. Understood na yon?" Tanong ni JJ. Nakatingin kami sa isa't isa. Mata sa mata.

Siya si Alecxa Jean Ramirez na isang freelance photographer na nakipagkasundo sa kanyang kaibigan na si John Jacob Dela Fuentes na mag-live in sila para mabuntis si Alecxa ng walang ibang tao ang makakaalam kundi silang dalawa at bawal silang ma-inlove sa isa’t isa. Ngunit magagawa nga bang lumayo ni Alecxa kung hindi pa man sila nagsasama ni JJ ay may nararamdaman na siyang kakaiba para sa kaibigan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Alec, tara. Bilisan mo. Dali." Ani ni Neri habang hila-hila ako. Ilang minuto pa lang ako nakakaupo sa harap ng table na napili ko na pwepwestuhan namin nina Neri dito sa isang restobar sa kahabaan ng Mc Arthur Highway dito sa Bulacan. Galing siya sa CR sa first floor nang bigla niya akong hawakan sa braso ko at hilahin pagakyat nya dito sa second floor. "Saan ba kasi tayo pupunta at nagmamadali ka ha, Nerissa? Ano ba kasi yun para magkumahug ka ng ganyan ha?" Tanong ko kay Neri. Halos makabangga na kami ng ibang customer dahil sa pagmamadali namin. Napansin ko na papunta kami sa direksyon ng steel railing. "Tignan mo, Alec!" Ani ni Neri sa akin sabay turo sa isang mesa sa first floor. Halatang nanggigigil siya sa tono ng boses niya na ipinagtaka ko.  Nakatayo na kami sa may steel railing sa 2nd floor ng restobar na kinaroroonan namin kung saan tanaw ang kabuuan ng first floor. Sinundan ko ang nakaturong daliri ni Neri pababa sa 1st floor. And behold. Ang magaling kong boyfriend na si Ashton, may katabing babae sa upuan at nakikipagsweet moments ang mokong. Potek! May extra curricular activity pala ang mokong na Ashton habang kami pa. Teka lang nga. This is the right time para umeksena ako to break up with this may sayad kong boyfriend na nakikipaglandian sa ibang babae behind my back. Agad akong tumakbo pababa ng hagdan na malapit sa   kinatatayuan namin ni Neri. "Alec, Wait! Anong gagawin mo? Hintayin mo ako." Sigaw ni Neri sa likod ko. Hindi ko na hinintay si Neri. Dire-diretso akong naglakad papunta sa mesang inookupa ng tukmol kong boyfriend nang makababa ako ng hagdan. "Wow. Masarap ba, Ashton?" Sarcastic kong saad  kay Ashton nang tapikin ko siya sa balikat niya. Inabutan kong nakikipaghalikan na sa babaeng katabi niya si Ashton sa harap ko ngayon. As in lips to lips. Wala silang pakialam kahit na maraming tao sa paligid nila habang naglalaplapan sila. The nerve of this guy. Nakataas ang isang kilay ko na nakatingin sa kanila habang nakatayo na ako sa gilid nila nung babaeng kahalikan niya. Nang magtaas siya ng tingin ay nakakunot pa ang noo niya na tila naiinis dahil naistorbo sila sa ginagawa nila ng babaeng kalandian niya pero nagbago din agad ang awra ng mukha niya at halatang nagulat siya ng makita niya ako. Saktong natapat sa kanya ang rotating spotlight ng restobar kaya nakita kong namutla siya pagkakita sa akin. Para siyang nakakita ng multo. Isang napakagandang multo na no other than me na girlfriend niya. Ay, ex na pala. "Enjoy it, Ashton, coz we're through." Nakangiti ko pang saad sa kanya sabay talikod patungo sa pinto ng bar.  *Alec, sandali." Sigaw ni Ashton sa likod ko. "Ashton, where are you going? Who the hell is she?" Narinig ko pang tanong nung babae. Aba, inglesera ang bruha.  Huminto ako sandali para pakinggan kung ano ang isasagot ng haliparot kong boyfriend. Ex-boyfriend na pala as of a few seconds ago. Nakita kong pareho na silang nakatayo at nakahawak ang babae sa braso ni Ashton na tila pinipigilan siyang umalis ng babae. "I'm sorry. She is my girlfriend." Narinig kong tugon ni Ashton.  Isang malakas na sampal ang naglanding sa kaliwang pisngi ni Ashton mula aa babaeng kahalikan niya. Hahahaha. Buti nga sayo.  "Thanks, Gurl." Sigaw ko sa babae saka ko ipinagpatuloy ang paglakad ko papunta sa pinto ng bar. "Alec, hintayin mo ako." Ani ni Neri na nakahabol pa din sa akin. Mabilis akong naglakad papunta sa parte ng parking lot kung saan nakaparada ang big bike ko habang nakasunod sa akin si Neri. Nang makuha ko mula sa utility box ng motor ko ang helmet ko ay agad ko itong isinuot at sumakay agad ako sa motor ko. Humihingal si Neri na nakatayo sa gilid ko at humawak sa braso ko. "Sasama ka ba sa akin?"  Kalmado pa rin ako na  nagtanong kay Neri. "No. Never mo akong mapapasakay dyan." Tugon ni Neri na hinihingal pa din habang nakatingin sa motor ko na tila diring diri. Sa amin kasing dalawa, ako yung adventurous type at siya naman yung play safe lagi. Sa asawa niyang si Nathan lang siya umaangkas ng nakamotor. "Padating naman na sina Nathan at JJ. Hihintayin ko na lang sila dito." Ani pa ni Neri. "Sure ka na ok lang sayo na maiwan kita dito?" Paninigurado kong tanong kay Neri. "Oo. Ok lang ako kesa naman abutan ka pa nung tungaw mong ex dito. Kukulitin ka lang nun. Baka gumawa pa ng eksena yun." Ani ni Neri.  "Ok. Tumabi ka na muna dyan. Aalis na ako. Kayo na lang muna ang magkitakits. Sorry kung iiwan na muna kita dito." Tugon ko kay Neri. "Ikaw? Ok ka lang ba?" Tanong sa akin ni Neri. Halatang nag-aalala siya sa akin. "Sus, ako pa ba. Para namang di mo ako kilala. Sanay na to kaya wag ka ng magalala dyan. Ngumiti ka na dahil nakangiti naman ako di ba?" Ani ko sa kanya sabay tapik pa sa tapat ng puso ko. "Matibay na to." Pabiro ko pang sagot kay Neri.  Tumango si Neri sa akin at ngumiti sa akin. "Alec.." Narinig kong tila nagaalangang tawag ni Ashton sa akin na nakatayo na pala sa harap ng dadaanan ko. "Lumayas ka dyan sa harap ko kung  ayaw mong sagasaan kita." Mataray kong saad kay Ashton at saka ko pinihit ang clutch ng motor ko para makalikha ito ng ingay. Bumitaw na si Neri sa braso ko. Alam ni Neri na hindi ako nagbibiro. Tototohanin ko talaga yung sinabi ko kay Ashton. Pareho kami ni Neri na nakatingin kay Ashton. Sabi nga nila if looks can kill, tiyak na nakabulagta na si Ashton sa harap namin ni Neri kanina pa dahil sa join force kami ni Neri na nakatingin ng masama at matalim sa kanya. "Alec, magusap muna tayo." Tila nakikiusap na saad ni Ashton habang papalapit siya sa akin. Mabilis niyang hinawakan ako sa braso ko para pigilan akong umalis. Pero imbes na patayin ko ang makina ng motor ko ay agad ko itong pasibad na pinaandar. Muntik ng makaladkad si Ashton kung hindi siya bumitaw sa braso ko pero nahablot niya ang bracelet kong suot. Naramdaman kong napigtas ang bracelet na bigay niya sa akin sa pagarangkada ng motor ko. Well atleast hindi ko na kailangan pang ipacourrier service sa kanya para maisauli yung bracelet na bigay niya sa akin nung nakaraang monthsary namin. "Good riddance." Sigaw ko sabay taas ng middle finger ko sa ere pagkatapos ay ibinaba ko na ang face shield ng helmet ko. Nakita ko sa side mirror ng motor ko na sinundan ako ng tingin ni Ashton habang hawak niya ang bracelet na bigay niya sa akin na putol na. Si Neri naman ay matalim pa ring nakatingin kay Ashton. Parang ikaw lang yang bracelet na bigay mo sa akin, Ashton. Marupok. Ani ko sa isip ko. Meeting with a client daw yung pupuntahan nya. Letsugas. Yun pala ibang meeting na ang inaatupag. Mating na pala. Hahahaha. Another one failed relationship na naman for me added to my list pero why doesn't it hurt anymore? Instead, I felt relieved pa nga. Parang mas gumaan pa nga ang pakiramdam ko. Well, I guess expected ko na yun na hindi din kami magkakatuluyan ni Ashton. 6 months din na naging kami which is the longest so far sa mga naging relasyon ko. Yung first ex ko, 4 months na naging kami. Yung second ex ko naman, it lasted for 5 months. Oh well, atleast nagimprove. Yun nga lang. Same reason pa din. Nahuli ko silang nakikipaglandian sa ibang babae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.4K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook