CHAPTER 2

1902 Words
Andito na ako ngayon sa patio ng Malolos Cathedral. Nakaupo sa ilalim ng malaking Krus na nakatayo sa harap ng simbahan. Pasado alas otso na. Ako na lang ang tao sa loob ng patio maliban kay Manong Ed na night guard on duty ngayon dito. Matagal na niya akong kakilala mula pa noong nagaaral ako sa parochial school na nasa loob ng compound ng Cathedral kaya hinahayaan niya akong makapasok dito sa patio kahit anong oras. Dito kasi sa Cathedral napapanatag ang puso ko at isip ko lalo na pag gulong gulo na ako or malungkot ako or gusto kong mapag-isa at makapagisip-isip gaya ngayon. Pati pag-star gazing ay gusto ko din dito ginagawa. Ewan ko ba pero para sa akin maaliwalas ang langit pag andito ako sa patio ng Cathedral. Ako nga pala si Alecxa Jean Ramirez. Alec for short. I am a freelance photographer by profession though graduate ako ng BS Business Management sa isang state university dito sa Bulacan. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa mga kilalang photographer dito sa Bulacan at naguumpisa na ding makilala sa nearby provinces. Marami na din akong napuntahang lugar dahil sa pagiging photographer ko. As I have said earlier na sa edad kong twenty five years old ay pangatlong boyfriend ko na si Ashton. Schoolmate namin siya At gaya nga ng dalawang nauna sa kanya na naging boyfriend ko eh they cheated on me. Nahuli ko din silang nakikipaglandian sa ibang babae. And on the spot ay break na agad like earlier kay Ashton. No more explanations. No more listening to their plea 'cause I do not give second chances kasi ang paniniwala ko na kapag ginawa mo ang isang bagay au maaari mo ding ulitin ito kaya kung nakipaglandian sila sa iba eh tiyak na makikipaglandian din ulit sila. So why give them another chance to cheat on me? Kaya kahit ilang beses pang makipagbalikan sa akin yung dalawang naunang naging boyfriend ko ay never akong nakipagreconcile sa kanila. Same goes with Ashton. I would not give in sa pakiusap niya if ever man na mangulit siya. Buti na lang talaga pag nakikipagrelasyon ako eh I don't really love them yet. Nakikipagrelasyon ako to see if I would eventually like them or fall in love with them while we are in the relationship. Pero sad to say sa tatlong naging boyfriend ko so far ay wala akong minahal. They didn't succeed in making me fall for them. I don't know if they did not try harder to make me fall in love with them or talagang takot lang akong magmahal. Natrauma yata ako at natakot magaya sa Ate Mhai ko na halos magkaroon ng emotional breakdown pag brinebreak siya ng nagiging jowa niya dati. Buti na lang ngayon na married na siya at mahal na mahal siya ng bayaw kong si Kuya Marcus na bestfriend niya since elementary days nila. Sa bawat breakup na pinagdaanan ni Ate Mhai dati eh si Kuya Marcus ang kasa-kasama niya. All those years na magbestfriend sila ay love na love na siya ni Kuya Marcus. Tungaw lang talaga kasi itong si Ate Mhai na hindi niya nakikita yun samantalang kaming mga nasa paligid niya ay aware sa pagmamahal sa kanya ni Kuya Marcus. Hahaha. Graduate ng BS Banking and Finance si Ate Mhai samantalang licensed Architect naman si Kuya Marcus. Anyway, as with me medyo patomboy tomboy akong umasta. May pagkaboyish ang style ng pananamit ko. I prefer to wear jeans, sneakers, sando blouse with polo on top of it. Pati na sa mga hobbies and likes ko ay for boys din gaya ng pagkahilig ko sa mga big bike at pagmomotor. Pero babaeng babae pa rin naman ang puso ko at may mga nanliligaw pa din naman sa akin. Hindi naman sa pagyayabang pero maganda naman kasi ako. Beauty and brains ika nga. Siguro cover up ko lang yung pagiging boyish ko outside. Dahil nga ulilang lubos na kami ni Ate Mhai ko tapos ubod pa ng feminine kung kumilos ni Ate Mhai kaya siguro naging ganito ako. Pakiramdam ko kasi ako yung magiging tagapagtanggol ni Ate Mhai. Ako ang parang naging bato or tuod sa amin na kailangang maging matatag para sa aming dalawa ni Ate Mhai. Ako yung naging fighter samantalang si Ate Mhai ang damsel in distress. Siya si Snow White samantalang ako naman si Maleficent. Sabi nga ni Yaya Melda, I may have horns but I have the kindest heart gaya ni Ate Mhai. We may have different personalities pero mahal na mahal namin ni Ate Mhai ang isa't isa despite the four years age gap namin. We got each other's back sa lahat ng pagkakataon. Nasa tama man o mali man kami ay hindi namin iniiwan ni Ate Mhai ang isa't isa sa ere. At present ay nakatira ako by myself sa isa sa mga townhouse na pinapaupahan namin sa Guiguinto. Sina Ate Mhai naman at ang pamilya nya ay sa ancestral house namin nakatira dito sa Malolos. Gusto nga niyang dito din ako tumira kasama nila pero ayoko. I want to give them privacy ni Kuya Marcus and I want privacy din for myself. Saka may pagka-nanay kasi si Ate Mhai sa akin. Ayaw niya yung kung saan saan ako nagpupunta na hindi ko ipinapaalam sa kanya kung nasaan ako. Lalo na yung pagmomotor ko na sobrang against siya. So para tahimik kami pareho at hindi naiipit sa gitna namin si Kuya Marcus sa tuwing nagdidiskusyon kami ni Ate Mhai, I decided to live on my own tutal may mga paupahan namang naiwan ang parents namin sa amin na hinahati sa aming dalawa ni Ate Mhai ang nakokolektang monthly rent. As with my ex-boyfriends siguro nga kaya din nakikipaglandian sa iba ang mga nagiging boyfriend ko dahil ayoko ng commitment. Sa tuwing tinatanong kasi nila ako kung ano ang plano ko sa buhay, ang sinasabi ko lagi eh I am not the marrying type. I just to want to live my life one day at a time and just enjoy it. Saka yun nga, I don't like torrid kissing sa lips and hugging. Smack lang sa pisngi or sa lips saka holding hands lang ang allowed kong gawin namin ng mga naging boyfriend ko. Kaya siguro natetempt silang makipaglandian sa iba dahil hindi ako sweet, showy at expressive bukod sa pagiging "modern day Maria Clara" ko. Sabi nga ni Neri, hindi ko pa lang daw kasi nahahanap or namemeet yung lalakeng makakatapat ko na makakapagpatibok ng puso kong mailap kaya ganoon daw ako na ayaw sa attachment at commitment. Pero once daw na dumating na yung lalakeng para sa akin eh baka daw mawindang ako at ako pa mismo ang magyayang magpakasal. Oh well, sabi ko nga, let's just wait and see. Si Neri or Nerissa Del Rio-Flores ay ang bestfriend ko since elementary. She knows all about me at ganoon din ako sa kanya. We are the exact opposites pero we understand each other kaya naging close kami. Mas marami pa nga silang pagkakapareho ni Ate Mhai ng ugali. Proven na sa amin ni Neri yung kasabihan na opposites attract. Bale apat kami sa barkada. Ako, si Neri, ang asawa ni Neri na si Nathan or Nathaniel Flores at si JJ or John Jacob Dela Fuentes. Halos magkakasing edad lang din kami. Childhood sweethearts sina Neri at Nathan. May isa na silang anak. 2 years old na ang inaanak kong si N2. Sina Nathan at JJ naman ay magbestfriend gaya namin ni Neri since elementary din. Kilala ko na sina Nathan at JJ dahil kay Neri noong nasa high school pa lang kami. Noong magcollege na kaming apat ay naging schoolmates na kami. Doon na kami mas naging close at nabuo yung barkadahan naming apat. Si JJ ay wala pa ding asawa gaya ko until now. Gaya ko din kasi siya na takot sa commitment. Supposed to be ay magkikita-kita kaming apat kanina sa restobar for our weekly bonding time. Naging requirement na nila kasi sa akin na kahit gaano kami kabusy eh kailangan kong magpakita sa kanila once a week. Either sa bahay nina Neri kami nagkikita-kita or at any gimikan within Malolos. Nauna lang kami ni Neri doon dahil may nirarush pa sina Nathan at JJ sa office nila. Magkasosyo kasi silang tatlo sa business na itinayo nila na involved sa graphics design and website development here and abroad. Related kasi ang course ni Neri na Graphics Design at Information Technology naman sina Nathan at JJ. Ako lang ang naiba ng course at passion. Pero dahil nga sa nangyari kanina, malamang sila na lang ang nagtuloy ng weekly bonding namin. Tiyak na pag nagkita kita na naman kaming apat eh asar talo na naman ako kina Nathan at JJ. Hay naku, parang naririnig ko na sa tenga ko yung sasabihin na naman nilang dalawa. Na kesyo baka babae daw siguro ang gusto ko at hindi lalake. Na akala daw ng mga nagiging boyfriend ko na maswerte sila na naging girlfriend nila ako dahil matalino at maganda daw ako. Pero hindi pala dahil daig ko pa si Maria Clara sa dami ng limitations ko. Bukod pa sa hindi ako naniniwala sa commitment at happy ever after. Hays. Pero kahit ano pa ang sabihin nila eh alam ko namang they just want to lighten up my burden. They just want to cheer me up and kahit hindi nila sabihin sa akin eh alam ko naman na they would always be there for me. Lalo na si JJ na laging dumadamay sa akin tuwing may break up na nagaganap between me and sa mga naging boyfriend ko. Not that I need a shoulder to cry on dahil ni minsan hindi ko naman iniyakan ang mga naging ex ko. Sinasamahan niya ako habang nagiisip isip ako. Maski naman noong college pa lang kami at naguumpisa pa lang akong maging photographer ay nakasuporta naman sila lagi sa akin. Pero ano nga ba ang balak ko sa buhay ko? Ilang beses na din akong tinatanong ni Ate Mhai kasi nga daw sa edad kong bente singko anyos eh puro pagkuha ng litrato ang inaatupag ko. Kulang na lang daw na hanggang sa pagtulog ko eh yung camera at laptop ko ang katabi ko. Dapat daw naguumpisa na ako bumuo ng sarili kong pamilya. I'm not getting any younger daw. Ilang beses ko na din namang tinanong ang sarili ko kung habambuhay na lang ba akong magiging takot sa love? Sa commitment? Pero sigurado ako sa sarili ko na gusto kong magkaroon ng anak. Paano naman ako magkakaanak kung hindi ako makikipagcommit? Gusto kong magkaanak pero ayaw ko ng asawa. May papayag bang lalake na maging sperm donor ko? Na aanakan lang ako then good bye na kami sa isa't isa? Ayaw ko din naman ng artificial insemination. Gusto ko din namang mabuntis thru natural process. Gusto ko din namang maranasan ang makipag s*x para mabuntis ako. Matagal ko nang iniisip yung plano kong magkaanak pero without a husband. As in planado ko na. Lalakeng bubuntis na lang sa akin ang kulang. Pero just thinking of having s*x with someone na hindi ko kilala, parang hindi ko yata kaya yun. Hay Lord, patawarin nyo po ako sa mga iniisip ko. At talagang dito pa sa loob ng patio ng Cathedral sa harap ng simbahan at sa ilalim ng Krus na ito ko naisip yung mga ganoong bagay. Sorry po talaga, Lord.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD