Pagbukas ko nang pinto ay halos masilaw ako dahil sa kakaibang liwanag na nagmumula dito. Pagbukas nang aking mga mata ay na[ansin kong hindi normal ang silid na pinasukan ko. May nakikita akong mga bundo sa hindi kalayuan, maraming mga punong halos iba’t iba ang kulay nang mga dahon at prutas, at may isang ilog sa isang banda. Pagtingin ko kanan ko ay nakita ko ang isang bahay na may tatlong palapag ang taas. Gawa ito sa kahoy ngunit mapapansin mong napakaganda nang materyales nito hindi katulad nang mga nakikita ko sa Auxthen. May hardin to sa harapan at maraming bulaklak ang nakatanim dito. Napangiti ako at nagsimulang maglakad palapit sa bahay. Napansin kong may mga taong naglilinis sa mga balkonahe nang bahay at may nagdidilig naman sa mga bulaklak sa may hardin. Ngunit napansin k

