SIENNA POV
SHÍT ! ICE COFFEE NGA PALA...
MASYADO akong napagod at nawala sa isip ko ang ice coffee na hinihingi ni Mr. Zarek kanina. Paktay !
"Oh, I'm so sorry, Sir Zarek. I-It completely slipped my mind. I'll go buy it for you right now–"
Akma lalabas na ko ng fire exit ng hawakan nito ang isang braso ko para pigilan ako. Napalingon naman kaagad ako kay Sir Zarek sabay napatingin sa kamay nito na nasa braso ko pa rin.
"S-Sir ? B-Bakit po?" nagtatakang tanong ko rito. Gusto kong hilahin ang braso ko pero nagda-dalawang isip ako.
"No need to buy it. Come on, come with me. Just come with me to get some iced coffee," sabi nito at walang pag aatubiling hinila ako pababa, hawak pa rin nito ang braso ko.
No choice naman ako kun'di magpatangay rito. Sino ba ako para tumutol? Baka pag tumutol ako, lalo akong mawalan ng trabaho. For sure, wala naman ibig sabihin ang paghawak at paghila nito sakin. Walang kamalisya-malisya 'to!
Pagbaba namin sa 10th floor, lumabas kami ng fire exit saka sumakay ng VIP elevator at dumiretso sa parking lot. Binitawan lang niya ang kamay ko ng buksan nito ang isang black bugatti.
"Get in–"
Napalunok ako ng laway. Tama ba 'to? Sasakay ako sa kotse ni Zarek Valerius?
"Uhm, are you sure, Sir? Sasakay po ako?"
"Yes. Do you want me to carry you or are you going to get in on your own?"
Napalabi ako. Seryosong seryoso ang mukha ni Mr. Zarek. Huminga muna ako ng malalim bago ako napilitan sumakay sa itim na bugatti. Ito ang unang beses na sasakay ako sa isang mamahaling sasakyan tapos boss ko pa ang kasama ko.
Once in a blue moon lang ito. Marahil para sa iba, magandang pagkakataon ito pero sa iba 'yon. Naiilang ako. Una, bakit kailangan hawakan ako? Bakit kasama pa ako? Bakit ako kinakausap ni Mr. Zarek na parang hindi ako empleyado? Kung sa ibang babae mangyari ito, baka kiligin pa sila ang kaso... hindi ako kinikilig. Naiilang talaga ako. May asawa na ako, parang mali yata 'to.
"I know this great little coffee shop with the best iced coffee. I brought you along so that next time I boss you around, you'll know exactly where to go," wika ni Mr. Zarek habang nakatutok ang atensyon sa kalsada.
Tumango tango ako. Hmm, make sense.
Kaso..... Bakit ako ang uutusan nito? Isang hamak na Data entry employee lang naman ako. Hindi naman ako secretary nito o personal assistant para utusan palagi na bumili ng ice coffee.
Pagdating nila sa coffee shop na tinutukoy nito, iginiya ako ni Mr. Zarek paupo sa isang bakanteng mesa. Napalinga-linga naman ako. In fairness, maganda ang interior ng coffee shop, wala masyadong customer ng mga oras na iyon. Ilan sandali pa ay naupo na rin si Mr. Zarek sa bakanteng upuan sa tapat ko at inilapag ang dalawang ice coffee, isang carbonara, cinnamon roll at garlic bread.
"Naku, S-Sir. Sana nagtake out na lang po kayo ng sainyo. B-Busog pa naman po ako at–"
"Don't lie to me. I know you're starving. That sandwich you were eating earlier didn't even come close to filling you up. So eat up—eat all of it. We are not going back until you finish every last bite."
Napangiwi ako. Gawd, nakakahiya. Tatanggi pa sana ako kaso kumulo ng malakas ang tiyan ko. Naglalaway talaga ako lalo na sa cinnamon roll na nasa harapan ko.
"T-Thank you, Sir," nahihiyang tugon ko bago ko nilantakan ang mga pagkain sa harapan ko. Ay, bahala na mahalaga mabusog ako para may lakas ako hanggang mamaya.
