~Rossy~
“Bhess tara na kain na tayo, masarap tong mga baon mo oh,” wika ko sa bestfriend kong si Zaina Jhin.
Recess na namin at gaya kahapon ay mukang wala na naman syang balak kumain. Pangatlong araw na ito simula nung pinaso siya ni Ernie at hanggang ngayon ay malungkot parin siya. Tuwing klase ay nakatuon lang sa lesson namin ang atensyon nya at pagkatapos ay tatahimik na ulit at tila tamad na tamad makipag usap sa amin. Kung hindi magbabasa ay dudukdok lamang sa desk. Nag aalala na kami lalo na ako subalit wala naman akong magawa kundi ang samahan siya.
Ako nga pala si Rose Marie, Rossy ang tawag nila sa akin pero dati mangkukulam na malaki mata. Bago ko nakilala si Zaina Jhin ay lagi akong nabubully at madalas iiyak nalang sa isang sulok. Pero simula noong pinagtanggol niya ako, malaki na ang nabago sa buhay ko. Unti unti ay nabawasan ang nangbubully sa akin lalo pat palagi kaming magkasama. Nagkaroon narin ako kahit paano ng konting lakas ng loob. Napakabuti ni Zaina Jhin, halos lahat ng mayroon siya kahit pa maliit lamang na bagay ay hahatiin nya pa sa akin, hindi siya madamot. Kaya nga madami ang nagugustuhan siya dahil sa taglay niyang kabutihan ng loob, idagdag pa na matalino at maganda siya. Ang maging kaibigan ni Zaina Jhin ay isang karangalan para sa akin sapagkat kahit mga bata pa lamang kami pinapakita niyang madami kang magagawa para sa ikakabuti ng sarili mo.
Muli kong pinagmasdan ang kaibigan ko, tahimik lang siya na nakatingin sa baon niya. Muli siyang naiyak bagay na pinag alala ko.
“Bhess,” tawag ko sa kanya.
“Ang dami kong baon, si Faye kaya may pagkain ngayon?” lumuluha niyang sambit.
Hindi ko nagawang kumibo, totoo nga ang sabi nila ang isip ni Zaina Jhin ay isip ng matanda. Kahit sa murang edad niya ay mas inuuna niyang alalahanin ang pamilya niya.
“Oo naman bhess, ibibili iyon ng tatay mo diba nga sabi mo malakas kita ng tatay mo doon sa Maynila,” wika ko na siyang sinang ayunan naman niya.
“Sige na kumain kana, mamaya magkaklase na tayo,”
Mabuti naman at kumain na rin siya, pero patuloy parin ang pagluha niya. Matanda man siya mag isip, syempre mga bata parin naman kami at parang naiintindihan ko siya kase wala ang pamilya niya.
Noong isang araw ay nakwento niya sa akin na bumalik na sa Maynila ang pamilya niya at kaya siya nalulungkot ay dahil namimiss niya ang mga ito. Hindi siya sumama dahil inuna niya ang pag aaral niya. Ang hirap siguro ng pinagdadaanan niya ngayon, ako nga hindi sanay na mawalay kila nanay ng isang gabi lang tapos siya pang matagalan na ata. Ewan ko naguguluhan ako, hindi naman ako matalino kaya nahihirapan ako mag isip.
Nang matapos ang recess namin ay nagklase na ulit kami, hindi ko maintindihan ang sinasabi ni mam at hindi ko rin matanong si Bhess kase ang sungit nya ngayon. Isa sa ugali ni bhess ay ang may pagkamasungit, napakabait niya sobra pero may taglay ding kasungitan. Naiintindihan ko naman siya kaya mananahimik nalang muna ako.
“Hi Zaina Jhin my loves,” Napatingin ako kay Archie na ngiting ngiti pang nakalapit kay Zaina Jhin.
“Uy my loves, kamusta kana, bakit may tali ang braso mo?” pangungulit pa nito.
Napakamot ako ng ulo, hindi nga pala alam ni Archie dahil absent siya at ngayon lang nakapasok.Nakita kong tinitigan ni Ina si Archie, medyo matagal iyon saka nag iwas ng tingin. Nako Archie wag muna ngayon please, sinusumpong ng kasungitan iyan.
“Zaina Jhin ko, my loves okay ka lang ba?” wika pa ulit nito saka hinawakan ang braso nito na dahilan para mapaaray si Ina.
Lahat kami ay napatingin sa kanila at kita ko ang inis sa muka ni bhess, nako patay na.
“Archie pwede ba wag ngayon!” wika nito na halata ang pag kainis sabay alis. Susundan pa sana ito ni Archie buti na lamang ay napigil ni Jaycee.
Tila naman naintindihan ni Archie kaya nakahinga na ako ng maluwag.
“Ang aga aga nakasimangot ka Miss Manila girl.” Nanlaki lalo ang mga malalaki kong mata dahil sa narinig ko. Kilala at alam na alam ko ang mapang asar na boses na iyon.
Agad akong humarap sa likod at doon ay nakita ko ang bhess ko na nakatayo at kaharap ang siraulo kong pinsan, sino pa nga ba edi si Jude Maikko. Napakamot akong muli sa ulo ko, gera ito sigurado. Lahat ay natahimik dahil lahat kami ay alam na hindi magkasundo ang dalawang ito. Pang asar at palaging inaaway ni JM si Ina habang ang bhess ko naman ay ayaw din patalo. Bakit naman kase ang tagal na nung huling mang asar si JM bakit ngayon pa niya naisipan kung kailangan may sanib ang bestfriend ko.
Agad akong lumapit sa kanila at sinesenyasan ko ang siraulo kong pinsan ngunit nginisihan lamang ako.
“Bhess halika turuan mo naman ako hindi ko maintindihan ang lesson natin,” wika ko sa upang mailayo na si Ina.
Tiningnan naman niya ako saka tumango na. Subalit hindi pa man kami nakakaalis ay humirit pa ang mokong kong pinsan.
“Ano ba kase problema Miss Manila girl, konting galos lang naman iyan. Abay tatlong araw ka ng malungkot.” Hindi ko alam kung nang aasar paba ang pinsan ko o ano. Naguguluhan ako sa kanya sapagkat ang tono niya ay pang asar pero ang mga mata niya ay tila nag aalala na ewan.
Hinarap siya ni bhess at nang ibuka niya ng bibig ay napigil ko ang hininga ko. Nako po hindi ko kakayanin kapag nag away ang dalawang ito.
“Jude Maikko, please wag ngayon, kung ayaw mo sa akin sige aalis na ko dito,” wika ni bhess na siyang nagpatahimik lalo sa amin. Nakita kong tila nag iba ang emosyon ng mga mata ni JM. Kanina ay kita ang pag aalala dito, subalit ngayon ay tila nasamahan iyon ng lungkot.
Tahimik na umalis si bhess saka naupo na sa upuan niya. Malungkot nga talaga siya, hindi niya pinatulan ang pang aasar ni JM. Kung dati iyan ay malamang nagpalitan na sila ng maanghang na salita.
Pabalik na sana ako para lapitan si Ina subalit hinila ako ng magaling kong pinsan papunta sa labas ng classroom namin.
“Anong sinasabi non na aalis na siya?” pagalit na tanong sa akin ni JM bagay na pinagtaka ko.
“Ewan ko, wala naman siyang nabanggit sa akin,” sagot ko.
“Ano bang problema ng kaibigan mo, ilang araw na iyang matamlay ah,” inis na tanong niya.
Napatitig ako sa muka ng pinsan ko, bakit tila may bago sa kanya. Kailan pa ito naging concern kay Zaina Jhin?
“Masakit pa ba ang sugat niya? Napagalitan ba siya sa kanila?”
Lalo akong naguluhan dahil sa sunod sunod nyang tanong. Si JM ba talaga itong kaharap ko, ang akala ko ayaw niya kay Ina.
“Hoy Rossy sumagot ka nga dyan!” bulyaw nito sa akin dahilan kaya nabalik ako mula sa malalim na pag iisip.
“Hindi naman sa sugat kaya malungkot iyon, hindi rin napagalitan at wala ding problema sa kanila. Maayos naman siya sa bahay nila ang dami nga niya laging baon ngayon e” sagot ko na siya namang kinakunot ng noo niya
“Kung ganon bakit, ako ba ang dahilan, sumama ba ang loob niya dahil sa pang aaway ko sa kanya?” sunod sunod na tanong ni JM.
“Bweset na Ernie yan sumabay pa kase eh, pinaso pa niya hindi ko na sana pinigilan ang ginawa nilang pagsugod kay Ernie.
“Hoy JM, bakit sumasama ka sa away, pano kung nalaman ng mama mo iyan,” sermon ko na sinuklian naman niya ng isang masamang tingin.
“Nakita mo nang napahamak ang kaibigan mo ganyan pa tanong mo sa akin. Gusto ko makausap si Ernie kaya ako sumama, saka wag ka mag alala di naman binanatan ni Kuya Bobby sinabi kong baka magalit yang kaibigan mo,” masungit na pahayag niya.
“Buti naman at nagkaisip ka,”
“Ikaw Rossy tatamaan kana sa akin, kanina kapa oy mas matanda ako sayo ng isang buwan,” wika nito at talagang pinanindigan niyang matanda siya sa akin.
“Oo na, tatahimik na kuya JM,” pang aasar ko.
“Ikaw naging kaibigan mo lang yang si Miss Manila girl naging matapang kana rin ah, pareho na kayong amasona,”
Bigla naman akong natawa dahil sa sinabi niya at sa reaksyon niya.
“Ano na, bakit palaging umiiyak si Miss—
“Zaina Jhin insan,” putol ko sa sinasabi niya. Bakit ba kase hirap siyang banggitin ang pangalan nito.
“Oo na, ni Ina, Oh bakit malungkot lagi si Ina,” Napangiti ako ng sa wakas ay nabanggit din niya.
“Kase bumalik na sa Maynila ang pamilya niya at—
“Kaya babalik na din siya doon?”
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagpuputol niya ng sana ay sasabihin ko. Hindi kase makapaghintay nako nako.
“Hindi siya aalis, nalulungkot siya dahil namimiss niya ang pamilya niya lalo na mga kapatid niya. Mag isa nalang siya ngayon, saka ito ang unang beses na nahiwalay siya sa pamilya niya kaya syempre nalulungkot yun,” pahayag ko na kinalungkot niya.
“Saan siya nakatira ngayon?”
“Doon sa tatang at inang niya,” sagot ko na kinatango niya.
“Kaya sobrang lungkot non ngayon, kaya lagi din umiiyak kase nga inaalala niya mga kapatid niya, tapos inaaway mo pa,” pangongonsensya ko sa kanya.
“Hindi ko na nga siya inaasar, kanina lang kase gusto ko malaman bakit siya palaging umiiyak,” sagot nito dahilan upang lalo akong mapaisip.
“Teka nga insan, kanina pa kita napapansin kelan ka pa naging concern sa kaibigan ko? Bakit parang may sanib ka din, diba ayaw mo sa kanya bakit ngayon nakikita ko sa mga mata mo na nag aalala ka?” sunod sunod kong tanong nagpakaba sa kanya.
“Dami mong alam, naiintriga lang ako no,” sagot nito.
“Talaga ba, eh bakit parang nalulungkot ka kapag nakikita mong umiiyak siya, saka bakit sumama kapa sa pagsugod kay Ernie?” pang iintriga ko sa kanya.
“Naawa lang ako kay Ernie baka bugbugin nga ni kuya Bobby,” wika niya habang hindi makatingin ng deretcho sa akin.
Totoo ba insan? Baka nag sisinungaling ka lang,”
“Kulet mo, wala nga. Saka wala naman akong paki alam kung mapano yang Manila girl na yan,” sambit niya na tumawa pa halata namang peke.
Bigla ko namang naalala ang sinabi nila ate Rochelle noong araw na nasugatan si bhess. Nang araw na iyon kase ay tinanong ko kung paano nila nalaman ang nangyari kay Ina dahil ang layo ng room nila at hindi naman pala tambay ang tatlong iyon sa labas lalo at mainit.
“Ibig sabihin hindi ka nag aalala sa kanya at nakikichismis ka lang?” pangungulit ko. Nakita kong napakunot noo siya ng makita ang mga ngiti ko.
“Oo nga hindi,”
“Ah ganon ba, eh bakit ikaw ang unang tumawag ng tulong ng masugatan si bhess. Saka bakit ka nandon kung saan nandon si bhess?” nang aasar kong tanong na nagpawala ng kulay sa kanyang muka.
Dali dali itong lumapit sa akin saka ako hinawakan sa braso at nagpalinga linga sa paligid.
“Hoy Rossy bunganga mo ah, baka kung sino makarinig niyan. Itikom mo yang bibig mo lalo na kay Ina, kundi yari ka sa akin,” sambit nito saka nagmamadaling umalis.
Naiwan ako na tawa ng tawa. Nakakatawa talaga ang mga kinikilos ni pinsan. Hindi kaya nagugustuhan na rin niya ang aming Manila girl.