Hindi kami makapaniwala sa aming nakikita at para bang binigyan kami ng diyos ng sagot sa mga katanungan namin kani-kanina lamang. Nagsimula ng magkaroon ng sulat ang librong nasa harapan namin habang nagliliwanag ito. Maya maya lamang ay unti unti na itong lumutang sa langit at mabilis na lumipat sa ibang mga pahina. Halos mapasigaw pa si Mor dahil sa kaniyang nakita, maski ako ay ngayon lamang nakakita ng ganitong klaseng libro ngunit imbes na takot ang maramdaman ay paghang ang mas namayani sa akin. Tahimik naming hinintay ang mga susunod na pangyari hanggang sa natapos na lumipat ang mga pahina at unti unting lumakas ang ilaw mula sa libro kaya wala akong nagawa kung hindi ang takpan ang aking mga mata at sumunod naman sa akin ang tatlo. Matapos ang ilang sandali ay napanganga na l

