KABANATA VIII

1955 Words
Abala ang bawat isa, walang nais umiimik at tanging tunog ng mga gamit na inaayos ang mariring.Bawat minutong lumilipas ay naghuhudyat ng nalalapit na pagdating ng isang pakiramdam na siyang maghahatid ng lungkot sa bawat isa. Lungkot na nais tanggapin kahit pa labag sa kalooban sapagkat ito lamang ang nararapat na gawin sa panahong ito. Hindi nais ni Ina na maging malungkot subalit hindi niya maiwasan lalo pa’t nalalapit na ang pag alis ng kanyang pamilya patungo sa Maynila. Masakit man sa kalooban ay sinubukan niyang kalmahin ang sarili at tulungan na lamang ang kanyang nanay sa pag iimpake ng mga gamit na dadalin. Malungkot na pinagmasdan ni Ina ang kanyang mga kapatid, na ngayon pa lamang ay namimis na niya. Nilapitan niya ang mga ito at niyakap ng mahigpit. Natigil sa ginagawa ang kanyang ina at napatingin sa kanila. Lumambong ang mga mata nito at tila nais maiyak dahil sa nakitang tagpo ng mga anak. “Anak, sumama ka na lang sa amin. Baka naman pwede pakiusapan ang teacher mo doon na tanggapin ka ulit,” sambit ng kanyang ina na siyang inilingan ni Ina. “Nay baka po malabo na iyan, ilang buwan na po ang lumipas saka isa pa ay galing na ako doon tapos ngayon ay babalik. Ayoko pong mahinto nay,” sagot ng batang si Ina. Napabuntong hininga ang nanay niya at hindi na kumibo. Lumapit si Ina upang yakapin ito at ganon din ang ginawa ng kanyang nanay. Matapos ang pag iimpake ay binilinan at kinausap na si Ina ng nanay niya. Nangako si Ina na magpapakabait at mag iingat palagi. Hindi siya maiwan ng nanay niya kayat sinikap niyang pasayahin ang sarili upang hindi na malungkot ang kanyang nanay. Bago umalis ang kanyang pamilya ay niyakap niya ang mga ito ng mahigpit at ang luhang pinipigilan ay hindi na rin niya napigil. Nang oras na makalayo ang kanyang pamilya ay sunod sunod na bumagsak ang kanyang mga luha. Tahimik na lumuha si Ina habang tinatanaw ang malayo na niyang pamilya. “Apo tahan na, nandito naman kami ng tatang mo,” wika ng inang ni Ina nang tabihan siya nito sa pagkakaupo sa tabi ng bakod nila. Yumakap ang batang si Ina sa kanyang lola at tahimik na pinagpatuloy ang pagluha. Saglit silang nanatili doon bago nagpasyang pumasok na sa loob ng tahanan. Nalulungkot ang dalawang matanda sa nakikitang kalungkutan ng kanilang mahal na apo kayat nais sana nila itong pasayahin kahit paano. Binuksan ng tatang niya ang TV at inayang manuod si Ina. Sumunod naman ito subalit tahimik lamang na nakatuon ang mga mata sa TV nila. Samantala ang inang naman niya ay nagluto ng masarap na sinampalukang manok na alam nitong paborito ni Ina. Nag gisa din ito ng corned beef at nagprito ng itlog na may pula sa gitna. Naghiwa pa ito ng mga manga na galing pa sa pinapahinog nila. Ngunit hanggang sa harap ng pagkain ay nanatiling tahimik ang batang si Ina. Kinain naman nito ang lahat ng pagkain na naroon subalit bigla bigla na lamang itong naluluha bagay na nagpapadurog sa puso ng dalawang matanda. Naawa sila sa batang si Ina sapagkat nasasaktan ito sa murang edad na dapat ay naeenjoy niya ang buhay ng isang bata. Nang matapos kumain ay agad itong nahiga at pinikit ang mga mata. Hindi na nag abala pang abalahin ng dalawang matanda si Ina. Hinayaan na nila itong mapag isa at nang makapag pahinga na rin.Bago natulog ang mag asawa ay naipasya nilang alagaan at ibigay ang mga pangangailangan ni Ina sa abot ng makakaya nila. “Apo heto ang baon mo oh,” wika ng inang ni Ina saka inabot ang juice at tinapay na ginawa pa nito saka ang 10 peso. Pinagmasdan ito ni Ina saka bumaling sa kanyang inang na may pagtataka. “Inang binigyan na po ako ni tatang ng twenty pesos,” wika nito na kinangiti ng kanyang inang. “Iba ang bigay ng tatang mo at iba naman ang sa akin,” nakangiti nitong sagot habang nilalagay ang baon nito sa bag niya. “Pero ang dami ko naman pong baon, sapat na po sa akin ang sampung piso,” sambit pa nito. Hinarap siya ng kanyang inang saka nakangiting sinuklay ang mahaba niyang buhok. “Apo basta may pera tayo malaki ang baon mo, pero tandaan mo kapag wala matutong makuntento kung anong meron. Alam ko namang matipid kang bata, ikaw na ang bahala sa sobra mong baon, ipunin mo o ibili mo ng kailangan mong gamit,” mahabang pahayag nito na tinanguan naman ni Ina. Nang maayos na ang mga gamit ni Ina ay nagpaalam na ito sa kanyang tatang at inang saka nag simula ng maglakad papasok. Tinanaw na lamang ng dalawang matanda ang kanilang apo habang papalayo ito. Samantala nagtataka naman sina Rossy at Jaycee kung bakit tahimik at tila malungkot ang kanilang kaibigang si Ina. Naninibago sila dahil palagi itong nakangiti hindi kagaya ngayon na tila konting kibot lang ay iiyak na ito. Hindi na sila naglakas ng loob na magtanong at inisip na baka napagalitan ito ng tatay niya.Subalit hanggang sa school ay nanatili ang pananahimik nito. Hindi nito pinapansin ang mga batang tumatawag sa kanya at nagpapansin bagay na hindi gawain ni Ina. Madalas niyang nginingitian ang kahit sinong kumausap sa kanya, subalit ngayon ay ibang iba siya. “Hoy Rossy, anong nangyayari sa bhessy mo?” tanong ni Jaycee kay Rossy nang bigla na lamang umalis si Ina. “Hindi ko alam, ayos naman siya nung byernes diba baka may problema sa bahay,” sagot naman ni Rossy. “Kawawa naman si Ina, lagi na lang may problema sa kanila, tapos aawayin pa ng pinsan mo, nako kundi ko lang kaibigan iyang si JM isusumbong ko na iyan kay tito,” sambit ni Jaycee. Kapwa nalungkot naman sina Jaycee at Rossy dahil sa nakikitang kalungkutan ni Ina. Hinayaan na muna nila itong mapag isa at umasang babalik din ang sigla nito. Samantala mag isang nakaupo sa may hagdan ng stages si Ina habang pinagmamasdana ng mga batang naglalaro sa katirikan ng init. Naalala niya ang kanyang kapatid na si Faye na lagi niyang kalaro. Namimiss na niya ang mga kapatid at kanyang nanay. Iniisip niya kung mali ba ang naging pasya niya. Naisip din niyang ipunin ang lahat ng baon na binibigay ng tatang at inang niya upang maibigay niya sa nanay niya para may pandagdag panggastos ang mga ito. “Hi Zaina Jhin,” sambit ng isang batang lalaki mula sa gilid niya. Ito ang kaklase niyang si Ernie na palagi siyang pinagmamasdan mula sa malayo subalit nahihiyang lumapit sa kanya. “Zaina Jhin pwede ba akong tumabi sayo?” tanong nito subalit tila hindi siya naririnig ni Ina na kasalukuyang malalim ang iniisip. Nang hindi kumibo si Ina ay nagtaka si Ernie kayat muli itong nagwika. “Zaina ako nga pala si Ernie, magkaklase tayo pero nahihiya akong lumapit sayo.Gusto sana kitang maging kaibigan kaso palagi mong kasama si baboy Jaycee saka si mangkukulam na Rossy tapos lagi pa kayo nag aaway ni JM kaya hindi mo ako napapansin,” mahabang pahayag nito ngunit muli ay tahimik lamang si Ina. Nagtaka na si Ernie at sinundot sundot pa nito ang braso niya habang tinatawag ang pangalan niya subalit nanatili paring tulala si Ina. Dahil sa kagustuhan na mapansin siya ay kumuha ng isang bato na galing sa initan ng araw saka ito idinikit sa braso ni Ina. Dahil sa mainit ay nagulat ang batang si Ina at biglang napatayo ito dahilan upang sumabit ang kabilang braso niya sa mga halaman sa gilid ng stages. Mula sa tangkay ng halaman ay nahiwa ang kanyang braso dahilan upang magdugo ito. “Ahhhhh, ang braso ko,” sambit ni Ina habang hawak ang braso niya at iniinda ang sakit nito. Agad namang napansin ng ibang bata ang pag iyak ni Ina kayat naglapitan ang mga ito. Habang si Ernie naman ay natulala at hindi malaman ang gagawin. Hindi niya naisip na iyong ang magiging resulta ng pagpapansin niya. “Anong nangyari sayo?” Nag taas ng tingin si Ina at doon ay nakita niya ang nag aalalang muka ng ate Rochelle niya kasama sina Irene at Cristel. Hindi na nila hinintay na sumagot si Ina at agad na dinaluhan ito upang matalian ang sugat nito. Hindi naman ganoon kadami ang dugo at hindi rin malalim ang sugat subalit naging mahaba ang pagkakahiwa sa braso niya. Kumuha ng tubig si Cristel saka pinainom ito kay Ina habang pinatatahan naman ito ni Irene. Nagtataka naman ang tatlo kung bakit tila sobra ang iyak ni Ina, inisip tuloy nilang sobrang sakit ng sugat nito kaya ganon. Samantala humahangos naman na dumating sina Rossy at Jaycee. Nang marinig nila ang nangyari kay Ina ay nagmadali sila sa pagtakbo para mapuntahan ito. Nakahinga sila pareho ng makitang ayos na ang kaibigan subalit galit na hinanap si Ernie na noon ay nagtakbo na pauwe sa kanila dahil sa takot. “Bhess ayos kana ba? Ano ba nangyare? Masakit ba?” nag aalala pang tanong ni Rossy. Kasalukuyan silang naroon na sa loob ng classroom nila matapos silang pagpahingahin ng kanilang guro. Nalagyan narin ng gamot ang sugat ni Ina upang hindi na ito lumala pa. Tahimik parin si Ina subalit muli na naman itong naiyak bagay na nagpaiyak na rin kay Rossy. “Bhess ang sakit,” sambit nito habang umiiyak. Patuloy lamang sa pag iyak si Ina hindi dahil sa makirot ang sugat niya kundi dahil nalulungkot siya sa pag alis ng pamilya niya. Ito kase ang unang pagkakataon na mawawalay siya sa mga ito kayat nalulungkot siya. Niyakap siya ng kaibigang si Rossy habang sabay silang umiiyak habang si Jaycee naman ay hindi na nakatiis at lumabas na. “Jaycee anong nangyare?” nag aalalang tanong ni Bobby pagkalabas na pagkalabas ni Jaycee. “Pinaso daw ni Ernie kuya Bobby kaya ayun nasugatan sa braso,” pag susumbong ni Jaycee. Napamura naman si Bobby at galit na namewang. “Gago talaga yang si Ernie, hindi nag iisip ang siraulo. Bakit nya papasuin si Zaina Jhin ano akala nya magkasingbalat sila!” inis na sambit ni Bobby. “Kamusta siya? Bakit kanina pa siya umiiyak sobrang sakit ba ng sugat niya?” Nagulat naman ang lahat lalo na si Jaycee nang sumulpot kung saan si JM at sumingit sa usapan nila. Kita mula sa mata ng batang si JM ang pag aalala bagay na pinagtataka ni Jaycee. Hindi siya sanay na ganon ang reaksyon nito kay Ina. “Hindi ko alam, baka nga sobrang sakit kase hindi siya mapatahan sa pag iyak. Pati nga pinsa mo ay umiiyak na,” sagot ni Jaycee na lalong kinainis ni Bobby habang si JM naman ay napatingin sa bintana at tinanaw si Ina na patuloy parin sa pag iyak. “Kuya saan ka pupunta?” tanong ni Jaycee kay Bobby nang paalis na ito kasama ang mga kaibigan, “Hahantingin ko yang si Ernie, bibigyan ko lang ng isa,” sagot nito na pinag alala ni Jaycee.Alam niyang mabait ang kuya Bobby nila subalit masama itong magalit. “Sasama ko kuya,” sambit naman ni JM bagay na pinagtakang muli ni Jaycee. “Bakit sasama ka pa JM, baka makipag away yan, madamay kapa!” pagpigil nito. Muling tinanaw ni JM si Ina at saka humarap kay Jaycee. “Kami ng bahala kay Ernie, ikaw na ang bahala kay Ina, wag nyo iiwan,” wika nito saka tumakbo papunta kila Bobby. Napakamot na lamang sa ulo si Jaycee at saka muling bumalik sa kinaroonan ni Ina.Naupo siya sa tabi ni Ina na ngayon ay tahimik paring umiiyak. Binaling niya ang tingin sa labas at muling naisip ang mga kinilos ni JM.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD