~Zaina Jhin~
“Ina anak, binabati kita ang ganda ng karangalang inuwi mo.Proud na proud itong tito tatay mo!” masayang sambit ni tita tatay.
Araw ng sabado at narito kami kasama ang pamilya ni tito tatay at mga pinsan at tita ko para sa isang selebrasyon para sa pagkakapanalo ko.Nais nilang ipagdiwaang ang tagumpay na nakamit ko.Lahat ay natuwa at nagsasaya kayat labis ang galak dito sa aking puso.Mas lalo rin akong nakilala ng mga tao dito sa aming barangay dahil sa pagkakapanalo ko.Lalo tuloy akong nagkaroon ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang pag aaral ng mabuti.
“Salamat po tito tatay, para po ito sa inyong lahat,” masaya kong sambit.
Ngumiti ang tito tatay ko saka ako niyakap ng mahigpit at ganon din ako sa kanya.Hindi kaila sa lahat na iba ang pinapakita sa akin ng aking ama kumpara sa iba kong mga kapatid at kung ano man iyon ay hindi ko batid.Subalit hindi ko maiwasan na malungkot dahil doon kayat pinagpapasalamat ko na nariyan ang tito tatay ko na handang punan ang pagmamahal na hinahanap ko mula sa aking ama.
“Oh magkaiyakan pa kayonng magtatay diyan, halina at kumain na muna tayo, msarap ang mga niluto ni inang,” nakangiting sambit ni tita nanay ang asawa ni tito tatay.
Napangiti kaming pareho at kapwa nagpunas ng luha mula sa aming mga mata.Tumayo na kami at masayang nagtungo sa ilalim ng puno ng langka, ang punong palaging saksi sa masasaya naming pagsasalo.Nagkakagulo na ang lahat at masayang nagtatawanan habang kumukuha ng pagkain.Napangiti ako habanng pinagmamasdan sila, ang sarap sa pakiramdam na may ganitong pamilya.Napatingin ako sa itaas at umusal ng isang dalangin.
“Panginoon salamat po, sana ay narito ang pamilya ko ngunit hiling ko na lamang po na sana ay nasa mabuti silang kalagayan,” sambit ko sa isip ko.
Nalulungkot man ay pinili ko na lamang ipasa Diyos ang pangungulila ko sa pamilya ko at nakisaya sa pamilya kong narito kasama ko.Bandang hapon ng mag ayang maglaro ang mga pinsan ko.Inilabas ko ang mga laruan kong banga at naglaro kami ng lutu-lutuan.Kasalukuyan kaming naghihiwa ng kung ano anong d**o ng maisipan kong pumunta sa bahay upang uminom ng tubig.Bago ka makarating sa bahay ay madadaanan ko an gaming kahoy na pahingahan na naroon din sa ilalim ng puno ng langka kayat hindi ko sinasadyang marinig ang pag uusap nila inang at tito tatay.
“Si Ronie?Totoo ba iyan Gary?” wika ni inang na hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib ng marinig ko ang pangalan ng aking ama.
“Oho inang, yan ang binalita ni kuyang.Naroon na din si kuyang sa Maynila,” sagot naman ni tito tatay.
Napaisip ako, ang alam kong tinatawag nilang kuyang ay ang panganay nilang kapatid na nakatira sa Bulacan.Subalit ang pinagtataka ko ay bakit nadawait ang pangalan ng aking ama.
“Siraulo talaga yang anak mo,hindi man lang naawa sa pamilya niya at naisipan pang mambabae!” naiinis na sambit ni tatang.
Sa narinig ko ay hindi ko nagawang ihakbang ang aking mga paa.Marahil ay bata pa ako subalit alam at naiintindihan ko ang mga narinig ko.Ang aking ama ay may ibang babae maliban sa nanay ko.Naalala ko noon na kaya nagalit ang mga kapatid ng nanay ko sa kanya ay dahil sa haka haka na may iba siyang babae.Iyon ang naging dahilan kung bakit nag away away sila ay nauwe kami dito sa probinsya.Walang nakuhang ebidensya kayat subalit dahil nagalit na ang mga kapatid ni nanay ay nagpasya silang umuwe na lang muna kami dito.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na ito.Ang dami kong naiisip, si nanay ang mga kapatid ko, kamusta sila doon.Napahawak ako sa aking dibdib ng tila kumirot ito.Nang mapansin kong tila tatayo si tatang ay pinilit kong ihakbang ang mga paa ko upang hindi nila ako makita.Binilisan ko ang hakbang ko at umalis sa lugar na iyon.Nagtungo ako sa likod bahay namin at doon ay kinalma ang sarili.Kailangan kong magpakatatag, marahil ay mali ang balitang iyon.Wala pa akong naririnig na balita galing sa nanay ko kayat magtitiwala akong nasa maayos ang kalagayan nila.Isa pa ay naniniwala akong hindi sila pababayaan ng Panginoon.
Dahil sa nalaman ay hindi na napalagay ang loob ko, pinipilit kong isiping nasa maayos ang lahat subalit hindi ko maiwasan ang hindi mag alala.Sinikap kong ilihim kila tatang at inang ang nalaman ko at nagpanggap na normal lamang.Hinihintay ko ding sabihin nila ito sa akin ngunit hindi nangyare, inisip ko na lamang na marahil ay ayaw nilang mag alala pa ako.Maaari ding nais pa nilang makasigurado kung tama ang balitang nakakarating sa kanila.
“Anak heto lahat ng mga reviewer na ginamit namin nakaraang taon, medyo madami ito kayat pagtyagaan mo na lamang na aralin isa isa,” wika ni Mam Sheena isang araw habang recess namin.
“Malayo pa naman ang contest kaso mahirap kase itong science contest na ito, halos lahat ng school dito sa probinsya natin ay kasali.Kaya asahan mo nan g madami tayong kalaban,” sunod sunod na paliwanag niya.
Ang totoo ay madami pang binibilin si Mam sa akin.Last time pa niya nabanggit ang tungkol sa science contest na dadayuhan ulit namin.Subalit hindi ko lahat naitindihan sapagkat nahahati parin ang isip ko hanggang ngayon.Ilang araw na ang nakalipas ngunit ginugulo parin ng balitang iyon ang isip ko.
“Wag ka mapressure, magbasa basa ka nalang muna matagal pa naman.By January na tayo magsisimulang magreview.”wika pa nito na siyang tinanguan ko na lamang.
“Sige ikaw na bahala ha, itabi mo na muna at tayong maghahanda para sa nalalapit nating Christmas party,” nakangiti pa niyang sabi.
“Opo mam,” sagot ko.
Magpapasko na nga pala, nangako sa akin si nanay na uuwe sila kapag pasko kaya may pagkakataon akong makasama sila.Magiging malinaw na rin ang tungkol sa pagloloko ni tatay.Binuhat ko na ang mga reviewer na bigay sa akin ni ma at nagsimulang bumalik sa upuan ko.Bigla akong naexcite sa isiping makikita ko ang mga kapatid ko.Sa pagmamadali ko ay dumulas ang mga papel na hawak ko at nagkalat ito sa sahig.Agad akong yumuko at isa isa itong pinulot.Nagulat naman si mam dahil sa nakitang nagkalat na mga papel.
“Zaina iha ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong ni mam.
“Opo,” sagot ko naman agad.
“Sigurado kaba?Kanina kapa tahimik at parang wala sa sarili, may problema kaba?” muli nitong tanong.
“Wala po mam, ayos lang po ako, dumulas lang po,” sagot ko.
Magsasalita pa sana si mam subalit may tumawag sa kanyang guro mula sa labas bagay na pinagpasalamat ko.Sinimulan ko na muling pulutin ang mga papel at nagulat pa ako ng may isang batang lalaki na tumulong sa akin.Nang tingnan koi to ay isang tao ang hindi ko inaasahan, si JM.Tumingin ito saglit sa akin subalit hindi ito kumibo at pinagpatuloy ang pagdampot ng mga papel.Hindi ko na rin nagawang kumibo sapagkat naiilang akong kausapin siya.
“Ayos ka lang ba?” Nagulat ako nang bigla niyang sabihin iyon.Ito ang unang beses na kinausap niya ako ng hindi ako inaaway at kinakamusta pa.
Hindi ko nagawang kumibo dahil sa gulat at sa halip ay napatingin ako sa kanya.Sakto namang natapos na kami sa pagpupulot ng mga papel at sabay pa kaming tumayo.Iniabot niya sa akin ang mga hawak niyang papel at matapos koi tong kunin ay aalis na sana ako.
“Ina,” tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.Nakatingin lamang siya sa mga mata ko kayat lalo akong nailang.Ang mga mata niyang pabago bago ng emosyon.Ang dating galit, inis, pang asar at ngayon bakit tila naroon ang pag aalala.
“May problema kaba?” tanong niyang muli na agad ko namang inilingan.
“Ayos lang ako salamat,” wika ko saka na tumalikod.
Hindi ko gustong ipaalam sa iba ang dinadala ko ngayon lalo pa at hindi pa ako sigurado sa kung ano ba ang totoo.
Nang makaupo ako sa upuan ko ay inayos ko lahat ng gamit ko at nanatili na lamang doon.Nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko pa si JM doon sa may harapan at nakatitig sa gawi ko.Naroon ang tinging nagtatanong ngunit binaliwala ko na lamang, hindi ko rin naman sigurado kung sa akin nga ba siya nakatingin.Hindi rin nagtagal ay natapos na ang recess at nagpasukan na ang mga kaklase ko.
“Hi bhess buti nakaabot ako,” hinihingal na sambit ni Rossy.
“Bakit kase umuwe kapa?” tanong ko ngunit ang mga mata ko ay nakatingin sa papalapit na si JM.
Sa tingin ko ay babalik na ito sa upuan niya at dahil nasa tabi na ako ni Rossy ay sa unahan ko na siya nakaupo at dalawang upuan lamang ang pagitan.
“Nakalimutan ko kase na painumin ng gamot si nanay kanina.Teka may pagkain kapa ba dyan pahingi naman,”
Nakita kong napasulyap siya sa akin kaya bigla akong nagyuko.
“Huy bhess!” Nabigla ako sa pagtawag sa akin ni Rossy na may kasama pang pagtampal.
“Ano yun bhess?” tanong ko na kinakunot noo niya.
“Lutang ka bhess, penge kako pagkain,” wika niya na agad ko namang inabot ang tinapay na tinira ko sa kanya kanina.
“Ano ba kaseng meron sa tinitingnan mo?” nagtatakang tanong nito saka nilinga ang mga mata.
“Aba, kaya pala.Anong meron?” usisa niya sa akin habang ngumunguya ng tinapay.
“Sinasabi mo dyan?” pagkakaila ko, nahihiya akong sabihin na napapaisip ako sa kakaibang nararamdaman ko dahil sa ibang presensya ni JM kanina.
“Yung isa kanina ko pa nakikita na pasulyap sulyap sayo, habang ikaw naman ay lutang dyan, sabihin mo nga mayron ba akong hindi nasaksihan habang wala ako?”
“Lahat nalang nakikita mo, kumain kapa dyan,” tanging naisagot ko.
“Sa laki ng mata ko na ito bhess, talagang makikita ko lalot madalas ang sulyapan niyo dyan,” nangingiting asar niya.
“Ewan ko sayo, kumain kana baka mahuli kapa ni mam tapos na recess,” pananakot ko sa kanya kaya nabaling na ang atensyon niya sa pagkain.
Nanahimik na lamang ako at hindi na inalis ang tingin ko sa desk ko at nagsulat ng kung ano ano sa papel ko.Nag umpisa na rin ang sunod naming klase kayat naging abala na rin kaming lahat.Nang sumapit ang hapon ay hindi na nakapagklase si Mam Sheena dahil nagpatawag ng meeting ang principal ngunit may iniwang isusulat na lesson.
“Ano yan?”taking tanong ko ng ilapag ni Rossy sa desk ko ang isang box.
Parang box ito ng gatas na binalutan lamang ng art paper.Nagulat ako ng makita ko ang nakasaulat doon.
“Love letter para kay Zaina Jhin?” gulat kong basa sa nakasulat.
“Ano to bhess?” Naupo si Rossy sa tabi niya at kinuha nag box na dala niya saka ngumiti sa akin.
“Eh kase bhess napapagod nako sa mayat maya may tumatawag sa akin tas may ipapamigay sayong letter.Kaya sabi ko sa kanila ipunin nalang nila bawat classroom tas ilagay dito,” ngiting ngiti niyang sambit.
“Bhess nakakahiya, may paganyan kapa talaga!” nahihiya kong sambit.
“Ayos lang yan bhess, maganda ka naman,” wika niya na inilingan ko na lamang.
Grabe, nakakaloka tong kaibigan ko, akala ko tahimik lang malakas din pala tama nito.Simpleng mag aaral lang naman ako, may pa love letter box pa.Nang tingnan ko siyang muli ay excited na binuksan at isa isang binasa ang mga letter doon.
“Hi Zaina Jhin, ako pala si Richard, grade 2 na ako, ang cute mo talaga,” rinig kong basa niya.
“Heto pa bhess, Zaina Jhin, sana mapansin mo ako minsan ang talino at ang ganda mo,Josh nga pala,”
Napapailing na lamang ako sa mga binabasa ni Rossy, paulit ulit lang naman ang nakalagay doon, lahat sila ay nag papakita ng paghanga sa akin.Napatingin ako ng hindi ko na narinig na magbasa si Rossy, nakita ko na nakakunot noo siya habang hawak ang isang maliit na papel at tila pinunit lamang bigla sa notebook.Kinuha ko ito at ako na ang nagbasa.
“Sa tingin ko nagugustuhan na kita,”
Nagkatinginan kaming dalawa at parehong nag tatanong kung kanino galing iyon.Bukod sa naiiba ang mensaheng iyon ay wala pa itong pangalan na nakalagay bagay na ngayon lamang nangyare.