Pagkarating sa palasyo ay dumiretso na ako sa aking bedchamber dahil nalulungkot pa rin ako sa pagiwan kong muli sa aking pamilya sa Cyore. Hindi man ako pinilit nang mga tao na umalis sa ngayon ay pakiramdam ko mas mabigat ang nangyari dahil nanggaling mismo sa akin, desisyon ko mismo na iwanan sila. Mabigat ang aking loob ngunit kailangan ko silang iwanan dahil mas tahimik ang buhay sa Cyore kumpara rito sa Pedrimont.
Napabuntong hininga ako at humiga sa aking kama. Tahimik ako mula nang umalis kami sa aming thanan sa Cyore, hanggang sa paglalakbay namin pabalik. Malalim na ang gabi nang makarating kami sa pEdrimont kaya naman hindi na ako nagtaka nang hindi ako salubungin nina Reyna Sabrina at Deity Naruu. Ang aking mga gwardiya lamang ang sumalubong sa amin dahil ang mga ladies of the bedchamber ko ay inaayos ang aking kwarto at ang aking paligo. Hindi naman ako nagreklamo doon ngunit hindi ko rin sila gaanong napansin dahil sa aking lungkot na nararamdaman.
Hinayaan na lamang ako ni Mor at Zeref dahil pakiramdam ko ay naiintindihan naman nila ang aking nararamdaman. Pumikit ako at mga mukha lamang nina ina at Kiana ang aking nakikita. Ang malungkot nilang mukha bago ako umalis pati na rin ang masayang nginit nila nang makita ako noong isang araw. Ganoon lamang ang iniisip ko nang kinain na ako nang dilim dahil na rin sa aking pagod mula sa byahe.
Kinabukasan ay sinabi ko kay Mor na hindi na muna ako papasok sa aking klase at pumayag naman siya. Sinabi ko kay Zeref na ayusin ang aking kwarto dahil magsasaya kami pagsapit nang gabi. Pagkatapos kong maligo ay pumasok ako sa aking private suite at nagbasa lamang nang libro. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin upang maibsan ang aking lungkot. Habang nagbabasa ay napahawak ako sa aking kwintas at napatingin dito. Kung sana nandito lamang si Neon, o di kaya ay makapunta ako agad agad sa White Forest nang hindi lumalabas sa kwartong ito. Napabuntong hininga at muling nagbasa ngunit ilang sandal lamang nang bigla biglang may liwanag na sa tingin ko ay nanggaling sa aking kwintas.
Napatayo ako at napapunta sa gitnang bahagi nang silid dahil malawak ang espasyo roon. Inilabas ko ang armas na ibinigay sa akin ni Sir Prithious at naghanda sa kung ano mang mangyayari pagkawala nang liwanag. Ngayon lamang ako nakakita at nakaranas nang ganito at hindi ako alam ang aking gagawin sa mga panahong ito. Nang unti unti nang nawawala ang liwanag ay inilabas ko ang aking kapangyarihan at dali dali itong kinonekta sa halaman sa loob nang kwarto.
Humakbang ako at handa na sanang saktan kung ano mang nilalang ang pumasok sa kwartong ito gamit ang liwanag ngunit ibang nilalang ang nakita ko. Dali dali kong ibinaba ang aking armas at pinakawalan ang hawak sa aking kapangyarihan. Tinitigan ko na lamang ang nilalang na pumasok sa kwarto ko dahil hindi ako makapaniwalang kaya niya itong gawin.
“Neon? Anong ginagawa mo rito?” Nakatayo si Neon sa gitna nang aking silid kung saan lumabas ang liwanag kani-kanina lamang. Napakalaki niyang hayop at halos masagi nan ang kaniyang siyam na buntot ang aking lames ana ilang metro ang layo mula sa akin. “Tinawag mo ako, Khione. Kaya nandito ako ngayon sa harapan mo.”
Napanganga ako dahil sa kaniyang sinabi. Ibig bang sabihin noon, kapag tinatawag ko siya sa isip lalabas siya kahit saan? Ngunit papaano? Hindi ko kalianman naisip na mangyayari ito at pakiramdam ko ay napapagaan niya ang loob ko kahit wala pa naman siyang ginagawa.
“Dahil sa kwintas na binigay ko.” Otomatikong napahawak ako sa kwintas at napansin kong wala na ang usok na kulay put isa loob nito. Ibig sabihin lamang noon na si Neon ang sumisimbolo sa usok na iyon. Nakakamangha naman ang ganitong pangyayari at nakakatuwa dahil parang mayroon na akong kasa-kasama simula pa lamang noong una dahil sa kwintas. “Ngunit bakit? Hindi ko maintindihan.”
“Nakuha mo ang atensyon ko pagkapasok mo pa lamang sa White Forest. Sa pangalawang beses ay hand ana akong maging alaga mo kaya naman ibinigay ko sa iyo ang kwintas na iyan upang simbolo na ako ay pagmamay-ari mo.” ibig bang sabaihin noon ay alaga ko na si Neon? Ngunit hindi naman alam kung papaano ito nangyayari. Ang alam ko kapag nagbabond ay kailangan pang pumasok sa ritwal ang maestro at ang alaga upang magkaroon sila nang isang life force kung saan konektado ang buhay nilang dalawa.
“May bond na tayo? Papaano nangyari iyon?” Naglakad paikot si Neon sa aking silid at namamangha ako dahil napakaganda nang kaniyang tindig. Para siyang reyna nang mga hayop at kumikininang pa ang kaniyang balahibo na animo may mga dyamanteng nakakabit rito. Kahit malaki siyang alaga ay hindi siya nakakasira nang kahit anong gamit na para bang alam niyang kontrolin ang kaniyang mga buntot. Hindi ko maialis ang aking paningin sa kaniya habang naghihintay nang kaniyang sagot.
“Wala pa, dahil hindi naman iyon kailangan sa mga hayop na katulad ko. Maari tayong maging magkaibigan ngunit walang bond iyon at hindi mor in magagamit ang aking buong lakas kapag nagkataon. Maaari naman tayong magbond ngunit nasisiguro kong hindi mo pa kakayanin sa ngayon ang proseso nito. Kailangan mo pang magpalakas nang sa gayon ay hindi ko maubos ang iyong life force.” Napatango tango naman ako sa kaniya at nagsimulang lumawak ang aking ngiti.
“Kung gayon ay alaga na kita?” Napatangin siya sa akin nang matagal bago dahan dahang ngumit at hindi ko naman napigilan ang aking saya kaya dali dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at yinakap siya bago tumili. Napalayo naman siya marahil dahil sa ingay na aking ginawa ngunit hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko dahil natutuwa ako sa nangyayari. Hindi ko aakalaing magiging alaga ko si Neon, isang napakagandang nine-tailed fox at isang legendary animal. Natalo ko pa ang mga nobleborns na mayroon mga aso at pus ana alaga.
Pagkaraan nang ilang sandali ay inalis ko na ang aking mga kamay na nakayakap sa leeg niya at huminga naman siya nanag malalim. Napatawa ako dahil mukhang nasobrahan yata sa higpit ang aking nagawa. Napatalon talon ako sa loob nang silid at nang mapagod ay umupo ako sa sofa sa isang gilid nang aking private suite at tinitigan na lamang si Neon. Lumapit siya sa akin at nagtitigan lamang kami nang ilang sandali. Prinoproseso ko sa aking utak ang lahat nang nagyayari dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nagaganap.
“Totoo nga? Hindi ka nagbibiro?” Nakatingin lamang siya sa akin at mukhang naiirita na sa aking pagtatanong dahil paulit-ulit na lamang ito. Ngumit na akong muli at nagtanong sa kaniya dahil napakaraming tanong sa aking isip na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot. “Kung ikaw ang magiging alaga ko, ibig bang sabihin noon ay ako na ang magiging maestro mo habang buhay?” Napatango siya at umupo sa sahig. Nakaganda nang kaniyang tindig kaya inayos ko rin ang akin. Pakiramdam ko ay nakikipagusap ako sa isang napakaimportanteng tao dahil sa paraan nang aming pagkakaupo ngunit binaliwala ko na lamang ito.
“Sino ang alaga ni Reyna Sabrina? Bakit hindi ko siya nakikita ngayon? Hindi niya ba ito nakakasama?” Nakairap siya nang kaniyang mga mata at doon ko lamang napansin na sunod sunod pala ang aking pagtatanong. Napahawak ako sa aking bibig upang matigil ako at hinintay ang kaniyang sagot. Napabuntong hininga muna siya at pakiramdam ko ay pinagiisipan niya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.
“Mayroon siyang alaga at hindi mo pa ito nakikita dahil gabi lamang ito madalas na gising. Kadalasan ay iniiwan na lamang ni Reyna Sabrina ang kaniyang alaga dahil tulog ito sa umaga.” Napatango tango naman ako. Kung g ayon ay mukhang napakalakas rin ang alaga ni Reyna Sabrina dahil kung ang sa akin ay isang legendary nine-tailed fox, ano pa ang sa kaniya na nanggaling pa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa aming kaharian, ang 12 Orders.
“Paano ka napunta sa kwintas?” Seryosong tanong ako at bumuga siya nang hangin sabay irap nang mata. Sa tingin niya ay ako na siguro ang pinakamahirap na maestro na napagdaanan niya sa buong buhay niya. “Ang kwintas na iyan ay tinatawag na ‘caller’ kung saan pwede mo akong twagain kahit kalian mo gusto at lalabas ako nang ilang sandal pagkarinig ko sa iyong tawag. Nasa White Forest ako noong mga panahong tumawag ka kaya naman dali dali akong nagteleport papunta rito.”
“Ibig mong sabihin, yung puting liwanag kanina ay portal?” Tumango naman siya at hindi ko alam na may mas ilalaki pa pala ang aking pagnganga at aking mga mata dahil sa gulat at pagkamangha. “Parte ba iyon nang kapangyarihan mo?”
“Kaming mga legendary animals ay mayroong teleportation magic, isa itong palatandaan sa klase namin kaya normal lamang ito. Kami lang din ang may kakayahan humawak nang ‘caller’ kung saan pwede naming itong gawin sa kahit anong uri batay sa gusto namin at ang ginawa ko para sa iyo ay ang kwintas.”
“Maari ba akong makapasok sa portal na ginawa mo?” tumango siya at napapapalakpak naman ako tsaka dali daling tumayo at lumapit sa kaniya. Balak kong pumunta nang White Forest nang hindi nakikita nang kung sino. At ang teleportation lamang ni Neon ang solusyon doon.
“At saan mo naman gustong pumunta?” Sinabi kong sa White Forest at wala naman na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang nais ko. Umilaw ang kaniyang mga mata at mula roon ay lumabas ang liwanag na siyang nasaksihan ko kanina bago siya lumitaw sa aking kwarto. Inutusan niya akong pumasok at kailangan ko lamang maglakad papasok katu;ad nang portal na nasa may hardin.
Pagkalabas nang portal ay nasa tapat na akong muli nang waterfalls kung saan ako palaging nagtutungo. Sumunod na lumabas naman sa portal si Neon at dali daling Nawala ang liwanag pagkapasok niya rito. Umupo ako sa may mga bato at pumikit. Nagiging sandalan ko nan ng problema ang lugar na ito kaya naman hindi ako papaya na masira ang payapang lugar na ito. Kung mayroon man isang lugar ang pagpipilian ay ito ang aking pipiliin.
“Pwede ba ang mga tao rito?” Tanong ko kay Neopagkatapos nang ilang sandalling pananahimik naming. Nakatayo lamang siya ilang hakbang mula sa akin at nakatingin siya sa tubig sa baba nang waterfalls. Hindi ako magtataka kung bakit dito naninirahan ang mga legendary animals katulad niya. Nababagay lamang itong lugar para sa kanilang ilang taon nang namumuhay sa magulong mundo na ito kung saan nasaksihan mismo nang kanilang mga mata ang lahat nang nangyari.
Umiling siya at napakunot naman ako nang noo. Kung hindi pwede bakit ako nakakapasok riot? Ilang beses na rin akong bumisita rito kaya hindi ko maintindihan kung bakit. Mukhang napansin niya naman ito at sinagot na mismo ang tanong na bumabagabag sa aking isipan. “Naiiba ka, Khione. Hindi mo man ito alam sa ngayon ngunit may dahilan kung bakit ikaw lamang ang nakakapasok sa mundong ito. “Makahulugang sabi niya at kahit na naguguluhan ay napatango na lamang ako. Alam ko namang hindi niya sasagutin ang tanong ko patungkol sa mga nalalaman niya kaya nanahimik na lamang ako.
Nais ko sanang patirahin na lamang sina ina dito sa White Forest ngunit mukhang malabong mangyari iyon. Mukhang ako lamang talaga ang makakapasok sa mundong ito. Nagpapasalamat naman ako dahil sa pribilehiyong iyon. Tumayo ako at inilubog ang aking mga paa sa tubig at napitili nang maramdaman ang sobrang lamig mula roon. Lahat ban ang tubig kailangan malamig?
“Halika rito, kailangan nating magensayo nang makontrol mo na ang iyong kapangyarihan. Mukhang nahihirapan ka nang panghawakan ito.” Napatigil naman ako sa pagtampisaw nang aking mga paa at dali daling sumunod sa kaniya. Mukhang mas epektibo nga kung rito ako sa White Forest mag eensayo dahil mas maraming mga hayop ang nandito.
Narito rin si Neon na sa palagay ko ay magagamit ko ang kaniyang kapangyarihan upang maikonekta ito sa akin at gamitin ito bilang mahika ko. Mukahng ensayo na rin ito para sa amin kung mabubuo man ang bond naming dalawa sa nalalapit na panahon ay mas mabuti nang magsimula kami ngayon.
Naglakad siya patungo sa isang malawak na espasyo at napangiti ako dahil saktong sakto nga ito sa pageensayo. Mukhang training grounds din ito nang mga legendary animals dahil napansin kong may mga bakas pa nang mga paa nang hayop sa sahig. Lumapit ako sa kaniya at hand ana sa lahat nang kaniyang ipapagawa. Nais kong makontrol ang aking kapangyarihan at kung ang paraan lamang upang matuto ay ang mahirapan, handa akong pagdaanan ito nang paulit ulit.