Napahinga naman ako nang maluwang nang makita kong tumango siya pagkatapos ay tumayo at naglakad palapit sa pinto. Itinuro niya ang pinto na para bang sinasabing kailangan ko nang lumabas. Napatayo naman ako at lumapit kay Neon, ayaw ko namang iwan ang alaga ko rito sa private suite nang magisa. “Papaano ka?”
“Babalik ako sa White Forest, tawagin mo lamang ako kapag kailangan mo nang tulong o kapag mageensayo na tayo at dadating ako.” Napatango naman ako at hinawakan ang kaniyang balahibo. Nang tumayo siya ay humakbang ako palikod at pinanood siyang buksan muli ang portal gamit ang kaniyang mga mata. Hinintay naming mabuo ang liwanag at tumahimik lamang. Napansin kong nanonood din sa amin si Zeref, mukhang binabantayan niya ako mula kay Neon dahil hindi niya pa rin kilala ang aking alaga.
Lumapit ako kay Neon bago pa siya makapasok sa ginawa niyang portal at yinakap ito sa kaniyang leeg. Naramdaman ko naman ang pagsandal nang kaniyang ulo sa aking balikat at napangiti ako mula sa kaniyang likod. Mukhang napapalapit na nga ako kay Neon at ganoon din siya sa akin. “Bigkasin mo lamang ang aking pangalan at darating ako agad agad sa iyong tabi.”
Tumango ako at binitawan siya upang makapagpahinga na rin siya sa White Forest. Nagtinginan pa kami bago siya dahan dahang pumasok sa portal at nilamon nang liwanag. Pinanood ko naman nang unti unting magsara at mawala ang portal bago ako napabuntong hininga. Nang mapaharap ako sa may pintuan ay napansin kong ilang hakbang na lamang ang distansya naming ni Zeref sa isa’t isa kaya dali dali akong napahakbang palikod. Napaangat ang aking ulo dahil masyado siyang matangkad paa sa katulad ko. “Anong ginagawa mo diyan?”
“Kailan tayo magsisimula?” Napaisip naman a ko sa kaniyang tanong at naglakad palapit sa aking mesa. Marahil bukas ay magsisimula nanamang muli ang aking mga klase kaya hindi na ganoon kaluwag ang aking iskedyul. Hindi ko rin alam kung may magbabago sa mga klase ko o may madadagdag. “Bukas nang madaling araw, dito sa kwartong ito.”
Napatango naman siya kaya napahinga ako nang maluwag, kung tutuusin naman ay ako palagi ang nasusunod dahil trabaho nilang pagsilbihan ako ngunit pakiramdam ko ay kailangan ko ring hingiin ang kanilang opinion dahil baguhan lamang ako sa palasyo at lalong lalo na sa mundong ito. Mabuti na rin sigurong si Zeref ang magtuturo sa akin sa pakikipaglaban dahil alam kong nagtraining din siya katulad nang mga military nang aming kaharian. “Tayong dalawa lamang, hindi ko pa alm kung kailan muli kami mageensayo ni Neon nang aking kapangyarihan.”
Napahawak ako sa aking kwintas at pagtingin ko rito ay nandoon na muli ang puting usok na may halong krema. Napangiti naman ako nang maalala kong nagiiba nag anyo nang balahibo ni Neon kapag gumagamit siya nang kaniyang kapangyarihan katulad na lamang nag pagilaw nang aking mga mata kapag gumagamit rin ako nang sa akin. Mukhang kahit papaano ay may pagkakapareha pa rin kaming dalawa.
Nakita ko namang tumango si Zeref kaya tumayo na ako at dumiretso sa pintuan upang magpahinga. Pakiramdam ko ay naubos ang aking lakas sa mga ginawa naming taktika ni Neon sa White Forest gayon pa man ay nagpapasalamat pa rin sa kaniyang walang-sawang pagiintindi sa akin. Sumunod naman sa akin si Zeref at siya na mismo ang nagbukas nang pinto para sa akin. Tinanguan ko naman siya at lumabas nan ang silid. Napansin ko naman si Mor na nakaupo sa pang-isahang upuan at nang makita niya ako ay dali dali siyang tumayo at lumapit sa akin.
Nang mapansin niyang lumabas din si Zeref mula sa kwartong pinaglabasan ko ay napatigil siya sa kaniyang paglalakad at napatingin sa aming dalawa. Napakunot naman ang aking noo nang makitang lumaki ang kaniyang mga mata at maya maya ay ngumit siya nang napakalawak. Ako na mismo ang naglakad palapit sa kaniya dahil pakiradam ko ay nababaliw na ang aking kaibigan, bigla bigla na lamang ngumingiti nang walang dahilan. “Ano namang nginingiti mo diyan?”
“Hindi ko naman alam na magkasama pala kayo ni Zeref. Kanina pa namin siya hinahanap ngunit walang nakakaalam kung nasaan siya. Magkasama pala kayong dalawa sa loob nang silid na iyan.” Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit nakaramdam ako nang kaonting kaba dahil pakiramdam ko ay nalaman niya ang aking sekreto. Napatingin naman ako kay Zeref at pagkaraan nang ilang saglit na hindi siya nagsalita ay halos nawala ang bigat sa aking balikat. Mukhang susunod nga sa kasunduan naming si Zeref kaya kailangan ko ring sumunod sa kaniya kung sakalimang kuhanin na niya ang kaniyang pabor mula sa akin.
“Binantayan niya lamang ako habang nagbabasa ako sa loob. Hindi ko nga napansin na pumasok siya dahil nakapokus lamang ako sa aking pagbabasa. Nagulat na lamang ako nang matapos kong basahin ang isang libro ay nakatayo na siya sa may pintuan.”
“Wala naman akong sinabi na kailangan mong sabihin sa akin kung anong ginawa niyo diba, Mahal na Reyna” Inangat baba niya ang kaniyang kilay at muling ngumit nang malawak. Napakunot naman muli ang aking noo dahil sa ginagawa niya. Ano bang ginawa nang babaeng ito habang wala ako dito? May kinain kaya itong nagpasama sa kaniyang tyan? Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimulang maglakad papasok sa aking bedchamber dahil nais ko na talagang magpahinga.
Sinundan naman ako ni Mor at nagpapasalamat ako nang tumahimik na siya at hindi na muling nagtanong kung bakit kami magkasama ni Zeref sa private suite ko dahil hindi ko alam kung masasagot ko pa ba ang kaniyang mga tanong nang hindi nasasabi ang totoong nangyari. Naiwan naman si Zeref sa labas nang aking pinto at tingin ko ay magbabantay nanaman siya magdamag doon. Dali dali akong nagbihis nang damit pantulog at hindi na ako kumain kahit pa naihain na ni Mor ang aking hapunan malapit sa mesa malapit sa aking kama.
Ngayon ko lamang naramdaman ang sobrang pagod mula sa mga pagsasanay namin kanina. Hindi ko akalaing mapapagod muli ako nang ganito dahil sanay naman ang aking katawan sa pageensayo at pagtratrabaho. Mukhang malakas at maraming kapangyarihan nga talaga ang nagamit ko kanina at inubos nito ang aking lakas. Nang makabihis ay dumiretso na ako sa kama at nagpalamon sa kadiliman.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagbihis ako kaagad nang damit na naaayon sa pageensayo. Tahimik pa ang buong silid kaya naman napagtanto kong tulog pa si Mor at ang aking mga ladies of the bedchamber. Pagbukas nang aking pinto ay napansin kong nakatayo si Zeref sa pintuan kung saan lagi siyang nagbabantay. Napatingin siya sa akin na para bang hinihintay niya ang pagbubukas nang pinto ko. Tinanguan ko siya at nagsimula nang maglakad papunta sa private suite at naramdaman ko naman ang pagsunod niya mula sa aking likuran.
Piangbuksan niya ako nang pinto kahit pa nasa likod ko siya kaya tinanguan ko na lamang siya at pumasok sa loob na iyon. Dala dala ko ang armas na ibinigay ni Sir Prithious dahil kasama sa usapan namin ang pagsasanay gamit ang armas na ito. Naglakad ako papasok at patungo sa gitnang bahagi nang silid dahil ito lamang ang may malawak na espasyo sa buong kwarto. SUmunod naman siya at tumayo ilang metro ang layo mula sa akin. Napakunot ang aking noon ang mapansin ko na hindi niya talaga inalis ang kaniyang helmet. Pati ba naman pagsasanay ay hindi ito pwwedeng alisin? “Ayaw mo bang alisin ang helmet mo?”
Matagal na sandal pa bago siya sumagot kaya akala ko ay hindi na niya ako sasagutin dahil sanay naman akong madalang lamang siyang magsalita. “Hindi mo maaaring makita ang mukha ko Mahal na Reyna.”
“Anong mangyayari kapag nakita ko?” Kuryos talag ako sa pagmumukha nang aking Imperial Guard. Tinataya niya ang kaniyang buhay para sa kaligtasan ko ngunit hindi ko man lang kilala ang kaniyang mukha. Nakakabigat sa loob ang ganoong bagay kahit pa itinuturing ko na siyang kaibigan ko. Nagkibit balikat lamang siya kaya napasimangot naman ako dahil doon. Akala ko pa man din ay pagkakataon na ito upang makita at malaman ko ang kaniyang itsura. “Pero kapag hindi mo ba ako kasama, pwede mong alisin ang helmet mo?”
Napatango naman siya kaya mas sumimangot ang aking mukha dahil sa kaniyang sinabi. Kung gayon, ako lamang ang hindi makakakita nang kaniyang mukha habang buhay? Napalaki naman ang aking mga mata nang maalala ko ang isang taong posible nang nakita ang kaniyang mukha. “E di nakita n ani Mor ang iyong mukha?”
Napatango siyang muli at halos lumuwa ang aking mga mata sa laki nang pagkakatingin ko sa kaniya. Kaya ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon nang sabihin kong sobrang tanda na ni Zeref. Hindi ko man lamang naisip na lumaki nga pala siya rito sa palasyo at malamang ay nakita na ang mukha nang aking Imperial Guard. “Ngunit, ilang taon ka na?”
“Hindi ko pwedeng sabihin.” Napairap na lamang ako dahil mukhang wala akong kahit anong malalaman patungkol sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa ang batas na kailangan hindi makita nang reyna ang kaniyang Imperial Guard ngunit ito ang prumoprotekta sa kaniya. Napakasaklap naman nang buhay kapag nais ko lamang maging kaibigan ang aking mga tauhan. Napabuntong hininga na lamang ako inilabas ang aking dagger.
Kumislap ito sa liwanag na nanggagaling sa buwan at napangiti ako nang makitang sobrang ganda nito sa gabi. Parang nagliliwanag ang kulay nito at naging puti imbes na silver. Napansin ko namang naglabas din nang dagger na kulay itim si Zeref. Bakit ba puro na lamang itim ang gamit nitong lalaking ito? Siya ba ang namili nito o utos na naman ito galing sa batas? Hindi ko na natis at tinanong na lamang siyang muli, umaasa na sa panahong ito ay masasagot na ang aking katanungan.
“Paborito kong kulay ang itim, nagkataon lamang na ako ang napiling Imperial Guard para sa susunod na reyna kaya naman sa tingin ko ay para sa akin talaga ang kulay na ito.” Napatango tango naman ako sa kaniyang sinabi. Halata nga sa kaniyang kulay itim ang kaniyang paborito. Humakbang siya palapit sa akin at tumayo naman ako nang parang makikipaglaban.
Nagsimula kaming magensayo nang umatake siya nang makita niyang handa na ako base sa aking pagkakatayo. Dali dali ko namang sinangga ang kaniyang atake gamit ang aking armas. Iwinasiwas niya ang kaniyang dagger mula sa taas at handa na niya akong saksakin sa aking balikat nang dali dali kong itinaas ang aking dagger upang sanggain ito. Napahakbang ako patalikod dahil sa bigat nang kaniyang atake. Muli siyang Umatake at nakasentro ito sa aking tagiliran kaya naman dali dali akong lumihis pakaliwa upang hindi ako matamaan.
Napatalon siya patalikod at nagulat na lamang ako nang baluti niya ang kaniyang sarili gamit ang tubig. Nakakamangha ang kaniyang ginawa at mukhang tama nga ang nakita kong life force mula sa kaniya, isa nga siyang mertron o ang mga taong kayang kumontrol nang tubig kagaya ni Reyna Sabrina. “Wala kang sinabing kailangan gumamit nang mahika.” Sigaw ko sa kaniya hindi ko na inisip kung may makakarinig man sa aming dalawa dahil nagpapanic ako sa mga tubig na nagsisimulang mabuo sa aking pwesto.
Dali dali akong tumakbo upang iwasan ang mga ito at habang umiiwas ay binuksan ko ang aking kapangyarihan at ikinonekta sa halaman sa loob nang silid. Hindi ko na inisip ang kaniyang sasabihin dahil alam ko namang alam na niya ang aking sekreto patungkol sa aking kapangyarihan. Nang maikonekta ito ay humarap ako sa kaniya at dali daling nagpalipad nang mga dahon na kasing talim nang isang kutsilyo. Napansin ko naman ang kaniyang gulat at napatayo lamang siya sa kaniyang pwesto kaya natamaan siya nang isang daon.
Wala naman akong narinig na kahit ano mula sa kaniya kaya nagpatuloy kami sa pakikipaglaban. Habang bumubuo siya nang mga bolang gawa sa tubig ay dali dali naman akong gumawa nang shield katulad na lamang nang ginawa namin ni Neon kahapon sa White Forest. Sinundan ko naman ito nang mga vines na siyang gumapang palapit sa kaniyang pwesto. Nagbato siya nang mga bolang gawa sa tubig at nagulat na lamang ako nang sumabog ito pagkarating sa pwesto ko buti na lamang ay napaghandaan ko na ang ganoong klaseng atake at hindi basta basta nawala ang shield na ginawa ko. Ibinalot ko ang shield na ito sa mismong katawan ko nang sa gayon ay makagalaw ako habang umaatake.
Tumakbo ako palapit sa kaniya habang iniiwasan ang mga bolang gawa sa tubig. Napansin ko namang pinuputol niya ang aking mga vines gamit ang tubig na kasing talim nang isang espada. Napangiti ako dahil ngayon lamang ako nakaensayo muli nang ganito. Kakaiba sa pakiramdam ang gamitin ang dalawang kakayahang hinasa ko mula pagkabata.
Patuloy lamang kami sa pagatake at halos maubos ang aking lakas dahil sa pagkontrol nang aking shield habang umaatake gamit ang kalahating kapangyarihang nakukuha ko mula sa halaman. Nang matapos kami ay napaupo ako sa sahig dahil sa pagod. Nagsisimula na ring magpakita ang araw kaya naman itinigil na naming ang aming pageensayo ngayong araw. Binitawan ko ang aking kapangyarihan at halos makahinga ako nang maluwag dahil doon. Hinintay niya munang makapagpahinga ako nang ilang saglit at nagpasalamat naman ako nang dalhan niya ako nang tubig.
Mukhang mas mahihirap na ang aking pageensayo mula ngayon dahil doble doble na ito. Kay Sir Prithious at kay Zeref at Neon ngunit wala ako sa lugar upang magreklamo. Ilang buwan na lamang at makokoronahan na ako bilang reyna kaya naman kakailanganin ko ang lahat nang tulong mula sa lahat nang tao. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito.
“Your eyes” Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Zeref matapos nang mahabang katahimikan. Hinahabol ko pa rin ang aking paghinga kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa kami lumalabas nang silid. Naalala kong nagliliwanag pala ang aking mga mata kapag gumagamit ako nang aking kapangyarihan at marahil ay napansin niya ito kanina. Kaya naman napatango na lamang ako sa kaniya at sinabi kung ano ba ang aking kapangyarihan.
Mukhang nagulat naman siya sa kaniyang nalaman dahil napatihimik siya na ultumo paghinga niya ay hindi ko na narinig. Pagkatapos nang ilang saglit ay bumalik na sa normal ang aking paghinga at tumayo na ako upang maghanda sa araw na ito. Hula ko ay mas mahirap na ang mga pagsasanay ko dahil nakita nila ang kakayahan ko noong monthly assessment kaya sana lamang ay kayanan ko ito.