“Teka, sino ba ang lalaking iyan at mukhang kanina pa nagpapakita kasama ang mga hari?” Tanong ni Khione sa kaniyang isipan. Hindi niya mawari kung ano ba talaga ang koneksyon ng lalaking iyon sa tatlong hari. Umupo ang bagong dating na lalaki sa isang silya sa tabi ni Hades at nagsimulang kumain. Inalis niya ang telang nakatakip sa kaniyang mukha kaya naman mabilis na nagtungo si Khione sa harap nito upang tignan ang kaniyang mukha at ganoon na lamang ang kaniyang gulat sa ksaniyang nakita. Hindi makapaniwala si Khione an ang lalaking kasamang kumakain ng mga diyos ay ang lalaking nagpakita sa kaniyang panaginip noon. Sino ba talaga ang lalaking ito at bakit napakamisteryoso niya? “Kilala mo ba siya?” Mahinang bulong ni Zeref sa kaniyang likuran. Hindi niya namalayan na nakalapit na pal

