Episode 2 - Meeting Again

1167 Words
Nakita ko siyang naglalakad papunta sa pwesto ko kaya tumigil ako sa paglalakad. Nakangiti pa rin siya sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Hanggang ngayon pa rin ba eh sinusundan mo ako? Tss." "Hi, Cloud my loves! Missed me?" "Ay sorry po." Nasagi niya ang balikat ko at nagsorry siya sa akin ng hindi man lang ako binigyan ng kahit konting pagtingin. Nagising ako sa daydream ko. Hindi ko pala nasabi yun. Sa likod ko pala siya nakatingin. Sa lalaking kayakap niya ngayon. Sa lalaking kinaiinisan ko kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin dahil hindi ko naman siya kilala at ngayon ko lang siya nakita. Ano bang ginagawa ko dito? Bakit ko ba pinagmumukhang tanga ang sarili ko? Kaya minabuti kong bumalik na lang ako sa classroom at hinanap ang binder na naiwan ko dito para isalba ang napahiya kong mukha sa aking sarili. [Breakeven by The Script is continuously playing] ~ I'm still alive but I'm barely breathing Just prayed to a God that I don't believe in ~ Shit. Bakit ko ba dinadamdam yun? Mabuti nga na hindi niya ako mapansin, eh. Salamat naman dahil wala ng creepy stalker na nakikialam sa buhay ko. Hah! Mukha niya. As if hindi ko to gusto. Pwes, wala akong pakialam sa kanila!  Bumalik ako sa kung saan ako umupo kanina. Agad ko namang nahanap ang binder ko kaya sinigurado ko muna na wala akong naiwan bago ako naglakad palabas. Tumingin ulit ako sa kinaroroonan nila kanina. Masaya silang magkahawak-kamay. Dinaanan niya lang nga ako kanina na parang hindi niya ako kilala. Malayong malayo sa kung paano niya ako dati. Isang taon lang ang nakalipas, ganon niya ba ako kabilis na makalimutan para daanan niya lang at hindi pansinin tulad ng ginawa niya kanina? Wow. Ibig bang sabihin, eh hindi naman pala ganon kalalim ang nararamdaman niya sa akin di gaya ng palagi niyang sinasabi sa akin noon? Sinungaling! Isa siyang malaking sinungaling! Gusto kong sumigaw sa inis! Kahit hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Sa sarili ko ba o dahil sa kanina pa may kumakanta sa paligid na parang nang-aasar! Teka, sino ba yang peste na yan na kanina pa kumakanta!? "Uy bro. Nandyan ka na pala." Kumakaway na bati sa akin ni Kiel ng magtama ang paningin namin. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan ng room namin habang may pasak na earphones sa tenga niya. "Ouch! Bakit ba!?" Reklamo niya pagkatapos ko siyang batukan pagkalapit ko sa kanya. "Wala, ang gago mo kasi. Ang pangit pa ng boses mo!" Sabi ko tapos nilayasan ko na siya doon. "Oy teka lang! Bakit ka ba nagagalit? Kumakanta lang naman ako ah. Teka nga muna. Nakita mo ba si Artemis? Yiiieeee. Ang ganda na niya ah. Kaya lang mukhang taken na siya, eh." Bumuntung-hininga siya saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Sayang. Ang ganda pa naman niya." Napatigil ako sa mga sinasabi niya. Tss. Pilit ko ngang tinatanggal sa isip ko yang tanawin na nakita ko kanina, tapos ito naman, pinapaalala pa. "Tumigil ka nga. Sipain kita diyan eh."  "Hoy, Meron ka bang dalaw? Kanina ka pa badtrip, ah. Wala naman akong ginagawa sayo! Pektusan kita diyan, eh. Nagkukwento lang ako kasi naman, matagal mo ring naging stalker yun eh. Tss. Kung ako kasi sayo noon, sinagot ko na yun! Hahaha. Ganda nga ng pakilala niya sakin eh. Hayyy. Naalala ko na naman tuloy." Sabi ni Kiel na mukhang nananaginip nang gising. Lumingon ako sa kanya. Nauuna kasi akong maglakad sa kanya eh. "Ano kamo? Nagkausap kayo?" "O kita mo na! Kanina lang, galit ka tapos ngayon, tanong ka ng tanong. Tsk. Tsk." "Sasagot ka o di kita ililibre mamaya?" Ngumisi siya saakin na mas lalo kong ikina-asar. "Mamaya lang?" I sighed as I tried to control myself. Baka maihagis ko tong mokong na to sa sahig. "Isang linggo. Okay na, patay gutom?" Pumalakpak siya sa saya. "Deal! Eto na. Kasi kanina, nung papunta ako dito, nadaanan ko sila. Pero hindi ko naman siya nakita kasi medyo nakayuko ako saka nakikinig ako ng music. Tapos kinalabit niya ako. Ayun, nagkamustahan kaming konti, pinakilala niya ako sa boyfriend niya. Gwapo din ah." "Tss. Sabi ko na nga ba. Bakla ka talaga eh. Bakit pa ba kita tinatanong? Tsk." Sabi ko saka nilayasan siya. "Hoy, saan ka pupunta? Ililibre mo pa ako! Sinungaling ang gago." Rinig kong sigaw niya bago ako tuluyang nakalayo sa kinatatayuan namin kanina. Naiinis ako. Ewan ko kung bakit. Basta naiinis ako. Mas gwapo pa nga ako sa tarantadong yun eh! Naiinis ako sa mukha nilang dalawa kanina. Ang sarap bangasan ng ungas na yun ng mawala ang ngiti niya sa mukha niya. Ang sarap hatakin nung babaeng yun paalis sa mga bisig nung gagong yun. Argh!!! Bakit hindi niya ako pinansin kanina? Bakit si Kiel lang ang kilala niya? Imposible naman na hindi niya ako kilala diba? Argh! Bakit ko ba yan pinoproblema? Tangina. Nababaliw na yata ako. Nawalan na ako ng gana na pumasok pa sa sunod kong klase kaya umuwi na lang ako. Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Ate Sandra na nagtetext. "Oh. Bakit ang aga mo yata? Hapon pa lang ah. Dapat mamaya ka pang 7." "Tinamad ako eh." Simpleng sagot ko na lang sa kanya saka ako umakyat sa hagdan papuntang kwarto ko. "Aba, cutting classes ka agad!? Di pa nga nangangalahati ang sem ah." Sabi nya saakin pero di ko siya pinansin. Alam kong may idudugtong pa siya kaso nagring ang phong niya. Kaya iwinagayway niya na lang ang kamay niya para paalisin ako sa harap niya. "Hello. Hihihi. Oo nga eh. Sayang talaga. Hahaha. Oo. Nandito na si Cloud eh." Napatigil ako sa paglalakad ko nang marinig ko ang pangalan ko at lihim na nakinig. Sino kaya ang kausap niya at pati ako ay nasali? "Baka magkita kayo tapos magfreak-out na naman yun kasi pinapunta kita dito. Hahaha. Ok Sige. Babush." Binaba niya na ang phone niya at tumingin sa akin. "Oh? Akala ko ba kanina ka pa umakyat? Anyways, aalis ako ah. May susunduin lang ako. Sandali lang naman. Bye!" "T-teka!!" Di ko na natanong kung sino ang kausap niya kasi bigla na lang siyang umalis. Sobrang nagmamadali. Sino ba ang kikitain nun at mukhang napakaimportante naman? Tsk. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-akyat ko at dumiretso na sa kwarto ko. Pagkahiga ko, pinikit ko na lang ang mata ko. ~ Cloud! I love you! Please give me a chance! ~ ~ I love you, Cloud! ~ ~ I love you, goodbye. Please be happy, Cloud. For me. ~ Agad akong nagmulat ng mata. Why am I even thinking of that girl again? Wala lang naman saakin ang lahat ng nangyari saamin eh. Tss. Wala lang nga ba? Argh! Bakit ko ba kasi yun iniisip? Eh may girlfriend akong tao! Kainis ka talaga Artemis! Hanggang ngayon, ginugulo mo pa rin ang mundo kong nananahimik! Pero ang tanong ko sa aking sarili na hindi ko masagot sagot. Kay Artemis ba dapat ako mainis o sa sarili ko? --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD