~Zaina Jhin~
“Ina, apo wag naman matigas ang ulo mo, sinabi ko nang wag kang aakyat sa puno hindi ba?” galit na sermon sa akin ni inang pagkababa ko sa puno ng manga.
“Pasensya na po inang, naiinggit lang po ako kila kuya at ate,” sagot ko na ang tinutukoy ay mga pinsan ko.
“Pasensya na po inang, hindi na po kami aakyat sa puno,” wika naman ni ate Rachel at pinababa na ang mga kapatid niya.
Pinagmasdan kami ni inang saka tinawag palapit sa kanya na sinunod naman naming mag pipinsan.
“Mga apo naiintindihan niyo naman siguro kung bakit hindi pwede umakyat ng puno o kahit ang magpagod si Ina hindi ba?” mabait na wika ni inang na tinanguan naming lahat.
“Iniiwasan lang natin na atakihin siya ng hika, maaari naman kayong maglaro ng simpleng laro,” dagdag pa niya.
“Opo inang, pasensya na po pinayagan ko si Ina naawa po kase ako naiinggit siya, pero hindi na po mauulit,” sagot ni ate Rachel.
“Oh sige na, ayos na yun,pumunta na kayo sa bahay at magmeryenda na muna, mamaya na ang laro,” nakangiting wika ni inang at nagtakbuhan na ang mga pinsan ko.
“Ina apo mag usap tayo,” sambit ni inang na kinalungkot ko.Nahihiya ako dahil sa katigasan ng ulo ko.
“Pasensya na po inang, hindi nap o mauulit gusto ko lang po talaga maranasan umakyat sa puno,” naiiyak kong wika na agad naman sinuklian ni inang ng isang ngiti.
“Hindi naman ako galit wag kang umiyak,” wika niya kaya pinunasan ko na ang luha kong pumatak.
“Pinoprotektahan lang kita apo, muntik kana mamatay noong baby ka pangalawang buhay mo na ito kaya dobleng ingat ang gusto kong gawin natin lalo kana,” sambit ni inang kayat napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
“Opo inang,pangako po hindi na ako pasaway,” wika ko.
Bumitaw sa akin si inang saka ako nakangiting inakay pabalik sa bahay namin.Inabutan namin doon ang mga pinsan at mga tito tita kong nag memeryenda na.Inabutan na ako ni ate Rachel ng isang platong pansit na may puto sa gilid.Nakisalo na ako sa mga pinsan ko at nakipagtawanan habang nagkokwentuhan ng masasayang alaala.
Bukas ay disperas na ng pasko kayat lahat kami ay nagsasaya sapagkat ang pasko ang pinakahihintay naming dumating.Bukod sa kaarawan ito n gating mahal na Panginoon, ito din kase ang araw kung saan nagkakasama sama ang buong pamilya.Lalo akong naexcite sa isiping makakasama ko na ang pamilya ko sapagkat nagpasabi na ang tatay ko na uuwe daw sila.
Kinabukasan ay maaga pa lamang ay gumising na ako sapagkat excited na akong dahil ngayon ang araw na darating ang pamilya ko.Makakasama ko na ulit sila kahit ngayong pasko lang.Inayos ko agad ang higaan namin dahil ang tatang at inang ko ay mas maaga gumising sa akin dahil maghahanda pa sila ng mga lulutuin.Nakaugalian na kase na tuwing pagsapit ng alas dose ng gabi ay dumadating ang mga anak ng inang ko upang magkasama sama ang lahat.
Paglabas ko ay inabutan ko ang inang at tatang na naghahanda na sa labas.Ang tatang ko ay nag babantay ng kalan naming de kahoy dahil may nakasalang dito,sinilip ko ito at tila may pinapakuluan na karne.Habang ang inang ko naman ay naroon sa may papag naming kahoy at naghihiwa ng mga gulay at sangkap.Tumabi ako sa inang ko at nagtanong ng maaari kong itulong subalit sa halip na sagutin ako ay tumayo ito ay pinagtimpla ako ng gatas.
Nang bumalik ito ay pinainom na muna ako ng gatas ay binigyan ng tinapay na nilagyan ng peanut butter na palaman.Lumapit sa amin si tatang at kumain na din, ito nga pala ang paboritong palaman ni tatang ang peanut butter.
“Inang patulungin nyo na po ako,” hiling ko sa inang ko.
“Oo nga naman mahal, patulungin mo na, para matuto din magluto habang bata pa,” singit naman ni tatang na kinangiti ko, kinindatan pa ako nito na lalo kong kinatuwa.
“May magagawa paba ko eh nagkampihan na kayong magtatang,” natatawang wika ni inang.
Dahil sa ayaw akong pahawakin ni inang ng kutsilyo ay naging katuwang na lamang niya ako sa pagluluto at paggagayak.Naging taga abot o taga kuha ako ng mga kailangan niya.Naghiway din ako ng ilang gulay at tinuro niya ang bawat ginagawa niya habang nagluluto.Natutuwa naman ako dahil matutuunan ko na ang magluto.
Nang sumikat na ang araw ay kinuha ko na ang walis tingting at nagsimula ng walisin ang mga dahon ng langka na nasa aming bakuran.Pagkatapos ay inutusan kami ni inang na maggata ng niyog kaya naman sumunod na ako kay tatang ng kunin nito ang mga niyog na sinungkit namin kahapon sa puno nito na nasa likod bahay.Pinalayo ako konti ni tatang habang binabalatan ang niyog at ng biyakin na niya ito ay lumapit na ako para iabot ang lalagyan ng sabaw.Inipon namin ang lahat ng sabaw at pagkatapos ay bumalik na sa papag kung saan naroon lahat nng iluluto.
Naupos ako sa munti kong upuan kahoy saka sinimulang inumin ang sabaw ng niyog na kay tamis.Napangiti ako at lumapit kay tatang upang ipatikim ito.
“Matamis ba apo?” tanong niya bago inumin.
“Opo tatang, masarap po,” natutuwa kong sagot.
Matapos uminom ni tatang ay nagsimula na siyang maggata at tinuruan din niya ako subalit hindi ko talaga magawa.Nang matapos kami mag gata ay inilagay ni tatang ang kalahati ng gata sa isang lutuan saka isilang sa may kalan.Gagawain daw iyong latik para sa special biko ni inang.Pinasubok din ni tatang sa akin ang pag hahalo ng gata at nakakatuwa habang naluluto ito sobrang bango talaga, nakakatakam tuloy.
Nang sumapit ang tanghali ay malapit ng matapos sila inang sa pagluluto.Bago kumain ay hiniling kong maghintay muna kami saglit sapagkat baka dumating na sila nanay bagay na pinagbigyan naman nila.Hanggang sa natapos na nila inang ang pagluluto ng mga kakanin at ulam, naiwan na lamang ay ang ilang iluluto mamayang hapon.Mabilis na daw iluto ang mga natira kayat mamayang hapon na lamang daw sabi ni inang.Muli akong sumilip sa labas ng bakuran namin at sinipat kung may paparating mula sa daan na ugnay mula sa ilog subalit bigo ako.Walang ni isa mang anino akong nakita doon.
“Apo kumain na tayo, baka hapon pa ang dating nila mahirap magbyahe ngayon traffic dahil madami ang pauwe,” wika ni inang na tinanguan ko na lamang.
Doon na kami kumain sa labas sa may lamesa namin doon.Sinasadya kong bagalan ang pagkain dahil baka biglang dumating sila nanay subalit muli ay bigo ako.
“Ina apo maligo kana at wag kana mag pawis para mamaya pagdating ng mga tatay at nanay mo ay mabango ka,” wika ni inang habang si tatang naman ay inaya na ako at sinamahan sa paliguan ko.Inilagay na ni tatang ang tubig at sabon doon habang ako naman ay ginayak ko na ang mga damit ko.Bago ang mga damit ko dahil binili ni inang iyon, mayroon din ang mga kapatid ko na binalot pa namin nung isang araw.
Matapos maligo ay naupo na lamang ako sa papag habang nag aantay ng paglipas ng oras. Binuksan ko ang bag ko at doon ay nakita ko ang mga cards na bigay sa akin sa school.Nakakataba ng puso ang simpleng regalo nila sa akin kaya itatabi ko ang mga ito.Napukaw ng atensyon ko ang dalawang mensahe na natanggap ko noon, iyong walang pangalan ng nagbigay.Iniisip ko parin kunng sino iyon.Nang maramdaman kong tuyo na ang buhok ko ay kumuha na ako ng ipit ko at naalala ko ang bigay sa akin ni bhess na ipit.Kinuha ko iyon at napangiti ng maalalang bigay daw iyon ni JM.Hindi ko alam kung bakit ako ang naisip na pagbigyan niya,pero ano man ang dahilan niya ay natutuwa ako sapagkat ang ganda ng mga ipit na ito.
Inayos ko ang buhok ko at inilagay sa bandang gilid sa buhok ko ang ipit na bigay ni JM.
“Ang ganda talaga,” bulong ko.
Mabilis na lumipas ang oras, dumidilim na subalit wala parin ang mga nanay ko.Nag aalala na ako dahil ang tagal naman nila dumating.Narito kami ngayon sa labas at nag hihintay narin sina inang at tatang.Tapos na magluto at nakahanda na ang lahat ng pagkain sa loob ng bahay.Malamok na sa labas subalit hindi koi yon ininda dahil gusto ko ay salubungin agad sila pag dating.Hawak ko ang flashlight na maliit at panay ang tanlaw sa labas.
“Apo pumasok na tayo, gabi na tatahol naman si pandak pag dumating na ang mga nanay mo,” wika ni inang.
Ayaw ko pa sana subalit naawa naman ako sa kanila pagod din sila at baka gusto na nilang magpahinga na muna.Labag man sa loob ko ay pumasok na kami sa loob ng bahay at doon na lamang naghintay.Bawat oras ay binbantayan ko at nakaidlip na nga ako dahil sa pag hihintay.Ginising na lamang ako ni inang upang kumain daw muna kahit konti.Nang tingnan ko ang orasan ay malapit na mag 11 ng gabi.
Habang kumakain ay nalulungkot na ako dahil wala parin sila nanay.Nang biglang tumahol si pandak at ng may nakita akong mga ilaw sa labas.Agad akong tumakbo sa pinto at binuksan agad ito.Sobrang ngiti ko ng mabuksan ko ngunit nakaramdam ako ng kaunting dismaya ng iba ang mabungaran ko.
“Merry Christmas!” masayang sambit ng mga pinsan ko.
Nginitian ko sila saka hinayaang makapasok sa loob.Ang mga tito at pinsan ko pala ang dumating akala ko ay pamilya ko na.Bago pumasok ay sinilip ko pa ang labas sa pag aakalang naroroon din ang pamilya ko ngunit bigo ako.
Naging masaya sa bahay dahil sa pagdating nila tito tatay.Nais ko maging masaya subalit hindi ko maiwasan na malungkot dahil wala parin ang mga hinihintay ko.
“Nay saan na kayo, malapit na magpasko,” bulong ko sa isip ko.
Tinuon ko na lamang ang atensyon sa TV kahit hindi ko naman naiintindihan ang palabas dahil okopado nila nana yang isip ko.
“Malapit na mag 12!” nagulat ako ng biglang sambitin ni kuya Cris.
Nang tingnan ko ang orasan ay malapit na nga mag 12, ilang minuto na lamang.Hindi na ako mapakali at panay dasal na sana ay dumating na sila.Napatayo ako ng tumahol si pandak at may kumatok sa pinto.Mabilis akong tumakbo at binuksan ang pinto ng may malawak na ngiti sapagkat alam kong sila nanay na iyon.Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay nakita ko si tatay na may dalang bag at nakangiti sa akin.Lumawak ang ngiti ko at napayakap sa kanya.Matapos kong yumakap ay sumilip ako sa likod niya upang hanapin sila nanay at mga kapatid ko.
“Tay sila nanay?Yung mga kapatid ko?” tanong ko sa tatay ko dahilan upang mawala ang ngiti niya.
Mula sa madilim na lugar ay may lumabas na isang babae.Pinakatitigan ko ito subalit hindi ko siya kilala, pero isa lang ang alam ko hindi siya ang nanay ko.