Episode 3 - Confused As Hell

1176 Words
Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay sa baba. Mga nagtatawanan na mga babae at naghahagighikan. Mga parang kinikilig. Psh. Ano kayang pinag-uusapan nila tuwing sila-sila lang? Tama ba ang sabi nila na mga lalaki ang pinag-uusapan ng mga babae kapag sila-sila lang? Teka, bakit ko ba yan pinoproblema? Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili kasi hindi pa pala ako nakakapagpalit ng pambahay mula kanina. Naka-uniform pa ako. Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na. 6:30 na pala ng gabi. Mahigit 4 na oras din pala akong nakatulog. Nagtext pa si Kiel. Nagtatanong kung bakit hindi ako pumasok. Sinabi ko na lang na sumakit ang ulo ko. Nagreply naman siya agad. 'Pati ba tuhod mo, masakit?' Nag-type na lang ako ng 'oo'. Paniguradong mangungulit na naman yun eh. Wala pa naman ako sa mood. Muntik ko pang mabato ang phone ko ng mabasa ko ang reply niya. 'Naku, baka sexbomb ka na. Spaghetting pababa, pababa nang pababa. Lol. Haha.' Di na ako nagreply at siguradong mumurahin ko lang naman siya. Saka na lang pag nagkita kami para ramdam niyang kagaguhan niya. Kasi konti na lang talaga, kakalimutan ko nang kaibigan ko siya. Nagugutom na ako kaya bumaba na ako para kumain. Habang pababa ako, lalong lumalakas ang tawanan at kwentuhan ng mga babaeng naririnig ko mula kanina pa. Hindi ko pa maintindihan ang mga sinasabi nila eh. Masyado silang busy sa pagtawa. "Ay iho. Nandiyan ka pala?" Bati saakin ni lola. "Uh. Opo. Nakatulog po ako eh. Ano po bang pagkain?" "Tss. Napakatamad mo talaga! Kung kanina ka pa kasi bumaba, eh di sana, nadagdagan ni Elle ang niluto niyang pancake. Ang sarap pa naman. Akala kasi namin, umalis ka." Napakamot na lang ako sa ulo ko at dumiretso sa ref para maghanap ng pwedeng kainin. Hindi ko sila tinitingnan kasi magugutom lang ako lalo. Naaamoy ko pa kasi yung kinain nila. Saka, sino ba yung Elle na yun? "Ate, si--IKAW NA NAMAN?" Napasigaw talaga ako sa gulat. Elle? Si Artemis lang naman ito. Ang babaeng laging laman ng isip ko these past few weeks. "Wag mo nga siyang sigawan! Bisita ko siya." Pagsusungit sa akin ni Ate Sandra. Nararamdaman ko ang dahan-dahang panlalambot ng katawan ko habang tinitingnan ng mabuti ang mukha niya. Naririnig ko na rin ang lakas ng t***k ng puso ko na parang nasa tenga ko ang puso ko. Wala akong ibang marinig kundi ang t***k lamang ng puso ko. "Ah. Hello. *smiles* Ito na lang kainin mo oh. Malinis naman yan. Sorry. Hindi ko kasi alam na natutulog ka lang pala." Hindi ko namalayan kung paano ako napaupo sa tabi ng lola ko. Sa harapan niya mismo. Hindi ko alam. Masyadong okupado ang utak ko ngayong nakita ko na siya sa malapitan. Parang nawala ang lahat ng galit ko. Sa halip, marami akong gustong itanong sa kanya. Pero bakit nga naman ako magtatanong ng 'bakit hindi mo ako pinapansin?' at 'bakit mo sinagot ang ugok na yun?'. Magtatanong din siya at hindi ko alam kung paano ako sasagot. "Nako apo. Sumagot ka naman kapag tinatanong ka." Napalingon ako kay lola. "A-ano po yun?" "Ang sabi ni lola, bakit maaga ang uwi mo ngayon." Napabaling naman ako kay ate na katabi si Artemis. Gusto ko sanang sabihin na 'nawalan po ako ng gana kasi nakita ko yang babaeng yan na may kalandiang lalaki sa daan.' Pero umiling na lang ako at tumingin sa plato sa tapat ko. Tatlong piraso ng pancake. Di kaya I love you meaning nito? Marami siyang ulterior motive sa mga binibigay niya sa akin noon eh. Kaya posibleng meron din itong ibig sabihin. Psh. Bakit ako yata ang assuming ngayon? Kinain ko na lang kesa mamatay ako sa gutom. Sila naman, patuloy lang sa pagkukwentuhan. "Oy. Patuloy mo na yung kwento mo." Sabi ni Ate Sandra kay Artemis. "Ay oo nga. Pagkatapos nung performance ko, ayun, palakpakan sila. Grabe! Hindi ko nga po ini-expect na matutuwa sila sa ginawa ko. Eh impromptu lang nga yun. Tapos, tawa nga po ako ng tawa kasi ang lakas pumalakpak ni Rence! Parang siya yung tatay ko. Hahaha." "Ang sweet naman ng boyfriend mo.Nakakakilig!" Sabi ni Ate Sandra na kumikinang pa ang mata sa kilig. Parang walang boyfriend kung kiligin ah. "Boypren? Akala ko ba eh future granddaughter-in-law kita? Diba ikaw ang nagsabi sa akin noon niyan. Nung niyakap mo ko kasama ng mga kaibigan mo." Pagkarining ko nun, bigla akong nabilaukan at umubo ng sunud-sunod. Nakapasok yata sa ilong ko ang pancake. Shet. "Ay ano ka ba namang bata ka!" Sabi ni lola habang hinahaplos ang likod ko. "Magdahan-dahan ka sa pagkain! Nakakahiya sa bisita natin." Dagdag pa niya. Anong sinasabi ni lola na granddaughter-in-law? Napatingin ako kay Artemis na ngayon ay napapailing sa nakikita niya. "Hehe. Lola talaga. Matagal na po yun! Bata pa po ako nung sinabi ko yun. Kumbaga, nasa kasagsagan ng kahibangan. Eh, iba na naman po ngayon eh. Matino na po ako. Kalalabas ko lang nga po kahapon sa mental institution eh. Hihihi." Nagtawanan silang tatlo kaya napakunot ang noo ko. Then realization hit me. "Teka. Ibig sabihin, ikaw yung dahilan kung bakit kami pinapaamin ni lola noon kung sino na ang mag-aasawa saamin ni Kuya Alex?!" "Ha? Ng-ngayon mo lang nalaman?" Tapos tumingin siya kay Ate Sandra na parang nagtatanong kung bakit wala akong alam. "Hahaha. Yaan mo na nga yang si Cloud. Lagi talaga siyang walang alam. Isa pa, tapos na yon." Sabi ng ate Sandra. Narinig kong tumawa si Artemis at tumingin sa akin na parang nahihiya. "Pasensya na. Napagkatuwaan kasi namin ng mga kaibigan ko na sundan ka noon. Kaso, nahuli kami ni lola kaya ayun, niyakap ko na lang siya at nagsabi ng kung anu-ano sa gulat ko. Hahaha. Nagsorry na rin ako kasi natapakan pa namin yung ilan sa mga alagang pananim ni lola dahil sa kabaliwan namin noon." Kaswal niyang paliwanag. Lalong kumunot ang noo ko. Bakit parang wala lang sa kanya kung i-kwento niya ang mga ito? Na para bang nagkukwento lang siya sa diary niya? Hindi niya ba naisip na awkward ang sitwasyon namin ngayon? ~ ...At sigurado ako na sa susunod na magkita tayo, masasabi ko sayo na nakalimutan na kita... ~ Napayuko ako ng maalala ko ang isa sa mga huli niyang sinabi saakin. Siguro nga nakalimutan na niya ako. Siguro nga, itinigil na niya ang pagmamahal niya para saakin tulad ng sinabi niya noong graduation nila. Pero, hindi naman dapat ako maapektuhan! God knows how much I love Julia and not this creepy, stalker girl in front of me. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng panahon ang babaeng ito? Bigla akong tumayo saka naglakad papunta sa kwarto. Ni hindi man lang nila ako tinanong kung bakit ako tumayo. Psh. Mukhang close na sila, ah. Ako yata ang sampid sa bahay na to. Pumasok ulit ako sa kwarto. Nahiga ako sa kama sabay takip ng unan sa mukha ko. Nanggigigil ako kaya hindi ko napigilan ang mapasigaw. "Argh! Damn that face! Bakit ba lagi kang napasok sa isip ko!!!!?" --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD