CHAPTER 42

2018 Words
Tinapos na naming ni Madam Selvia ang pagaayos nang mga bulaklak pagkatapos naing maging emosyonal. Tumulong na rin si Mor sa akin at pinayagan naman siya ni Madam Selvia. Napansin ko ring pumapasok si Zeref paminsan minsan sa loob nang silid at naglilibot. Mukhang sinisiguro niya talagang wala nang ibang mangyayari sa akin. “I’ll be back tomorrow Madam Selvia.” Wika ko nang makuntento ako sa ayos nang mga bulaklak sa aking paso. Humarap ako sa kaniya at yumuko nang nakangiti. “I’ll see you tomorrow then, Your Majesty. Please be careful, we don’t want another days off from you.” Napatawa naman ako sa kaniyang sinabi at tumango. Maski ako ay ayaw ko nang manatili lamang sa aking silid at nakahiga. Hindi ako sanay na hindi gumagalaw kaya naman mas mainam nang mapagod ako sa araw araw kaysa ang tumunganga lamang. Lumabas na kami ni Mor at napansin kong nakangiti rin siya. Pagkalabas ay agad namang lumapit sa akin si Zeref at yumuko. “Saan tayo ngayon Zeref?” Wika ko upang magsimula nang paguusap. Magmula nang maging maayos ang aking pakiramdam ay hindi ko na siya nakausap muli, hindi ko alam kung matutuloy ba ang aming pagsasanay maya maya. “Tapos na po ang klase niyo ngayong araw Mahal na Reyna.” Napatigil ako sa paghakbang paharap nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Napataas ang aking kilay dahil pakiramdam ko ay may mali. Hindi ba’t si Sir Prithious ang susunod na klase ko pagkatapos kay Madam Selvia? “Pakiulit nga ang sinabi mo Zeref.” Wika ko at humarap sa kaniya. Nakatayo kami sa gitna nang daan kasama ang labindalawang guwardiya na ibinigay ni Reyna Sabrina. Nakayuko pa rin siya habang hinihintay ko ang kaniyang sagot kaya naman napairap na lamang ako nang mata. Usapan naming tatlo ay hindi na kami magiging pormal sa isa’t isa ngunit ganoon pa rin madalas ang trato niya sa akin. “Kinansela pansamantala ni Reyna Sabrina ang iba mong klase ngayong araw, Mahal na Reyna Khione. Wika niya ay mas mainam na ituloy mo na lamang ang iyong pagsasanay sa mga susunod na araw nang hindi mabigla ang iyong katawan.” Napabuntong hininga naman ako sa kaniyang sinabi. “Sige na nga bumalik na tayo sa aking silid.” Tumango naman siya at nagpatiuna sa paglalakad. Nang madaanan naming ang royal kitchen ay napatigil ako sa paglalakad ganoon na rin ang mga sumusunod sa akin. Napangiti ako nang may pumasok na ideya sa aking isipan. “Zeref?” Hinintay ko ang kaniyang habang nakatingin sa mga taong nagluluto sa loob nang kusina. Halos dalawampu silang tagaluto sa loob, marahil ay madaming tao ang kailangan nilang pakainin kaya naman ganoon na lamang sila karami. Napatingin ako sa aking harapan nang makita kong yumuko nang bahagya si Zeref. “Wala naman sinabi ang Mahal na Reyna na hindi ako maaring magluto hindi ba?” Hindi siya nakasagot ibig sabihin noon ay wala. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang malaki dahil doon. Kung wala na akong ibang gagawin ay magluluto na lamang ako. “Kung gayon, nais ko sanang magluto nang aking makakain, maari bai yon?”   Hindi kaagad siya nakasagot kaya naman napatingin ako kay Mor at napansin kong maasim ang kaniyang ekspresyon. Mukhang hindi nila inaasahang ganito ang mangyayari ngayon. Maaga pa naman at wala rin naman akong gagawin sa aking silid kung hindi ang tumunganga kaya naman susulitin ko na ang mga oras na ako ay nasa labas. Nagsimula na akong magalakad pahakbang nang hindi ko na mahintay ang sagot ni Zeref. Wala naman silang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. Nang makapasok sa kusina ay halos magkandarapa sa paglapit at pagyuko sa akin ang mga tagaluto. Mukhang hindi nagagawi ang ibang mga reyna dito at nagulat ko sila sa aking presenya. “Ipagpatuloy ninyo ang inyong ginagawa.” “Salamat, Mahal na Reyna.” Dali dali naman silang nagsibalik uang tignan ang kanilang mga niluluto habang naglakad naman ako palapit sa Head Chef nil ana siyang naiiba ang kasuotan. Nang makalapit ako sa kaniya ay yumuko siya upang magbigay galang na tinanguan ko lamang. “Maaari ba akong magluto dito kasama ang aking Head of the Bedchamber?” “Maaari, Mahal na Reyna. Kinalulugod naming mabisita ang Royal Kitchen nang isang Reyna. Ano po ang iyong kailangan?” Iwinasiwas ko ang aking kamay at mukhang natakot naman siya sa aking ginawa. Akala niya siguro ay sasaktan ko siya ngunit nais ko lamang sabihin na wala. Napahinga ako nang malalim bago sumagot. “Wala, kaya nang gawin iyon nang aking Head of the Bedchamber. Salamat.” Tumango siya at iginiya ako sa isang gilid kung saan may espasyo pa para sa pagluluto. Lahat nang madadaanan ko ay napapatigil sa kanilang ginagawa ta napapayuko kaya naman tinatanguan at nginingitian ko sila isa isa. “Ayos lamang ba ang espasyong ito para sa iyo, Mahal na Reyna?” Iniikot ko ang aking paningin at napansin kong ito ng espasyong ito ako nagluto noong unang bisita ko rito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang maala ko ang sandalling iyon. “Maraming salamat, napakaganda nang espasyong ito. Maaari ka nang bumalik sa iyong ginagawa.” Tumango siya at ngumiti, mukhang nasiyahan siya sa aking sinabi kaya naman napakalawak nang kaniyang ngiti. Pinanood ko muna siyang bumalik sa kaniyang pwesto bagko ako naghanap nang apron upang hindi masira ang aking damit. Nagulat ako nang may iabot sa akin si Mor na kulay bughaw na may disenyong mga bulaklak na apron. “Napakaganda naman nito Mor, saan mo ito nahanap?” Wika ko at kinuha ang apron mula sa kaniyang mga kamay. Hindi ko aakalaing makakakita ako nang ganito kagandang apron sa tanang buhay ko. “Ginawa ko iyan para s aiyo, Mahal na Reyna. Sana ay magustuhan mo.” Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Siya ang nagburda nang mga bulaklak sa telang ito? Napakagaling at halos maiyak ako sa aking nalaman kaya naman napayakap ako sa kaniya. Mukhang nagulat naman siya ngunit pagkatapos nang ilang sandal ay ibinalik niya ang aking yakap. “Maaari mo bang isuot sa akin?” Napakalawak nang kaniyang pagkakangiti bago siya tumango at kinuha sa akin ang apron. Tumalikod ako at nakita kong nakatingin sa amin si Zeref. Naiwan naman ang mga gwardiya sa labas nang kusina at nakaharap sa akin ang kalahati upang manatiling nakabantay habang ang kalahati naman ay nakaharap sa kabilang direksyon. Nang matapos ay nagpasalamat ako sa kaniya at humarap sa kitchen counter. Nais kong gumawa nang cake na redvelvet. Nabasa ko ito noong kailan at hindi ko maitatangging natatakam ako dito. Napatingin ako kay Mor at sinabi ang aking balak. Noong una ay hindi niya rin alam ang aking sinasabi ngunit nang maexplain ko nang mas maayos ito ay nakuha niya rin ang ibigkong sabihin. Nagsimula na kaming gumalaw habang pinapanood naman kami ni Zeref. Sabi ko sa kaniya ay kumuha muna siya nang kaniyang upuan at maupo dahil magtatagal kami. Habang nagtratrabaho ay nagkwekwentuhan din kami ni Mor, minsan ay sinasali namin si Zeref at natuwa naman ako nang sumasabay siya sa amin. Napapatingin ang mga tagaluto dahil sa tawanan naming tatlo ngunit hinahayaan ko na lamang. Mukhang ngayon lamang sila nakakita nang reyna na tumawa at nagluluto sa kanilang kusina. Nnag magsawa si Zeref sa kakaupo ay tumayo na siya at tumulong sa amin. Napatawa naman kami ni Mor nang subukan niyang maghalo nang mga ingredients gamit at electric mixer at halos tumilapon ang lahat nang laman na iyon. Napapatawa na rin ang ibang tagaluto dahil sa aming tatlo at ngayon ko lamang nakitang masaya ang buong kusina nang dahil sa amin. Habang hinihintay maluto ang mga ginawa naming cake ay nagligpit na kami nang kalat. Gumawa kami nang tigiisa kaming cake at pumayag naman silang paghatihatian naming ito mamaya. Redvelvet cheesecake ang ginawa ko, Tiramisu naman ang ginawa ni Mor at Caramel Mocha naman ang ginawa ni Zeref. Nang matapos noon ay nilagay na naming ang mga ito sa lalagyananat inilagay sa basket upang mas madaling bitbitin. Nagpasalamat ako sa mga tagaluto at napansin kong mas relax na kanilang ekspresyon. Bitbit ang aming mgaginawa ay naglakbay na kami pabalik sa aking silid. Nasa kalagitnaan pa lamang kami nang paglalakbay ay narinig kong may tumawag sa aking pangalan kaya naman napatigil ako at ganoon din ang mga kasama ko. Pagharap ko ay napansin kong si Hiro ito kasama ang apat na guwardiya. Sa tingin ko ay pinayagan siya ni Reyna Sabrina upang dalawin ako. Ngumiti ako sa kaniya at ginantihan niya naman ito nang ngiti. “Khione, kamusta ka na?” Wika niya habang tinignan ako mula ulo hanggang paa. Mukhang sinisiguro niyang nasa maayos akong kalagayan kaya naman hinayaan ko siya at sinagot ang kaniyang tanong. “Maayos naman ako Hiro, bakit ka napadalaw?” “Ilanga raw na kasing walang pumapasok sa palasyo kaya naman nagalala ako. Mabuti naman at maayos ka.” Napatango ako sa kaniyang sinabi. Mukhang hindi ipinaalam ni reyna Sabrina ang nangyari sa akin sa labas nang palasyo. “Halika, sa silid ko tayo magusap.” Nagpatiuna na sa paglalakad ang dalawa habang magkasabay naman kami ni Hiro sa paglalakad. Sumunod na ang mga guwardiya ko at ang apat na guwardiyang nagbabantay kay Hiro. “Ano iyang dala mo?” “Ah, nagluto kasi kaming tatlo nina Zeref at Mor sa royal kitchen. Redvelvet cheesecake ito. Papatikman kita mamaya.” “Mukhang natutuwa ka sa pagtira mo rito dahil sa kusina. Masaya akong malaman na pinapayagan ka nang Reyna na gawin ang mga nais mo.” Napatango ako sa kaniya. Nang makarating kami sa aking silid ay inayos nila ang mga gamit upang makapasok ang mga guwardiya. Naglagay din sila nang mga mesa nang sa gayon ay sabay sabay kaming magsasalo salo sa mga cake na ginawa naming tatlo. Nagkaroon nang masayang salo salo sa loob nang aking silid at natutuwa naman akong makitang nageenjoy ang mga guwardiya at ladies of the bedchamber ko. Nagagalak din akong makitang nagrelax si Zeref dahil magmula noong mangyari ang insidente ay lagi na lamang siyang hindi mapakali. Nang matapos ay hinayaan ko na lamang silang magligpit dahil nagusap kami ni Hiro sa loob nang aking private chamber. Natutuwa akong makita siyang muli at mabuti na lamang mukhang nasiyahan rin siya sa maliit na pagtitipon sa aking silid. “Kailan ka babalik sa Cyore?” tanong niya nang makaupo siya sa isang sofa sa loob nang private chamber ko. Ang apat na guwardiya ay pumasok din kasama ang dalawang guwardiya ko upang masiguro ang aking kaligtasan kahit na sinabi kong ayos lamang. Kabilin bilinan pal ani Reyna Sabrina na huwag akong hayaang magisa kasama ang mga bisita kahit pa kakilala ko ito. “Hindi ko alam, koronasyon ko na sa susunod na buwan kaya magiging busy ako sa dami nang gagawin.” Napatango tango naman siya. “Ikaw ba?” “Nais ko ng bumalik sa susunod na linggo upang makita ang pinagkakaabalahan nang aking mga magulang. May natanggap akong liham mula sa aking ama, nakagawa daw siya nang bagong makina kaya naman nais ko itong makita.” “Bisitahin mo ang aking pamilya at pakikamusta mo naman sila sa akin.” “Walang problema, Khione. Ikaw pa, malakas ka sa akin.” Napatawa naman ako sa kaniyang sagot. Nagsimula siyang maglakad palapit sa kinalalagyan ko. Kaya naman hinintay ko na lamang siya at tumingin sa labas nang bintana. Napakapayapa, sana ay ganito kapayapa hanggang sa matapos ang termino ko bilang reyna. “May nais sana akong sabihin sa iyo Khione.” Nagulat ako sa kaseryosohan nang boses ni Hiro kaya naman dali dali akong napatingin sa kaniyang gawi. Nailang naman ako nang makitang ilang hakbang lamang ang pagitan namin sa isa’t isa kaya naman napahakbang ako palikod. “Ano naman iyon?” Matagal na katahimikan ang namayani at para bang kinakabahan ako habang tumatagal. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit makikita ko sa kaniayng mukha na seryoso siya sa kaniyang sasabihin. Hindi ko mapigilan ang mas lalong mailing kaya naman napatingin na lamang akong muli sa labas nang bintana habang hinihintay ang kaniyang sagot. “Gusto kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD