~Rossy~
“Bhess ang dami mo namang ginawang Christmas card,” puna ko kay Ina dahil sa dami nitong ginawang Christmas card.
“Para kila nanay ito at sa mga kapatid ko, uuwe kase sila.Bibigyan ko din ang mga tito at tita ko syempre pati sila inang at tatang,” nakangiti niyang sambit.
Napangiti na rin ako, natutuwa ako at masaya na muli ang kaibigan ko.Alam kong may dinadala parin siya at hinihintay ko lamang na magsabi siya kayat pinagpapasalamat ko na kahit pinipilit niyang kayanin ay nakakangiti parin siya.Totoo ngang matatag siya.
“Ako ba meron dyan?” tanong ko na kinangiti niya.
“Syempre ikaw ba naman ay mawawalan,” sagot niya saka inabot ang card sa akin.
“Sige sa bahay ko na bubuksan ito,” wika ko na tinanguan naman niya.
Nang sabihin ni mam na ibigay na namin ang mga card na ginawa namin sa mga gusto naming pagbigyan ay nagsitayo na ang lahat.Gaya ng inaasahan ay madaming natanggap si Ina halos lahat ay sa mga kaklase naming lalaki.Nang tiningnan ko siya ay siya pa talaga ang nahihiya dahil sa mga natanggap niya.
“My loves, special yung gawa ko ah, special ka kase sa puso ko,” nagtawanan kaming lahat dahil sa sinaing iyon ni Archie.
Nag abot pa ito ng isang malaking hinog na suha na lalo namin kinatawa.Ibang klase talaga ang tama ng lalaking ito kay Ina.Nahihiya naman itong tinanggap ni Bhessy saka nagpasalamat.Nang asar pa si mam kaya lalong lumakas ang tawanan.Subalit sa isang gilid ay may isang batang lalaki ang hindi nakikisaya sa amin.Salubong ang kilay nito at nakasimangot habang nakatingin kina Ina at Archie.
“May gusto ba si insan kay bhessy ko?” bulong ko sa sarili ko saka muling ibinalik ang tingin kay JM na ngayon ay nakaupo na sa upuan niya.
Nang magring ang bell namin hudyatna para sa recess ay nag sitakbuhan na ang mga kaklasae namin sa labas.Naiwan naman kami ni Ina dito sa upuan namin upang kumain.Nang kakain na sana kami ay may sinabi ni Jaycee na may naghahanap daw kay Ina sa labas.Lumabas kaming dalawa at doon ay isang lalaki ang nag aantay sa amin.
“Zaina para sayo, galing sakin saka sa mga kaklase ko, yung iba galing din sa ibang grade,” nahihiyang sambit nito.
Gulat man ay mabait itong tinanggap ni Ina saka nagpasalamat.Napangiti na lamang ako at sinimulang asarin ang kaibigan ko na namumula na sa hiya.
“Taray, iba talaga ang isang Zaina Jhin,” pang aasar ko sa kanya.
“Ikaw may kasalanan nito, may pa box ka pa kaseng nalalaman,” balik nito sa akin na tinawanan ko lang naman.
Pagbalik namin sa desk namin ay pareho kaming nagulat dahil sa isang card na nakapatong sa desk ni Ina.Kinuha niya ito at binasa at syempre nakibasa na rin ako.
“Merry Christmas, I like you,”
“Kanino galing yan, walang pangalan?” sambit ko habang si Ina ay nagpaling linga sa classroom namin.
“Wala naman ito kanina dito, sino sa kanila ang naglagay nito?” tanong niya na nagpaisip din sa akin.
Wala naman ng mga lalaki dito sa room namin, dahil nasa labas na at naglalaro.
“Baka yan din yung nagbigay sayo nung walang pangalan noon nakaraan,” wika ko
“Kung ganon sino sya?” balik tanong niya na hindi ko masagot.
Sino ba ang posibleng matakot umamin kung sino siya? Halos lahat naman ay gustong ipaalam na may gusto sila kay Ina.Hindi na kaya ng utak ko ang isipin kung sino iyon kayat sa huli ay wala din kaming nakuhang sagot sa tanong namin.
Hanggang sa lumipas ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay naming Christmas party.Maaga pa lamang ay nasa school na ako at kanina pa ako paikot ikot dahil wala pa si Ina.
“Hoy Rossy sasali naman si Zaina sa party natin diba?” tanong ni Jaycee na kanina pa din nag aantay.
“Oo naman, pinagkwentuhan pa nga namin na binili daw siya ng inang nya ng damit,” sagot ko naman.
“Bakit wala pa sya mag uumpisa na ang parade natin,” wika muli ni Jaycee.
Iyon din ang inaalala ko dahil malapit na kaming pumarada.Nakasanayan na dito na paparada ang mga estudyante tuwing Christmas party.
“Class pumila na kayo.”
Nataranta na ako nang sabihin iyon ni mam at nagsimula ng pumila ang mga kaklase ko.
“Bakit mag isa ka?”
“Ay bhessy,” sa gulat ay nasambit ko.
“JM wag ka nga nang gugulat,” inis kong sambit saka naman ako nito binatukan.
“May sanib ka na naman, san bhessy mo?”
“Wow ang ganda ni my loves!”
Napatingin kami kay Archie na bigla na lamang sumigaw.Nang tingnan namin ito ay nakatingin ito sa gate ng school at doon ay nakita namin ang kanina pa namin hinihintay, si Zaina Jhin kasama ang kanyang inang.Napangiti ako nang makita ito, tama nga ang sabi ni Archie ang ganda niya.Maganda naman siya lagi pero iba ang ganda niya ngayon.Nakasuot siya ng isang simpleng bistida na kulay asul at may tirante sa magkabilang balikat.Nakalugay din ang mahaba at itim na itim niyang buhok habang nakasuot ng isang puting headband na akala mo ay pang sa isang diwata.
Nakangiti siyang lumapit sa amin at nakita ko pa ang hiya mula sa kanyang muka dahil marahil sa halos lahat ay nakatingin sa kanya at mayroon pang tumatawag sa kanya.Si Archie nga ay lalapit pa sana pinigilan lamang ni Jaycee dahil andyan ang inang ni Ina.Nang lingunin ko si JM ay nakatitig parin ito kay bhessy ko at napangiti ako ng makita ko ang simpleng ngiti nito mula sa kanyang mga labi na tila nais pang itago.
“Ang ganda ng bhessy ko no, diba hinahanap mo siya?” nang aasar kong bulong kay JM dahilan para mawala ang ngiti niya.
“Baliw!” sambit nito saka bumalik sa pila niya.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko pa ang pasimple nitong sulyap kay Ina saka muling ngumiti.
“Nandyan na pala si Zaina Jhin, tamang tama magsisimula na tayo,” sambit ni Mam Sheena.
“Good morning po mam,” nakangiting wika ni Ina ng makalapit ito sa amin.
Bumati din ang inang niya saka iniwan na muna si Ina at nagpunta doon sa mga magulang na nag hihintay din ng aming parada.
“Bhess ang ganda mo,” wika ko ng magkasama na kami ni Ina.
Nahihiya naman siyang ngumiti saka sinenyasahan akong wag maingay.Tumawa na lamang ako saka nanahimik.Hindi naman nagtagal ay nagsimula na kaming pumarada.Gaya ng kadalasang nangyayari ay may mga taong nasa labas ng kani kanilang mga bahay at nakaabang sa mga estudyanteng pumaparada.Noon ay nanunuod lanng din ako pero ngayon na nag aaral na din ako dito ay nakakatuwa pala ang pumarada.Kumakaway pa kami na akala mo ay mga artista.Kumakanta din kami ng mga Christmas songs na inaral namin para handugan ng kanta ang mga taong nanunuod ng parada.Ang bawat tao na nadadaanan namin ay naroon ang ngiti sa kanilang mga labi.Bawat isa sa amin ay nagsasaya habang kumakanta at hindi alintana ang papainit ng sikat ng araw.Nang marating na namin ang hangganan ng parada ay nagpasya ng pabalikin kami.
Pagdating sa school ay nagkainan na muna kami ng mga pagkaing baon namin.Ibat ibang magulang ang naroon sa room namin dahil pinayagan ng mga guro na makisaya ang mga magulang.Dahil may sakit si nanay ay wala akong kasama pero dahil kasama ko ang bhess ko ay hindi ko nagawang malungkot.
“Rossy apo halika kumain na kayo,” sambit ng inang ni bhess.
“Bhess halika na, masarap ito luto ni inang,” wika naman ni Ina.
Nahihiya akong lumapit at ngumiti sa inang ni bhess.Napatingin ako sa pag aasikaso niya kay Ina, mahal na mahal talaga si Ina ng inang niya.
Masaya naming pinagsaluhan ang pagkaing niluto ng inang ni bhess at totoo ngang masarap ito.May baon din silang orange juice na siyang inumin namin.Hindi na ako nagbaon ng pagkain dahil ang sabi ni Ina ay hati na lamang daw kami.Napangiti ako nang maalala iyon, sapagkat sa totoo lang ay wala akong babaunin dahil hindi makakapagluto si nanay dahil sa kalagayan nito.Si tatay naman ay maaga pumapasok sa trabaho kayat malamang ay bumili na lamang ako ng lutong ulam.
Mabait talaga si Zaina Jhin dahil palagi niya akong naalala,kung ano ang mayron siya ay palaging mayron din ako.Minsan nga ay nahihiya na ako pero palagi niyang sinasabi na hindi ako iba sa kanya at tama lamang na magshare siya ng kung anong meron siya.
Nang matapos na ang kainan ay nagsimula na ang party.Nagkaroon ng ibat ibang palaro at lahat ay nag saya.Ang ilang mga kaklase namin ay nagsipagsayaw at ang iba naman ay kumanta.Kami ni bhess nanuod lang, hindi naman kase kami mahilig sumayaw o kahit ang kumanta.Nakisali na lamang kami sa ilang games at nag enjoy din naman kami.
Ang huli ay ang pagpapalitan ng regalo, at nakakainis dahil ang nabunot ko ay hindi ko gusto buti na lamang ay may kaklase akong nakipagpalit sa akin.Si Ina naman napakaswerte dahil ang regalo ni Jaycee ang nabunot niya.May ilang regalo din siyang natanggap mula sa mga humahanga sa kanya at talaga namang napakadami non.
“Bhess,” rinig kong tawag sa akin ni Ina.
Nang humarap ako sa kanya ay sinuot niya sa akin ang isang bracelet na pula.Napatingin ako sa kanya dahil sa pagtataka.Ngumiti siya sa akin at pinakita ang kamay niya na may sout ding bracelet na pula kagaya sa akin.Ang pinagkaiba lamang niyon ay puso ang nasa kanya samantalang sa akin ay star naman.
“Gift ko sayo yan, merry Christmas bhess,” wika niya na nagpaiyak sa akin.
“Huy, bakit ka umiiyak?” nag aalala niyang tanong.
Natawa ako dahil sa reaksyon niya.Totoong kaibigan talaga siya at nagpapasalamat talaga ako dahil may isang Zaina Jhin na dumating sa buhay ko.Niyakap ko siya ng mahigpit at nagpasalamat.
Matapos sa room ay lahat kami ay nagtungo sa labas dahil may pa games pa ang aming principal.Ginugol namin ang maghapon sa pag sasaya at talaga namang naging masaya ang lahat.Nang sumapit ang hapon ay natapos na din ang party at heto kami ngayon pauwe na.Hinihintay na lang namin si Ina dahil naroon pa siya sa loob ng room namin kausap si Mam Sheena.Kanina ay binigyan kami ng simpleng regalo ni Mam kayat lahat ay natuwa ng sobra.Umuwe na nga pala ang lola ni Ina kanina nung sunduin ito ng anak niya na tito ni Ina.
“Aray,” wika ko ng muntik nako malaglag sa pagkakaupo ko sa gilid ng halamanan sa room namin.Nang tingnan ko ang nagtulak sakin ay nakita ko ang pasaway na pinsan ko.
“Oh bakit?” inis kong tanong dito.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay inabutan ako ng isang hair clip.
“Ano yan?” takang tanong ko.
“Ang laki laki ng mata mo di mo ba nakikita,ipit yan!” inis na wika nito.
“Alam ko ipit yan, bakit inaabot mo sa akin?”
“Sayo na lang,” sagot nito na kinagulat ko ng bongga.
Mabait ang pinsan kong ito kahit may pagkasiraulo pero hindi naman ako binibigyan ng regalo nito.Bakit ngayon ay naisip niya kong bigyan.
“Salamat,” sambit ko na lamang.
Hindi ito kumibo at hindi rin umalis at sa tingin ko ay may gusto pang sabihin.Maya maya ay may inabot pa itong dalawang pares ng hair clip na kagaya nung sa akin pero mas maganda ito at kulay dilaw, may bulaklak na maliit pa itong design.
“Bigay mo nalang sa bhessy mo, nakuha ko kase yan sa exchange gift kanina.Ano naman gagawin ko dyan lalaki ako,” suno sunod na wika nito saka tumalikod na upang umalis ngunit bumalik din agad ito saka nagwika.
“Bigay mo yan ah meron kana,”
Napatango na lamang ako dahil sa sinabi niya.Napaisip ako, paanong ito ang nakuha niya sa exchange gift kanina eh narinig ko mula sa mama niya na towel ang nakuha niya.Galit na galit pa nga ito dahil ang mura lang naman daw ng towel.Muli akong napatingin sa hair clip na para kay Ina at hindi ko napigilan ang aking ngiti.