SIENNA POV
HUMIKAB AKO sabay kusot sa mga mata ko. Lumingon ako sa tabi ko, wala na si Joseph. May pasok kasi ito kahit araw ng linggo. Kailangan niya bumawi sa mga araw na hindi ito nakapasok para may sahurin ito sa katapusan.
Bumangon ako. Nabungaran ko si Samantha na bihis na bihis at panay postura sa harap ng salamin malapit sa may TV rack.
"May lakad ka, Sam?" kunot noo tanong ko rito.
Humarap ito sakin at ngumiti ng matamis sabay tango.
"Oo, Ate Sien. Magsisimba po ako sa Qiuapo Church, para swertehin ako sa final interview ko next week sa Valerius Tech. Sama ka, te?"
Mahina akong natawa at umiling.
"Naku, ikaw na lang. Pahinga ko muna mga legs ko, ayoko muna lumabas. Ikaw lang ba mag isa, alam mo na ba papunta 'don? at saka may pamasahe ka na ba?" akma sana akong babalik sa kwarto para kunin ang sling bag ko nang magsalita si Samantha.
"Ay, Ate– huwag na po. May kaunti pera po ako dito nakatabi. At saka po, alam ko na po papunta Quiapo. Okay lang po malaki na, mas mabuting makabisado ko rin po ang Manila," ngiting-ngiti ito.
Gumanti na rin ako ng ngiti at nilapitan ito. "Sabagay, tama 'yan para matuto ka, basta mag ingat ka ha. Maraming mandurukot. Umuwi ka rin kaagad, wag kang papagabi hmm?"
19 years old pa lang ito at agaw pansin din ang ganda kaya mahirap na baka mapaano pa ito sa daan pag ginabi. Delikado na ang panahon ngayon, hindi na safe, mas mabuti nang nag iingat palagi.
"Okay po, Ate. Alis na po ako," bahagyang humalik ito sa pisngi ko sabay kaway at saka lumabas na ng bahay.
Napailing na lang ako. Iginala ko ang tingin sa buong bahay. Pahinga o maglilinis? Sangkaterba din ang labahin ko. Napabuntong hininga na lang ako saka ako nagsimulang kumilos. Nagsalang muna ako ng mga de-kolor na labahan sa washing machine bago ako magwalis at mag-mop sa buong bahay.
Kumain lang ako ng dalawang piraso boiled egg at nagkape bago ako nagbanlaw ng labahan saka nagsampay. Matapos akong makapag-general cleaning at sampay ng labahan. Ang mga damit ko naman ay inilagay ko sa isang malaking eco bag para madala ko sa laundry shop sa palengke. Naligo muna ako bago ako lumabas ng bahay.
Saktong alas-dos ng hapon, nakarating ako sa laundry shop. Bukas ko pa naman kukunin ang mga damit ko kaya naisipan ko na dumiretso sa palengke para bumili ng uulamin.
Napatingin ako sa hawak kong cellphone. Wala chat o text sakin si Joseph. Ang alam ko hanggang 5PM lang ito ngayon. Naka offline din si Samantha, hindi ko tuloy alam kong nakarating ba ito ng maayos sa Simabahan ng Quiapo. Tsk.
Naisipan ko na lang bumili ng bangus na isda para gawin paksiw. Paborito iyon ni Joseph, kaya malamang mapaparami ang kain nito mamaya. Nakangiti akong naglalakad pauwi ng mag-ring ang cellphone ko. Si Joseph ang tumatawag.
"Labs, bakit? Pauwi ka na? Namalengke na ko, magluluto ako ng–"
"Nagkayayaan kami ng mga kasamahan ko dito sa trabaho, inom mamaya pag out namin. Dalawang bote lang kami, Labs, uuwi din ako agad, hmm? Wag ka na magsaing ng marami, baka 'di na rin ako makakain mamaya," putol ni Joseph sa sasabihin ko.
Napalabi ako. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Well, ano pa nga ba magagawa ko? Minsan lang magpaalam sakin si Joseph ng gano'n kaya ayoko rin naman pagbawalan ito.
"Gano'n ba. Ahm, sige, basta wag ka masyado magpakalasing ha? Update mo ako kung ano oras kayo matatapos," malambing na sabi ko.
"Oo, Labs. Pahinga ka lang dyan, okay? Bye na."
Hindi na ako nakakibo ng mabilis nito ibaba ang tawag. Napatingin tuloy ako sa hawak kong isang kilo na bangus. Lulutuin ko pa ba ito o hindi na? Hmm, pwede naman lutuin, hindi naman mapapanis ang pakswi kaagad.
Nasa bahay na ko ng muling tumunog ang cellphone ko. Isang text galing kay Samantha.
Sam: Ate Sien, mag iikot-ikot po muna ako sa SM Manila. Don't worry po may budget po ako sa food. Ty
Wala akong load kaya hindi ko ito nareplyan. Napapailing na lang ako. Kung kailan nagkaroon ako ng matinong day off saka pa naging busy ang dalawang kasama ko sa bahay. Hmmm, speaking of day off. Hindi na pala ako isang hamak na Data Entry Employee. Ako na ang.... secretary ni Mr. Zarek Valerius. Gawddd !!!
Nagpirma na ko ng bagong kontrata. Mula sa twenty-one thousand pesos na monthly salary, tumaas na sa fifty thousdand pesos plus five thousands food allowance, five thousands transpo allowance at six thousdands clothes allowance. Hindi pa kasama ang mga bonuses. Diyos ko !! Buhay na buhay na ko sa sahod ko.
Hindi ko talaga akalain na susuwertihin ako ng ganito sa trabaho. Instant regular employee at instant promotion ang atake ko. Thank God !!!! For sure, matutuwa si Joseph pag nalaman niya. Balak ko pa naman sabihin ang good news pagdating nito. Pero ayos lang, aantayin ko na lang siya mamaya o kaya yayain ko na lang siya sa sunod na linggo na kumain sa labas para surprise?
Nagkibit balikat ako at masayang niluto na ang paksiw na bangus. Nagsaing na rin ako saka binuksan ang TV para manuod ng balita. Alas-nuwebe na ng gabi, kumain na ko mag isa. Huling silip ko sa cellphone hindi naka-online si Joseph kahit si Samantha, hindi rin. Pero mas nag aalala ako para sa pamangkin ko, gabi na baka may mangyari masama rito.
Isang katok ang nagpukaw ng atensyon ko, mabilis akong tumayo upang buksan ang pinto. Si Samantha na yata ito o baka si Joseph? Pagbukas ko ng pinto, napahinto ako. Literal na parang huminto ang utak ko sa pag iisip. Kumurap-kurap pa ko para makasigurong tama ang nakikita ko ngayon.
"S-Sir... Z-Zarek??" nauutal na tanong ko sa Boss ko. Nakasuot ito ng black suit, nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na pants at matiim na nakatitig sakin na para bang naiinip.
Paano nangyari nandito ngayon sa labas ng bahay ko si Zarek Valerius?
"Aren't you going to let me in, Sienna?"