CHAPTER 40

1704 Words
“Reyna Khione.” Nagising ako dahil sa malakas na yugyog sa akin ni Zeref. Habol habol ko ang aking hininga at pakiramdam ko ay sobrang init ko. Kinapa ko ang aking sarili nang maalala ko ang aking panaginip at nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang buo pa ang aking katawan at hindi mahapdi ang aking balat. “Okay ka lang ba Mahal na Reyna?” Napatingin ako kay Zeref dahil sa kaniyang tanong. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang aking panaginip o hindi na lamang dahil panaginip lang naman iyon. Sa huli ay ngumiti na lamang ako at umiling. “Panaginip lamang iyon Zeref, wala ka dapat na ipagalala.” Tumango naman siya sa aking sinabi at binigyan ako nang isang bason ang tubig. Dali dali ko naman itong ininom dhail pakiramdam ko ay napagod ako sa pagtakbo. Nang maging maayos ang aking paghinga ay doon ko lamang napansin ang mga bagay na nasa kama ko. May mga halaman na hindi ko mawari ang nakasabit sa itaas nang kama at nakapalibot ito. “Anong mayroon?” Napatigil naman si Mor dahil sa aking tanong at lumapit sa akin. Inayos niya ang aking kumot at tsaka ako pinainom nang isang gamot. Wala itong lasa ngunit alam kong gamot ito base sa kulay niya. “Nilagay iyan nang mga naturalist Mahal na Reyna. Makakatulong ang ito upang mas mapabilis ang iyong panggaling.” Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Mukhang malubha nga ang aking kalagayan upang bantayan ako nang ganito kahigpit. “Kamusta ang iyong pakiramdam, Mahal na Reyna?” Wika nang Head Healer habang inaayos ang ibang mga halaman na nakapalibot sa akin. Ngumiti naman a ko sa akniya at yumuko bilang pagbati. “Maayos naman po ako. Kailan po ako pwedeng lumabas nang silid na ito?” “Pasensya na Mahal na Reyna, ngunit kabilin bilinan ni Reyna Sabrina na hindi ka papapalabasin hanggat hindi niya sinasabi.” Bumuntong hininga na lamang ako tsaka tumango. Alam kong sumusunod lamang sila s autos kaya naman hindi ko sila dapat sisihin. “Mor pwede mo ba akong dalhan nang libro na pwede kong basahin?” “Sige po Mahal na Reyna.” Nginitian ko siya kaya naman nakangiti siyang yumuko bago umalis sa aking silid. Bumuntong hininga ako dahil sa walang pwedeng gawin. Dapat ay nagsasanay na ako ngayon o di kaya naman ay inaayos ang aking koronasyon. Napasinghap ako nang may maalala at dali dali namang lumapit si Zeref mula sa may pinto. “Ano iyon Mahal na Reyna?” “Ang monthly assessment ko, kailan na iyon magaganap?” Narinig ko naman ang malalim na hininga ni Zeref na para bang nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang aking sinabi. “Balita ko ay hindi na mangyayari ang ikalawang monthly assessment mo Mahal na Reyna. Sa pangatlong monthly assessment nalang magaganap ang lahat.” Napatango naman ako sa kaniyang sinabi. Ibig sabihin nito ay mas mahirap na ang ipapagawa nila sa akin. Kailangan kong magaral nang mabuti at magensayo nang sa gayon ay hindi ako pumalpak. Pagkaraan nang ilang sandali ay bumalik na si Mor dala ang ilang mga libro mula sa aking private chamber. Napangiti naman ako nang makuha niya ang mga librong gusto kong aralin. Tinulungan naman ako ni Zeref na maupo nang maayos at naglatag siya nang maliit na mesa sa ibabaw nang aking kama nang sa gayon ay may paglagyan ang mga librong pinakuha ko. Buong maghapon lamang akong nagbasa at nagaral nang mga dapat kong aralin sa mga klase ko kay Sir Clifford, Madam Selvia, at nagbasa basa rin ako nang libro patungkol sa pagkontrol nang kapangyarihan na binigay sa akin ni Zeref. Tumitigil lamang ako kapag kakain o di kaya naman ay magsasagawa sila nang kung ano anong ritwal upang mas mapabilis ang aking paggaling. Binisita rin ako ni Reyna Sabrina at Deity Naruu nang mga ilang beses nayong araw at ang sabi niya ay bibisitahin niya ulit ako ngayong gabi kaya naman kahit inaantok na ako ay sinusubukan ko pa ring magising. “Reyna Khione, kung inaantok na po kayo ay pwede na po kayong matulog. Kami na lamang po ang kakausap sa Mahal na Reyna Sabrina.” Napatingin naman ako kay Mor dahil sa kaniyang sinabi. Napaupo ako nang maayos nang mapansing naiidlip na ako sa aking pwesto. Iabutan naman ako ni Zeref nang isang basong tubig at buong puso ko naman itong tinanggap at ininom upang kahit papaano ay mahimasmasan ako. “Ayos lamang ako Mor, nais ko ring marinig ang saasbihin ni Reyna Sabrina kaya naman gusto kong magising hanggang sa makarating sila ni Deity Naruu.” “Sige po Mahal na Reyna.” Nginitian ko na lamang si Mor dahil halata sa kaniyang mukha ang pagaala. Pakiramdam ko naman ay ngayon na sasabihin ni Reyna Sabrina ang nangyari kaya naman balak ko talaga siyang hintayin. Napatingin ako kay Zeref at sinenyasan itong lumapit sa akin. Pagkalapit niya ay pasimple kong kinuha ang baso at muling inabot sa kaniya at tsaka bumulong. “May alam ba si Neon sa nangyari?” Hinintay ko pa siyang tumayo nang tuwid at Salinan muli nang tubig ang baso. Pagkabigay niya sa akin ay ininuman ko itong muli kahit na hindi naman ako nauuhaw at hinintay ang kaniyang sagot. “Ikaw lang ang mya kakayahang magtawag sa kaniya kaya sa tingin ko ay wala siyang balita mula sayo magmula nang araw na iyon.” Napabuntong hininga ako dahil sa aking nalaman. Mukhang pat isa aking magiging alaga ay kailangan kong magpaliwanag nang mga pangyayaring maski ako ay hindi ko matandaan. Napatango na lamang ako at muling ibinalik sa akniya ang baso, sa pagkakataong ito ay tumayo na si Zeref sa gilid nang aking kama at pinagpatuloy ang kaniyang pagbabantay. Makalipas ang ilang sandali ay sabay sabay kaming napatingin sa pintuan nang bigla bigla na lamang itong bumukas at pumasok ang Imperial Guard ni Reyna Sabrina habang siya ang sumunod kasabay ni Deity Naruu. Napayuko naman kaming mga nasa loob upang magbigay galang. Pinanood kong lumapit sa akin si Reyna Sabrina kasama si Deity Naruu at humakbang naman pagilid si Mor upang magbigay nang espasyo. Tinignan ako nang maigi nang reyna na para bang sinisiguro niyang nasa maayos na akong kalagayan kaya naman nginitian ko siya upang mabawasan ang kaniyang pagaalala. “How are you Queen Khione?” “I’m perfectly fine, Queen Sabrina. I think I should be able to continue my lessons tomorrow.” Ngiting sagot ko dahil sa totoo lamang ay hindi na muling kumirot ang aking ulo kahit pa maghapon na akong nagbasa at nagaral kaya naman sa tingin ko ay maayos na ang aking kalagayan. Napatango naman si Reyna Sabrina at bumaling sa dalawang naturalist na siyang nagasikaso sa aking paggaling. “Are there any more complications?” “Aside from the worm, we found nothing Your Majesty. I think they just want to weaken the queen in order to prolong the coronation and change the queen.” “I see, well, thank you Head Healer. You may now rest and come back again tomorrow for some follow ups.” “Thank you, Your Majesty.” Yumuko sila kay Reyna Sabrina bago sila tumingin sa aking gawi at yumuko rin. Ginaya ko naman ang kanilang ginawa upang maipakita ang aking respeto. Pagkatapos nilang lumabas ay lumapit sa akin si Reyna Sabrina at tinitigan niya lamang ako. Kinabahan ako sa kaniyang mga tingin kaya naman sa tingin ko ay hindi maganda ang kaniyang sasabihin. Napatikhim ako dahil sa kaba at maya maya lamang ay narinig ko na ang matagal ko nang hinihintay na sagot mula sa kanila. “You were poisoned dear khione.” Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Sino naman kaya ang magtatangka nang buhay dito sa loob nang palasyo? Alam kong hindi nila ako gusto ngunit hindi ko alam na kaya nila akong patayin para lamang maiba ang susunod na reyna. Hindi ko alam kung anong mararamdaman at kung ano ang aking sasabihin kaya naman napayuko ako at tumahimik na lamang. Hindi pa rin ako makapaniwawala sa aking narinig. “We still don’t know who, but we are doing everything we can to find out. For now, you are forbidden to accept anything from anyone.” Napatango na lamang ako sa gusto ni Reyna Sabrina. Alam ko namang ginagawa lamang nila ang sa tingin nila ay mas makakabuti sa akin. “Can Hiro visit me Your Majesty?” Matagal na katahimikan pa ang namayani na para bang kinokonsidera niya ang isasagot niya sa akin. Nais ko lamang ipaalam kay Hiro ang mga nangyari dahil kahit papaano ay sabay kaming lumai at isa siya sa mga taong handing tumulong sa akin. Nakita kong tumango si Reyna Sabrina at nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “But he will be accompanied by guards throughout the palace. I can no longer risk you getting hurt now that your coronation is days away.” “I understand Your Majesty.” “You were with Mor, Zeref and Eva when the poisoning happened. Did you remember anything suspicious?” Napaisip ako sa kaniyang sinabi at bumalik sa aking isip ang nangyari noong araw na iyon. Normal na nagngingitian at nagaasaran kaming tatlo nina Mor at Eva kaya naman napailing na lamang ako sa tanong ni Reyna Sabrina. “That means the enemy is in disguise. He could be anywhere and anyone.” Napatingin ako kay Deity Naruu nang magsalita siya. Ngayon ko lamang siyang muling narinig magmula nang pumasok siya sa kwarto. Seryoso ang kaniyang ekspresyon at nakakatakot ito. Makikita mo talaga ang isang bagsik nang diyos na ilang taon nang nabubuhay sa mundong ibabaw. Napabuntong hininga naman si Reyna Sabrina at napatingin kay Zeref bago muling tumingin sa akin. “Time to rest dear Khione. We’ll resolve this matter tomorrow; you don’t have to worry about anything and just focus on your coronation.” “Yes, Your Majesty.” Pinanood ko silang umalis sa aking kwarto bago ako tinulungan nina Mor at Zeref na mahiga sa aking kama. Wala naman akong ginawa ngayong araw ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa lahat nang nalaman ko. Kailan ba mawawalan nang problema ang aking buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD