Habang nakaupo sa gilid nang waterfalls kung saan maraming bato ay naalala ko bigla ang waterfalls sa may White Forest. Napahawak ako sa aking kwintas na bigay ni Neon noong huling punta ko roon. Mas nakakahalina ang kapaligiran sa White Forest dahi puro mga hayop lamang ang maririnig mo at ayon kay Neon, ay legendary pa ang mga ito, ibig sabihin lamang noon ay malalakas at mga sinaunang mga hayop ang nakatira roon. Nakakapagtaka lamang dahil walang kahit anong libro ang makakapagtukoy sa akin kung ano-ano ang mga hayop ang nandoon. Wala rin akong mahanap na libro patungkol sa kagubatan at ayaw ko naman itong banggitin kay Sir Clifford.
Napatingin ako sa kwintas at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako istilo nito. Kakaiba at napakaganda. Hindi ko alam kung saan ito nakuha ni Neon ngunit nagpapasalamat ako at binigyan niya ako nito. Pakiramdam ko ay naging magkaibigan kami sa loob lamang nang maliit na panahon. Ano kaya ang mangyayari kung mayroon akong isang legendary animal? Wala naman akong nakikitang ganoon kay Reyna Sabrina kung kaya’t hindi ko maisip na maaari itong mangyari.
Karamihan sa mga nobleborns ay may sari-sariling mga hayop. Ang mga ito ay nagtratransform kapag kinakailangan upang protektahan ang mga nakabond sa kanila at minsan naman ay tumutulong sila upang mapalakas ang kapangyarihan nang isang tao. Madalang lamang magkaroon nang mga ganitong hayop ang mga nasa middleborn at lowborn dahil kailangan nang malakas na mahika bago makapagbond ang isang hayop sa kaniyang master.
Nasa ganoon akong lagay nang mapabalik ako sa reyalidad dahil kay Mor. Naupo siya sa aking tabi dala ang isang cupcake na kaniyang ginawa mula pa sa palasyo. Binigyan niya ako nang isa at napansin kong kulay asul ito. Mayroong hugis bilog na may maraming kulay ang nasa gitna nang cupcake na siyang naging disenyo nito. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at tumikim.
“Mhmmmm… Masarap siya Mor. Hindi mo man lang sinabi sa akin na kaya mo din palang magluto nang mga ganito.” Wika ko at dali daling inubos ang cupcake na ibinigay niya. Blueberry cheesecake ang lasa nito kung kaya’t tuwang tuwa naman ako dahil napakasarap nito. Hindi ko aakalaing kaya niyang magluto nang ganitong lasa, sa susunod ay aayain ko siyang magluto upang matuto ako nang mga teknika niya.
“E papaano kasi hindi ka nagtatanong. Alam mo namang ng karamihan sa mga nagiging ladies of the bedchamber ang magluto dahil nga kailangan naming pagsilbihan ang mga importanteng tao.” Napatango naman ako sa kaniyang sinabi dahil tama nga naman siya. Trabaho nga naman nilang pagsilbihan ang mga tao. Napailing naman ako dahil hindi ko ito naisip agad.
Natawa naman si Mor dahil sa aking ginawa. Nang magkatinginan kami ay sabay kaming natawa kahit hindi namin alam ang dahilan. Napansin ko naman si Zeref sampong metro mula sa inuupuan namin ni Mor kung kaya’t tinawag ko siya upang maupo sa aming tabi. Hindi niya naman kailangan magtrabahho ngayon dahil kaonti lamang ang mga nakakaalam nang lugar na ito kung kaya’t hindi ako nagaalala sa seguridad nang aking pamilya.
Nang mapadako ang aking tingin kay Mor ay sobrang lawak na naman ang kaniyang nginit kaya napakunot ang akin noo. “Ano na namang nginingiti mo diyan?”
“Nako, wala ito Khione. Masyado lamang akong natutuwa dahil nakalayo layo ako sa palasyo.” Napatango tango naman ako dahil mukhang totoo naman ang kaniyang sinabi. Sa palasyo na siya lumaki at sa pagkakaalam ko ay madalang lamang silang makakuha nang mga araw kung saan hindi sila makakatrabaho. Malayo rin ang ibang lugar sa Pedrimont dahil nasa dulong bahagi na ang Kapitolyo.
Nang makaupo si Zeref sa blanket na inuupuan namin ay binigyan ko siya nang isang cupcake na gawa ni Mor. Tinanggap niya naman ako at tumalikod upang kumain. Mukhang hindi talaga pwedeng makita ang kaniyang mukha. “Mor, lahat ba ng mga Imperial Guard, hindi pwedeng makita nang mga reyna?” Bulong ko upang hindi marinig ni Zeref na ilang metro lamang ang layo sa akin.
“Sa pagkakaalala ko, kapag kasal na ang reyna tsaka pa lamang pwedeng makita ang mukha nang kaniyang Imperial Guard. Nang sa gayon ay hindi sila magkaroon ng relasyon.”
“E papaano naman sila magkakaroon ng relasyon e matatanda na ang mga Imperial Guard.” Nakangiting nagkibit balikat na lamang si Mor at muling kumuha nang cupcake at kumain. Ibinalik ko na lamang ang aking paningin sa waterfalls kung saan naliligo habang nagaasaran sina Hiro at Kiana. Madalas kami dito noong bata kami at natutuwa akong makabalik muli rito.
Nakita kong nasa gilid na rin si ina kung saan marami ang mga bato at nakalubog ang kaniyang mga paa sa tubig. Napakaliwanag nang kaniyang ekspresyon sa mukha. Napangiti naman ako dahil ngayon ko lamang muli nasaksihan ang kaniyang maaliwalas na mukha. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa blanket at nagsimulang maglakad pa punta sa pwesto niya. Inalis ko rin ang aking sapin sap aa at nilublob ang aking mga paa. Halos mapatili pa ako dahil sa lamig ng tubig. Tumawa naman ang aking ina dahil doon kaya napatingin ako sa kaniya at napangiti.
“Mukhang hindi ka na sanay sa malamig na tubig Ki anak, wala bang malamig na tubig sa palasyo?”
“Mayroon po ina, ngunit madalas ay maligamgam ang ipinangliligo sa akin nila Mor. Hindi ko ho kasi gamay ang mga kagamitan sa loob ng palasyo kaya naman hinahayaan ko na lamang sila sa mga trabaho nila.” Napatango tango naman siya at sabay naming pinagmasdan ang kapaligiran. Boses at tawa lamang ni Hiro at Kiana ang tanging maririnig sa buong paligid ngunit hindi naman ito nakakasira sa magandang tanawin. Napapikit ako at ninamnam ang simoy nang hangin.
Nagulat na lamang ako nang mabasa ako habang ako ay nakapikit. Dali dali akong napatayo at hinahanap ang salarin nang nangyari sa akin. Nakita ko si Hiro na tumatakbo palayo sa lugar kung nasaan kami ni ina at nagtago sa likod ni Kiana kahit na mas matangkad siya dito. Dali dali akong nagtampisaw sa malamig na tubig at hinabol siya.
“Walang hiya ka talaga kahit kalian Hiro. Magbabayad ka sa ginawa mo, pagnahabol kita isusubsob kita sa tubig, humanda ka sa akin.”
Naghabulan kami sa baba nang waterfalls at wala na akong nagawa kung hindi ang lumangoy at damhin ang malamig na tubig. Kalaunan ay naligo na rin si Mor at si Zeref naman ay tampisaw nang kaniyang paa sa mababaw na parte. Wika niya ay wala na siyang ibang damit kung kaya’t hindi siya maaaring maligo. Napangiti naman ako nang pati si ina ay walang nagawa kung hindi ang maligo dahil binasa siya ni Kiana.
Tawa lamang maririnig sa buong kapaligiran at napakaganda nitong pakinggan. Pakiramdam ko ay wala kaming problema at tanging ngayong mga oras na ito lamang ang importante. Hindi ko mapagkakailang sana ay tumigil na lamang ang oras upang mas matagal ko pang makasama ang mga mahal ko sa buhay.
Nagunahan pa kami sa paglangoy nina Hiro at Mor papunta sa ilalim nang waterfalls kung saan may mababaw na kweba. Nauna akong nakarating doon at sumunod naman si Hiro. Naupo ako sa may mga bato sa bungad ng kweba at pinanood si Mor sa kaniyang pagsisid. “Ang bibilis niyo naman, hindi niyo man lamang ako hinintay.” Reklamo niya sa aming dalawa ni Hiro pagkarating niya sa pwesto naming at pasalampak na naupo dahil sa pagod at kawalan nang hangin. Napatawa naman ako sa kaniyang sinabi.
