CHAPTER 3

1266 Words
JJ’s POV "Anong ginagawa mo dito sa labas, Ma? Asan si Alec?" Nagaalalang tanong ng bestfriend kong si Nathan sa asawa niyang si Neri. Agad na bumaba si Nathan sa pagkakaangkas sa motor ko ng huminto kami sa tapat ng kinatatayuan ni Neri. Inayos ko naman ang pagkakapark ko ng motor ko sa bakanteng slot sa parking lot ng restobar na napagkasunduan naming magkakaibigan na kakainan namin ngayon para sa aming weekly na pagkikita. Pinauna na namin kanina na pumunta dito sina Alec at Neri dahil may tinapos pa kami ni Nathan sa office. Big bike ang gamit ni Alec kanina samantalang yung kotse nila ni Nathan ang ginamit ni Neri dahil ayaw ni Neri na umangkas sa motor na hindi ang asawa niyang si Nathan ang driver kaya sa akin umangkas si Nathan papunta dito. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid pagbaba ko ng motor ko. Hindi ko matanaw si Alec. Ang nahagip ng tingin ko ay ang boyfriend ni Alec na si Ashton na halatang nagmamadali sa paglalakad niya. Papalapit pa lang kami kay Neri kanina ay natanaw ko ng masama ang tingin ni Neri sa boyfriend ni Alec na si Ashton. Mukhang may nangyari. Ani ko sa isip ko. "Umalis si Alec." Narinig kong saad ni Neri habang inaayos ko sa compartment ng motor ko ang helmet kong hinubad. "Saan pumunta?" Tanong ko. "Iniwan kang mag-isa?" Tila dismayadong tanong naman ni Nathan. Pero kabisado kasi namin si Alec na never niyang iiwang mag-isa si Neri. Kung strong independent woman ang personality ni Alec, si Neri naman ay damsel in distress ang itsura pero may pagkamadaldal pag nakaclose mo na siya kaya kahit noong hindi pa mag-asawa sina Nathan at Neri ay never hinayaang mag-isa ni Alec ang bestfriend niyang si Neri. Laging kasama ni Neri si Alec saan man pumunta si Neri. Kahit nga pag nag-date sina Neri at Nathan ay third wheel si Alec kaya pati ako damay. Habang nag-sweet moments sina Neri at Nathan sa date nila eh kami naman ni Alec ay nasa may kalayuan na nagkwekwentuhan. "Oo. Hinayaan kong umalis si Alec kesa kulitin siya at gumawa pa ng eksena yung ex boyfriend niya dito sa parking lot. Tutal naman kako eh paparating na kayo." Naiinis na saad ni Neri. "Ex boyfriend?" Sabay pa naming usal ni Nathan. Halata sa mga itsura namin ni Nathan ang pagkagulat. "Oo. Ex boyfriend na ni Alec yung tukmol na si Ashton. Nakita namin ni Alec na nakikipaglaplapan sa ibang babae yung gagong Ashton na yun dyan sa loob ng restobar." Nanggigigil na saad ni Neri. "Tangina. Kaya pala masama ang tingin mo kay Ashton at kaya pala nagmamadali sa paglakad yung gagong Ashton na yon nung nakita kaming paparating." Nanggigil na ding saad ni Nathan. Natanaw din pala niya si Ashton. "Dapat sinabi mo agad para nakatikim ng sapak sa amin ni Pareng JJ yung gago na yun." Naiinis na saad pa ni Nathan. "Hay naku, muntik ngang sagasaan ni Alec yang si Ashton. Kung hindi lang umiwas yang si Ashton malamang e nagulungan ni Alec yung paa nung gagong yun. Ang kulit eh. Ayaw bumitaw nung Ashton na yun sa pagkakahawak sa braso si Alec kaya ayun pinaharurot ni Alec yung motor nya. Naputol nga yung bracelet na bigay ni Ashton dahil nahablot ni Ashton nung humarurot si Alec." Paglalahad ni Neri na halata pa din sa tono ng boses ang inis. "Putol na din naman ang koneksyon nilang dalawa kaya ok lang na naputol yung bracelet na yun. Kilala natin si Alec. Tiyak na wala ng balikan ang magaganap sa pagitan nila nung Ashton na yun." Sigurado kong saad. "Sigurado yun. Single na naman ulit ang Modern day Maria Clara nating kaibigan." Pagsangayon sa akin ni Nathan. Heartbroken man si Alec ngayon pero ikinatuwa ko yon ng puso ko. Yes!!! Single na naman si Alecxa Jean Ramirez. Masayang nagsusumigaw ng utak ko. "Mukhang kailangan ng kadamay ni Mareng Alec ngayon." Ani ni Neri. Tumingin sa akin ang mag-asawa. "Oo na. Susundan ko na po ang ating kaibigan. Mag-dinner date na lang muna kayong mag-asawa. Next week na lang natin ituloy yung kitakits nating apat." Saad ko sa mag-asawa na ikinangiti ni Neri. "Salamat, Pareng JJ. Alam ko namang maaasahan ka namin." Masayang saad ni Neri. "Sundan mo na ang kaibigan natin. Tiyak na hindi naman lalayo yun dahil yung big bike niya ang gamit niya bukod sa gabi na din. Malamang kung hindi sa Barasoain Church yun e nasa Malolos Cathedral lang yun nagmumuni-muni." Dagdag pa ni Neri. "Malamang. Saka kahit hindi man lugmok yumg si Alec pero kailangan pa din naman niya ng makakausap at makikinig sa kanya o maski kasama lang." Saad naman ni Nathan. "Sige na. Dyan na muna kayo. Susundan ko.na si Alecxa Jean Ramirez. Baka kung ano pa ang maisipang gawin." Pagpapaalam ko sa mag-asawa. Pinaandar ko na ang motor. "Ingat." Magkasabay pang saad ni Nathan at ni Neri. Tiyak namang hindi lugmok si Alec dahil vocal naman si Alec na wala pa siyang nararamdaman kay Ashton. Ganoon din maski sa dalawa niyang naging ex boyfriend. Si Alec kasi yung tipo na mailap at hindi maharot. Hindi siya clingy at showy na girlfriend kasi nga ang sabi niya nakikipagrelasyon man siya pero wala pang involve na feelings. Kumbaga titignan niya kung magagawa ng current boyfriend niya na mahulog ang loob niya sa kaniya. Hindi din pumapayag si Alec sa lips to lips kissing and yakap. Kiss lang sa pisngi at holding hands lang ang payag siyang gawin ng boyfriend niya kaya nga tinawag namin siyang modern day Maria Clara. And I am glad to say na sa tatlong naging karelasyon ni Alec ay walang nagtagumpay. Bukod sa pare-pareho pang nahuli ni Alec ang mga gagong boyfriend niya na nakikipag-flirt sa ibang babae. Nuknukan sila ng gago dahil pinakawalan at niloko nila si Alec. Hindi nila alam kung gaano sila kaswerte na mabigyan ng chance na maging girlfriend si Alec dahil si Alec yung tipo ng babae na maasikaso at may pagpapahalaga sa pamilya kahit na sinasabi niya na hindi siya naniniwala sa love. Sa totoo lang matagal na akong may gusto kay Alec. Hindi lang infatuation kundi mahal na mahal ko si Alec. Nasa college pa lang kami ay mahal ko na si Alec pero dahil nga magkaibigan kami ay natatakot akong umamin kay Alec sa totoong nararamdaman ko para sa kanya. Maski sina Nathan at Neri ay wala alam sa pagtatangi ko kay Alecxa Jean Ramirez. Natatakot akong iwasan ni Alec pag umamin ako sa kanya dahil nga sa pagiging vocal ni Alec na she does not believe in love dahil nga natrauma siya sa naging pakikipagrelasyon ng ate niya na si Ate Mhai noong dalaga pa siya. Halos kasi nagkakaroon ng emotional breakdown si Ate Mhai sa tuwing nagbrebreak sila ng mga naging boyfriend niya. And yun nga pangatlong break up na to ni Alec na ang common reason ng break up nila ng boyfriend niya ay nahuhuli ni Alec ang mga gagong yun na may kalandiang ibang babae. Mga marurupok. Porke hindi maibigay ni Alec yung sweet gestures na gusto nila ay nakikipagharutan na sila sa iba. Hindi mga makatiis at makapaghintay until such time na may tiwala na sa kanila si Alec at mahal na sila ni Alec. Mga gago. Pero mabuti na din yun dahil may chance na naman akong maglakas loob na magsabi kay Alec tungkol sa totoong nararamdaman ko para sa kanya. Nasaan ka man eh intay ka lang ka lang dyan dahil kahit saan pa yan ay papunta na ako sayo, pinakamamahal kong Alecxa Jean Ramirez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD