Thirty minutes na siguro akong nakaupo sa harap ng Malolos Cathedral ng matanaw ko na may pinapasok na nakamotor si Manong Ed. Mukhang alam ko na kung sino siya nang matapat siya sa liwanag ng poste ng ilaw. Si JJ. Nakilala ko yung helmet niya at motor niya. No need for me to wonder kung ano ang ginagawa niya dito dahil sa past break ups ko ay siya ang taga console sa akin. Not that I need one, pero sabi nga ni JJ mas magiging madali ang pagmove on pag may napapagsabihan ka ng nararamdaman mo. Or kung ayaw ko man daw magsalita ay iba pa din daw yung pakiramdam na alam mong may kasama ka habang nagsesentimyento ang puso mo.
Kilala din ni Manong Ed si JJ kaya siya pinapasok dito sa patio. Ipinark niya sa tabi ng motor ko yung big bike niya. Nakangiti siya ng tinanggal niya ang helmet niya at agad na umupo sa tabi ko.
"Ano naman ang ginagawa mo dito ha, JJ?" Nagkunwari akong nakasimangot na tanong ko kay JJ na nakangising nakatingin sa akin.
"As usual sasamahan ka. Baka kasi kung ano pa ang maisipan mong gawin." Saad niya.
"Sus, ano ba sa palagay mo ang gagawin ko? Saka paano mo nalaman na andito ako?" Pairap kong sagot ko kay JJ.
"Alec, matagal na tayong magkakabarkada. Kabisado ka na namin nina Neri at Nathan. Pag malungkot ka or may problema ka or may pinagdadaanan ka eh sure kami na hindi ka uuwi sa townhouse mo or sa bahay ni Ate Mhai. It's either mag-long drive ka or dito ka lang naman sa Cathedral pumupunta o kaya sa Barasoain Church. Kung kotse ang dala mo eh malamang nasa NLEX ka na. Kaso big bike ang gamit mo kaya sigurado kami na hindi ka lalabas ng Bulacan dahil gabi na. So I decided na dito muna sa Cathedral ako pumunta para tignan kung andito ka nga. Tiyak naman na hindi mo sasagutin ang mga calls namin nina Neri at Nathan." Ani ni JJ.
"Hindi ko na kailangang itanong kung nasabi na ni Neri sa inyo ni Nathan yung nangyari kanina dahil sa tono ng pananalita mo eh aware ka na nga na may pinagdadaanan nga ako ngayon." Saad ko sa kanya.
Tumango si JJ. "Inabutan namin si Neri sa parking lot habang nakatingin ng masama kay Ashton. Nang makita kami nung tukmol mong boyfriend..."
"Ex-boyfriend ko na siya." Pagcocorrect ko kay JJ.
"Tss. Ex-boyfriend na kung ex-boyfriend. Nagmamadaling lumakad palayo sa amin yung tukmol mong ex-boyfriend. Agad na bumaba sa pagkakaangkas sa motor ko si Nathan. Tinanong niya agad si Neri kung bakit siya nasa labas at kung nasaan ka. Ayun kinuwento sa amin ni Neri ang nangyari. Natakot siguro yung ex boyfriend mo na banatan namin siya ni Nathan kaya umeskapo na bigla." Ani ni JJ na medyo naiinis ang tono ng boses.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Kumusta puso mo?" Tanong sa akin ni JJ. Yun naman lagi ang tinatanong niya sa akin pag ganitong may pinagdadaanan ako.
"Actually ok naman. Hindi naman siya durog kasi di ba nga aware naman kayo na hindi ko naman talaga siya mahal gaya din ng ibang naging ex ko. Umalis lang ako kanina kasi nga ayaw ko ng confrontation. Tiyak na kukulitin lang ako nung lalakeng yon. Iwas eksena. Saka ayokong makinig sa mga explanation at pakiusap niya na patawarin ko siya dahil alam ko namang uulitin din naman niya yung pagcheat niya sa akin behind my back. Tapos tiyak din na asar talo na naman ako sa inyo ni Nathan pag dumating kayo kaya I decided na umalis na lang muna." Saad ko.
"Sus. Kami pa talaga ni Nathan ang inalala mo. Hindi ka ba nasaktan?" Paninigurado ni JJ.
"Hindi naman. Sanay na." Ani ko sabay tawa. "Kasi alam ko naman na eventually maghihiwalay din naman kami dahil nga wala pa rin naman akong love na nararamdaman for him kahit na 6 months na kaming magkarelasyon bukod sa ayoko nga ng commitment di ba. Pero I was hoping na hindi sa ganito na namang paraan matatapos yung relasyon namin na mahuhuli ko siyang nakikipaglandian sa ibang babae gaya ng mga nauna kong ex sa kanya. I know na I'm at fault din naman dahil nga vocal naman ako na I am not the marrying type and hindi ako sweet bukod sa yun nga I don't like kissing and hugging which men like you would love to do sa mga girlfriend nila." Ani ko.
"Not all of us. Hindi din naman ako sweet at expressive gaya mo saka takot din ako sa commitment di ba. Kaya nga siguro magkasundo tayo dahil pareho tayo ng pananaw. Parehong takot maattach kahit na it doesn't adhere sa normal norms ng society." Saad ni JJ.
"Wala ka bang girlfriend ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Almost two years na din." Tugon ni JJ.
"Eh nilalandi?" Pabiro kong tanong.
"Wala din. Pahinga muna ako." Paismid na sagot ni JJ.
"Ay mali pala ang tanong ko. Kasi sabi mo nga hindi ka sweet. Lumalandi pala sayo dapat ang tanong ko." Natatawa kong saad kay JJ.
"Once in a while meron pero pag nalalaman nila na wala sa bokabularyo ko ang pag-aasawa eh humihinto na sila at iniiwasan na nila ako." Tugon ni JJ.
"Abnormal yata kasi tayong pareho. Takot tayo sa pagibig." Ani ko. Natawa kami pareho ni JJ.
"Well, I guess totoo yang sinabi mo, Alec. We are both afraid to fall in love and get hurt kahit na hindi naman tayo ang mismong nasaktan. Natrauma tayo sa mga tao sa paligid natin." Ani ni JJ. Napabuntong hininga pa siya at tumingin sa langit. Galing sa broken family si JJ. May sari-sariling pamilya na ang parents niya. Gaya ko ay he is living on his own sa naipundar niyang bahay sa isang subdivision sa may Balagtas naman. Sa Malolos naman parehong nakatira ang Mama at Papa niya kasama ang kani-kaniyang pamilya nila.
"Pero kidding aside, Alec. Ikaw, ano ba balak mo?" Seryoso niyang tanong sa akin.
"Sa buhay ko?" Tanong ko.
Tumango si JJ. "Oo kasi we're not getting any younger." Ani pa niya.
"Simple lang. Ituloy ang pagiging photographer. Go places. Stay free and adventurous. Pero gusto kong magka-anak. Ayoko ng asawa." Saad ko.
"Paano ka magkakaanak kung wala kang asawa? Wala ka na naman ngang boyfriend as of tonight. Magaampon ka ba or through artificial insemination?" Tanong ni JJ.
"Last option ko na yung mag-ampon at never yang artificial insemination na yan. Hindi naman ako mayaman para maafford ko yan. Saka as much as possible eh gusto ko sana maranasang makipagsex at magbuntis. Ayoko namang mamatay na virgin." Ani ko.
"Virgin ka pa?" Tila di makapaniwalang tanong ni JJ sa akin.
"Oo naman. Ano akala mo sa akin? Nagmamalinis lang? Nagiinarte? Aayawan ko ba ung torrid kissing, hugging and touching kung saan saang parte ng katawan kung hindi na pala ako virgin." Pataray kong tugon kay JJ.
"Hindi nga?" Tanong ulit niya.
"Batukan kaya kita dyan. Gusto mo ipaultrasound mo pa ako ngayon or kahit anong test para mapatunayan mo na virgin pa ako kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko." Tila naghahamon kong saad kay JJ. Inambaan ko pa siya ng kamay ko.
"Sa tatlong naging ex mo eh walang nakagalaw sayo?" Tanong ulit ni JJ.
"Wala nga. Ang kulit mo talaga. Smack nga lang sa pisngi at sa lips di ba saka holding hands lang ang payag akong gawin namin ng mga naging ex ko. Ni touch sa ibang body parts ko eh ayoko. Ni matulog nga together ay hindi ko pa nagawa sa kahit na sino sa tatlong naging ex ko. Saka hello. Nasa harap tayo ng simbahan. Alangan namang magsinungaling ako. Dito pa talaga of all places." Giit ko.
"Eh kaya pala sila nagcheat behind your back. Modern day Maria Clara ka nga, Alec." Natatawang saad ni JJ.
"Siguro. Pero di ba kung mahal talaga nila ako, they would be willing to do everything to prove na mahal nga nila ako and to wait until mahalin ko din sila." Pangangatwiran ko.
"Kaso nga ikaw na ang nagsabi na you are vocal to them at kahit sa amin na you are not the marrying type kaya alangan namang maghihintay lang sila sa wala." Tugon ni JJ.
"Malay nila kung mapapagbago nila ako. Sabi nga ni Neri, hindi ko pa lang daw nakikilala yung makakatapat ko. Yung makakapagpabago sa outlook at perception ko about sa love." Saad ko.
"So it means na open ka sa possibility na you would fall in love with someone eventually?" Tanong ni JJ.
Sa dami na ng tanong niya para akong nakasalang sa Q and A portion. Pero ok lang kasi panatag naman akong sumagot sa mga tanong niya dahil siya si John Jacob Dela Fuentes. Si JJ na kaibigan ko. Katropa ko. Alam kong pwede akong magpakatotoo sa kanya at ganoon din siya sa akin. Sa tagal na din naming magkaibigan, we can talk about anything. Hindi man kami magkapareho ng point of view sa mga bagay bagay pero we both respect each other's opinion.
"Siguro. Baka. Sana. Kasi di ba wala namang permanente dito sa mundo. So I guess, pwedeng magbago ang pananaw ko. May taong pwedeng makakapagbago sa akin. Pati sa pananaw mo. There's a lot of possibilities na hindi natin makokontrol." Saad ko.
"Kunsabagay may point ka din naman." Pagsangayon ni JJ. "Pero about sa gusto mong magkaanak, meron bang lalake na papayag ng ganoon na aanakan ka lang? Parang tara s*x tayo then good bye na pag nabuntis ka na." Tila naguguluhan na urirat ni JJ.
"Siguro. Baka. Sana." Ani ko pero napangiti ako ng mapagtanto ko kung sino ang pwedeng pumayag sa gusto kong mangyari. "Oo. Oo pala and I think nahanap ko na siya." Abot tenga ang ngiti kong tugon kay JJ.
"Sino naman yun?" Nakakunot ang noong tanong sa akin ni JJ.
"Ikaw, JJ. Di ba takot ka din sa commitment kaya pwedeng pwede na ikaw ang bumuntis sa akin." Nakangising ani ko kay JJ.