Hindi nagtagal ay bumalik na rin sa dati ang lahat. Halos isang araw pa ako namalagi sa aking higaan dahil pinagbawalan ako nang mga naturalist na bumangon. Sabi nila ay upang masiguro nilang nasa maayos at tamang kondisyon ako kaya naman nagbasa lamang ako sa aking higaan nang araw na iyon.
Nang sumunod na mga araw ay hindi pa ako pinayagan muli nang naturalist na pumasok sa aking mga klase dahil sa takot na may maging epekto ito sa aking katawan. Sinangayunan naman ito ni Reyna Sabrina kaya naman nakakulong lamang ako sa aking silid.
Kahit pa man hindi ako pinayagan magaral ay nakausap ko namang muli si Neon nang magkaroon ako nang oras na magisa sa aking private chamber. Wika niya ay mabuti na raw at naagapan kung hindi ay mapupunta sa kadiliman ang buong mundo. Sinabi ko namang huwag masyado siyang nagpapaniwala doon dahil ano namang ambag ko kumpara sa mga reyna na talagang dugong bughaw?
Hindi rin muna niya ako pinayagan na magensayo kahit pa ilang beses ko siyang kulitin patungkol dito. Nagtataka rin siya kung sino ang may gawa nang panlalason sa akin at hindi niya man lamang ito naramdaman. Hindi ko naman ito masagot dahil maski ako ay hindi alam at nagulat na lamang sa mga pangyayari.
“Hindi kaya sarili kong kapangyarihan ang naglason sa akin?” Wika ko kay Neon at tinignan niya lamang ako na para bang hindi siya makapaniwalang sinabi ko ang mga katagang iyon.
“Kasi nagaaral pa lamang ako sa pagkontrol nang ibang element, papaano kung ako pala ang may kagagawan noon nang hindi ko namamalayan?” Nagpaikot ikot ako sa buong silid dahil sa aking naisip habang hindi naman makapaniwalang nakatingin sa akin si Neon.
“Kung ikaw ang may kagagawan noon ay sana hindi ka mahihimlay nang matagal dahil sarili mo itong kapangyarihan. Duda ako sa iniisip mo. At isa pa, masyadong mahirap gawin ang taktika na ginawa s aiyo. Hindi mo iyon maisasaulo agada gad.” Napatango tango naman ako sa kaniyang sinabi. Ganoon pala, mukhang mahirap nga maging poisoner, hindi na ako magtataka kung bakit isang anak lamang sa isang pamilya nang mga poisoner ang naipapangak sa isang taon ayon sa mga sabi sabi.
“Nasaan ba si Zeref at magisa ka rito sa silid na ito?” Napatingin ako kay Neon nang magsimula itong maglakad papunta sa may bintana. Napansin ko namang parang mas lumaki siya kumpara sa huling kita ko sakaniya kaya naman nagtaka ako at lumapit sa kaniyang gawi.
“Sabi niya ay may aasikasuhin siya. Si Mor naman ay ipinaguto ako sa kusina kaya magisa ko lamang ngayon.” Nang makalapit ako ay hinawak ko ang kaniyang balbon, hindi pa rin maikukumpara ang sobrang puti niyang balahibo. Napakaganda nitong tignan.
“Neon, bakit pakiramdam ko ay lumaki ka?” Matagal na katahimikan ang namayani sa amin. Hindi ko alam kung tama ba ang aking naging tanong kaya naman tumahimik na lamang ako at handa na sanang ibahin ang aming pinaguusapan ngunit nagulat ako nang sumagot siya.
“Habang tumatagal ay bumabalik ang aking mga kakayahan na matagal nang natutulog. Pagkaraan nang ilang dekada ay ngayon lamang muli ako nagkaroon nang amo.” Tinitigan ko lamang siya at totoo ngang mas lumaki na siya ngayon. Kapag nakaupo siya ay halos nasa dibdib ko na ang kaniyang tangkad.
“Dahil nakakonekta ako sa iyo, isang parte nang aking lakas ay manggagaling sa iyong kapangyarihan ibig sabihin kung gaano ka kalakas ay ganoon ako kalaki. Isa akong simbolo nang iyong kapangyarihan. At dahil unti unti mo nang nakokontrol ang mga element ay unti unti ring bumabalik ang aking lakas.”
Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Ibig sabihin ba noon ay lalaki pa siya sa lagay na iyan? Apat na elemento pa lamang ang aking nakokontrol at mayroon pa akong walong elemento ibig sabihin ba noon ay dodoble pa ang kaniyang laki? Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniyang muli.
“Edi magiging higante ka na sa laki?” WIka ko habang nakaturo pa sa kaniya at hindi makapaniwala sa aking nalaman. Nakita ko namang umikot ang kaniyang mata at naglakad siya pabalik sa gitnang bahagi nang silid. “Hoy Neon, totoo nga? Dodoble pa ang iyong laki?”
Hindi niya ako pinansin at sa halip ay humiga siya sa may rug at natulog. Napangiwi ako dahil sa kaniyang ginawa at napailing. Mukhang ayaw niyang pinapansin ang kaniyang itsura. Tinahak ko na lamang ang daan papunta sa aking mesa at nagbasa.
Sinubukan ko ring buksan ang aking kapangyarihan at napangiti ako nang hindi na ako nahirapan sa paghila nito. Hinayaan ko lamang ang aking kapangyaraihan habang ako ay nagbabasa, mas mainam na ito nang sa gayon ay hindi ako madaling mapagod kapag nakikipaglaban gamit ang kapangyarihan.
Bukas ay babalik na ako sa aking klase kaya naman hindi ako makapaghintay na muling makagamit nang kapangyarihan at makalibot sa palasyo. Masyado akong naburyo sa ilang araw kong pagkulong dito sa loob nang aking silid. Kaya naman nang sabihin ni Mor na kailangan nang matulog ay dali dali akong nahiga sa aking kama at pumikit.
K I N A B U K A S A N
Suot ang kulay bughaw na may mga disenyong dyamante na damit ay hindi ko maiwasan ang mapangiti nang malaki dahil sa wakas ay makakalabas na ako sa aking silid pagkatapos nang ilang araw. Hindi ko maiwasang mamangha sa paraan nang pagaayos sa akin ni Mor dahil lahat nang ipinasusuot at pinaglalagay niya sa aking mukha ay bagay sa akin.
“Tara na Mor.” Masayang bigkas ko habang nakatingin pa rin sa salamin at pinapanood si Mor na ayusin ang aking suot mula sa likod. “Opo Mahal na Reyna, kaunti na lamang.”
Pagkalabas sa silid ay hinanap nang aking mga mata si Zeref, kahit kailan ay hindi siya nawala sa aking tabi ngunit ngayon ay hindi ko siuya mahanap. Inilibot ko ang oaningin sa lahat nang guwardiya sa labas nang aking kwarto at napansing mas dumoble pa ang dami nila kumpara dati. “Nasaan si Zeref?”
“Nauna na po Mahal na Reyna, sabi niya ay kailangan niyang masigurong ligtas ang kwartong paggaganapan nang iyong klase kaya naman nagpatiuna na siya.” Napailing na lamang ako dahil sa pagiging masinop at strikto niya. Siguro ay ayaw niya lamang talagang maulit ang nangyari kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang ginagawa.
Nagsimula na kaming maglakabay patungo sa aking unang klase kay Sir Clifford nag wala si Zeref sa aking gilid. Napabuntong hininga ako nang maramdaman kong kulang ang presensya sa buong paglalakbay. Pagkarating sa silid ay nakita ko si Zeref na nakatayo sa harapan nang pintuan at hindi naman maiwasan ang hindi mapangiti nang makita siya.
Yumuko siya sa aking gawi bago ako pinagbuksan nang pintuan. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at tumuloy. Napahinga ako nang malalim nang maamoy ang mga libro mula sa silid-aklatan at makita si Sir Cliff na nakaupo sa isang mga upuan roon.
“Mahal na Reyna, kamusta ang iyong pakiramdam?” Mabilis na naglakad palapit sa aking gawi si Sir Cliff nang mapansin niya ang aking pagdating at yumuko upang magbigay galang. Ginaya ko ang kaniyang ginawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga taong yumuyuko sa akin.
“Mabuti Sir Cliff, hand ana akong magaral ngayong araw.” Napatngo naman siya bago ako ginaya sa aking upuan. Madalas ay puro pulitika ang aming pinaguusapan. Wika niya ay ako ang magiging sentro nang politika kapag ako na ang nakaupo sa trono kaya naman mainam nang doon kami magpokus sa ngayon.
Noong una ay halos wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil baguhan lamang ako sa larangang iyon. Nang tumagal ay nakita ko ang kagandahan nang politika pati na rin ang kasamaan nito. Hindi lahat nang reyna ay may naipatupad na batas, may iba ring nagpatupad nang masamang batas kaya naman nais kong pagaralan ang lahat nang sa gayon ay hindi makakasira ang aking mga desisyon para sa bayan.
Nang matapoos ang aking klase kay Sir Clliff ay dumako naman kami agad kay Madam Selvia. Habang tumatagal ay mas nagiging kabisado ko na ang pasikot sikot sa palasyo kaya naman hindi na ako mawawala kapag magisa ko lamang nagliot dito. Tulad nang mga nakaraang klase naming kay Madam Selvia ay nagayos lamang kami ngayon nang mga bulaklak sa isang paso.
Nakakarelax ito dahil mabango na ang mga bulaklak ay hindi pa ganoon kahirap gawin. Hindi katulad nang mga una naming lesson kung saan pinakabisado niya sa akin ang lahat ng uri at sukat nang mga kutsara, plato, tasa, tinidor at pati na rin ang mga baso. Halos sumakit ang aking ulo dahil magkakamukha naman ang mga iyon ngunit magkakaiba ang pangalan. Mabuti na lamang at hindi natuloy ang monthly assessment ko noong kailan kung hindi ay baka sumabog na aking utak.
“I think the biggest flower should be on the center.” Wika ko at iniaayos muli ang mga bulaklak upang magawa ang nais ko. Napansin ko namang nakatingin sa akin si Madam Selvia kaya naman napatigil ako sa pagpulot nang isang dahon at tumingin lamang din sa kaniya. “Is there something wrong Madam Selvia?”
Nagulat naman ako nang may tumulong luha mula sa kaniyang mata kaya naman nabitawan ko ang hawak kong dahon at kinuha ang aking panyo mula sa bulsa nang aking dress at dali dali itong binigay sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang balikat at inalalayan siya upang maupo. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya kaya naman tinawag ko si Mor at dali dali naman siyang kumuha nang tubig at ibinigay sa aking maestra.
“I am sorry Your Majesty. I was just overwhelmed seeing how far you have gotten after being chosen as the next queen. I saw how hard you have tried to fit in and I am totally proud to see you right now.”
Napaluha naman ako sa kaniyang sinabi dahil ngayon lamang may nagsabi sa akin nang ganitong bagay. Inabutan naman ako ni Morn ang panyo at nang mapatingin ako sa kaniya ay napansin kong namumula rin ang kaniyang mukha. Napangiti ako dahil doon at yinakap siya.
“Thank you, Madam Selvia, without you I would not have been able to reach this place. I am glad to meet you and be able to learn from you.”
“It is such an honor, Your Majesty. I would always be happy to teach you from my own knowledge and experience.”
Nagngitian kami at maya maya lamang ay nagtawanan dahil sa aming mga pinaggagawa. Bumalik na kami sa aming pagaaral at gumaan naman ang aking pakiramdama dahil may taong natutuwa sa mga ginawa ko nitong mga nakaraang buwan. Hindi man ako perpektong reyna na galing sa makapangyarihang pamilya, ginagawa ko naman ang lahat nang aking makakaya upang magawa ko nang tama ang lahat nang iniatang sa akin.