~Zaina Jhin~
Patuloy na lumipas ang mga araw at salamat sa Panginoon sapagkat tuluyan na akong nakabalik sa dati kong sarili.Patuloy ang buhay kahit malayo ang mga mahal kong pamilya.Naging maayos din ang takbo ng pag aaral ko at sa katunayan ay sunod sunod ang mga contest na sinasalihan ko.
“Zaina Jhin nak, heto ang ilan sa mga halimbawa ng mga dapat mong aralin.Pakibasa na muna at mag tuturo lang ako sa kabilang klase ko.Pagkatapos ko ay magrereview na tayo,” mabait na paliwang ni Mam Sheena sa akin.
“Sige po mam,” magalang kong sagot.
Umalis na si mam at naiwan na ako sa kanyang table mula sa likuran.Tiningnan ko ang mga binigay niya sa akin at nagsimula ng magbasa.Ang tinutukoy ni mam na aaralin ko ay para sa nalalapit na contest na aming sasalihan.Feature writing in filipino, at ako ang muling napili para kumatawan sa grade 1 kategory.
Bago ko tinutukan ang pagbabasa ay napatingin ako sa aking harapan kung saan naroon ang mga kaklase ko na abala sa pagsusulat ng aralin na tinuro ni mam kanina.Napangiti ako dahil sipag na sipag ang mga kaklase ko sa pagsusulat.Nabaling ang tingin ko sa bandang kanan at hindi sinasadyang nagsalubong ang tingin namin ni JM.Hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin o nagkataon lamang.Agad siyang nag iwas ng tingin subalit nakakapagtakang wala akong nakitang kahit isang pag simangot o pag irap mula sa kanya bagay na madalas niyang gawin noon.
Naalala ko, madalang na nga pala siya sumimangot ngayon, hindi na rin niya ako madalas awayin.Minsan naroon parin ang pang aasar subalit hindi na siya kababakasan ng inis mula sa kanyang mukha.Kadalasan pa ay nakangiti na siya.Napapaisip din ako sa tunay na dahilan ng unti unti niyang pagbabago subalit pinagpapasalamat ko ito sapagkat baka may pagkakataon pa para magkasundo kaming dalawa.Lihim akong napangiti sa pag asang magiging magkaibigan din kami ng supladong probinsyanong ito.
“Ang sarap naman ng ngiti mo my loves.” Nagulat ako nang hindi ko namalayan ay nasa harap ko na pala si Archie at nakita pa nito ang pagngiti ko.
“Archie ikaw pala,” tanging nasambit ko, nguniti ito saka humila ng upuan at tumabi sa akin.
Ngiting ngiti itong tumitig sa akin saka pa niya sinalo ng mga kamay niya ang kanyang mukha na siyang dahilan kaya natawa ako.
“Archie ano ba yang ginagawa mo?Ako lang to,” pabiro kong sambit.
“Oo Zaina Jhin, ikaw lang iyan ang diyosa ng buhay ko,” wika niya na parang timang sapagkat may papikit pikit pa.
Natatawa na lamang ako sa pangungulit niya.Makulit si Archie at halos araw araw ay may mga baon siyang pangbobola sa akin subalit hinahayaan ko na lamang siya dahil madalas ay nakaka aliw din ang pagiging makulit niya.
“Sige na Archie, kailangan ko pang mag review mamaya darating na si mam,” nakangiti konng sambit sa kanya.
“Sige maiwan na muna kita dyan, pagbutihan mo para manalo ka ulit,heto pala para hindi ka mahirapan sa buhok mo,” pahayag niya saka inilabas ang telang pang ipit ng buhok.Agad siyang nagpunta sa likod ko at itinali ang buhok kong nakalugay kanina.
Nang matapos ay nginitian ko siya saka nagpasalamat.Masaya naman siyang umalis at tinanaw ko na lamang siya.Hanggang sa nahagip ng aking paningin ang dalawang mga mata na nakatitig sa sakin.Hindi ko alam kung bakit bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko ng makita ko ang malungkot na mga matang iyon.
Saglit pang nagtagal ang mga mata namin sa pagkakatitig sa isat isa bago siya nag iwas ng tingin at muling pinagpatuloy ang pagsusulat.May problema kaya siya, sana ay pwede ko siyang kausapin para malaman ko.Sana ay mag kaibigan kami ni JM para madamayan ko siya sa kung ano mang problema niya.
Hanggang sa matapos ang buong maghapon ay puro paghahanda lamang sa contest ang siyang ginawa ko.Hindi ko na ulit nakita o nakasalubong anng tingin ni JM.Tahimik at naroon lamang siya sa kanyang upuan, panay ang sulat na hindi ko malaman kung ano ang sinusulat niya at hindi matapos tapos.Nagpasya akong hayaan na siya at ituon na lamang ang pansin sa pag rereview ko.
Nang sumapit ang uwian ay nag ayos na ako ng gamit upang makauwe na.Ilan na lamang kaming naiwan sa classroom dahil kanina pa uwian at kinausap pa ako ni mam kayat nahuli ako.Sila Rossy at Jaycee ay nag aantay na sa labas kayat nagmamadali na ako.Habang abala ako sa pag aayos ay bigla ko na lamang naramdaman na may humila ng ipit ko mula sa aking buhok dahilan upang bumagsak ang buhok ko.Agad akong tumingin sa likod ko sabalit wala naman akong kaklase na malapit sa akin kayat hindi ko malaman kung sino sa kanila ang gumawa niyon.Pinagmasdan ko sila isa isa at lahat ay abala sa kanilang ginagawa kayat mahihirapan talaga akong malaman.
“Bhess tara na,” tawag sa akin ni Rossy.
Hindi ko na inalam pa kung sino ang kumuha ng ipit ko dahil tinawag na ako ni Rossy.Kinuha ko na nag bag ko at lumapit sa kanya saka kami sabay na lumabas ng classroom.Umuwe na kami agad dahil tila uulan at baka abutan pa kami ng ulan.
Pagdating sa bahay ay agad na bumagsak ang malakas na ulan, buti na lamang ay nakauwe na ako.Inabutan ko si Inang na naroon sa kanyang tindahan at tila nag iisip.Si tatang naman ay lumabas sa kwarto at nagpupunas ng buhok na mukang kagagaling lang sa pagligo.
“Apo magpahinga kana muna bago ka maglinis ng sarili ha.May tubig kana doon sa paliguan mo,” mabait na sambit ni tatang.
“Sige po tang, salamat po,” tugon ko saka ako nagtungo sa kwarto namin upang ayusin ang gamit ko.
Nang makapagpahinga ako ay naglinis na ako ng sarili at nagtungo sa tindahan ni inang.Naroon sila ni tatang at nagkakape.
“Apo ano ba gusto mong ulam? Gusto mo pa magkatay tayo ng manok saka itinola?” tanong ni inang sa akin nang makaupo ako sa tabi nila.
“Wag na po inang, lalabas pa kayo para pumunta sa kulungan mababasa lang po kayo,” sagot ko.
“Wala pa tayo ulam apo,hindi kami nakabili dahil umulan,” sambit naman ni tatang matapos humigop ng kape.
Tumayo ako at tumuntong sa upuan saka ko inabot ang isang delata mula sa tindahan.
“Ito na lang po, corned beef nalang,”sambit ko na kinatawa nila inang at tatang.
“Tinanggihan ang manok, baka pala gusto,” natatawang sambit ni inang.
“Batang corned beef!” pang aasar naman ni tatang dahilan para matawa kaming tatlo.
Hindi naman ako mapili sa pagkain sadyang hilig ko lang talaaga ang corned beef noon pa man.Matapos magkape ay kumilos na si inang upang magluto at dahil di rin naman niya ako hahayaang tumulong ay nanunod na lamang kami ni tatang ng TV.
“Nako wala na pala karga ang baterya ng TV mahal,” sambit ni tatang ng buksan niya ang TV namin.
Ang TV kase namin ditto ay maliit lamang at black and white pa, hindi kagaya ng TV namin sa Maynila.Dahil nga wala kaming kuryente ay sinasaksak ito sa baterya upang magkaroon ng power.Ang baterya ng mga sasakyan ang siyang ginagamit upang magamit ito.
“Hindi naba magagamit ngayong gabi?” tanong ng aking inang.
“Magagamit pa naman kaya lang baka hindi mo matapos iyong marimar,” sagot naman ni tatang.
“Mamaya na tayo manuod apo, hindi natin mapapanuod kung paano apihin si marimar mamaya,” sambit naman ng inang ko na siyang tinanguan ko.
Dahil sa inang ko ay nahilig na rin ako sa mga telenovela gaya ng marimar na siyang paborito ko.Habang nagluluto si inang at hindi kami makapanuod ay nakinig na muna kami ni tatang ng radio at dahil maaga pa ay wala pa ang inaabangan naming drama na gabi ng lagim.Minsan ay ayaw ko makinig na parang gusto ko, kase naman maganda kaso nakakatakot talaga lalo na yung umpisa at alulong ng aso.
Hindi naman nagtagal ay nakaluto na si inang at pinagsaluhan namin ang pagkaing hinanda niya.Matapos ay nanuod na kami ng TV habang nakahiga hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog nadin pala ako.
Hanggang sa dumating ang araw ng contest para sa feature writing.Gaya noong ibang contest na sinalihan ko ay pinaghalong kaba at excitement ang naramdaman ko.Ngunit mas nanaig sa akin ang kagustuhang mag uwe muli ng karangalan para sa aming paaralan.
Naging maganda ang takbo ng contest at hindi ako ganon nahirapan dahil nakapaghanda akong mabuti sa tulong ng masipag kong guro na si Mam Sheena.Bago magtanghalian ay nalaman na rin agad namin ang resulta ng contest at gayon na lamang ang tuwa ko dahil sa muling pagkakataon ay muli akong nanalo at sa pagkakataong ito ako ang nag 1st place.
Ang tema na binigay sa amin ay iisa lamang, ito ay ang sinabi ni Dr.Jose Rizal na “Kabataan ang pag asa ng bayan.”Ito rin ang naging pamagat ng lathalain na aming sinulat.Ang pinakamaganda, malalim at makahulugang gawa ang siyang naging batayan kung sino ang mananalo.Tatlo ang nanalo at nakakatuwa na ako ang nakakuha ng 1st place.
Tuwang tuwa ang mga kasamahan ko maging ang guro ko dahil sa panibagong tagumpay na ito.Nang tawagin ang pangalan ko ay umakyat na ako sa stages at dahil ako ang nanalo ay binasa ko sa lahat ang aking akda.
“Ang sabi ng ating magiting na bayaning si Dr.Jose Rizal, kabataan ang siyang pag asa nitong ating bayan.Sapagkat sa mga bagong heneresyon ay maaaring ipanganak ang siyang magliligtas at magtatanggol sa atin laban sa mga mapansamantalang mga dayuhan.Isa rin marahil sa mga kabataan ang siyang tatayong mabuting pinuno ng ating bansa na siyang mangangalaga sa ating mga Pilipino.Maaari ring nasa mga kabataang iyan magmumula ang magagaling na doctor, guro, inhenyero , pulis na siyang magbibigay karangalan at tutulong upang ang ating mahal na bansang Pilipinas ay umunlad.
Tunay nga namang nasa kabataan ang ating pag asa, subalit ating pakatandaan na ang kabataan ay hindi basta basta iluluwal sa mundo at sa isang iglap ay hubog na agad.Ang bawat tao ay may kanya kanyang sariling pag iisip, disiplina at magandang moral.Nararapat lamang na ang bawat isa sa atin matutong tumayo sa sarili nating mga paa at magsumikap.Bilang mga nakakatanda tungkulin din natin na gabayan ang mga kabataang ito upang sa gayon ay makita nila ang tunay na liwanag at huwag malihis ng landas.Hindi lahat ng kabataan ay mulat ang isipan ang iba ay kinakailangan ng labis na paggabay at pag unawa.
Para naman sa mga kabataan, sana ay isa isip at isa puso ang sinabi ng ating pambansang bayani.Kailangan natin ng tulong mula sa nakakatanda sa atin subalit kailangan din natin tulungan ang ating mga sarili.Bilang isang tao, dapat alam natin ang tama at mali, at sikaping pag isipang mabuti ang bawat desisyong ating gagawin.Tulungan din natin ang sarili upang pagyamanin ito at huwag umasa sa mga magulang.Palagi nating isama ang panginoon sa bawat hamon ng ating buhay.Tayo ang gagawa ng ating tadhana, hindi dahil pinanganak kanng mahirap ay mamatay kanang mahirap.Hindi dahil mahirap tayo ngayon ay mananatili tayong mahirap.Tandaan na sa bawat umaga ay mayroong pag asa.
Napangiti ako ng marinig ko ang masigabong palakpakan ng lahat ng mag aaral dito sa aming paaralan ng matapos kong basahin sa harap nilang lahat ang aking akda na siyang nagpanalo sa amin. Hapon na at nakauwe na kami galing sa dinayuhang laban.Heto akot natutuwa habang pinagmamasdan ang masasayang muka ng mga kapwa ko estudyante habang sinisigaw nila ang pangalan ko.
“Zaina Jhin Cruz, napaka husay mo!” muli akong napangiti sa narinig ko, kay sarap pakinggan.