“Unahan nga e, bakit kita hihintayin.” Sagot naman ni Hiro sa kaniya kaya mas lumakas ang pagtawa ko at tinignan naman ako nang masama ni Mor. Taman ga naman kasi si Hiro, unahan nga naman ang usapan namin kanina.
“Saan tayo pagkatapos dito?” Tanong ni Hiro na naupo sa kabilang bahagi nang kweba. Halos magdoble doble ang kaniyang boses dahil sa lakas at dahil na rin sa kweba. Napatawa naman si Mor dahil ayon sa kaniya ay ang pangit nitong pakinggan.
“Sa bayan, kailangan naming mamili nila Mor ng pasalubong para sa mga ladies of the bed chamber ko at pati na rin sa mga guwardiya ko.” Napatango tango pa si Mor na para bang sinasangayunan niya ang aking sinabi. Pagkatapos nang ilang saglit ay natahimik na lamang kami at pinanood si Kiana at ina na lumangoy. Maya maya lamang ay tinawag na kami upang umuwi at napagusapan muli naming magunahan ngunit nauna na ng ilang segundo si Mor upang hindi siya maging kulelat muli. Handa n asana akong lumusob sa tubig nang tawagin ako ni Hiro.
“Bakit Hiro?” Wika ko at hinintay ko namang makalapit muna siya nang ilang dipa sa akin tsaka siya tumingin sa akin. Napansin kong mamula mula ang kaniyang tenga kaya’t napahawak ako sa kaniyang noo upang masigurong hindi siya mainit. Pagkalapat nang aking kamay ay tinapik niya ito at nagulat naman ako doon kung kaya’t napatingin lamang ako sa kaniya at napakunot nang noo. Problema nito?
“Ano kasi, may gusto ko sana akong sabihin sayo.” Wika niya ng hindi makatingin sa akin. Ano bang problem nito? Hindi naman siya ganito, at kahit kalian ay hindi siya nautal kapag naguusap kami kaya naninibago ako sa pamamaraan ng pagkausap niya sa akin ngayon.
“Ano bang trip mo? Bakit dika makatingin sa akin?” Napapakamot pa siya sa kaniyang batok habang inililibot ang kaniyang paningin sa buong lugar maliban na lamang sa akin. Napairap ako dahil sa trip nitong lalaking ito. “May sasabihin nga kasi ako sayo.”
“Sabihin mo nan ga, ano ba kasi iyon?” Hinintay ko ang kaniyang sasabihin at pagkatapos nang ilang saglit ay huminga siya nang malalim at sa wakas ay tumingin na sa akin. Diretso ang kaniyang tingin sa aking mga mata kaya wala akong nagawa kung hindi ang makipagtitigan sa kaniya. Ibubuka n asana niya ang kaniyang mga bunganga upang sabihin ang dapat niyang sabihin nang tawagin kami ni Mor mula sa kabilang dulo nang waterfalls.
“Aalis na daw, ano bang ginagawa niyong dalawa diyan? Dito na kayo magtitigan, dalian niyo.” Inalis ko ang aking paningin kay Hiro at tumingin kila Mor, napansing kong nakaahon na ang lahat at nagpapatuyo sa may blanket. Dali dali naman akong lumusob sa tubig at lumangoy pabalik. Iniwan ko na roon si Hiro dahil ala mong mabilis naman siyang lumangoy katulad ko.
Dali dali akong umalis sa tubig at inabutan naman ako ni Mor nang tuwalya kaya’t mabilis kong pinunasan ang aking sarili. Maya maya ay narinig ko na ring umalis sa tubig si Hiro at muli siyang binigyan ni Mor ng kaniyang tuwalya. Pagkatapos noon ay sabay sabay na muli kaming umalis at bumalik sa bahay upang pumunta sa bayan. Pagkarating sa bahay ay nagpahinga muna kami saglit bago lumabas. Nilakad na lamang namin dahil malapit lang naman ito.
Napapatingin sa amin ang mga tao habang kami ay naglalakad marahil ay nalaman na nila ang balita patungkol sa akin ngunit hinayaan ko na lamang ito. Hindi ko trabaho ang sagutin ang kanilang mga tanong. Dali dali kaming namili ng mga kailangan at naisip naming dahil habang tumatagal ay mas marami ang lumalapit sa akin upang magtanong ng kung ano ano.
Binilhan ko nang mga pagkain sila ina at sa tingin ko ay aabot naman ang mga iyon nang mahigit isang buwan. Labis ang aking pasasalamat kay Reyna Sabrina dahil binigyan niya ako nang ganito karaming pera. Karamihan sa binili kong mga pagkain ay mga masasarap dahil nais kong makatikim ng mga ganitong klase ng ulam ang aking pamilya. Bumili rin naman ng bagong damit sila ina at kaonting gamit para sa aming bahay.
Binilhan ko naman si Kiana nang mga kuwaderno dahil balak niya raw magaral muli katulad nang aking ginagawa. Sinabi kong papadalahn ko siya nang mga libro galing sa palasyo at natuwa naman siya sa balitang iyon. Binilhan ko rin ng pagkain ang pamilya ni Hiro dahil kahit papaano ay tinulungan nila ang aking pamilya noong walang wala kami.
Binisita ko rin ang Lasette Bakeshop at bumili nang mga tinda nila roon. Nalungkot ako nang malamang wala roon si Madam Si, ang aking amo noong mga panahong doon pa ako nagtratrabaho. Kahit wala na ako roon ay hindi ko makakalimutan ang mga aral na natutunan ko kay Bree at Madam Si. Naisipan ko ring bilhan ang mga ladies of the bedchamber at mga guwardiya ko ng mga pagkaing niluto ni bree upang maikwento ko naman sa kanila kung saan ako nagtratrabaho bago pa man nila ako pagsilbihan.
Pagkatapos noon ay bumili kami ni Mor nang mga pasalubong katulad na lamang ng mga sapin sa paa na gawa mismo ng aming mga kababayan mula sa Cyore. Alam kong mayroon ding ganito sa Kapitolyo ngunit iba pa rin kapag nanggaling ito sa isang lugar dahil mararamdaman mo ang kultura ng lugar na ito mula sa gamit na kanilang ginawa.
Dali dali naman kaming bumalik sa bahay dahil sa mga tao at nagayos ng mga kakailanganin naming sa aming paglalakbay. Sinamahan kong ayusin ang aming mga napimili sa bayan si ina dahil ilang sandal na lamang ay babalik na muli ako sa panibagong buhay ko sa Pedrimont. Si Mor at Zeref naman ang nagayos nang mga pinamili naming na siyang dadalhin naming pabalik sa palasyo. Pagkaraan nang ilang sandali ay dumating na ang sundo naming na siyang maghahatid sa amin pabalik sa Kapitolyo.
“Magiingat ka roon anak ha? Huwag kang magaalala at magiging ayos lamang kami ni Kiana rito, intindihin mo ang iyong sarili. Ipagdadasal ko na naway gabayan ka ng mga diyos sa iyong landas patungo sa pagiging reyna at huwag mo sanang kakalimutan ang iyong sarili anak.” Napangiti ako sa sinabi ni ina at niyakap siya nang mahigpit. Nais ko mang magpaiwan na lamang dito ngunit alam kong hindi iyon ang nais nang mga diyos na mangyari.
“Magiingat kayo palagi ni Kiana, ina. Kapag may problema ay sumulat lamang kayo sa akin at dali dalli akong pupunta rito, maliwanag bai yon?” Tumango naman siya habang nagpupunas nang kaniyang luha. Pinipigilan ko ang maiyak dahil ayaw kong pati ako ay manghina. Naalala ko pa ang sinabi ni Madam Selvia na kailangan kong maging malakas sa harapan ng iba, ngayon ay kailangan kong maging malakas sa harap nang aking pamilya.
Nagyakapan kaming muli at sa mga sandalling iyon ay nakiyakap rin si Kiana na naiiyak na rin dahil kay ina. Napatawa naman ako nagbigay nang ilang mga bilin sa kaniya. Matapos ang matagal na yakapan ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay sa sasakyan na magdadala sa akin pabalik sa palasyo at palayo sa aking pamilya. Kumaway ako sa kanila bago pumasok at isinara naman ni Zeref ang pinto. Matagal na panahong muli ang aking hihintayin upang makasama ang aking pamilya at sana sa panahong iyon ay tapos na ang aking mga problema.