Natapos ko ang lahat ng pagkain pati na rin ang ice coffee. Busog na busog na ako. Napasulyap ako kay Mr. Zarek na kanina pa busy sa hawak nito malapad na iPad habang may suot na Apple Airpod. Napatingin ako sa suot kong fake na relos. Napatayo ako sa gulat. Over break na ko ! Dalawang oras na kong wala ! Shít !
Napatingin sakin si Mr. Zarek saka marahan inalis ang Airpod sa tenga nito.
"Are you done eating?"
"Yes, Sir. Is it alright if we head back now? I'm actually way past my break time."
"Sure. Let's go–"
Habang nasa byahe na sila pabalik. Nag iisip na ko ng kung ano ano dahilan na sasabihin ko kay Mrs. Bitangcol. Mariin akong napapikit, ayaw na ayaw pa naman no'n na late ako. Jusko po, anong gagawin ko nito!?
Pagdating nila sa parking lot, mabilis na ko lumabas. Nagpasalamat ako ulit kay Mr. Zarek sabay lakad takbo sa elevator. Bastos man kung titignan pero nagmamadali na talaga ako. Pagkasakay ng elevator, nagdadasal na ko. Ano bang sasabihin ko? Maniniwala ba si Mrs. Bitangcol pag sinabi kong inaya ako ni Mr. Zarek sa coffee shop? Tang ína naman, syempre hindi iyon maniniwala.
Pagkabukas ng elevator, dahan dahan akong naglakad sa table ko, payuko para hindi ako mapansin ng iba. Hanggang sa isang malakas na boses ang umalingawngaw sa buong floor.
"Miss Bermudez?!! Where on earth have you been, huh? You only went out for a lunch break, and you're just getting back now? You actually have the nerve to show your face?! You are two hours late!!"
Namumula sa galit ang mga mata ni Mrs. Bitangcol. Napalunok ako ng laway habang marahan kinukutkot ang kuko ko.
"I'm so sorry, Mrs. Bitangcol. It’s just that... well... Mr. Zarek asked me to get him some iced coffee... and he brought me along, which is why I only got back just now," nanginginig ang boses ko na nagpapaliwanag.
"Are you making a fool out of me, Miss Bermudez?! Do you want to get fired?!!"
Mariin akong napapikit at napayuko. Nakatingin na sakin ang lahat ng empleyado sa buong floor. Pakiramdam ko tuloy, lalamunin na ko ng lupa sa sobrang pagpapahiya ginagawa ni Mrs.Bitangcol. Gusto kong maiyak subalit pinipilit kong hindi tumulo ang luha ko.
"Is there a problem here, Mrs. Bitangcol?"
Dagli akong napasulyap nang marinig ang boses ni Mr. Zarek na nakatayo ngayon sa tabi ko at nakapamulsa.
"Oh, Mr. Zarek! Good afternoon, sir! No, it's nothing major, sir. It's just that Miss Bermudez here is two hours late returning from her break, so I was just—"
Halatang nagulat si Mrs. Bitangcol sa biglaan pagdating ni Mr. Zarek, kahit ako medyo nagulat dahil sumunod pa ito dito sa department floor nila. Bakit kailangan dumaan pa siya rito? Para ito mismo ang magpaliwanag? Ang weird kung gagawin nito iyon.. ano na lang ang iisipin ng mga kasama ko sa trabaho?!
"I am well aware of the time, Mrs. Bitangcol. Because she was with me. I explicitly ordered her to accompany me to try a new coffee shop across town. If you have an issue with her timeline, you have an issue with mine. Do I make myself clear?"
Napatameme si Mrs. Bitangcol. Napakurap-kurap naman ako. Ha? Ano raw?
"O-of course, Mr. Zarek! My apologies, sir. I didn't realize..." nauutal na sagot ni Mrs. Bitangcol, halatang napahiya.
"Good. From now on, Miss Bermudez is no longer in Data Entry. She is my new secretary."
Daig ko pa nakarinig ng malakas na bomba at bigla akong nabingi ng ilang segundo. Ako, secretary na ni Mr. Zarek??!!