3

1033 Words
SIENNA POV MAGTIMPLA NG KAPE... ANG kanina ko pa ginagawa mula pagkapasok. Magtimpla ng kape sa bawat regular employee na kasama sa general meeting ngayon. Nakakapagod pero pilit ko pa rin ginagawa ang lahat ng makakaya ko, 'wag lang ako matanggal. "Sienna, paki-photocopy lahat 'to–" utos ni Janice sakin habang nagtitimpla ng panghuling kape. Napasulyap ako sa tatlong folder na hawak ni Janice. "Ten copies each, okay? Need ko na 'yan mamaya after lunch para sa presentation ko sa meeting." Napalabi ako. Regular employee na si Janice. Dalawa taon na rito sa Valerius Tech Company. Ano bang laban ko rito? Wala? So, ngumiti ako ng matamis sabay tumango. "Sure, sure, Akin na–" ani ko at kinuha ang mga folder saka ko inipit sa kanang kilikili ko. "Iaabot ko na lang mamaya before lunch," mahinahon na sabi ko. Malapad na ngumiti naman si Janice. "Good girl. Anyway, inaantay na daw 'yon mga kape sa loob, pakidala na," maarteng wika nito sabay tinalikuran ako. Napatingin na lang ako sa palayong likuran nito habang panay kembot. Huminga muna ako ng malalim. Dahan-dahan kong inilagay sa tray ang mga tasa na may laman na mainit na kape, saka ko dinala sa meeting room malapit sa private office ni Mrs. Bitangcol. Pagkabukas ko ng pinto ng meeting room, napukaw ang atensiyon ng mga naroon at napatingin sakin. Napayuko ako, maingat ako lumapit at inilagay sa mesa ang mga kape. Ramdam na ramdam ko ang matalim na tingin ni Mrs. Bitangcol sakin pero hindi naman ito nagsalita. Nang mailagay ko na ang lahat ng kape sa tabi ng mga ito, akma na ko tatalikod nang may pamilyar na baritono boses ang nagsalita. "Am I not entitled to get a coffee?" Dagli akong napatingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Zarek Valerius nakaupo sa pinakaunahan ng mahabang lamesa. Seryoso ang mukha nito na nakatitig sakin. Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam na kasama sa meeting ang CIO. Paktay! "Oh! Forgive us, Mr. Zarek!–" napatayo si Mrs. Bitangcol na parang natakot sabay tinapunan ako ng matalim na tingin. "What is the meaning of this, Sienna?! Get your act together! You can't even make coffee right!" madiin na angil ni Mrs. Bitangcol sakin, halatang nagpipigil sigawa ako. "My apologies, Mr. Zarek. I'll just brew another cup, I had no idea you were here. I am so sorry too, Mrs. Bitangcol," kabadong humingi ako ng pasensya habang nakayuko ang ulo. Panigurado, sesermunan na naman ako mamaya ni Mrs. Bitangcol. "There's no need to be upset with Miss Sienna, Mrs. Bitangcol. My coming here was completely unexpected. Regardless, I'll take an iced coffee, Miss Sienna... thank you," maawtoridad na bigkas ni Mr. Zarek. Nang sumulyap ako kay Mr. Zarek ay ramdam ko ang intensidad ng titig nito sakin. Hindi ko alam bakit gano'n ito makatingin na para bang malapit niya na akong kainin ng buhay. Ginoo ! Matatanggal na ba talaga ako sa trabaho? Pilit naman ngumiti si Mrs. Bitangcol sabay sumenyas sakin na lumabas na. Nag-excuse na ko kaagad. Nakahinga na lang ako ng maluwag pagkalabas ng meeting room. Inayos ko lamang ang suot ko saka ko ginawa naman ang pinapagawa ni Janice sakin. Breaktime ko na, tahimik akong nakaupo sa hagdan sa may fire exit. Hawak ko ang baon kong egg sandwhich. Wala na ko pera para sumabay ng kain sa labas, sa mga kasamahan ko. Ayoko na rin umutang ng ulam at kanin sa pantry. Nakakahiya na. Okay na ko sa isang piraso ng egg sandwhich na ginawa ko kanina bago pumasok. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong itim na blazer. Walang text o chat man lang sakin si Joseph. Ano kaya ginagawa no'n? Pang gabi ito sa pinapasukan pabrika kaya mamaya pa ito papasok. Sinubukan ko tawagan si Joseph. Isang ring, dalawang ring... "Hmmm, L-Labs, bakit?" hingal na sagot ni Joseph. Napakunot ang noo ko. "Bakit ganyan ang boses mo?" Umubo ito. "Ah.. K-Kakagising ko lang. M-May nangyari ba, Labs?" Alas-dose na ng tanghali pero kakagising lang nito. Napapailing na lamang ako sabay buntong hininga. "Wala naman. Nasaan si Samantha? Magluto na kamo siya para kumain na kayo. At ikaw... bumangon ka na, tanghali na–" may halong sermon na sabi ko. "Ahh hmmm, ku.. kumakain na yata si Samantha–" hinihingal na sambit ni Joseph. "Kumakain? E 'di kumain ka na rin diyan. Baka malipasan ka pa ng gutom, papasok ka pa naman na mamaya." "O-Oo, ka..kakain na rin ako– ahhhh, shít !" "Joseph, anong nangyari?" biglang akong kinabahan para sa asawa. "Labs?" "Hmmm, wala.. labs. Ahh, nag unat .. ako ng binti, sumakit parang.. naipit... Hindi mo kasi.. hinilot kanina–" Nabawasan ang pag aalala ko dahil sa narinig. "Hindi kita mahihilot mamaya dahil may pasok ka na, bukas naman hindi na kita maantay umuwi dahil maaga ako papasok." "Kaya nga, Labs eh." Napabuga ako ng hininga. "Bumangon ka na. Ano kakakainin mo ngayon, may ulam ka na? Sabi ko kay Samantha, bilhan ka ng ulam." Narinig ko ang pag impit ng hininga ni Joseph bago nagsalita. "Tahong ang kakainin ko, Labs. Iyon ang binigay sakin... ni Samantha." "Gano'n ba? Oh siya, sige na. Kumain ka na. Patapos na rin naman breaktime ko. Love you, bye–" "Sige, Labs. Ingat ka pag uwi mamaya. Love you din." Nang maibaba ko na ang tawag, saka kumalam ng malakas ang tiyan ko. Napabuntong hininga ako. Gutom pa ako, bitin ang isang tinapay. Hindi naman kasi ako nag almusal bago pumasok dahil sa pagmamadali at saka wala na rin budget kun'di pamasahe na lang. "Since when do you hang out here at the fire exit?" "Ayyy!!! Kabayong malaki !!!" halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita mula sa likuran ko. Dagli ako napatingala sa may likuran ko. Bumundol ang kaba sa dibdib ko nang makita si Mr. Zarek na nakatayo at nakasandal sa pader, nakapamulsa habang titig na titig sakin. Napakurap-kurap ako. Tama ba, nasa harap ko ngayon si Mr. Zarek? Anong ginagawa nito sa fire exit? "I have been waiting quite some time for my iced coffee, Miss Sienna," maawtoridad na bigkas nito. Naku po ! Nakalimutan ko !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD