bc

MR. CEO's Secret Affair

book_age18+
631
FOLLOW
6.9K
READ
billionaire
love-triangle
CEO
drama
icy
betrayal
lies
secrets
lonely
affair
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT

*READ AT YOUR OWN RISK.

After she gained her popularity, renowned fashion designer Mrs. Maiah Ventura - Cordova went home with high hopes of taking over her company, Billizi. But, when the hottest CEO of SGC, Ryo Sancho Saldivar Vl, came back in her life, everything fell apart.

***

Maiah Ventura dreamed nothing but getting a degree for the sake of her mother who worked abroad. Not until she bagged the campus crush and high profiled billionaire heir, Ryo Sancho Saldivar Vl. Little did she know she was mingling with her downfall and public scandal.

When a big twist of her life crushed her meteoric rise, she realized that family name, fame, and money makes the whole world goes round. She vowed to lay her dreadful plan of revenge to the man he once loved.

Will she attain victory?

Or will she voluntarily surrender and engage in an act of sinful illicit affair?

Diclaimer: This story is written in Taglish.

chap-preview
Free preview
SIDE CHICK
“Mama, kumusta?” I waved my hand, it made her smile a bit and she mouthed ‘I love you’. Mula sa screen ng telepono ko, alam kong nasa masikip siyang banyo, nakaupo sa ibabaw ng toilet seat dahil kita ko ang exhaust fan sa itaas. Ito ang nakasanayan naming dalawa, magpapanggap siyang gagamit ng banyo para makatawag sa akin upang kumustahin ang nangyari sa buong araw ko. Kahit na, pagod ang buong araw ko dahil sa pinagsama kong klase, practice, at pagiging waitress ng isang coffee shop, pinilit kong ngumiti sa harap ng kamera pati na rin siya. Walang ibang dadamay sa amin. Wala kaming ibang masasandalan kundi ang isa’t isa. As usual, kinuwento ko sa kanya ang naging activities ko sa buong araw, except for my sideline job, alam kong magagalit si Mama dahil gusto niyang mag-focus lamang ako sa pag-aaral. Pero sa sitwasyon naming dalawa, hindi sapat ang kinikita niya sa abroad para pangbayad sa utang at pag-aaral ko rito. I swiped the screen. One minute more, lalabas na si Mama dahil pati pag-ihi ay binibilang ng amo niya. “I love you, too, Mama! Miss na miss ko na po kayo. Oo nga pala, Ma. Natanggap ko na po ang pera, salamat po.” Nakasuot siya ng headset kaya alam kong naririnig niya ako. Biglang nawala ang video at dumilim ang screen niya pero hindi pa na-end ang tawag. ‘Aida! Aida! Open the door! Did you eat two loaves of bread?’ Dinig ko ang pagbukas ng pinto sa kabilang linya. Boses ng amo ni Mama ang aking narinig na nanggagalaiti sa galit. ‘No, Madam. Ask Moi-moi, maybe she ate for snack.” Mama tried to explain her side but to no avail she didn’t listen. Lalo lamang itong nagalit at sumigaw. ‘Liar! I saw you eating, always eating in the camera. How many times I tell, no eating too much. Also I count eggs, only five left. You eat too much.” My blood boiled with rage. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang nanatili pa ring nakikinig sa kanilang pinagtatalunan. “But, Madam!’ ‘Deduction salary. You understand?’ ‘Yes, madam.’ Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha habang nakikinig kung paano niya maliitin ang sarili kong ina. Sino ba ang hindi magugutom kung buong araw subsob siya sa trabaho dahil tatlo ang alaga niya, may mga lolo at lola pa na kulang nalang huwag siyang pakainin. Sinubsob ko sa unan ang aking mukha. I’ll be successul. Makakauwi si Mama. Sisiguraduhin kong mararanasan niya ang magandang buhay. Kahit namumugto ang mga mata, kinuha ko ulit ang aking mga libro at nag-aral. “Pasensya ka na, anak.” “Mama, hindi na po tama ang ginagawa ng amo ninyo.” Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Magkahalong inis at awa ang nararamdaman ko para sa kanya na kahit pahirapan siya ng kanyang amo, kailangan niyang kayanin, at magpapakabingi nalang sa mga pangmamaliit nitom “Hindi,” she said. Kahit na bakas ang pagod at puyat sa kanyang mga mata, ayaw niya pa ring aminin na nahihirapan na siya. “Mabait naman itong mga amo ko. Kaya huwag ka ng mag-alala!” “Mabait? Kahit nga isang itlog binibilang. Umuwi nalang kayo, Ma. Meron naman po akong sideline, kaya ko na pong pag-aralin ang sarili ko.” hindi ko mapigilang aminin sa kanya ang trabaho ko. Noong una, nagalit siya pero pinaintindi ko sa kanya ang sitwasyon na kinasadlakan naming dalawa. Alam ko. Naiintindihan ko ang gusto niya na bilang magulang responsibilidad niya ako, pero wala kaming choice. Hindi ko natuloy ang pag-aaral kagabi kaya maaga akong pumasok. Sa library ako magpapalipas ng oras dahil balita ang pagiging terror ng isang baguhang professor ng Arts. “Are those rumors true, Maiah? You and Ryo broke up?” “Huh?” kunot-noo kung tugon kay Kath. Nawala ang konsentrasyon ko sa binabasa at tuluyan na nilang naagaw ang aking atensyon. Saan naman kaya nila galing ang impormasyong iyon? Kararating lang nila. Naghahabol pa silang tatlo ng hininga at basta nalang tinapon ang kanilang gamit sa upuan. Wala akong ideya at wala akong sagot sa mga tanong niya. Muli kong binalik sa binabasa kong libro ang aking tingin. “Is it really true?! Oh my gosh!” eksaheradang tili ng kaibigan ko dahilan upang sitahin kami ng librarian. “You are in the library not in the market, Seniors!” bulyaw nito. Kagat-labi na lamang akong yumuko at muling pinagbigyang-pansin ang makapal na ethics book sa aking harap. I shouldn’t go to class unprepared. Kailangan kong mag-advance study at halos gawin ng bahay ang library, hindi katulad nitong mga kaibigan kong may sariling tutor at mamahaling macbook para mag-research. “Those bitches were spreading it like a wildfire. Bianca and Ryo were caught making out during last nights party daw, eh!” maarteng sabi niya. Doon na uli ako nag-angat ng tingin sa kanila. Bigla akong kinabahan. “Ows? Totoo ba talaga? O may halong ka-ik-ikan lang ’yan ng mga bitter sa unibersidad na ’to. Paniwalang-paniwala naman kayo sa mga kadramahan ng mga ’yan!” “The sad thing is, it isn’t. Photos were everywhere. May blogspot pa nga, spilling their immoral act.” My heart lands a thud when they stared at me with pity. Isang bagay na ayaw na ayaw kong maranasan, ang kaawaan ng mga taong nakakataas sa akin. “Nagpaalam ba siya sa’yo?” umiling lang ako sa tanong nilang tatlo. Hindi naman niya sinabi. Atsaka, ni minsan ’di ako nakikialam sa mga lakad niya, kahit wala siyang update, okay lang. Hindi niya ako iniimbita sa mga party na pinupuntahan niya. Mag-dadalawang linggo na rin mula nung huli kaming nagkita. “Here, look!” nababakasan ko ang galit sa mukha niya. Umahon ang matinding kaba sa aking dibdib nang inumang ni Crizzy ang aparatu sa aking harapan. Napalingon ako sa paligid ng cafeteria. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa aming grupo, may ilang tumititig sa amin, partikular na sa akin at pagkatapos ay nagbubulungan. Muli akong humarap sa mga kaibigan ko, nagdadalawang-isip kung titignan ko ba o hindi ang larawang tinutukoy nila. “Huwag niyang ikaila dahil klarong-klaro ang kanyang mukha diyan. Your cousin was really a jerk, Kath! I can't stand him anymore, nakakasuka na siya. No, both of them! Bianca, the b***h. And Ryo, the notable playboy. Akala natin nagbago na ng maging sila nitong si Maiah, my gosh!” ani Crizzy. Sumandal sa upuan bago humalukipkip. Katherine was sitting opposite to mine. Nanatili rin itong tahimik, baka naawa rin siya sa akin dahil sa ginawa ‘kuno’ ng pinsan niya. Marahan kong kinuha ang cellphone sa mesa at pinanatili kong kalmado ang aking kilos. Na-lock na ang screen nito kaya muli kong binigay sa kanya. Hindi niya na ito kinuha at nilapat lang ang kanyang hinlalaki sa hugis bilog nito sa gitna sanhi upang muli itong bumukas. “Forget about that jerk, Maiah! He was cheating on you! Salot talaga ang kulot na ’yan.” I swallowed hard. Animo'y may bumikig sa aking lalamunan at pinipigilan akong huminga. Bumulaga sa akin ang larawan ng kanilang mainit na paghahalikan. It’s him! Nakakandong sa kanya ang babae habang nasa leeg niya ang mga balikat nito. Yapos niya ito habang dakma ang puwetan ng babaeng nakatalikod sa camera. Parang pinagpira-piraso ang aking puso sa aking nakikita. Nanlamig ang buo kong katawan. “Maiah, are you okay? Namumutla ka ’ata!” takang tanong nila. “Well, atin-atin lang ito, huh! Are you two using contraceptives during...ahm, you know ‘that’ thing?” “Ryo is a playboy kaya gamay na niya iyan, Jazz. Even if you'll ask his flings or his fuckbuddies before, the answer would still be ‘rubber’. Lahat ng mga Saldivar bawal magkaanak sa labas dahil kung ganoon mawawalan ng mana ang sinumang lalabag!” Katherine shrugged. Nawawalan na rin ng gana sa pinatutunguhan ng aming usapan. “He’s not dumb,” bulong niya pa. May awra ng sarkasmo sa kanyang mga mata habang dindepensahan ang kanyang pinsan. But Crizzy, as hotheaded as she is, butted in. “Yeah, you're right, Kath! And for the record, please stop defending that fuckboy. Kahit pinsan mo pa, huwag mong konsentihin.” “Toilet break muna ako.” peke akong ngumiti sa kanila. “G-gusto mo bang samahan ka namin?” may halong simpatya nilang sambit. Mabilis akong umiling. Umingit ang upuan sa marahas kong pagtayo. Hindi ko na inantay pa ang kanilang ibang sasabihin at baka hindi ko na mapigilan pang humagulhol sa kanilang harapan. Hindi lang sa kanila. Sa lahat. Para akong nawalan ng lakas dahil sa balitang dumating sa akin. Wala man lang kahit konting warning. Para makapaghanda ako kahit papaano. Sa dalawang linggong sembreak puro aral ang ginawa ko. Iyon ang una kong rason kung bakit okay lang sa akin na ’di kami magkita. Paminsan-minsan nagpapadala naman siya ng mensahe kaya hindi ko na siya pinagdudahan pa. Kahit minsan hindi ko naisip na magagawa niya ito. Nanlabo ang aking paningin habang binabaktas ang pasilyo papunta sa toilet area dahil sa pamumuo ng luha sa aking mga mata. Kuyom ko ang aking mga palad upang doon kumuha ng lakas. “Aww, hey. Be careful!” “S-sorry!” Nabangga ko ang ilang grupo ng mga estudyanteng kalalabas pa lang ng palikuran. Dali akong pumasok at ni-lock ang pinto. Gumagawa ito ng mahinang ingay tuwing bubundol sa hamba dahil sa panginginig ng aking kamay. Hindi ko kayang bitawan, doon ako humuhugot ng lakas upang huwag lang maglupasay sa sahig. Tinikom ko ang aking bibig at nilapat doon ang dalawa kong palad nang may marinig akong kaluskos at hagikhikan ng mga bagong dating. Pakiramdam ko, lumambot ang aking tuhod kaya tuluyan na akong napaupo sa toilet seat. Basa na ang aking mukha. Kahit anong gawin kong pagpipigil, patuloy parin itong dumadaloy na parang dam ang aking mga luha. “How sad! Siguro nagsawa na si Ryo kaya iniwan!” They talked about me. Wala akong magawa kundi makinig kung paano nila ako pagtawanan. At pagsalitaan ng mga bagay na hindi ko ginawa. It's just too sad, that they're laughing at someone else's misery. Instead of sharing me empathy, they're mocking me, like I was the foolish princess in those plays in an opera. “And...to add your emotional turmoil, sabi, one year ago na pala!” Napasinghap ako. Hindi ko na nakayanan pa ang paglabas ng hikbi. Kalat na kalat na pala. Wala kasi akong interes pagdating social media at isa pa, nagtitipid ako ng data para umabot hanggang linggo dahil iyon ang araw na tatawag si Mama. He betrayed me. Iyon ang tumatak sa aking isip. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon upang mabigyang linaw ang lahat. Kinapa ko ang aking telepono sa bulsa at ni-dial ang kanyang numero. Walang sumasagot kundi tinig lang ng operator ang aking naririnig sa makailang-ulit kong tawag sa kanya. Matapos kong kumalma, sinipat ko ang suot na mumurahing relong pambisig. Fifteen minutes nalang bago magsisimula ang una kong klase, kailangan kong magmadali. Kita ko sa repleksyon ng salamin ang pamumula ng aking ilong, pangangapal ng aking mga mata at sugat-sugat na labi. Ilang beses akong naghilamos at sandamakmak na tissue ang ginamit kong pamunas. Buti nalang at nasa bulsa ng aking pencil cut skirt ang liptint. Ilang araw ko ng napapansin ang pamumutla ko kaya napabili ako sa watson's noong nagdaang Biyernes. “Kaya ko 'to!” bulong ko habang pilit na ngumingiti sa salamin. ***** “Hi, Cinderella!” Pumalatak ang iba. Ang iilan naman ay napasipol ng kumatok ako sa boys changing area na nasa gilid ng basketball gym. Kalimitan, nandito si Ryo tuwing hapon dahil may laro sila palagi. “Ahm, L-Loki!” mahina kong tawag sa kaibigang matalik ni Ryo. Tinaas lang nito ang kanyang kilay at walang ganang lumapit sa akin. “What do you want?” walang gana siyang tumayo at humakbang papalapit. Loki has an intimidating look. Hindi naman ganito ang trato niya sa akin noon. May malalim na galit siya sa akin pero ngayon kailangan kong kapalan ang aking pagmumukha upang makita ang boyfriend ko. “Nandito ba si Ryo? G-gusto ko siyang makausap!” Napalingon ako nang malakas na tumawa ang Team Captain nila, si Blade Cordova. “He’s not in here! Bawal ka rito 'di ba? Labas! Tsk.” “P-pumasok ba siya kanina?” Pinigilan ko gamit ang aking kanang kamay ang tangka niyang pagsara ng pinto. Mas lalong kumunot ang kanyang noo dahil sa tanong ko. “No! And I don't where he is. Kaya umalis ka na! Tigas ng ulo!” bulyaw niya. Napatda ako nang pabalibag niyang sinarado ang pinto, mukhang nagalit ko yata dahil sa walang katapusan kong tanong. Humigpit ang hawak ko sa sling ng aking bag. Ilang minuto pa akong nanatili. Baka lalabas siya kapag nalaman niyang nandito ako’t nag-aantay sa kanya. Isa-isang dumaan sa tapat ko ang mga ka-teammate niya ngunit kahit anino niya hindi ko nakitang lumabas. Uuwi nalang siguro ako. Baka wala nga siya rito. Bigla akong huminto nang umikot ang aking paningin, gumewang ang aking paligid kaya napahawak ako sa barandilya malapit sa exit. Pinunasan ko ang mga namuong pawis sa aking koo gamit ang panyong hawak. Sumobra yata ako sa pagpupuyat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook