“Simulan mo sa isang puno malapit sa iyo. Puno hindi halaman, at dapat Malaki ang punong iyon. Nais kong makita kung hanggang saan ang limitasyon nang iyong kapangyarihan sa ngayon. “Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim bago ko unti unting hinawakan ang aking kapanyarihan at pinagapang ito upang makahanap nang puno na malapit sa amin. Madali lamang akong nakahanp dahil hindi ko namang kailangang ikonekta lahat nang halaman at puno sa sakop nang aking kapangyarihan.
“Good, now connect it to your power and use it as if it belongs to you.” Ginawa ko ang kaniyang sinabi at ikinonekta ito nang dahan dahan. Malaki at matanda na ang punong napili ko kaya naman naramdaman kong malaks ang life force na mayroon siya. Napahinga akong muli nang malalim nang maikonekta ko ito at dumaloy ang malakas na enerhiya sa buong katawan ko. Pakiramdam ko ay nakuryente ako dahil sa lakas nito.
Binuksan ko ang aking mga mata at napansin ko ang isang matingkad na kulay berde na may halong tsokolate ang life force nanakakonekta sa akin. Makapal rin ang sinulid nito kaya naman namangha ako sa aking nagawa. Hindi ko naisip na kaya kong panghawakan ang ganitong kapangyarihan. Napangiti ako at tumingin kay Neon upang hintayin ang sunod niyang sasabihin.
Inutusan niya akong magpatubo nang kung ano anong halaman gamit ang life force nang puno. Pagkatapos noon ay mga halamang may mga lason naman ang kaniyang Pinatubo at nahirapan pa ako dahil hindi ko mabuo sa aking isipan nag mga imahe nito ngunit kalaunan ay nagawa ko rin naman. “Ngayon gumawa ka naman shield gamit ang mga halaman at dapat matibay ito.”
“Ano? Kung ano ano naman pinapagawa mo Neon e.” Reklamo ko ngunit hindi niya ako pinansin kaya wala na akong nagawa at sinimulan na lamang bumuo nang shield na gusto niya. Hindi naman namamatay ang puno dahil habang gamit ko ang kalahati nang kaniyang life force ay ibinabalik ko sa kaniya ang kalahati nang sa gayon ay hindi ko tuluyang maubos ang kapanyarihan nito.
Iniangat ko ang aking kanang kamay at mula roon ay may tumubong mga ugat na may mga tinik. Dahan dahan itong umangat hanggang sa matakpan ako nito sa harapang bahagi. Ginamit ko naman ang aking kaliwang kamay upang gumawa nang pangalawang shield na gawa sa mga halaman at nang matapos ito ay dahan dahan ko nang binitawan ang aking kapangyarihan at natuwa ako nang hindi ito nalusaw. Nagpapalakpak ako ngunit naudlot ito nang may malakas na hangin ang tumama sa shield at was akin ito. Napatalsik rin ako nang ilang metro dahil sa lakas nito at napatingin ako kay Neon upang masigurong hindi siya nasaktan.
Nagulat naman ako nang makitang nakatayo pa rin siya at may kaonting kulay grey na ang kaniyang mga balahibo. Napansin kong wala na rin ang kulay kremang balahibo niya at tanging ang grey na lamang ang natitira. Napahawak ako sa aking bibig at dali daling lumapit sa kaniya upang matignan ito. “Bakit ganito na ang balahibo mo Neon? Nasaktan ka ba? Nasaan ang mga kalaban?”
Napatingin lamang siya sa akin at unti unti namang bumalik sa puti at krema ang kaniyang mga balahibo kaya napatili ako at napatalon palayo sa kaniya. Lumaki ang aking mga mata habang nakaturo sa kaniya. “Anong nangyayari sa iyo? Bakit nagiba ang kulay nang balahibo mo?”
“Iyan ang palatandaan na gumagamit ako nang aking mahika.” Napakurap naman ako nang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Ibig bang sabihin noon ay gumamit siya nang mahika? Hindi kaya siya iyong gumawa nang malakas na hangin kanina kaya bigla bigla na lamang akong tumilapon? “Hangin ang kapangyarihan mo?”
Hindi ko napansing napasigaw na pala ako dahil sa hindi ako makapaniwalang ganoon niya lamang ako napatumba. Segundo lamang at isang tira nang kaniyang mahika ay napatumba niya na ako. Walang silbi ang aking pageensayo nang ilangtaon kung ganitong sobrang hina ko naman sa harapan nang iba. Mukhang naging kampante ako sa pageensayo ko at hindi ko naisip na marami pa palang mas malakas at mas magagaling sa akin.
Tumango siya at naglakad akong muli palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang balahibo nang dahan dahan at napakalambot nito. Naramdaman ko ang hangin sa aking paanan at napansin ko naman ang pagiibang kulay muli nangkaniyang mga balahibo. Lumutang kami sa ere habang hawak hawak ko pa rin ang ngayon ay kulay puti at grey na mga balahibo niya. Napangiti ako nang malawak dahil sa aking nadiskubre.
Ibinaba na niya kami pareho at muli na kaming nagpatuloy sa aming pageensayo. Sa ngayon ay mas pinagigihan ko na at kahit pa ilang beses akong napapatumba at napapatalsik nang kapangyarihan ni Neon ay hindi ako sumuko. Sa huli ay kahit papano natapatan ko na ang kaniyang mahika kaya naman tuwang tuwa ako.
“Sa susunod, ibang elemento naman ang iyong gagamitin. Kailanganmong makabisado ang lahat nang elemento nang Auxthen nang sa gayon ay hindi ka mahirapan sa kahit ano mang laban.” Napatango naman ako sa kaniyang sinabi at pumayag dahil nais ko rin namang maging malaks upang maprotektahan ko ang aking kahiran pati na rin ang mga mahal ko sa buhay. Pakiramdam ko ay magagamit ko ito sa mga susunod na monthly assessment.
Nagtungo kami sa falls kung saan kami lumabas kanina mula sa portal na kaniyang ginawa at umupo muna ako sa mga bato sa gilid upang magpahinga. Kahit pagod na pagod ako ay natutuwa pa rin ako dahil pakiramdam ko ay marami na akong natutunan kahit ilang oras lmanag kaming nagensayo ni Neon. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakahiga siya sa may damuhan ilang hakbang mula sa akin. “Salamat, Neon.”
Napatingin naman siya sa akin at napansin kong ngumiti siya nang kaonti kaya napangiti rin ako. Mukhang nagkaroon akong muli nang panibagong kaibigan at sa ngayon ay hayop naman ito. Hindi lamang basta basta hayop dahil legendary creature ang isang ito. Madalang makita ang mga legendary creature sa buong kaharian nang Auxthen kaya naman natutuwa akong isa ako sa mga nagkaroon nang ganoong alaga.
“Kailangan na nating bumalik, Khione. Hinahanap ka na ang iyong Imperial Guard.” Napahinga naman ako nang malalim at tumayo. Isa sa mga mahihirap gawin ay ang iwan ang White Forest pati na rin ang aking pamilya ngunit napangiti naman ako nang maalalang pwede na ako pumunta rito kahit kalian ko gusto gamit si Neon.
Binuksan na ni Neon ang portal patungo sa aking private suite sa palasyo at hinintay ko namang mabuo ang liwanag mula sa kaniyang mga mata. Nang mabuo na ito ay inilibot ko muna ang aking paningin sa buong kapaligiran katulad nang aking nakagawian bago umalis sa White Forest. Huminga ako nang malalim at pumasok sa portal.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay napangiti ako dahil nakabalik na ako sa private suite nang hindi nalalaman nang aking mga guwardiya. Naglakad ako patungo sa mesa nang mapadako ang aking tingin sa gilid nang pinto. Halos lumabas ang aking puso mula sa aking dibdib nang makita ko si Zeref na nakatayo roon.
Pumasok si Neon mula sa portal at dali dali namang nawala ang liwanag ngunit hindi ko maialis ang aking paningin kay Zeref. Nasa likod ko lamang si Neon at palagay ko ay napansin niya na rin ang aking nakita. Tahimik lamang kami at nagtitigan, pakiramdam ko ay naibunyag na ang buong pagkatao ko sa harapan ni Zeref. Nagsimula siyang malakad palapit sa akin at napahakbang naman ako patalikod.
Hindi ko alam kung bakit ako takot na takot ngunit pakiramdam ko ay pinagtaksilan ko sila dahil hindi ko sinabi ang mga bagay na ito. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin habang pahakbang naman ako palikod. Hindi ko alam kung sumusunod ba sa akin si Neon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ako nababangga sa kaniyang harapan. Nagulat ako nang ilabas ni Zeref ang kaniyang espada at itutok ito sa aking likuran.
“Huwaaaag!” Malakas na sabiko at iniharang ang aking katawan sa harapan ni Neon upang protektahan siya. Napatigil naman si Zeref ngunit hindi niya pa rin ibinababa ang kaniyang espada. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay kong nakatutok sa kaniya at naglakad palapit habang inihaharang ang aking katawan kay Neon.
“Alaga ko siya, bitawan mo ang iyong armas Zeref.” Matagal na tinitigan niya muna si Neon bago niya ibinaling ang kaniyang paningin sa akin. Pagkaraan nang ilang sandal ay ibinalik niya ang kaniyang armas mula sa lalagyanan nito at doon naman ako napahinga nang maluwag. Tahimik kami nang ilang saglit nang napagdesisyonan kong magsalita.” Anong ginagawa mo rito?”
“Trabaho ko ang bantayan ka ngunit pagkapasok ko rito ay wala ka kaya naman naghanap ako sa buong palasyo at nang hindi kita makita ay naisipan ko na lamang na hintayin sa rito.” Napatango tango naman ako. Ito na ata ang pinamahabang sinabi ni Zeref. “Alam ba ito ni Mor?”
Napailing naman siya kung kaya’t napahinga kaon ang malalim. Nais ko sanang sabihin sa kaniya mismo pagdating nang panahon. Tumayo ako at lumapit kay Neon upang ipakilala siya kay Zeref. Sumunod naman sa akin si Neon nang dalhin ko siya sa isang upuan kung saan malapit ang aking Imperial Guard. “Ito nga pala si Neon, Zeref. Siya ang alaga ko. Neon, siya naman si Zeref ang aking Imperial Guard.”
Gumawa nang tunog si neon ngunit naintindihan ko ang kaniyang sinabi. Palagay ko ay sa mga magiging kabond o sa mga kabond lamang nila naiintindihan ang mga sinasabi nito kaya naman sinabi ko ito kay Zeref upang maintindihan niya. Napatango naman ang huli at napatitig kay Neon.
“Ibig sabihin ba nito may kapangyarihan ka?” Napatikom naman ang aking bibig sa tanong ni Zeref. Hindi ko naisip ang tanong na iyan kaya naman napatitig lamang ako sa kaniya. Pagkalipas nang ilang saglit na pagtatalo sa aking isipan ay napabuntong hininga na lamang ako sa kawalan nang magawa at napatango. Mas mainam na sigurong malaman niya ang katotohanan mula sa akin dahil nakita na rin naman nang dalawang mga mata niya.
“Ayaw ko ipagsabi ito dahil nangako ako sa aking ama noong nabubuhay pa siya na walang makakaalam nito kung hindi kami lamang. Sana hindi mo ito ipagsabi kung kani-kanino lamang Zeref.” Halos magmakaawa ang tinging ibinibigay ko sa kaniya dahil hindi maaring kumalat ang impormasyong ito. Siguro kapag reyna na ako ay kakalat din naman ito ngunit sa ngayon ay hindi pa pwede.
“Kahit kay Mor?” Napatikom naman ako nang bibig dahil sa kaniyang tanong. Ngayon ko lamang napansin na magaling magtanong nang direkta si Zeref. Kanina niya pa ako napapatahimik gamit ang mga tanong niya. “Nais ko sana na ako mismo ang magsasabi sa kaniya pagdating nang tamang panahon.”
“Kung iyan ang iyong kagustuhan ay ito ang masusunod, Mahal na Reyna.” Napabuntong hininga naman ako doon at nagpasalamat sa kaniya. Pakiramdam ko ay nawala ang bigat sa aking mga balikat nang sabihin niya ito dahil hindi ko na proproblemahin pa ang patungkol sa sekreto ko. “Ngunit.”
Napatigil naman ako sa kaniyang sinabi. Ayos na ang usapan naming dalawa e, dinagdagan pa naman niya nang ngunit. Napalunok ako nang laway at dali daling napatingin sa kaniyang muli. Inilihis ko pa ang aking mga mata patungo kay Neon upang makita ang kaniyang reaksyon at ibinalik muli ito kay Zeref. Sobra sobra ang aking kaba habang hinihintay ang kaniyang sasabihin patungkol sa aking kapangyarihan.
Pakiramdam ko ay nagtitigan kaming pareho, mata sa mata, kahit pa hindi ko nakikita ang kaniyang mukha lalong lalo na ang kaniyang mga mata. Sobrang bagal nang oras at pakiramdam ko ay isang oras na ang lumipas bago siya nagsalitang muli. “Tuturuan kitang kontrolin ang kapangyarihan mo, at mageensayo ka gamit ang armas na ibinigay sa iyo ni Prithious.”
“Ano? E tinutulungan na ako ni Neon na kontrolin ang kapangyarihan ko. Tulungan mo nalang akong makipaglaban kung iyon ang nais mo.” Napailing iling naman siya at halos magmakawa ako para lamang matapos na ang aming usapan.
“Sasama ako kapag mageensayo kayo ng alaga mo, tuturuan kitang makipaglaban at may utang kang pabor sa akin. Okay ba iyon sa iyo?” Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Kung tutuusin naman ay makakatulong sa akin ang kaniyang mga sinabi dibale na lamang sa huling sinabi niya. “At anong pabor naman iyon?”
“Kokolektahin ko ang pabor na iyon kapag dumating na ang tamang panahon. Ngayon, Mahal na Reyna, pumapayag ka ba sa kasunduan ko?” Napatingin ako kay Neon dahil hindi pwede ang kahit na sinong tao ang papasok sa White Forest. Kailangan kong makuha ang permiso niya bago ako pumayag dahil kung hindi ay lalabag ako sa patakaran nang pabirito kong lugar. Nang makita kong tumango si Neon ay halos makahinga ako nang maluwag at dali daling pumayag sa kagustuhan ni Zeref.