KABANATA X

2010 Words
~Zaina Jhin~ “Apo halika tingnan mo ito.” Napatingin ako kay inang nang tawagin niya ako. Kasalukuyan kaming namimili dito sa aming pamilihang bayan. “Ang ganda diba?” nakangiting wika ni inang nang makalapit ako sa kanya. Hawak niya ang isang notebook na may napakagandang cover, isa iyong muka ng sikat na manikang si Barbie. Napangiti ako dahil iyon pala ang kanina pa hinahanap ng inang ko. Kinuha ko iyon at binuklat ko ang bawat pahina upang malaman kung maganda ang pahinang susulatan. Napatango ako habang hinahaplos ito, makinis at tila kay sarap sulatan. “Maganda nga po inang, kaso po ang mahal.” Napangiwi ako nang makita ko halaga nung notebook na iyon. Para sa isang notebook ang halaga nito ay maaari nang ipangbili ng dalawang ordinaryong notebook. Nakita kong ngumiti ang inang ko saka kinuha muli ang notebook na binalik ko sa lalagyan nito at ginawa pa itong dalawa. “Miss kunin ko na ito,”sambit niya sa tinder. “Inang pwede naman po tayong bumili nalang noong ordinaryonng notebook mas mura pa po,” wika ko nang akmang magbabayad na siya. Ngumiti lang ito sa akin at pinagpatuloy ang pagbabayad don sa ale. Nang matapos itong iaabot sa kanya ay hinawakan na niya ako sa kamay at naglakad na kami paalis. “Ina apo, paminsan minsan ayos lang naman gumastos ng medyo mahal basta mayroong sobra. Isa pa reward ko iyon sayo dahil sa pagiging mabuting bata mo at sa pag aaral mo ng mabuti,” nakangiti niyang sambit habang nag aabang kami ng sasakyang jeep pauwe. Napangiti at niyakap ko ang inang ko. Nagpapasalamat ako at may inang at tatang ako na palaging nariyan para sa amin lalo na sa akin. Isang buwan na ang nakalipas simula ng umalis ang pamilya ko pabalik sa Maynila. Sa loob ng isang buwan ay naging mahina ako at hindi ko naiwasan maging malungkot. Palagi ko silang inaalala at sa bawat araw na lilipas ay namimiss ko sila. Naging malulungkutin ako at palaging umiiyak. Halos lahat ng taong nakapaligid sa akin ay naapektuhan dahil sa pagiging malungkot ko. Pati sa school ay nadala ko ang kalungkutan ko at hindi ko na napansin na pati mga kaibigan ko ay nahihirapan na rin. Maging ang tatang at inang ko ay nalulungkot sa tuwing malungkot ako. Isa sa pinagpapasalamat ko ay hindi nila ako iniwan bagkus ay sinamahan pa sa bawat sakit na dinadala ko. Sa tulong ng mga kaibigan kong sina Rossy at Jaycee, isama na ang ilang mga naging malapit sa akin sa school ay unti unti kong nakalimutan ang lungkot ko. Habang ang inang at tatang ko naman ay pinunan ang bawat lungkot at pangungulila ko sa pamilya ko. Siguro ay sinadya akong hayaan ng Panginoon na maging malungkot upang makita ko ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa akin. Nang sa gayon ay maging matatag ako at maging matapang sa pagharap sa mga susunod na hamon ng buhay. Nang makauwe kami sa bahay ay agad kong inayos ang gamit ko at inilagay ang mga bago kong notebook sa bag ko. Aaminin kong masaya ako dahil sa nagustuhan ko ang notebook na binili ni inang sakin. Nang mapatingin ako sa may pinto ay nakita ko sina inang at tatang na magkatabi at nakatingin sa akin habang nakangiti. Sinuklian ko sila ng matamis na ngiti saka ako tumayo upang yakapin sila. Panginoon ko salamat po sa inang at tatang ko. Kinabukasan araw ng linggo ay maaga ko gumising dahil sasama ako sa tatang ko sa pagtawid sa kabilang ibayo upang doon ibenta ang ilang gulay na order sa kanya. May mga gulay na tanim si tatang sa maliit na lote sa likod ng bahay nila. Ang mga naani niya ay binibenta niya sa bawat bahay sa kabilang ibayo. Isa ito sa naging libangan ko noong nalulungkot ako dahil sa pag alis ng pamilya ko. Natutuwa ako sa tuwing nakakapagbenta kami lalo na kapag nakakaubos kami ng paninda. “Apo ingat, hintayin mo ko,” sambit ni tatang na malawak ang ngiti. Nauna ako at naiwan ko na siya sapagkat tumakbo ako agad palapit sa may ilog. Para makatawid kami sa kabilang ibayo o kabilang pangpang ay kailangan sumakay ng bangka. Pero bukod sa pagsakay ng bangka ay may isa pang paraan na siyang paborito ko ang paglusong sa batis. May isang parte ng ilog na sobrang babaw at maaari mong tawirin sa pamamagitan ng paglalakad habang nakalusong ka sa tubig. Kadalasan ay hanggang tunod lamang ang tubig at ang pinakamalalim na ay hanggang hita. Hindi naman ganon kadelikado sapagkat hindi naman ito sobrang maagos at hindi kami nagbabatis kapag mataas ang tubig o kaya ay sobrang agos nito. “Tatang, bilisan mo po,” masaya kong sambit dahil na eexcite na akong lumusong sa tubig. Napalinaw nito at kita na ang mga batong maliliit. “Saglit apo, hinihingal ang tatang mo,” sambit nito saka saglit na huminto. Nag alala naman ako kaya akmang lalapitan ko na ito ng awatin niya ako. “Ayos lang ako apo, hintayin mo na lamang ako diyan, pababa kase yung dinaanan natin kaya medyo hiningal ako, wag kana mag aalala,” nakangiti niyang sambit. Tiningnan ko siyang mabuti at ng makita ko siyang maayos ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Pinagmasdan ko ang tatang ko, matanda na ito at sunog na ang mga balat. Malayong malayo noong itoy bata pa sapagkat mistisa ang tatang ko noong kabataan niya. Sinasabi nga na madami daw ang lalaking nagkakagusto sa kanya noon subalit si inang lamang ang nakakuha ng puso niya. Si tatang ay isang babae, o mas mabuting sabihing isang lesbian. Nang mabyuda si inang ay si tatang na ang naging katuwang niya sa buhay. Si tatang narin ang tumulong sa kanya upang buhayin ang kanyang mga anak. Si tatang na isang babae, ang naging lalaki sa kanilang pamilya, naging ama ng kanyang mga anak at kasama na ang aking tatay doon. Ang tatang ko na dinaig pa ang isang lalaki sa pagiging responsable. Hindi man isang tunay na lalaki ang tatang ko para sa akin isa siyang lalaki sapagkat naging mabuti siya at tinanggap at minahal niya sila tatay na parang tunay niyang anak kahit pa hindi niya ito kadugo. Minahal niya kami ng higit pa sa kadugo niya at tinuring kaming mga tunay niyang apo. Kung papipiliin ako, tanging si tatang lamang at wala ng iba. Mahal kita tatang, mahal na mahal ko kayo ni inang. “Ano apo handa kana ba?” nakangiting tanong sa akin ni tatang na siyang tinanguan ko at nginitian ng sobrang tamis. Inayos na ni tatang ang kanyang basket at ipinatong sa kanyang ulo, habang ako naman ay nilagyan ng tali sa bewang ko saka itinali sa kanyang bewang.Hinawakan niya ako ng mahigpit saka kami lumusong sa napakalamig na tubig. Napasigaw pa ako ng dumampi sa aking balat ang lamig ng tubig batis. Natatawa na lamang si tatang sa akin habang nagsisimula na kaming maglakad patawid. May ibang mga tao kaming nakasabay sa pagtawid sa batis at ang ilan naman ay nadaanan naming nanghuhuli pa ng tulya. Ang tulya ay isang uri ng small clams na matatagpuan sa mga dagat o ilog. May dalawa itong shell na magkasalikop at kadalasang makukuha sa buhangin o putik ng ilog. Bukod sa tulya ay tinatawag din itong halaan,tuway ,kibaw at madami pang iba. Saglit lamang ay nakatawid na kami sa kabilang pangpang. Basa kami at ako ay hanggang hita ko dahil sa liit ko samantalang si tatang ay hanggang tuhod lamang nag tubig. Hindi na kami nag aksaya ng oras at nagpunta na sa mga suki namin. Doon ay masaya kong binentahan ang aming mga suki ng aming mga sariwang gulay. Sa ilang minutong paglalako ay naubos na din agad ang aming paninda. “Ano gusto mong bilhin apo?” tanong sa akin ni tatang ng makabili na kami ng ulam para mamayang tanghali at hanggang sa hapunan. Hindi na ako nag isip pa dahil isa lang naman ang gusto ko. “Ice crumble ni aling pasing!” sabay pa naming wika ni tatang saka kami sabay na tumawa. Kumapit ako sa braso ni tatang saka kami masayang naglakad patungo sa tindahan ni aling pasing. Ito ang madalas na bonding namin ni tatang at totoo namang nag eenjoy ako. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at napakaswerte ko dahil mayroon akong isang tatang. Nang makauwe kami sa bahay ay agad na nagluto si inang ng aming pananghalian habang kami ni tatang ay naligo na. Sakto namang may nagpatubig ng mga panananim kayat hindi na namin kinailangan na pumunta sa malayong poso upang sumalok ng tubig. Ang pagpapatubig ng mga tanim dito sa amin ay ginagamitan ng malalaking hose na kulay itim. Doon pinapadaloy ang tubig na galing sa poso na kinabitan ng isang makina na hihigop ng tubig. Ang tubig na dumadaloy sa malaking hose ay nakakarating malapit sa amin kayat sa tuwing may nagpapatubig ay isasahod na namin ang aming mga lalagyan ng tubig. Malinis ang tubig na iyon kayat maaari ding inumin. Nauna na akong tumakbo sa may patubig upang magsimula ng maligo.Inabutan ko doon ang may ari ng gulay na siyang nagpapatubig. “Oh Ina ikaw pala, sasahod kaba?” nakangiting tanong ni Mang Selo ang matandang may ari ng tanim. “Opo, makikiligo na rin po ako sa patubig ninyo,” masaya kong wika. “Abay oo naman, sige halika sumahod kana ng tubig, ingat ka lamang at madulas,” nakangiti nitong tugon. Masaya akong sumalok ng tubig at mabilis na nagbuhos.Napapatalon pa ako dahil sa lamig ng tubig subalit masarap sa pakiramdam.Naupo pa ako sa isang kahoy na naroon saka tumapat sa may bunganga ng hose.Panay naman ang tawa ni Mang Selo at aliw na aliw sa akin.Maya maya pa ay dumating na si tatang at gaya ni Mang Selo ay natatawa din ito.Hindi ko na sila pinansin sapagkat ang sarap maligo.Hindi ko narin alintana ang pitikan kong mga paa gawa ng pagkakabasa ng lupang tinutuntungan ko. Nang magsawa sa paliligo ay umahon na rin ako kasabay ni tatang.May dalang isang timba ng tubig si tatang samantalang ako ay isang tabo lamang ang nadala ko at pang hugas pa ng paa.Hindi ko kase nadala ang timba ko dahil nilagyan na pala ni inang ng tubig. Nang makapagbihis na kami ay sabay sabay na kaming kumain ng tanghalian sa ilalim ng puno ng langka.Masaya naming pinagsaluhan ang sinigang sa bayabas na bangus.Masarap magluto ang inang ko kayat palagi akong madaming nakakain.Samantala matapos naming kumain ay nagtangka akong maghugas ng pinggan subalit gaya dati ay hindi ako hinayaan ni inang.Ayaw na ayaw niya ang gagawa ako sa bahay sapagkat mas nais pa niya ang mag aral o maglaro ako.Wala naman akong magawa dahil hindi talaga pumapayag si inang kayat madalas ay sumusunod na lamang ako kay tatang at doon sa kanya mangungulit. “Tang pwede na po bang pitasin ito?” tanong ko ng makita ko ang isang bunga ng pipino na tanim ni tatang. Tumigil ito sa pagdadama ng mga talong niyang tanim saka tumayo at lumapit sa akin. “Maliit pa iyan apo masyado pang mura, heto kapag ganito na kalaki pwede na,” pagpapaliwang ni tatang saka hinayaan akong pitasin iyon. Agad ko naman iting pinunasan mula sa damit ko saka ko kinagat at sinimulang kainin.Ang sarap talaga kapag sariwa ang mga gulay at prutas na kinakain.Nangingiting bumalik si tatang sa kanyang pagdadamo habang ako naman ay siyang siya sa pagkain ng pipino.Nang maubos ko ito ay nagbunot na ako ng maliliit na d**o upang tulungan si tatang. “Mahal , Ina, halina at magmeryenda muna tayo,” tawag ni inang nang bandang hapon na.Kasalukuyan kaming nagpapahinga ni tatang sa ilalim ng puno ng manga. “Inang ano po niluto ninyo?” pasigaw kong tanong. “Nagbiko ako, madaming latik,” sambit nito na dahilan kayat napatayo ako agad. “Tang, masarap yun tara na po,” sambit ko na siyang tinawanan  ni tatang. “Sige tara na,” sagot nito at tumakbo na ako papunta sa inang kong malawak ang ngiti.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD